Share

CHAPTER 4

last update Last Updated: 2023-03-02 21:07:10

“TITA MAY... hindi naman po sa nangingialam ako sa desisyon ninyo para kay Jass, pero ang akin lang naman po, hindi po ba ay nasa tamang edad naman na siya para gumawa ng sarili niyang desisyon?” malumanay na tanong ko sa mama ni Jass. Kararating lamang nito sa opisina at hinahanap ang anak. Pero dahil ayaw ni Jass na makausap ang ina, hayon at bigla itong nagtago at ako ang pinaharap sa ina nito. Ayoko sanang harapin itong si Mrs. Gomez, pero wala na rin akong nagawa. Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga. “At isa pa po tita, nakikita naman po natin na masaya si Jass kay Wigo. Bakit hindi n’yo na lang po payagan ang relasyon nilang dalawa?” tanong ko pa.

“I know concern ka dahil kaibigan mo si Jass, Portia. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay puwede ka ng makisali sa usapan naming dalawa,” seryosong sabi nito habang nakaupo sa sofa, habang nakatitig sa akin. Tinaasan pa ako nito ng isang kilay pagkatapos ay inilibot ang paningin sa buong opisina ni Jass. Mayamaya lang din ay dinampot nito ang mamahaling bag na nasa tabi nito at tumayo. “Tell her that I need to talk to her tonight. Sa bahay kamo siya umuwi kung ayaw niyang ipasundo ko ulit siya sa condo niya,” muling sabi nito saka naglakad na palabas ng opisina.

Napabuntong-hininga na lamang ulit ako nang makita ko ang tuluyang paglapat ng pinto upang sumara iyon. Oo matagal ko ng kilala ang mama ni Jass, pero hindi pa rin talaga ako komportable sa tuwing nagkakasama kami sa iisang lugar o hindi kaya ay kapag kinakausap ako nito. Prangka kasi ang nanay ni Jass. Walang pakialam sa magiging reaksyon ng taong kausap nito basta ang mahalaga ay nasasabi nito ang kahit anumang gusto nitong sabihin. At iyon ang isang bagay na pinaka-ayaw ko kay Mrs. Gomez.

“Is she gone?”

Napatingin ulit ako sa bumukas na pinto at pumasok doon si Jass.

Tumango ako. “Kakaalis lang,” sagot ko. “Pero pinapauwi ka sa bahay n’yo mamayang gabi kasi kailangan n’yo raw mag-usap,” sabi ko pa saka naglakad palapit sa mesa nito at kinuha roon ang dalawang sample ng bagong libro na ilalabas namin sa market next month. “Na-i-stress din ako sa inyo ng mama mo,” wika ko at bahagyang ngumiti kasabay nang pag-iling ko.

“I’m sorry, Portia.”

“Aalis na ako,” sa halip ay sabi ko. “Magkita na lang tayo bukas. Bye!” saka ako naglakad palabas sa opisina nito.

ONE WEEK LATER

“Pasensiya ka na, Portia, hindi ko talaga kayang pumunta ngayon kay Jass. Nakakahiya at naabala pa kita,” wika sa akin ni Meg nang lapitan ako nito sa lamesa ko.

“Okay lang ’yon. Huwag mo ng pilitin ang katawan mo kung hindi naman kaya at masama talaga ang pakiramdam mo,” sabi ko at ngumiti. “Right timing ka naman at pupuntahan ko siya kasi gusto ko rin siyang makausap ng personal. Kaya okay lang na ako na lang ang magbibigay ng files na ito sa kaniya.”

“Salamat. Babawi ako sa iyo sa susunod.”

“Don’t mention it. Wala namang problema ’yon sa akin,” sabi ko pa saka tumayo na sa puwesto ko. Isinukbit ko sa balikat ko ang bag ko. “Sige at aalis na ako. Baka abutan pa ako ng gabi sa biyahe.”

“Sige. Mag-iingat ka!”

Tumango lang ako saka naglakad na papunta sa kinaroroonan ng elevator.

Kagabi ko pa sinusubukan na tawagan ang number ni Jass, pero hindi ko naman ito makontak kaya nagpasya na lang ako na puntahan ito sa bahay ni Wigo. Ilang araw na kasi itong naroon at hindi pumapasok sa trabaho. Hindi ko alam kung may problema ba sila ni Wigo para hindi ito pumasok sa trabaho ng ilang araw. Hindi kasi ugali ni Jass ang mag-absent sa trabaho ng matagal at walang importanteng dahilan, kaya nagtataka ako ngayon!

Halos tatlong oras din ang naging biyahe ko bago ako nakarating sa address ng bahay ni Wigo sa Cavite. Nakapunta na ako rito ng isang beses kaya alam ko na ang way papunta rito.

Bago ako bumaba sa driver’s seat ng kotse ko ay muli kong sinubukan na tawagan ang number ni Jass. Pero kagaya sa nagdaang gabi, puro voice mail lang ang natatanggap ko mula sa kabilang linya.

Bumuntong-hininga ako saka sumilip sa bintana upang tingnan ang labas ng bahay ni Wigo.

“Ano kaya ang ginagawa niya at hindi man lang sinasagot ang mga text at tawag ko?” tanong ko pa sa sarili bago tinanggal ang seatbelt ko at dinampot ko ang bag ko na nasa front seat saka binuksan ang pinto sa tabi ko.

Naglakad ako palapit sa bakal na gate ng bahay. Akma ko na sanang pipindutin ang doorbell na nasa gilid niyon, pero napansin ko naman na hindi iyon naka-lock, kaya itinulak ko na lamang iyon at pumasok ako.

“Jass!” tawag ko sa pangalan nito at dahan-dahang naglakad sa loob ng garahe. “Jass! Wigo! It’s Portia. Where are you guys?” muling tawag ko sa kanila pero wala pa rin akong natanggap na sagot. Nagpatuloy ako sa paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa tapat ng main door. Kagaya kanina sa gate, nang akma na akong kakatok sa pinto ay nakita kong bahagya rin iyong nakabukas. Nagsalubong ang mga kilay ko kasabay niyon ang kaba na sumibol sa dibdib ko. Parang bigla akong nakadama ng kakaiba. Nag-iba man ang pakiramdam ko sa mga sandaling ito ay dahan-dahan ko pa ring hinawakan ang doorknob at itinulak ang pinto pabukas. Nakita ko namang nakabukas ang lahat ng ilaw sa sala, at nang tumingin ako sa mataas na hagdan, nakabukas din ang mga ilaw roon. Narito nga siguro sina Jass at Wigo. Siguro ay nasa itaas lang sila at hindi nila ako naririnig!

Tuluyan akong pumasok sa sala. “Jass! Are you here?” muling tawag ko sa aking kaibigan.

Mayamaya ay napahinto ako sa paghakbang ko nang makaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin. Nagtayuan bigla ang mga balahibo ko sa braso, dahilan upang mapakunot ang aking noo. Parang bigla akong nakadama ng kakaibang presensya sa loob ng bahay na ito. Napalunok ako ng laway ko at inilibot ang paningin ko sa buong paligid, nagbabakasakaling makita ko roon isa kina Jass at Wigo.

Ilang saglit pa ay muli kong ipinagpatuloy ang paghakbang ko. Pero muli rin akong napahinto nang marinig ko ang pamilyar na boses na nagmumula sa itaas ng bahay.

“No, please! Parang awa n’yo na!”

Nagsalubong ang mga kilay ko. Pero mayamaya ay nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang hagulhol ni Jass.

“Ang sabi ni boss, patayin na ’yan agad para wala ng problema.”

“Gago ka ba? Ang gandang babae nito tapos hindi mo manlang pagnanasaan? Pare, minsan ka na lang makakita ng magandang katawan ng babae, bakit hindi mo na lubusin?” tumatawang sabi ng lalaki. “Mag-enjoy muna tayo bago natin patayin ang babaeng ito.”

Nanlaki pa lalo ang mga mata ko nang marinig ko ang mga sinabi ng dalawang lalaki. God! Nasa panganib ang buhay ni Jass?

“Ahhh! No, please! Huwag! Parang awa n’yo na.”

“Iyan ang gusto ko sa babae, lumalaban... para naman mas masaya at exciting.”

Nagimbal ako lalo dahil sa aking mga narinig! Napatutop ako sa aking bibig! Nangingilabot ako sa mga sandaling ito. Oh, Diyos ko! Ano ang nangyayari? Bakit may mga masasamang tao ang nakapasok sa bahay na ito? Bakit nila sinasaktan si Jass? Nasaan si Wigo?

God, nagtungo ako rito para makausap si Jass, ngunit ang hindi ko inaasahan ay iba pala ang madadatnan ko rito!

Sa sobrang takot na bigla kong naramdaman sa mga sandaling ito, hindi ko na malaman kung ano ba ang dapat kong gawin. Gusto kong umalis na lang bago pa ako makita ng mga lalaking iyon at ako naman ang saktan nila, ngunit hindi ko naman kayang iwanan si Jass dito ng mag-isa. But how can I help her? Paniguradong malalagay rin sa panganib ang buhay ko!

Mayamaya ay nanginginig ang mga kamay ko na binuksan ko ang bag ko para kunin doon ang cellphone ko at tumawag sa pulis at humingi ng tulong, pero hindi ko naman iyon makita sa loob ng aking bag.

“Damn it! Nasaan na ba ’yon?” pati ang boses ko ay nanginginig na rin. “Shit!” napamura ako. Naiwan ko ata sa kotse ko ang cellphone ko.

Makalipas ang ilang segundo, tumigil ako sa paghahalungkat sa bag ko at hindi ko namalayang nagsimula ng humakbang ang aking mga paa palapit sa hagdan upang umakyat doon. Nanginginig man ang buong katawan ko dahil sa takot, dahan-dahan akong pumanhik sa hagdan, hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang kwarto. At doon, nasaksihan ko ang krimeng ginagawa ng mga kalalakihan kay Jass. Wala ng malay ang kaibigan ko ngunit patuloy itong pinagsasamantalahan ng isang lalaki.

Nahigit ko ang aking paghinga at naramdaman kong nanigas bigla ang buong katawan ko sa kinatatayuan ko habang nakatuon ang aking paningin kay Jass. Naramdaman ko rin ang pag-iinit sa sulok ng aking mga mata at ilang saglit lang ay tumulo ang mga luha ko!

“J—Jass?” mahinang sambit ko na siyang naging dahilan din upang magbaling sa direksyon ko ang paningin ng mga lalaki.

“Sino ka?” gulat at galit na tanong sa akin ng isang lalaki.

Napatingin ako sa mukha nito. Mayamaya ay napatingin din ako sa isang lalaki at nakita ko ang kutsilyo na hawak nito. Mas lalo akong sinalakay ng kaba at takot. Napaatras ako! At kahit nanginginig at nanghihina ang mga tuhod ko, pinilit kong tumakbo pababa sa hagdan upang lumabas sa bahay at tumakas. 

“Habulin mo, gago! Mananagot tayo kay boss oras na sumabit tayo.” Sigaw ng lalaki.

“Oh, Jesus! God! P-please, help me!” habang pinipilit kong kumaripas nang takbo papalabas ng bahay. Hanggang sa makabalik ako sa kotse ko. Nanginginig ang mga kamay ko na kinapa ko ang susi ng kotse ko na nasa bulsa ng pantalon ko. “Damn it!” hindi ko iyon maipasok sa keyhole dahil sa labis na pagkataranta ko. “Please, Diyos ko!” sambit ko pa. Nang sa wakas ay mabuksan ko na ang pinto, nagmamadali akong lumulan sa driver’s seat at kaagad na binuhay ang makina ng sasakyan ko at pinaandar iyon paalis.

“Sa kotse, dali!” sigaw ng lalaki.

Wala na akong pakialam kung gaano kabilis ang pagpapatakbo ko ng aking kotse, basta ang gusto ko lang ay makalayo ako sa mga lalaking himahabol sa akin.

Ang buong akala ko ay makakatakas agad ako sa mga humahabol sa akin, ngunit mas lalo akong sinalakay ng labis na takot sa dibdib ko nang bigla na lamang sumulpot sa likuran ng sasakyan ko ang isang sasakyan.

“Ahhh!” napasigaw ako nang bigla niyong banggain ang likuran ng kotse ko. Inapakan ko naman ang silinyador upang mas lalong bumilis ang takbo ng kotse ko. Hindi ko na alam kung saan ako patungo, basta ang nasa isipan ko lang sa mga sandaling ito ay makalayo at makatakas. “Ahhh!” muli akong napasigaw at bahagyang napayuko sa may manibela nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. “P-please! P-please, Lord, help me! I don’t wanna die right now.” Umiiyak na sambit ko.

Ilang putok ng baril pa ang narinig ko. Pagkatapos ay biglang pumutok ang gulong ng kotse ko kaya gumiwang-giwang iyon sa daanan hanggang sa bumangga ako sa isang puno. Mabuti na lamang at hindi ganoon kalakas ang pagkakabangga ko kaya nakalabas din ako agad sa driver’s seat. I don’t have a choice kun’di ang tumakbo sa madilim na kakahuyan.

“Bilis, habulin ninyo! Hindi pa nakakalayo ’yon.”

Dinig kong sigaw ng isang lalaki nang mayamaya ay magkubli ako sa malaking puno ng kahoy. Tinakpan ko ng aking palad ang bibig ko. “Lord, please help me!” bulong na panalangin ko bago muling ipinagpatuloy ang aking pagtakbo palayo.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, basta patuloy lamang ako sa pagtakbo sa madilim na kakahuyan. Takot. Kaba. Kapos sa hangin. Pagod. Iyon ang nararamdaman ko sa ilang minutong pagtakbo ko. Hanggang mayamaya, napahinto ako nang matanaw ko mula sa hindi kalayuan ang isang maliit na liwanag. Nanghihina man ang mga tuhod ko at hinihingal ako ay pinilit kong tumakbo ulit papunta sa liwanag na iyon. Nang makarating ako roon, walang pagdadalawang-isip na pumasok ako sa malaking gate. Mabuti na lamang at nakabukas iyon. Mabilis akong tumakbo ulit papunta sa may pintuan. Hinawakan ko ang doorknob sa pagbabakasakaling bukas iyon, and thank God, bukas din iyon kaya dali-dali akong pumasok at isinarado iyon.

Pagod na pagod akong napaupo sa likod ng pinto. Hinihingal at nanunuyo pa rin ang aking lalamunan. Ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pag-agos.

“Jass!” lumuluhang sambit ko. “B-bakit ito nangyari sa iyo?” tanong ko sa sarili ko at naipikit ko nang mariin ang aking mga mata.

“Who are you?”

Mayamaya ay muli akong napamulat ng aking mga mata nang marinig ko ang baritino at malamig na boses na iyon na muling nagpagimbal sa akin. Naaninag ko ang isang malaking anino mula sa hindi kalayuan sa puwesto ko.

Muling sinalakay ng takot ang puso ko.

“I said, who are you? How did you get in here?” galit na tanong nito.

Muli akong napaluha at mas lalong nagsumiksik sa likod ng pinto. “Please... huwag mo akong sasaktan.” Umiiyak na sambit ko.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
JASS ANNE
Ay kawawa si Jass..🫢🫢
goodnovel comment avatar
Rhealyn Sanchez
itong si Tita May kagaya rin to sa Nanay ni Rufo ...... for sure nagsisisi to sa nangyari kay Jass............
goodnovel comment avatar
Marisol Catibog
exciting ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 5

    “I SAID, who are you? It is blasphemy for you to enter my house without permission.”Mas lalo akong nakadama ng labis na takot nang marinig ko ulit ang galit na boses na iyon, kaya wala akong sapat na lakas upang sagutin ang katanungan niya.Oh, Lord, please, help me! Nanginginig ang buong katawan ko! Mayamaya ay dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata at nakita kong naglakad palapit sa akin ang anino ng lalaki, bagay na mas lalo kong ikinatakot. “This is not an abandon house if that’s what you think.” Ang magaspang at galit na boses niya ang muli kong narinig pagkatapos ay naramdaman ko ang isang kamay niya na humawak sa braso ko. Walang kahirap-hirap na naiangat niya ako mula sa pagkakasalampak ko sa likod ng pinto. “Get out if you don’t want me to kill you right now!” saka niya ako puwersahang hinila palabas nang mabuksan niya ang malaking pinto.“P-please! No, please! Help me!” umiiyak at namamaos ang boses ko habang nagmamakaawa ako. Siguro kung hindi niya ako hawak sa isan

    Last Updated : 2023-03-03
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 6

    MULA sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama, tumayo ako at naglakad palapit sa bintana at bahagyang hinawi ang makapal na kurtina roon upang tingnan ang labas ng bahay. Medyo madilim na sa buong paligid. Muli kong tinapunan ng tingin ang wall clock na nakasabit sa pader. Halos limang oras na rin pala akong mag-isa sa silid na ito simula nang matapos kaming mag-usap ni Nanay Josephine kanina. Hindi na ulit ito bumalik maging ang anak nito.Nagpakawala ako nang malalim at mabigat na paghinga nang muli akong mapatingin sa labas ng bintana. Muli na namang sumagi sa isipan ko ang mga nangyari kagabi, ang sitwasyong kinasadlakan ni Jass. Sana nakabalik na si Wigo sa bahay nito at nakita nito ang nangyari sa kaibigan ko. Kawawa naman si Jass. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na puwedeng mangyari sa kaibigan ko ang lahat ng nangyari kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwalang sa ganoong paraan lamang mawawalan ng buhay ang kaibigan ko. Napakasakit para sa akin! Bakit si Jass pa? Napakabuti niyang tao.

    Last Updated : 2023-03-04
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 7

    SUNOD-SUNOD na pag-ubo ang aking ginawa habang nakasiksik ako sa pinakagilid ng gazebo; sa tabi ng mahabang sofa. Yakap ang sarili kong mga binti habang nanginginig ang buo kong katawan dahil sa malakas na buhos ng ulan maging ang malakas na simoy ng hangin na sa tingin ko ay kaunti na lamang ay magagawa nang ilipad ang bubong ng gazebo na sinisilungan ko. Muli kong inilibot ang paningin sa madilim na paligid habang nanlalabo ang aking mga mata dala sa nag-uulap na mga luha ko.“Lord, please! Pati po ba ang panahon ngayon ay gusto akong pahirapan?” bulong na tanong ko sa sarili ko pagkuwa’y ipinatong ko ang mukha ko sa aking mga tuhod. Malakas masiyado ang ulan at sa tingin ko ay hindi iyon basta-basta na titila agad. Ano na lamang ang gagawin ko kung sakaling magdamag na bumuhos ang malakas na ulan? Panigurado akong mas lalong magagalit sa akin ang lalaki na iyon oras na makita niya akong nandito pa rin sa lugar niya!Get out or else I’ll kill you!Ang galit na boses ng lalaking iyon

    Last Updated : 2023-03-05
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 8

    THIRD PERSON POV“INAY, kumusta po si Portia?” nag-aalalang tanong ni Liam sa ina nang lumabas si Josephine sa silid kung saan nagpapahinga ang dalaga.Bumuntong-hininga ang matanda. “Medyo bumaba na rin ang kaniyang lagnat,” sagot nito.“Mabuti naman po kung ganoon. Nag-aalala po ako nang husto para sa kaniya.” Turan nito pagkuwa’y nagpakawala rin nang malalim na buntong-hininga at napailing pa. “Masiyado po akong nag-alala sa kaniya kagabi nang hindi ko siya makita agad. Mabuti na lang talaga at ligtas siya.”“Maging ako man ay nag-alala rin para sa batang iyon, William,” sabi nito. “Pero, mukhang nananaginip na naman siya ng masama kanina. Umiiyak pa siya nang magising siya.”“Kawawa naman siya, inay. Marahil ay totoo nga ang sinasabi niya sa atin na may mga taong gustong pumatay sa kaniya. Siguro totoo ngang pinatay ng masasamang tao ang kaibigan niya,” sabi nito.“Iyon nga rin ang iniisip ko. Gusto ko sanang magtungo sa Bayan para mag-report sa mga pulis. Pero... kinakabahan nama

    Last Updated : 2023-03-06
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 9

    PORTIA’s POVNakatulala lamang ako habang nakaupo sa isang silya na nasa gilid ng kama. Ang dami-daming pumapasok sa isipan ko ngayon, bagay na siyang nagbigay ng dahilan upang muling makadama ako ng labis na takot. Maging ang pag-aalala ko para kay Jass ay muling sumibol sa puso ko. Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? May nakarating kayang tulong sa bahay ni Wigo? O baka naman itinapon na lamang ng mga kalalakihang iyon ang bangkay ng kaibigan ko? Oh, God! Huwag naman sana! Kawawa talaga si Jass! Labis akong nasasaktan para sa sinapit ng kaibigan. How I wish she’s still alive!Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga at mabilis na kinagat ang pang-ilalim kong labi nang maramdaman kong nag-uumpisa na namang mag-init ang sulok ng aking mga mata dahil sa mga bagay na naiisip ko ngayon.Mayamaya ay sumagi rin sa isipan ko si Tita Marites at si Fritz. Sigurado akong nagagalit na naman ngayon sa akin si tita dahil hindi na naman ako nakauwi sa bahay. Si Fritz, I know nag-aalala na r

    Last Updated : 2023-03-07
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 10

    PAGKATAPOS naming magtanghalian, ako na ang nagpresenta kay Nanay Josephine na maghuhugas ng mga pinagkainan namin. When my parents were still alive, we had maids in the mansion kaya lahat ng gawaing bahay ay wala akong alam kung paano gawin. Pero nang mapunta ako kay Tita Marites, doon ako natutong magtrabaho ng gawaing bahay. Paano naman kasi, ang laki-laki ng mansion na iniwan sa akin ng parents ko, pero hindi man lang kumuha si tita ng kahit isang kasambahay lamang para gumawa ng lahat ng trabaho. Lahat ay ako ang gumagawa. My friends used to say that my life is like Cinderella’s life. The only difference between me and Cinderella is that I don’t have mean stepsisters. Mabait naman kasi sa akin si Fritz. Sadyang si Tita Marites lang ang mean sa akin. But it’s okay. If I didn’t go through all the things I went through before, I probably wouldn’t know what to do now but complain. Kaya kahit marami akong hindi magandang karanasan noon, malaki pa rin ang pasasalamat ko kay Tita, at le

    Last Updated : 2023-03-08
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 11

    “S-SORRY po, señorito! H-hindi ko po alam na bawal pala akong magpunta rito,” sabi ko at pagkuwa’y yumuko ako upang damputin ang libro at flashlight. Nakadama na naman ako ng kaba dahil sa bigla niyang pagsulpot sa harapan ko. My God! Kung magpapatuloy itong panggugulat niya sa akin at basta-basta na lang siyang susulpot sa harapan ko, hindi na ako magtataka kung isang araw bigla na lang akong atakihin sa puso kahit wala naman akong sakit sa puso! “Oh, damn it!” mariin at galit na saad niya at mabilis na naiharang sa mukha niya ang kaniyang palad nang hindi sinasadyang tumama sa kaniyang mukha ang ilaw ng flashlight ko.Because of that, I had a brief chance of seeing what he looked like. I mean, hindi ko nakita ang buong mukha niya dahil sa kamay niya... pero tama ang naaninag ko no’ng unang gabi ko rito sa mansion niya. His face is full of beard and mustache. He also has long hair that is a bit curly. “S-sorry po!” paghingi ko ulit ng paumanhin sa kaniya saka inilayo sa mukha niya

    Last Updated : 2023-03-10
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 12

    NAPALUNOK ako ng aking laway habang titig na titig sa kaniyang mga mata. It was as if his eyes had a magnet and I found myself unable to look away. I couldn’t even blink. And my heart... ramdam kong nag-umpisa iyong tumibok nang malakas hanggang sa lumakas pa nang husto na para bang biglang may mga kabayo ang nagkarerahan sa loob ng dibdib ko.Oh, my God! While staring at his ocean-blue eyes... damn. I feel like I’m drowning! Mayamaya, mula sa pagkakatitig ko sa mga mata niya, gumalaw ang mga mata ko upang suyurin ng tingin ang mukha niya. Oh, God! Tama nga ang hula ko kanina na guwapo siya. Madilim man ang buong paligid, pero sapat na sapat ang liwanag mula sa lampara ko upang makita ko nang husto ang hitsura niya. His eyebrows are thick. He has a pointed nose. He has a long beard and mustache on his face. His curly hair that was still wet fell slightly in front of my face, so I could smell him even more. Wala sa sariling nasinghot ko ang amoy niya. Damn again! Bakit ang bango-bang

    Last Updated : 2023-03-11

Latest chapter

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   SPECIAL CHAPTER

    “CRANDALL!” Bigla akong nagising at napabangon mula sa mahimbing na pagkakatulog ko. I was full of anger, especially when I saw my husband rushing into our room. “W-Wife? Why? Is... Is there a problem?” bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala habang nagmamadali siyang lumapit sa akin.Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. At nang tuluyan siyang makalapit sa puwesto ko, kaagad ko siyang pinagpapalo sa braso at dibdib niya. “I hate you! I hate you! I hate you, Crandall!”“W-What? Why?” nalilitong tanong niya habang sinasalag niya ang kamay ko na patuloy pa ring namamalo sa kaniya. “What did I do, wife?”“Where did you go, Crandall? Nasaan ang babae mo?”“Huh?” halos mag-isang linya na ang mga kilay niya habang nakatitig sa akin. Litong-lito ang hitsura niya sa mga sandaling ito. “Portia, what are you talking? Wala akong babae.”“Liar!” singhal ko sa kaniya. “I saw you. May kahalikan kang babae, Crandall.” Bigla na lamang akong naiyak nang maalala ko na masaya sila nang babaen

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 75

    A wide smile spread across my lips as I looked at myself in the full-sized mirror. I want to cry because of the happiness my heart feels at this moment, but I hold myself back because I might ruin my make-up. I was wearing my simple yet elegant off-shoulder wedding gown.A week after, Crandall proposed to me, here we are finally getting married today. Oh, God! I still can’t believe it. My heart is still full of happiness because in a few moments, I will be Mrs. Crandall El Greco. Even though I knew that a week was a very short time for preparing for our wedding, I didn’t object when he suggested getting married right away and thought we could finish everything in a few days. And we made it with the help of important people in our lives, that are also excited for us to get married. Maraming connection si Crandall, maging si Mama Sugar at Papa Damian. Kaya naging madali na lamang ang lahat para sa amin. And there was no problem with the venue of our wedding, because both Crandall a

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 74

    “OH, PORTIA! Napakasaya ko ngayon na muli tayong nagkita.” Yakap-yakap ako nang mahigpit ng Mama ni Crandall. At nang pakawalan ako nito, ikinulong nito sa mga palad ang mukha ko at ilang beses na hinalikan ang magkabilang pisngi ko. “I missed you so much, hija.”“And I’m happy too na nagkita po ulit tayo, Tita Sugar.”“Oh, come on! You are already part of the family, Portia. Anak na rin kita kaya Mama na rin ang itawag mo sa akin.”Ngumiti ako nang malapad. “Thank you po, Ma.” “At kagaya sa Mama mo, masaya rin ako na nakita ulit kita, Portia.” Anang Papa ni Crandall. Niyakap din ako nito at hinalikan sa pisngi.“Thank you po, Papa Damian.”“Congratulations again to the both of you.”“Thank you, Pa,” sabi ni Crandall sa papa niya. “Hi, Ate Portia!”“Elle!”Kaagad din itong yumakap sa akin nang mahigpit. “I thought I would never see you again.”“It’s been a long a time,” sabi ko.“Congrats again sa inyo ni Kuya Crandall. And... I’m happy. I mean, we are happy to know na may apo na

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 73

    “I THOUGHT magla-lunch date tayo, babe?” nagtatakang tanong ko kay Crandall habang nasa labas ng bintana ng kotse ang paningin ko. I’m just confused kung bakit nandito kami sa bundok. I mean, maganda ang buong paligid. Puro bundok, mga damo at punong kahoy ang nakikita ko. At parang may malalim na bangin pa sa ’di kalayuan. “Babe!” Nilingon ko siya habang magkasalubong ang mga kilay ko.He gave me a wide smile. And before he answered my question, he stopped his car.“We’ll have a lunch date here, Love.”Mas lalong nangunot ang noo ko at saglit siyang tinitigan nang seryoso. Pagkatapos ay muli akong napatingin sa labas ng bintana. “Are you serious, Crandall?”Narinig ko siyang tumawa nang pagak. “Trust me, Love. You’ll gonna love this day.” Pagkuwa’y narinig ko ang pagbukas niya sa pinto sa tabi niya at umibis siya. Umikot siya sa may puwesto ko at pinagbuksan niya ako ng pinto at inilahad ang kamay sa akin upang alalayan ako. “Careful, Love.”Medyo mahangin ang paligid kaya kaagad na

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 72

    WHEN I opened my eyes, suddenly, a sweet smile appeared on my lips as I looked at the portrait of me and Crandall hanging on the bedroom wall. I’m sure it was taken the day he proposed to me five years ago. And then I glanced at the window. Maliwanag pa rin sa labas, but I’m not sure what time it is. When I looked next to me, I didn’t see Crandall. Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga pagkuwa’y kumilos ako habang hawak-hawak ko ang kumot sa tapat ng dibdib ko.Nasaan na kaya ang lalaking ’yon?Nang makababa ako sa kama, naglakad ako palapit sa bintana habang hila-hila ko ang makapal na kumot na nakatakip sa hubad kong katawan. A wide smile appeared on my lips again when I saw the beautiful view outside the house. Oh! I really missed this. After five years, makakadungaw pa pala ako sa bintanang ito para tingnan ang buong paligid ng bahay namin ni Crandall. Saglit kong pinagsawa ang paningin ko sa labas bago ako nagdesisyong bumalik sa kama. I let the thick blanket fall to

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 71

    NARINIG kong inihinto ni Crandall ang kaniyang kotse. I have no idea where we are now because he blindfolded me earlier when we got back in his car. “Babe, where are we now?” tanong ko sa kaniya.“Um, I can’t tell you yet, Love,” sagot niya. “But it’s a surprise for you.”“Hindi mo naman kasi sinabi sa akin kanina na may surprise ka sa akin ngayon. Hindi ko tuloy napaghandaan.”Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at pagkatapos ay naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ako sa pisngi ko.“I will remove your seatbelt, Love.” “Thank you, babe.” “You’re welcome, darling,” aniya. “Just wait a minute. I’ll open the door for you.” Narinig ko ang pagbukas-sarado ng pinto sa driver’s seat at ilang segundo lang, bumukas din ang pinto sa tabi ko. Kinuha niya ang kamay ko para alalayan ako. “Just be careful.”Hinawakan niya rin ang ulo ko para hindi ako mauntog. “Kinakabahan na naman ako,” sabi ko sa kaniya habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahil natat

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 70

    “C-CRANDALL!” I looked at him as he slowly parked his car on the side of the road. I wondered why he was stopping his car gayong wala naman kaming makitang mga tao o bahay sa paligid. Ang tanging nakikita ko lang ngayon ay puro mga puno at matataas na damo. Nang tuluyan niyang mapatay ang makina, nagbuntong-hininga siya saka binalingan din ako ng tingin. Ngumiti siya sa akin.“W-What are we doing here? Nasaan tayo?” tanong ko sa kaniya.“Relax. Wala naman akong gagawing masama,” sabi niya.“Pero bakit nandito tayo?” Sa halip na sagutin ang tanong ko, binuksan niya ang pinto sa tabi niya saka siya umibis. Kahit nagtataka ako at medyo kinakabahan dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko ngayon na puwede niyang gawin sa akin dahil kami lang naman ang tao rito, pero inalis ko iyon sa isipan ko. I know Crandall, he can’t do anything bad to me. Except if he no longer feels love for me and just intends to take my child from me. Ugh! Napa-paranoid ako sa pag-iisip ngayon ng hindi maga

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 69

    DAHAN-DAHANG humakbang si Crandall palapit sa may ibaba ng hagdan habang pababa naman kami ni Link. Ang ngiti sa mga labi niya ay parang nag-aalinlangan habang nakatingin siya sa anak namin. He let out a deep breath when there was only one step between the three of us. “H-Hi!” Mahina ang boses niya nang batiin niya ako, at pagkatapos ay tiningnan niya rin si Link. “Hi, buddy!” Link didn’t speak immediately. Instead, he grabbed my hand that was holding his shoulder and looked up at me. “Mama!”“Yes, sweetheart?”“Wasn’t he the one who got mad at you when we were at the mall?” tanong ng anak ko. Muli akong napatingin kay Crandall. Pagkatapos ay umupo ako sa baitang para magpantay kaming dalawa. “Sweetheart, ’yong nangyari sa mall no’ng nakaraan... It was just a misunderstanding,” sabi ko. “But...” Tumingala ako ulit kay Crandall habang mataman lamang siyang nakatingin sa aming mag-ina. When I turned to look at Link again, I smiled and gently squeezed his chin. “He’s your Papa. A

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 68

    MATAMAN kong pinapakatitigan ang airplane ticket na iniwan ni Crandall sa akin kanina nang umalis siya. Hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin at iisipin ko ngayon. Naguguluhan ako. After our conversation earlier; after he explained and apologized to me because of what happened, he left when I told him I needed time to think because I was completely shocked by what I found out. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. All these years, I thought he was to blame for hurting me so much, so I left him. And if he is telling me the truth, that he really has a twin... Randall is the one who is guilty and should be blamed. Nagkahiwalay kami ni Crandall nang matagal na panahon nang dahil sa kapatid niya. Pareho kaming nasaktan at naghirap ang mga damdamin nang dahil sa kapatid niya. I took a deep breath to loosen my tight chest.It is true he went to Cebu before. I now have the proof in my hands. His name is written on this airplane ticket. Mula sa pagkakaupo k

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status