PORTIA’s POV“Portia, kanina ka pa hinihintay ni Miss Jass Anne,” sabi ni Meg nang makasalubong ko ito sa hallway pa lang ng building ng Albatross Publishing Company. “Bakit late ka na naman?” usisang dagdag na tanong pa nito habang tinatanggal ko ang suot kong jacket.Bumuntong-hininga ako nang malalim. “Alam mo naman kapag maulan, sobrang traffic,” sabi ko.“Oo nga! Kaya nga inagahan ko rin kanina.” Ani nito. “Sige na, umakyat ka na sa opisina ni Miss Jass, kanina ka pa hinihintay n’on.”“Sige, thank you!” sabi ko at nagmamadali nang tinungo ang kinaroroonan ng elevator upang pumanhik sa ika-6 na palapag ng gusali kung saan naroon ang opisina ng boss namin.Muli akong nagpakawala nang buntong-hininga bago sumimsim sa kapeng binili ko sa coffee shop na nadaanan ko kanina. Kagaya sa nagdaang mga gabi, sinalakay na naman kasi ako ng insomnia ko kaya madaling araw na ako nakakatulog. Wala naman iyon problema sa akin dahil may manuscript din akong tinatapos. Iyon nga lang, minsan ay hindi
Read more