"Uncle Fred," masayang sigaw ni Widmark nang makita niya sa labas ng gate si Fred. Nakasandal sa kotse niya. Nakapamulsa na parang nagpapa-picture lang. Kaway lang ang tugon nito kay Widmark. Paano kasi, matalim ang tingin niya kay Tonyo. Hawak nga kasi namin ang kamay ng Anak ko. Nagkatingan pa kami ni Tonyo. Tuwang-tuwa kasi si Widmark. Pero mukha ni Fred, murag gikumot ug yawa(kinuyumos ng demonyo.)Grabe, kulang na nga ako sa tulog dahil sa mga pangyayaring hindi ko pa alam kung ano ang dapat gawin. Idagdag pa ang hilik ni Tonyo na parang binabangungot. Tapos heto, ang isang kaharap namin ngayon, ang aga-aga, busangot na ang mukha. Pigil ang pagbuntong-hininga ko, bago lumingon kay Tonyo. Bahagyang pag-iling lang ang tugon niya. Alam ko ramdam niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Siya na lang ang nagbukas ng gate. Hindi ko na kasi kayang sulubungin ang nag-aapoy na tingin ni Fred. Panay yuko na lang ang ginawa ko. Hindi ko alam kung galit siya sa akin o galit siya kay To
Katahimikan ang namayani sa loob ng kotse habang pabalik na kami sa paaralan. Pero kita ko ang panakanakang pagsulyap sa akin ni Fred sa gilid ng mata ko. Na guilty yata. Sa tindi ba naman ng iyak ko kanina. Lumambot yata ang puso. Pigil ang pagbuntong-hininga ko. Hindi pa kasi tuluyang nawala ang sama ng loob ko. Paminsan-minsan pa ring namumuo ang mga luha sa mga mata ko, kapag sumagi sa isip ko ang mga sinabi niya kanina. "Sorry, Gwin..." pabulong niyang sabi. Ang bait na. Malumanay ang boses. Malayong-malayo sa boses niya kanina, no'ng nagbangayan kami. Sandali akong sumulyap sa kanya. Matalim ang tingin ko sa kanya, sayang nga lang at hindi man lang niya nakita. Nasa daan lang kasi ang tingin niya. "Sorry na naman? Tinubuan ka na ba ng puso at nasobrahan ka na ng sorry?" mataray kong tanong. Sobrang diin pa ng pagkasabi ko para siguradong ramdam niya ang galit ko. " 'Kasi naman, kanina pa ako nag-sorry, ayaw mo naman magsalita," pabulong pa rin niyang sabi. Mas naiirita lang
Nanlaki ang mga mata ko. Umawang pa ang labi ko dahil sa gulat, pero hindi ko naman magawang lumingon kaagad. Napatitig na lamang ako kay Aling Taning na hindi na rin maalis ang tingin sa lalaki na nasa likuran ko. Pero kalaunan, matapos ma-absurb ng utak ko ang tanong na narinig ko ay hindi ko na maawat ang pagyugyog ng balikat dahil sa pigil na pagtawa. Ano ba itong nangyayari sa buhay ko ngayon? Nakakahilo. Makabuang. Nagulo ko na lang ng buhok ko. Dahan-dahan akong gumalaw, at hinarap ang lalaking nag-alok ng kasal habang nakatalikod ako. Isa din siyang may saltik. Mag-propose man lang, hindi pa ako hinarap. Nanggugulat pa talaga. Peste din. "Pakasal?" tawang-tawa kong tanong. "Seryoso? Pakasal tayo?" tanong ko, sabay pahid sa luhang namuo sa mga mata ko dahil sa pigil na pagtawa."Oo, pakasal tayo. Handa akong maging ama ni Widmark, Gwin—""Sshh... tumahimik ka, Opaw." Si Opaw nga ang naglakas loob na mag-propose. Sabi na, may iba talaga sa kinikilos niya. Nawawala na siya sa
Nakasimangot na mukha ni Fred ang nakita ko paglingon ko. Mapakla akong natawa. Hindi na ako nagulat. Mula kasi no'ng nagkita kami uli, ganyan na ang mukha niya. Napangisi ako at nakamot pa ang ulo. "Ano ba ang mayro'n ngayon at para kayong kabuti na bigla na lang sumusulpot sa likod ko? Pwede n'yo naman akong harapin muna bago magsalita. Hindi 'yong nang gugulat kayo," irita kong sabi. Napahilamos pa ako ng mukha na walang tubig. Pero imbes na tumugon si Fred, sa kamay kong hawak ni Opaw siya tumitig. Saka naman niya sinalubong ang titig ni Opaw. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Ang sarap nilang pag-uuntugin. Parang magkahinang kasi ang mga tingin nila sa isa't-isa, hindi maputol. "Ano ba kayo, hoy? Ang lagkit ng tinginan n'yo. Baka ma inlove kayo sa isa't-isa, sige kayo..." bungisngis ko. Nalunod na yata ang utak ko sa beer na malapit ko na sanang maubos, pero sinulot naman ni Aling Taning. Lahat na lang kasi ng nakikita ko ngayon ay nakakatawa at nakakagalit din. Saba
Napanganga na lamang ako habang sinusundan ng tingin ang papalayong kotse ni Fred. "Ano ba 'tong Anak ko, ngayon pa talagang may tama ako, gumawa ng kalokohan." Lalo tuloy sumakit ang ulo ko. "Pumasok ka na nga muna sa loob, Gwin. Magpahinga ka. Magpawala ng tama. Samahan kita mamaya sa hotel ni Fred, sunduin natin si Widmark," alo sa akin ni Opaw, may pahaplos pa sa likod ko. Matamlay akong tumingin sa kanya. Mabuti na lang talaga at kasama ko 'to si Opaw, kahit paano nababawasan ang inis ko. "Tara na—""Opaw!" Ramdam ko ang pag-igtad ni Opaw nang marinig ang boses na 'yon. Boses ng Mama niya. Sa sobrang gulat nga ay naputol ang pagsasalita at mabagal na humarap sa pinanggalingan ng boses. "Ma..." tugon niya, sabay kamot sa ulo. Bumitiw na rin siya sa paghawak sa baywang ko. Takot sa Mama ang binatang si Opaw. "Iya (Tiya) Soling, hello po," bati ko sa Ginang. May kasamang ngising aso at may pa kaway pa. "Dagway baya nimo (hitsura mo,) Gwin. Anong nangyari sa'yo at naglasing k
Para akong na paralisa sa ibabaw ni Fred. Hindi ko alam kung paano tatayo. Nanlamig ang buong katawan ko at naalala na naman ang nangyari sa amin noon.Mabuti na lang, nakapikit pa rin siya hanggang ngayon at hindi niya nakita ang reaction ko. "Ma, Uncle Fred, what are you doing?" Paos na boses ng Anak ko ang gumising sa paralisado kong sistema, pero hindi ko naman magawang sagutin ang tanong niya. Nanigas pati dila ko. Napamulat na rin si Fred, pero hindi rin magawang sagutin ang tanong ni Widmark. Nakanganga lang siya habang nakatitig sa akin. "Ma, anong ginagawa mo kay Uncle Fred?" Sumabay ang pagbukas ng pinto sa tanong ni Widmark. Sabay din kaming lahat na napatingin doon. Si Tonyo ang pumasok. Sandali pa siyang napako sa kinatatayuan niya at tinuro lang kami. "Ginagawa ninyong dalawa? Hindi na kayo na hiya sa harap pa talaga ni Widmark?" nagugulantang niyang tanong. Pagulong akong umalis sa ibabaw ni Fred at kaagad na tumayo. Bahala na kung nagmukha akong tanga sa ginawa
Paulit-ulit na pag-ubo ang tugon ko. Pambihira talaga itong anak ko, lagi na lang akong ginugulat. Pero bakit nga ba ako, naubo? Madali lang naman sagutin ang tanong niya. Madali lang sabihin ang totoo. Ngumiti ako. Kinulong ko ang pisngi niya sa mga palad ko. Tumitig pa ako sa mga mata niya. "Anak—" Napalunok ako at hindi na natuloy ang sasabihin. Umurong ang dila ko. Madali lang pala isipin, pero mahirap sabihin. Nakagat ko ang labi ko at sandaling nag-iwas ng tingin. Mukhang napasubo yata ako ah. Ngayon kasi ay hindi ko na alam kung ano ang susunod kong sasabihin. Baka kapag sinagot ko ang tanong niya, masusundan pa ng isang tanong. Iyon nga kasi ang madalas na nangyayari. Nakamot ko ang ulo ko at mapaklang ngumiti. "Tulog ka na Anak, gabi na kasi, bukas ko na lang sagutin ang tanong mo, ha. Wala ka namang pasok bukas kaya mahaba-haba ang oras natin na mag-usap," mahaba kong palusot. Sana nga lang ay lumusot. Gumusot kasi ang mukha ng Anak ko. Ginulo ko na lang ang buhok niya
Hindi nakahuma si Opaw nang bigla na lamang sumugod si Fred at tinulak siya. Mabuti na lang at hindi siya natumba. Maski na ako ay hindi rin nakapagsalita nang bigla na lang niya akong hinatak palayo kay Opaw."Fred, ginagawa mo? Bitiwan mo nga si–"" 'Wag kang makialam," gigil niyang sabi habang duro si Opaw na akma sanang susunod sa amin. Hawak ko na rin ang kamay niya na mahigpit na nakahawak sa braso ko. Kahit huminto pa ako sa paghakbang at nagmatigas, pilit niya pa rin akong hinahatak palabas. Halos pakaladkad na nga ang ginawa niya. "Fred, ano ba? Bitiwan mo nga ako, nasasaktan ako," pabulong kong sikmat, kasabay ang paglibot ng paningin sa paligid. Gusto ko man siyang sigawan. Gusto ko mang ilabas ang galit ko sa ginagawa niya sa akin ngayon, hindi pwede dahil maraming tao sa paligid. Ayokong gumawa ng gulo o gumawa ng eksena at pareho pa kaming ma eskandalo. "Fred— " "Tumahimik ka!" madiin niyang sabi.Sandali akong natigilan. Hindi lang kasi simpling inis ang nakikita ko
"Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun
Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.
Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b
Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin
Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel
"Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na
"Mitch! Nahihibang ka na ba? Tanggalin mo nga 'yan!" Hindi napigil ni Gwin ang magtaas ng boses. Nagtataka kasi siya sa ginagawa ni Mitch. At saka, natatakot din na baka madamay siya sa galit ni Brent dahil sa kalokohang pinaggagawa nito. Pero imbes na sumunod, pinandilitan lang siya nito habang tuloy pa rin sa pagsigaw sa pangalan ni Brent. Hindi maintindihan ni Gwin kung ano ang binabalak ni Mitch. Nilagyan ba naman ng harang ang pinto. At paminsan-minsan din niya iyong hinahampas na parang nagwawala pa rin siya. Sinasabayan niya pa ng sipa. "Brent, let me out! Nakakasakal rito sa loob–" "Mitch, tumigil ka na nga! Ano bang ba kasing drama 'tong ginagawa mo? Pwede ba, tigilan mo na 'yan bago pa pumasok ang demonyong si Brent dito at pati ako madamay sa galit niya!" sita na naman ni Gwin. Nilakasan niya pa lalo ang boses. Intensyon niya talaga na marinig ni Brent ang pagsaway niya kay Mitch, para hindi siya madamay, sakaling maubos ang pasensya nito dahil sa ginagawa ni Mitch.
THIRD PERSON POVHinablot ni Brent mula sa kamay ni Gwin ang hawak nitong cell phone at kaagad lumabas. Naiwang tulala si Gwin sa loob ng kwarto. Kahit sandali niya lang narinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Kilala na kaagad niya kung sino ang tumawag–si Mitch.Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit umiiyak ito at parang takot na takot?Lumapit si Gwin sa pinto at diniin ang tainga niya doon. Gusto niyang marinig ang mga sasabihin ni Brent, magkaroon man lang siya ng clue kung ano ang nangyayari. O baka, makakuha rin siya ng balita tungkol kay Fred, at sa pamilya niya. Umaasa pa rin kasi siya na buhay si Fred, kahit paulit-ulit at pinagdidiinan ni Brent na wala na nga ito.Sa kabilang banda, galit na kinausap ni Brent si Mitch. Naiinis siya lalo't alam na nito na kasama niya si Gwin, at siya ang dumukot dito. “Anong pumasok sa utak mo at tumawag ka—” "Brent, tama ba ang narinig ko? Kasama mo si Gwin? Ikaw ang dumukot sa kanya?" gulat na tanong ni Mitch. Bakas na bakas ang
Brent's words paralyzed me. Nanigas ang dila ko and I was unable to speak. I just gazed at him, shaking my head as tears streamed down my cheeks. Gusto kong sumigaw at gusto kong magwala pero hinang-hina na ako. Habang nakatingin kay Brent, nandoon ang kagustuhan kong saktan siya, at iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pero paano? Paano ko kakalabanin ang demonyong gaya niya? Sa lakas pa lang niya, wala na akong laban. Parang gusto ko na lang mawalan ng buhay. Wala na rin naman si Fred, at kasalanan ko. Kasalanan ko kaya nangyari ang lahat ng ’to. Kasalanan ko kaya napahamak si Fred. Kung hindi lang sana ako nagtiwala ng sobra kay Brent, hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Kung nakinig lang ako, wala sana ako rito ngayon, at walang nangyaring masama kay Fred. “Hayop ka, Brent! Ang sama mo, Demonyo ka—” “Shut up, Gwin! Ang sakit na sa tainga ng mga ngawa mo. Nakakarindi nang marinig ang mga sinasabi mo! Puro ka pa rin Fred. Wala na nga ang tarant