Home / Romance / My Best Friend's Baby / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of My Best Friend's Baby: Chapter 31 - Chapter 40

121 Chapters

Kabanata 31

Nanlaki ang mga mata ko. Umawang pa ang labi ko dahil sa gulat, pero hindi ko naman magawang lumingon kaagad. Napatitig na lamang ako kay Aling Taning na hindi na rin maalis ang tingin sa lalaki na nasa likuran ko. Pero kalaunan, matapos ma-absurb ng utak ko ang tanong na narinig ko ay hindi ko na maawat ang pagyugyog ng balikat dahil sa pigil na pagtawa. Ano ba itong nangyayari sa buhay ko ngayon? Nakakahilo. Makabuang. Nagulo ko na lang ng buhok ko. Dahan-dahan akong gumalaw, at hinarap ang lalaking nag-alok ng kasal habang nakatalikod ako. Isa din siyang may saltik. Mag-propose man lang, hindi pa ako hinarap. Nanggugulat pa talaga. Peste din. "Pakasal?" tawang-tawa kong tanong. "Seryoso? Pakasal tayo?" tanong ko, sabay pahid sa luhang namuo sa mga mata ko dahil sa pigil na pagtawa."Oo, pakasal tayo. Handa akong maging ama ni Widmark, Gwin—""Sshh... tumahimik ka, Opaw." Si Opaw nga ang naglakas loob na mag-propose. Sabi na, may iba talaga sa kinikilos niya. Nawawala na siya sa
last updateLast Updated : 2023-05-15
Read more

Kabanata 32

Nakasimangot na mukha ni Fred ang nakita ko paglingon ko. Mapakla akong natawa. Hindi na ako nagulat. Mula kasi no'ng nagkita kami uli, ganyan na ang mukha niya. Napangisi ako at nakamot pa ang ulo. "Ano ba ang mayro'n ngayon at para kayong kabuti na bigla na lang sumusulpot sa likod ko? Pwede n'yo naman akong harapin muna bago magsalita. Hindi 'yong nang gugulat kayo," irita kong sabi. Napahilamos pa ako ng mukha na walang tubig. Pero imbes na tumugon si Fred, sa kamay kong hawak ni Opaw siya tumitig. Saka naman niya sinalubong ang titig ni Opaw. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Ang sarap nilang pag-uuntugin. Parang magkahinang kasi ang mga tingin nila sa isa't-isa, hindi maputol. "Ano ba kayo, hoy? Ang lagkit ng tinginan n'yo. Baka ma inlove kayo sa isa't-isa, sige kayo..." bungisngis ko. Nalunod na yata ang utak ko sa beer na malapit ko na sanang maubos, pero sinulot naman ni Aling Taning. Lahat na lang kasi ng nakikita ko ngayon ay nakakatawa at nakakagalit din. Saba
last updateLast Updated : 2023-05-16
Read more

Kabanata 33

Napanganga na lamang ako habang sinusundan ng tingin ang papalayong kotse ni Fred. "Ano ba 'tong Anak ko, ngayon pa talagang may tama ako, gumawa ng kalokohan." Lalo tuloy sumakit ang ulo ko. "Pumasok ka na nga muna sa loob, Gwin. Magpahinga ka. Magpawala ng tama. Samahan kita mamaya sa hotel ni Fred, sunduin natin si Widmark," alo sa akin ni Opaw, may pahaplos pa sa likod ko. Matamlay akong tumingin sa kanya. Mabuti na lang talaga at kasama ko 'to si Opaw, kahit paano nababawasan ang inis ko. "Tara na—""Opaw!" Ramdam ko ang pag-igtad ni Opaw nang marinig ang boses na 'yon. Boses ng Mama niya. Sa sobrang gulat nga ay naputol ang pagsasalita at mabagal na humarap sa pinanggalingan ng boses. "Ma..." tugon niya, sabay kamot sa ulo. Bumitiw na rin siya sa paghawak sa baywang ko. Takot sa Mama ang binatang si Opaw. "Iya (Tiya) Soling, hello po," bati ko sa Ginang. May kasamang ngising aso at may pa kaway pa. "Dagway baya nimo (hitsura mo,) Gwin. Anong nangyari sa'yo at naglasing k
last updateLast Updated : 2023-05-16
Read more

Kabanata 34

Para akong na paralisa sa ibabaw ni Fred. Hindi ko alam kung paano tatayo. Nanlamig ang buong katawan ko at naalala na naman ang nangyari sa amin noon.Mabuti na lang, nakapikit pa rin siya hanggang ngayon at hindi niya nakita ang reaction ko. "Ma, Uncle Fred, what are you doing?" Paos na boses ng Anak ko ang gumising sa paralisado kong sistema, pero hindi ko naman magawang sagutin ang tanong niya. Nanigas pati dila ko. Napamulat na rin si Fred, pero hindi rin magawang sagutin ang tanong ni Widmark. Nakanganga lang siya habang nakatitig sa akin. "Ma, anong ginagawa mo kay Uncle Fred?" Sumabay ang pagbukas ng pinto sa tanong ni Widmark. Sabay din kaming lahat na napatingin doon. Si Tonyo ang pumasok. Sandali pa siyang napako sa kinatatayuan niya at tinuro lang kami. "Ginagawa ninyong dalawa? Hindi na kayo na hiya sa harap pa talaga ni Widmark?" nagugulantang niyang tanong. Pagulong akong umalis sa ibabaw ni Fred at kaagad na tumayo. Bahala na kung nagmukha akong tanga sa ginawa
last updateLast Updated : 2023-05-17
Read more

Kabanata 35

Paulit-ulit na pag-ubo ang tugon ko. Pambihira talaga itong anak ko, lagi na lang akong ginugulat. Pero bakit nga ba ako, naubo? Madali lang naman sagutin ang tanong niya. Madali lang sabihin ang totoo. Ngumiti ako. Kinulong ko ang pisngi niya sa mga palad ko. Tumitig pa ako sa mga mata niya. "Anak—" Napalunok ako at hindi na natuloy ang sasabihin. Umurong ang dila ko. Madali lang pala isipin, pero mahirap sabihin. Nakagat ko ang labi ko at sandaling nag-iwas ng tingin. Mukhang napasubo yata ako ah. Ngayon kasi ay hindi ko na alam kung ano ang susunod kong sasabihin. Baka kapag sinagot ko ang tanong niya, masusundan pa ng isang tanong. Iyon nga kasi ang madalas na nangyayari. Nakamot ko ang ulo ko at mapaklang ngumiti. "Tulog ka na Anak, gabi na kasi, bukas ko na lang sagutin ang tanong mo, ha. Wala ka namang pasok bukas kaya mahaba-haba ang oras natin na mag-usap," mahaba kong palusot. Sana nga lang ay lumusot. Gumusot kasi ang mukha ng Anak ko. Ginulo ko na lang ang buhok niya
last updateLast Updated : 2023-05-18
Read more

Kabanata 36

Hindi nakahuma si Opaw nang bigla na lamang sumugod si Fred at tinulak siya. Mabuti na lang at hindi siya natumba. Maski na ako ay hindi rin nakapagsalita nang bigla na lang niya akong hinatak palayo kay Opaw."Fred, ginagawa mo? Bitiwan mo nga si–"" 'Wag kang makialam," gigil niyang sabi habang duro si Opaw na akma sanang susunod sa amin. Hawak ko na rin ang kamay niya na mahigpit na nakahawak sa braso ko. Kahit huminto pa ako sa paghakbang at nagmatigas, pilit niya pa rin akong hinahatak palabas. Halos pakaladkad na nga ang ginawa niya. "Fred, ano ba? Bitiwan mo nga ako, nasasaktan ako," pabulong kong sikmat, kasabay ang paglibot ng paningin sa paligid. Gusto ko man siyang sigawan. Gusto ko mang ilabas ang galit ko sa ginagawa niya sa akin ngayon, hindi pwede dahil maraming tao sa paligid. Ayokong gumawa ng gulo o gumawa ng eksena at pareho pa kaming ma eskandalo. "Fred— " "Tumahimik ka!" madiin niyang sabi.Sandali akong natigilan. Hindi lang kasi simpling inis ang nakikita ko
last updateLast Updated : 2023-05-19
Read more

Kabanata 37

(FRED POV)Pigil ang pagpakawala ko ng buntong-hininga habang tanaw ko ang aming tahanan. Hindi alam ng mga magulang ko na uuwi ako ngayon. Ang alam nila, sa susunod na linggo pa ang uwi namin.Pero napauwi ako nang wala sa oras, matapos ang sagutan namin ni Gwin. Napag-isip-isip ko rin, tama siya, kailangan ko munang lumayo sa kanila.Bago pa sa akin ang lahat ng pangyayari. Hindi tulad niya na nasanay na sa buhay, kasama ang Anak namin.Ang bagal ng paghakbang ko. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa mga magulang ko ang nangyari sa amin ni Gwin. Kanina pa ako nag-iisip, kung paano ako magpapaliwanag sa kanila, but I can't come up with anything, not even a single sentence. "Fred, bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka pala ngayon. Napasundo ka sana namin sa driver," bungad ni Mommy, may matamis na ngiti habang papalapit sa akin. Kamot sa batok at mapaklang ngiti ang tugon ko. "But wait, bakit nga ba napaaga ang uwi mo? Weren't you supposed to go home next week?" nagtata
last updateLast Updated : 2023-05-20
Read more

Kabanata 38

Sandali akong natigilan sa narinig mula kay Mommy; hindi kaagad ako nakapagsalita. Hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin nila; na ganito ang magiging desisyon nila. "Kasal?" natanong ko kalaunan.Seryosong titig lang ang sagot ni mommy sa tanong ko.Napahawak ako sa batok ko. Ang in-expect ko na gagawin nila ay pagagalitan din si Gwin, pero hindi iyon ang nangyari. Tinanggap pa nila kaagad, bilang daughter-in-law law nila. Napaka-unfair para sa akin. Hindi man lang nakatikim ng sermon ang babaing 'to, gaya ko. Tingin ko nga ay natutuwa pa ang mga magulang ko na sinugod ako nitong si Gwin ng sampal at hampas. Hindi nga kasi sila nag-react at hindi man lang nila inawat si Gwin. Pero nang makita ko ang reaksyon ni Gwin, nakaramdam naman ako ng tuwa. Nanlaki kasi ang luhaan niyang mga mata at napanganga pa. Kung nagulantang man ako sa narinig, mas lalo na siya. Nakakatawa nga ang hitsura niya. Kung kanina ay para siyang pusang gala na nagwawala at sinugod ako, ngayon ay para na s
last updateLast Updated : 2023-05-22
Read more

Kabanata 39

"Dad naman!" reklamo ko. Napalingon si Gwin sa akin. Gulat at umawang na naman ang labi.Nakakagulat nga 'yong sinabi ni mommy na planong kasal namin ni Gwin. Pero hindi naman ako tutol do'n. Ang mabigay sa anak ko ang buong pamilya ay 'yon ang mahalaga. "Sir Franc, hindi po basta-bastang desisyon ang kasal. Kung magpapakasal man kami ng nobyo ko, dapat handa po kaming pareho at hindi napipilitan lang," mahinahong tugon ni Gwin. Pero napabuga naman ng hangin matapos sabihin 'yon."Oo nga naman, Dad," sang-ayon ko sa tugon ni Gwin. " 'Tsaka, Dad, hindi ba dapat kami ni Gwin ang magpapakasal? Bakit biglang sa nobyo niya? Pa bago-bago po naman kayo ng desisyon," pamaktol kong tanong. Nahagod ko pa ang buhok ko. Isipin ko lang kasi na si Opaw ang makakasama ni Gwin sa harap ng altar, umiinit na ang ulo ko. Napasulyap ako sa anak kong bahagyang napangiti. Nagustohan yata ang sinabi ko, mukhang kampi ko 'tong anak ko.Napailing si daddy. " 'Yon nga sana ang gusto naming mangyari, kung w
last updateLast Updated : 2023-05-23
Read more

Kabanata 40

"Gusto mong maging tayo, Fred?" kunot-noo niyang tanong. Seryoso at walang kurap na tumitig sa akin. Tumango ako. Paulit-ulit at ngumiti pa. Pero nawala ang ngiti ko nang magsimulang yumugyog ang balikat niya. Takip na rin ang palad niya sa bibig at napapapikit pa. Hanggang sa kumawala na nga ang pinipigilang tawa. Nakakagago naman 'to si Gwin. Seryoso nga ako. Akala yata nagbibiro ako, kaya tumawa ng todo. Napasimangot ako at nagbaba ng tingin. Sekreto pa akong napabuga ng hangin."Gwin, seryoso ako," halos pabulong kong sabi. "Seryoso ka? As-in?" nakakagago niyang tanong. Hindi pa rin matigil ang tawa niya, pero pinahid naman ang naluluha niyang mga mata at nakapa pa ang tiyan. Kakasakit ng damdamin 'to si Gwin. Hindi niya alam kung anong kaba ang naramdaman ko habang sinasabi ang salitang 'yon. Tapos, tinawanan niya lang."Tingin mo ba nagbibiro ako? Gusto ko nga na maging maayos tayo, Gwin. Gusto kong sumaya ang anak natin. Kaya kahit ang hirap mong kausapin dahil lagi kang g
last updateLast Updated : 2023-05-23
Read more
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status