Home / Romance / My Best Friend's Baby / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of My Best Friend's Baby: Chapter 21 - Chapter 30

121 Chapters

Kabanata 21

FRED POVKanina pa ako nagtitimpi. Kanina pa nagpipigil. Ang pinakaayaw ko ay iyong pinaghihintay ako. Insaktong alas-otso ako nagpunta sa bahay nila, hindi pa pala sila handa. Tama siya, galit nga ako. Sino ba ang hindi magagalit? Pinaghintay na nga niya ako kanina. Nasaksihan ko pa maagang landian nila ng nobyo niyang kalbo. Ngayon ay uutasan niya pa ako? Nanliit ang mga mata niya na ngayon ay walang kurap na nakipagtitigan sa akin. Kung anong talim ng tingin ko ay 'yon din ang nakikita ko sa mga mata niya. "Bitiwan mo ako Fred!" utos na naman niya. Napangisi ako. "Ayos ka rin, Gwin. Matapos ng mga sinabi mo kahapon, ngayon ay aasta kang parang walang nangyari. Kikilos ka ng normal, at uutusan mo pa ako ng basta-basta na lang gaya ng dati—""Sira-ulo ka ba, Fred?" gigil, ngunit pabulong niyang putol sa pagsasalita ko. "Matindi pa ako sa sira-ulo, Gwin. Para sabihin ko sayo, hindi na ako ang dating Fred na kaibigan mo! Kaya 'wag kang umasta na kilala mo pa rin ako." Nilingon niy
last updateLast Updated : 2023-05-05
Read more

Kabanata 22

"Fan? Seriously, Gwin? Iyon talaga ang sinabi mo sa Anak mo, fan lang kita? Is it that hard for you to say that I'm your best friend?" I asked bluntly.Tumiim ang labi niya. Namumula na rin ang mga mata at unti-unting namumuo ang mga luha, pero may bakas pa rin ng inis. "Hindi ka lang pala mahilig sa taguan, Gwin, sinungaling ka pa!" dagdag ko. Pero parang hindi na niya ako naririnig. Na kay Widmark na ang paningin niya. Napangisi ako. Ang dami kong sinabi. Wala man lang siyang reaksyon. Kahit ang e-defend ang sarili, hindi niya ginawa. Napaghahalata ang pagiging guilty niya. "Anak, Widmark... " Hinaplos niya ang balikat ng bata, ngunit tingin ko, wala siyang balak magpaliwanag. Inaalo niya lang si Widmark, para hindi na ito magtanong pa. Hindi ko maintindihan. Bakit niya kailangan itago na mag-best friends kami? Ang dali lang namang sabihin. Ang daling ipaliwanag. Bakit ang hirap para sa kanya? "Magsalita ka naman, Gwin. Naghihintay kami ng paliwanag mo. Bakit ka ba, nagsinungali
last updateLast Updated : 2023-05-06
Read more

Kabanata 23

GWIN POVHindi ko na napigil ang magtaas ng boses. Talagang ginagalit kasi ako nitong si Fred. Nabuhay kami ng Anak ko na wala siya. Nabuhay kami na hindi niya alam na may bata na palang nabuo dahil sa kahibangan namin noon. Tapos ngayon ay basta na lang siya papasok sa buhay namin. Aastang concern sa Anak ko. Samantalang no'ng panahon na kailangan ko siyang makausap, para malutas ang problemang pinasok namin. Wala siya dahil puro na lang siya Mitch. Hindi ko siya hahayaan na guluhin ang mga utak ng namin ng Anak ko. Hindi ko 'yon mapapayagan. Sisiguraduhin kong aalis siya rito sa Negros, matapos ang project nila, at hindi na muling babalik. Magkalimutan na lang kaming lahat. "Halika na Widmark. 'Wag na matigas ang ulo." Hinawakan ko ang kamay ng Anak ko, at hinila siya. Pero ayaw siyang bitiwan ni Fred. Nakagat ko ang labi ko. Matalim na tingin ang pinukol ko sa kanya. "Bitiwan mo ang Anak ko, Fred," gigil at madiin kong sabi. "Ayaw ngang umuwi ng Anak mo, Gwin. Pagod at inaan
last updateLast Updated : 2023-05-08
Read more

Kabanata 24

Nabitiwan ko ang hawak na kutsara. Feeling ko nawalan ako ng lakas sa sobrang pagkabigla. Hindi ko inaasahan ang tanong niya. 'Tsaka, bakit niya ba naisip na si Fred ang ama ng anak ko? Ni si Fred nga, hindi nag-isip na anak niya si Widmark. "Masyado bang nakakagulat ang tanong ko, Gwin?" ngising tanong niya. "Wala nga akong bibananggit na pangalan, pero ganyan ka na maka-react. Napaghahalata ka tuloy." Naubo ako. Nabilaukan dahil dito kay Tonyo na panay pasaring, may kasama pang nakakalokong ngiti ang mga sinasabi niya. "Tumahimik ka nga, Tonyo. Pinagsasabi mo r'yan," tugon ko matapos uminum ng tubig. Feeling ko bumara ang pagkain sa lalamunan ko. "Pinagsasabi ko?" ngumisi na naman siya. Kada ngisi niya ay nag-iinit lalo ang ulo ko. Gusto ko na nga siyang sigawan ngayon. Tumahimik lang siya. "Hindi ka nakakatuwa, Tonyo—" "Hindi rin ako nagpapatawa, para matuwa ka," sarkastiko niyang tugon. "Ano ba talaga ang problema mo, Tonyo? Deritsuhin mo nga ako. 'Wag mo akong idaan sa mga
last updateLast Updated : 2023-05-09
Read more

Kabanata 25

Natiim ko labi ko. Sinamaan ko ng tingin si Fred at Tonyo. Sabay pa silang nag-iwas ng tingin. Nakapanggigil silang dalawa. Talagang mali na magkita pa kaming muli. Panay ang iwas ko na maging komplekado ang lahat, pero mauuwi din pala mas malalang sitwasyon. Mas naging komplekado pa ang nangyayari ngayon. "Hindi mo na kami kailangang ihatid, Tonyo. Kaya kong gawin lahat para sa Anak ko na hindi kailangan ang tulong n'yo," madiin kong sabi habang matiim na nakatitig sa kanila. Sabay silang humakbang palapit sana sa amin, pero dinuro ko sila. Nakagat ko pa ang pang-ibaba kong labi. Doon ko naibuhos ang lahat ng inis ko sa kanila. Ni hindi ko na nga maramdaman ang sakit sa pagkagat ko. Wala kasi akong pwedeng gawin para mailabas ang galit ko sa kanila dahil kasama ko ang Anak ko. Pinalaki ko siya na hindi kailanman nakakita ng karasahan, ng away o bangayan. Pero dumating lang itong mga pesteng lalaki sa buhay namin, nagulo na lahat. "Anak, tara na," sabi ko sa Anak ko na hindi maal
last updateLast Updated : 2023-05-10
Read more

Kabanata 26

FRED POV Nagngitngit ang kalooban ko habang nakatingin kay Tonyo. Hindi maalis ang tingin niya kay Gwin, habang palabas sila ng pinto ni Widmark. Kitang-kita ko ang kagustuhan niyang ihahatid sila kahit ayaw ni Gwin. Ang kapal ng mukha. Gusto ko nang basagin ang pagmumukha niya. Walang hiya, tinuring ko siyang kaibigan. Binigay ko ang buong tiwala ko sa kanya.Ipinagkatiwala ko si Gwin sa kanya. Tapos ganito ang malalaman ko. Lahat ng lakad ni Gwin na madalas ay puro utos ko ay siya ang kasama. Tarantado siya. Sinong hindi magagalit? Nawalan ako ng matalik na kaibigan dahil sa kanya. Nalungkot ang mga magulang ko. Sinisi pa nila ang sarili sa pagkawala ni Gwin. Tapos itong si Tonyo pala ang dahilan kung bakit siya umalis at nagtago. Gago siya. Kaagad kong dinaklot ang kwelyo ni Tonyo at umato ng suntok. Handa na akong makipagbasagan ng mukha sa kanya, maipaghiganti ko lang si Gwin. Pero kung ano ang ginawa ko, 'yon din ang ginawa niya. Kung gaano ako ka galit, mas galit pa siya.
last updateLast Updated : 2023-05-11
Read more

Kabanata 27

"Pinagsasabi mo, Fred?" maang-maangan niyang tugon, pero hindi naman makatingin sa akin ng deritso. " 'Wag ka nang magmaang-maangan, Gwin. Alam ko na alam mo kung ano ang ibig kong sabihin," pabulong, ngunit madiin kong sabi. Alam ko na malaki ang kasalanan ko sa kanya, pero hindi ko pa rin maiwasan na magalit. Pwede niya naman sabihin sa akin ang totoo, pero tinago niya pa."Pwede ba, tumahimik ka nga, marinig ka pa ng Anak ko," sabi niya. Nalampasan na niya ako at kaharap na niya ang gate, pero hindi naman niya magawang buksan. " 'Yan ka, Gwin, kaya hindi kaagad na-aayos ang problema, kasi umiiwas ka, tumakas ka."Dinaan ba ako sa pagmamaldita. Style, niya talaga 'yan kahit noon pa. Kapag ayaw niya mapagsabihan o masita ang mga ginagawa niya. Inuunahan niya ng pagmamaldita, pero kahit ano pa ang pagmamaldita ang gawin niya ngayon ay hindi na oobra sa akin. Ang dami niyang kailangang ipaliwanag, at hindi ko na kayang palipasin ang isa pang araw bago kami mag-usap. "Hindi mo ako
last updateLast Updated : 2023-05-12
Read more

Kabanata 28

GWIN POV Ilang beses ko nang pinahid ang mga luha ko, pero hindi pa rin maubos-ubos. Imbes kasi na gumaan ang pakiramdam ko dahil alam na ni Fred ang totoo, at wala na akong tinatago sa kanya. Mas bumigat pa. Mas sumikip pa. Mas dumami pa ang inaalala ko. Pigil ang iyak ko. Mahigpit ang pagkawak ng isang kamay ko sa gate habang hampas ko ang dibdib ko. Paulit-ulit ko rin na natampal ang noo ko. Baka sakaling gumana ang utak ko, at makapag-isip ng tama. Ano na ang mangyayari ngayon? Paano na kami ng Anak ko? Sigurado kasi ako na hindi papayag si Fred na hindi malaman ni Widmark na siya ang Papa nito. Nag-aalala ako sa magiging reaction niya. Sana pala hindi ko na muna siya pinaalis. Sana hindi ko siya inaway. Madali ko sana siyang mapakikiusapan na 'wag muna ipaalam sa Anak ko ang totoo. "Gwin," untag sa akin ni Tonyo. "Ano pa ang ginagawa mo r'yan?" Talagang nagtanong pa siya. Kita naman niyang umiiyak at balisa ako. Tampal ko pa nga ang noo ko nang lumapit siya. "Ano sa tingin
last updateLast Updated : 2023-05-13
Read more

Kabanata 29

"Uncle Fred," masayang sigaw ni Widmark nang makita niya sa labas ng gate si Fred. Nakasandal sa kotse niya. Nakapamulsa na parang nagpapa-picture lang. Kaway lang ang tugon nito kay Widmark. Paano kasi, matalim ang tingin niya kay Tonyo. Hawak nga kasi namin ang kamay ng Anak ko. Nagkatingan pa kami ni Tonyo. Tuwang-tuwa kasi si Widmark. Pero mukha ni Fred, murag gikumot ug yawa(kinuyumos ng demonyo.)Grabe, kulang na nga ako sa tulog dahil sa mga pangyayaring hindi ko pa alam kung ano ang dapat gawin. Idagdag pa ang hilik ni Tonyo na parang binabangungot. Tapos heto, ang isang kaharap namin ngayon, ang aga-aga, busangot na ang mukha. Pigil ang pagbuntong-hininga ko, bago lumingon kay Tonyo. Bahagyang pag-iling lang ang tugon niya. Alam ko ramdam niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Siya na lang ang nagbukas ng gate. Hindi ko na kasi kayang sulubungin ang nag-aapoy na tingin ni Fred. Panay yuko na lang ang ginawa ko. Hindi ko alam kung galit siya sa akin o galit siya kay To
last updateLast Updated : 2023-05-14
Read more

Kabanata 30

Katahimikan ang namayani sa loob ng kotse habang pabalik na kami sa paaralan. Pero kita ko ang panakanakang pagsulyap sa akin ni Fred sa gilid ng mata ko. Na guilty yata. Sa tindi ba naman ng iyak ko kanina. Lumambot yata ang puso. Pigil ang pagbuntong-hininga ko. Hindi pa kasi tuluyang nawala ang sama ng loob ko. Paminsan-minsan pa ring namumuo ang mga luha sa mga mata ko, kapag sumagi sa isip ko ang mga sinabi niya kanina. "Sorry, Gwin..." pabulong niyang sabi. Ang bait na. Malumanay ang boses. Malayong-malayo sa boses niya kanina, no'ng nagbangayan kami. Sandali akong sumulyap sa kanya. Matalim ang tingin ko sa kanya, sayang nga lang at hindi man lang niya nakita. Nasa daan lang kasi ang tingin niya. "Sorry na naman? Tinubuan ka na ba ng puso at nasobrahan ka na ng sorry?" mataray kong tanong. Sobrang diin pa ng pagkasabi ko para siguradong ramdam niya ang galit ko. " 'Kasi naman, kanina pa ako nag-sorry, ayaw mo naman magsalita," pabulong pa rin niyang sabi. Mas naiirita lang
last updateLast Updated : 2023-05-15
Read more
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status