(GWIN POV)"Ay ambot (ay ewan!) Sakit kayo sa ulo," singhal ko dahil sa dismaya. Walang katapusang problema na lang talaga ang napapala ko. Nagulo ko na lamang ang buhok ko at napasabunot pa, saka ko naman sinamaan ng tingin ang dalawang lalaki na walang ginawa, kung hindi ang magdala ng problema sa buhay ko. Padagbog akong pumanhik sa ikalawang palapag. Hindi na ako nag-abala na sagutin pa ang kalokohang tanong ni Fred. Halata na naman na nang-iinis lang siya.Para akong bata na nagmamaktol, hindi kasi matigil ang pagkibot ng labi ko. Gusto kong ilabas ang lahat ng inis ko, pero nakakapagod na. Paulit-ulit na lang kasi. Ni kunti naman, hindi nababawasan ang bigat na pasan ko sa balikat ko, kahit magwala pa ako.Isa din talaga si Tonyo sa bwesit sa buhay ko. Pala desisyon din. Pinapunta pa rito si Opaw, hindi naman siya inutusan. Ano na ang gagawin ko ngayon? Baka makasal nga ako ng wala sa oras, kapag hindi ko inamin ang totoo sa mga magulang ni Fred. "Gwin ..." awtomatikong nahin
"Widmark ..." Nasapo ko ang noo ko. Hindi ko pala katabi ang anak ko. Kaagad na kasi akong lumabas sa kwarto ni Fred, kagabi matapos ko siyang hampasin ng unan. Loko-loko siya. Akala niya, payag akong tumabi sa kanya. Asa siya.Matamlay akong lumabas ng kwarto. Nag-message na kasi si Tonyo na parating na sila Opaw. Mabuti na lang at maagang umalis si Fred. Kinatok nga niya kasi ako kanina bago umalis. Kung saan man siya nagpunta. Hindi ko alam at wala akong balak malaman.Gano'n din ang mga amo ko, nagpaalam din na ipapasyal nila si Widmark, gusto nga sana nila akong isama, pero tumanggi ako, sinabi kong pagod at antok pa ako. Mabuti naman at hindi na nila ako pinilit.Pero ang totoo, talagang naiilang ako na makasama ang mga amo ko. Bukod do'n, takot din akong malaman ng ibang tao na anak namin ni Fred si Widmark.Matamis na ngiti ang bumungad sa akin nang marating ko ang living room. Kararating lang din kasi nila Opaw at Tonyo. "Opaw, maraming salamat, pasensya na talaga, at pati
"Ano ba?!" sikmat ko kasabay ang pagtama ng tuhod ko sa hinaharap niya. "Gwin ... " namimilipit niyang bigkas sa pangalan ko. Halos mapaluhod na rin siya habang sapo ang harapan niya. "Hindi ka pa rin talaga nagbago ..." sabi niya, sabay tanggal sa sobrero at ginawang pamaypay sa mukha."Patrick?" Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko kasi siya namukhaan."Akala ko nagbago ka na. Ang bilis mo pa rin palang magalit." Pilipit pa rin ang boses niya. Pawis at bahagyang inipit ang harapan."Pasensya, akala ko kung sinong bastos." Hindi ko maiwasan ang pasulyap sa umbok niyang napisat yata. Inipit nga kasi. "Buti nga sa'yo," sabi ni Fred. Sinamaan din niya ng tingin ang pinsan na hindi na lang tumugon. Panay pa rin kasi ang paypay sa mukha. Namula.Na kay Opaw na ang tingin niya. "You must be, Opaw. Kaibigan ni Gwin, from Negros, right?" tanong nito. Naglahad na rin siya ng kamay na kaagad namang tinanggap ni Opaw."I'm Patrick, pinsan no Fred at kaibigan ni Gwin," pakilala niya.Hindi na ako
FRED POV Nanlamig ang buong katawan ko nang biglang yakapin ni Patrick si Gwin. Gusto ko siyang hablutin palayo. Pero sabi nga ni Gwin, wala akong paki' kung lumandi man siya sa ibang lalaki dahil tatay lang ako ni Widmark. Ang sakit marinig ng salitang 'yon mula sa kanya sa totoo lang. Pero umasta ako na parang hindi nasasaktan.Tatay ako ni Widmark, pero hindi magawang makialam sa buhay ng ina niya. Matalik niya rin naman akong kaibigan, pero hindi ko magawa sa kanya ang bagay na nagagawa ng iba sa kanya. Maski ang mahawakan siya, hindi ko magawa, lalo na ang mayakap siya. Maski nga ngiti lang, hindi niya pa maibigay. Miss ko rin naman siya. Gusto ko rin iparamdam sa kanya na nandito pa rin ako sa tabi niya, hindi lang bilang papa ng anak namin. Kung hindi bilang kaibigan niya rin o mas higit pa. "O, Fred, saan ka ba galing?" tanong ni daddy. Sabay bumaling ang tingin nilang lahat sa akin pagpasok ko. "Magandang gabi, Mom, Dad," matamlay kong sabi, kasabay ang pagkarga kay Widma
Napasinghap ako nang dumikit ang katawan niya sa mukha ko. Hindi ko maintindahan ang nararamdaman ko. Lalong nag-init ang buo kong katawan. "Fred, ano ba?" Sinubukan niyang lumayo, kasabay ng sinabi niya. Hinila niya rin ang kamay niya. Pero imbes na bitiwan ko siya, tumayo ako at hinapit ang baywang niya. Sandaling nanigas ang katawan niya at nanlaki ang mga mata. "Ano ba b-bitiwan mo nga ako, Fred," sikmat na naman niya, pero nauutal.Nagsimula na rin siyang magpumiglas at pilit binabaklas ang kamay kong mahigpit na nakalingkis sa baywang niya.Hindi ako nagsalita. Tumitig lang ako sa namimilog niyang mga mata. Nakalapat na rin ang mga palad niya sa dibdib ko habang tinutulak ako. Parang takot na dumikit ang katawan niya sa akin.Para akong nawala sa katinuan. Sa kada tulak niya, sa kada paki-usap niya, mas lalo ko lang diniin ang katawan ko sa kanya at mas lalo ko lang nilapit ang mukha ko sa mukha niya."Fred, ano ba? Lumayo ka nga!" singhal niya, kasabay ang pag-iwas ng mukha
Lumipas ang ilang araw na hindi man lang kami nagkikita ni Gwin. Nagsimula na kasing mag-aral si Widmark. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang alagaan ang Anak namin at umastang hindi ako nag-eexist sa buhay niya. Mabuti na lang at kahit galit siya sa akin. Binibigyan niya pa rin kami ng oras ni Widmark na makapamasyal. Every other night ay katabi ko rin sa pagtulog si Widmark. Masaya naman ako kahit paano dahil nagagawa ko ang tungkulin ko bilang ama ng Anak ko. Pero nangingibabaw pa rin ang lungkot dahil hindi pa rin kami magkasundo ni Gwin. Galit pa rin siya sa akin.Ang masama, mas napapalapit pa siya sa pinsan ko. Madalas ko nga silang datnan na magka-usap sa hardin at wala akong magawa, kung hindi ang sekretong sulyapan lang sila. Kahit nga ang batiin sila ay hindi ko pa magawa. "Papa, ilang araw ko na po napapansin na malungkot ka. Dahil po ba kay Mama? Hindi ka pa rin po ba niya pinapansin?" malungkot na tanong ng Anak ko, nakahiga na kami pareho. Mapait akong ngumiti. "M
Sabay nalaglag ang panga ni Gwin at Patrick. Kung kanina ay sobrang kabado ako. Ngayon ay medyo. Kumalma na. Namula ba naman ang mukha ni Gwin. Sinong puso ang hindi kakalma.Napangiti ako. Ang cute niya. Hindi na maisara ang bibig at hindi na rin natuloy ang pagbasa sa sulat ni Widmark. "Sira-ulo ..." pabulong na sabi ni Patrick, matapos ang sandaling pagkabigla, nahimasmasan din at napailing pero bumusangot ang mukha at kumuyom ang kamay."Pinasasabi ng Anak natin," paglinaw ko sa sinabi ko. Pero ngiti ko ang tamis. Kasing tamis ng labi ni Gwin. Kumunot ang noo niya. Turo ko na ang papel na hawak niya. "Go ahead, read it," dagdag ko pa.Napalunok at napakurap siya. Paano naman kasi, sa sobrang tuwa ko sa hitsura niya ngayon na parang nakakita ng gwapong anghel, napakindat na rin ako, sinabayan ko pa ng ngiting nakakalaway sa tamis. "Pinsan, I think you should go ..." madiing sabi ni Patrick. May tingin na tinataboy ako. "You know what, I think I should take a day off today," sabi
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magtanong kay Tonyo. Kaagad na kasi nitong sinara ang pinto. Napatayo ako. Nag-iisip kung sino ang magsusundo sa Anak ko. Si Gwin ba o si Patrick? Alam ko naman kasi na ayaw lumabas ni Gwin ng mansyon. Takot siya na may makakita sa kanya na kakilala. Takot din siya na malaman ng ibang tao na may Anak kami.Hindi ko rin maintindihan ang babaing 'yon minsan. Dapat ako 'yong umaakto ng gano'n kasi pagnalaman ng iba na may Anak na ako. Hindi na ako makaporma sa iba. Ang problema naman kasi kanya, mas binibigyan niya ng importansya ang sasabihin ng ibang tao. Hindi ko naman maaalis 'yon sa kanya. Pero kasi, handa naman akong itama ang pagkakamaling nagawa namin. Pero ayaw niya akong hayaan. Ang arte, ang OA, pero gusto ko nga siya. Kaya kahit maarte at praning siya, hindi ko na siya aatrasan. "Papa Fred ..." Kaagad akong napatayo nang tawagin ako ng Anak ko. Lumapit ako sa couch kung saan siya nakahiga. "Anak, do you need anything?" tanong ko.
"Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun
Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.
Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b
Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin
Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel
"Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na
"Mitch! Nahihibang ka na ba? Tanggalin mo nga 'yan!" Hindi napigil ni Gwin ang magtaas ng boses. Nagtataka kasi siya sa ginagawa ni Mitch. At saka, natatakot din na baka madamay siya sa galit ni Brent dahil sa kalokohang pinaggagawa nito. Pero imbes na sumunod, pinandilitan lang siya nito habang tuloy pa rin sa pagsigaw sa pangalan ni Brent. Hindi maintindihan ni Gwin kung ano ang binabalak ni Mitch. Nilagyan ba naman ng harang ang pinto. At paminsan-minsan din niya iyong hinahampas na parang nagwawala pa rin siya. Sinasabayan niya pa ng sipa. "Brent, let me out! Nakakasakal rito sa loob–" "Mitch, tumigil ka na nga! Ano bang ba kasing drama 'tong ginagawa mo? Pwede ba, tigilan mo na 'yan bago pa pumasok ang demonyong si Brent dito at pati ako madamay sa galit niya!" sita na naman ni Gwin. Nilakasan niya pa lalo ang boses. Intensyon niya talaga na marinig ni Brent ang pagsaway niya kay Mitch, para hindi siya madamay, sakaling maubos ang pasensya nito dahil sa ginagawa ni Mitch.
THIRD PERSON POVHinablot ni Brent mula sa kamay ni Gwin ang hawak nitong cell phone at kaagad lumabas. Naiwang tulala si Gwin sa loob ng kwarto. Kahit sandali niya lang narinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Kilala na kaagad niya kung sino ang tumawag–si Mitch.Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit umiiyak ito at parang takot na takot?Lumapit si Gwin sa pinto at diniin ang tainga niya doon. Gusto niyang marinig ang mga sasabihin ni Brent, magkaroon man lang siya ng clue kung ano ang nangyayari. O baka, makakuha rin siya ng balita tungkol kay Fred, at sa pamilya niya. Umaasa pa rin kasi siya na buhay si Fred, kahit paulit-ulit at pinagdidiinan ni Brent na wala na nga ito.Sa kabilang banda, galit na kinausap ni Brent si Mitch. Naiinis siya lalo't alam na nito na kasama niya si Gwin, at siya ang dumukot dito. “Anong pumasok sa utak mo at tumawag ka—” "Brent, tama ba ang narinig ko? Kasama mo si Gwin? Ikaw ang dumukot sa kanya?" gulat na tanong ni Mitch. Bakas na bakas ang
Brent's words paralyzed me. Nanigas ang dila ko and I was unable to speak. I just gazed at him, shaking my head as tears streamed down my cheeks. Gusto kong sumigaw at gusto kong magwala pero hinang-hina na ako. Habang nakatingin kay Brent, nandoon ang kagustuhan kong saktan siya, at iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pero paano? Paano ko kakalabanin ang demonyong gaya niya? Sa lakas pa lang niya, wala na akong laban. Parang gusto ko na lang mawalan ng buhay. Wala na rin naman si Fred, at kasalanan ko. Kasalanan ko kaya nangyari ang lahat ng ’to. Kasalanan ko kaya napahamak si Fred. Kung hindi lang sana ako nagtiwala ng sobra kay Brent, hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Kung nakinig lang ako, wala sana ako rito ngayon, at walang nangyaring masama kay Fred. “Hayop ka, Brent! Ang sama mo, Demonyo ka—” “Shut up, Gwin! Ang sakit na sa tainga ng mga ngawa mo. Nakakarindi nang marinig ang mga sinasabi mo! Puro ka pa rin Fred. Wala na nga ang tarant