“I SAID, who are you? It is blasphemy for you to enter my house without permission.”
Mas lalo akong nakadama ng labis na takot nang marinig ko ulit ang galit na boses na iyon, kaya wala akong sapat na lakas upang sagutin ang katanungan niya.Oh, Lord, please, help me! Nanginginig ang buong katawan ko! Mayamaya ay dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata at nakita kong naglakad palapit sa akin ang anino ng lalaki, bagay na mas lalo kong ikinatakot.“This is not an abandon house if that’s what you think.” Ang magaspang at galit na boses niya ang muli kong narinig pagkatapos ay naramdaman ko ang isang kamay niya na humawak sa braso ko. Walang kahirap-hirap na naiangat niya ako mula sa pagkakasalampak ko sa likod ng pinto. “Get out if you don’t want me to kill you right now!” saka niya ako puwersahang hinila palabas nang mabuksan niya ang malaking pinto.“P-please! No, please! Help me!” umiiyak at namamaos ang boses ko habang nagmamakaawa ako. Siguro kung hindi niya ako hawak sa isang braso ko, malamang na kanina pa ako natumba sa malamig na marmol na inaapakan ko ngayon dahil sa matinding panghihina ng mga tuhod at kalamnan ko dahil sa takot ko sa kaniya. “Please, mister! Papatayin nila ako!” pagsusumamo ko at hinawakan ko na rin siya sa kamay na siyang naging dahilan upang mapahinto siya. Kahit medyo madilim ang labas ng bahay, naaninag ko ang paglingon niya sa akin. Hindi ko makita ng maayos kung ano ang hitsura niya, pero sigurado akong puno ng balbas at bigote ang mukha niya. Ang mga mata niya ay bahagyang kuminang nang tamaan iyon ng kulay dilaw na ilaw na nakasabit sa gilid ng mataas na pinto. Ramdam ko ang pinaghalong yelo at apoy sa mga titig niya ngayon sa akin. Kahit naninikip pa rin ang dibdib at lalamunan ko, “papatayin nila ako! Please, help me!” muling pagsusumamo ko habang nangingilid pa rin ang luha sa mga mata ko. Alam ko, oras na muli akong makalabas sa gate na iyon, wala na akong ligtas mula sa mga taong humahabol sa akin. Panigurado ako na ito na ang huling araw ko sa mundo. “Please, I’m begging you, mister! H-help me!” labis na pagmamakaawa ko. Pero mayamaya, bigla na lamang ako nawalan ng malay.PAGKA-MULAT ko sa aking mga mata ay agad na bumungad sa paningin ko ang kulang gray na kisame. Hindi pamilyar sa akin ’yon kaya biglang nagsalubong ang aking mga kilay at saka pinilit na ilibot ang aking paningin sa buong paligid hanggang sa mahagip ng aking mga mata ang isang lalaki na nakaupo sa isang silya sa bandang paanan ko.“Mabuti at gising ka na,” sabi nito sa akin saka tumayo sa kinauupuan nito. “Halos magtatanghaling tapat na. Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba? May dala akong pagkain para sa iyo,” sabi pa nito at tinapunan ng tingin ang bowl na nasa ibabaw ng bedside table.“Nasaan ako?” sa halip ay nagtatakang tanong ko rito.“Nasa mansion ka ngayon. Teka, wala ka bang maalala sa nangyari sa iyo kagabi?” tanong ulit nito.Muling nangunot ang aking noo at pinilit alalahanin ang mga nangyari sa akin sa nagdaang gabi. Mayamaya, bahagya akong napasinghap nang maalala ko ang mga kalalakihan na humahabol sa akin kagabi, nang maalala ko ang krimeng ginawa ng mga lalaki na iyon kay Jass. Muli na naman akong sinalakay ng labis na takot. Wala sa sariling napaupo ako sa kama at tinitigan ko ang lalaki.“Please... huwag mo muna ako palabasin dito sa inyo! May... may mga humahabol sa akin. Papatayin nila ako! Tulungan mo ako!” pumiyok pa ang boses ko. Mataman at balot ng labis na pag-aalala at takot ang mga mata kong tumitig dito.Mababakas naman sa mukha nito ang biglang pagkalito dahil sa mga sinabi ko. “Huh? Ano ang ibig mong sabihin?” tanong nito.“M-may mga taong gustong pumatay sa akin,” sagot ko at banayad na bumuntong-hininga upang kahit papaano ay lumuwag ang dibdib ko na nag-uumpisa na namang manikip dahil sa takot.Tinitigan ako ng lalaki. “Ah, t-teka,” sabi nito. “Bago ang lahat... kumain ka muna. Alam kong gutom ka na. Mamaya ka na lang magkuwento tungkol sa nangyari sa ’yo kagabi,” sabi pa nito at kinuha ang bowl na nasa bedside table at inilapag iyon sa gilid ng kama. “Lalabas muna ako saglit at tatawagin ko ang inay. Ubusin mo muna ito para naman bumalik ang lakas mo.” Ani nito saka walang paalam na tumikod ito at iniwanan akong mag-isa sa loob ng kwarto.Nakagat ko na lamang ang pang-ilalim kong labi at napatingin sa pagkain. Wala sana akong balak na kumain pa, pero bigla ko namang naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko at napalunok sa sariling laway ko. Saglit kong tinapunan ng tingin ang nakasaradong pinto, pagkatapos ay umayos ako sa pagkakaupo ko at nagmamadaling kinuha ang bowl at kinain ang medyo mainit pang soup. Gutom na gutom na ako dahil hindi pa ako nakakakain simula kahapon nang umalis ako sa APC.Ilang minuto lang ay natapos na rin akong kumain. Kahit papaano ay bumalik na rin ang lakas ng katawan ko.Mayamaya, muli kong inilibot ang aking paningin sa buong silid. Maganda ang kuwarto, moderno at puro makabagong kagamitan ang nakikita ko. Ang problema nga lang ay medyo nababalot ito ng dilim dahil sa makapal at itim na kurtinang nakasabit sa malaking bintana. Isama pa ang pinaghalong kulay itim at abo na pintura ng pader at kisame. Hindi naman ata galit sa liwanag ang taong may-ari ng silid na ito, hindi ba? Nagtatakang naitanong ko sa sarili ko saka tinanggal ko ang kumot na nakatabing sa mga hita ko. Gusto kong lumabas sa kwarto upang hanapin ang lalaking kausap ko kanina.“Huwag mo na muna pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya.”Bigla akong napatingin sa may pinto nang bumukas iyon at may isang matandang babae ang pumasok. Bahagyang nangunot ang noo ko habang nakatitig dito.“May dala akong gamot para sa sugat sa mga paa mo.”Napayuko akong bigla upang tingnan ang mga paa ko, at doon ko lamang napagtanto na may mga sugat nga ako roon. Marahil ay dahil iyon sa pagtakbo ko kagabi sa kakahuyan! Medyo namamaga pa nga iyon!Muli akong nag-angat ng mukha upang tingnan ulit ang matandang babae saka umupo ulit sa gilid ng kama. “S-salamat po,” nauutal at nahihiyang sabi ko.“Ano ga ang pangalan mo, ineng?” tanong nito nang tuluyan itong makalapit sa akin.“P-Portia po. I’m... Portia.”Ngumiti naman ito sa akin nang mailapag sa bedside table ang bitbit nitong mga gamot na para daw sa mga sugat ko sa paa. “Ano ba ang nangyari sa iyo?” tanong nito. “Ang sabi sa ’kin ni señorito kagabi ay natagpuan ka raw niya sa may bulwagan. Papaano mong natunton ang lugar na ito? Paano ka nakapasok dito sa mansion?” nagtatakang tanong pa nito habang matamang nakatitig sa mga mata ko. “Ang sabi pa ng anak ko kanina, nasabi mo raw sa kaniya na may humahabol daw sa iyo at... gusto kang patayin. Totoo ba ’yon, ineng?” magkahalong kuryusidad at pag-aalala na tanong pa nito sa akin.Tipid akong nagpakawala nang buntong-hininga. “Um, m-may mga armadong kalalakihan po ang gustong pumatay sa akin. Hinabol po nila ako kagabi kaya ako napadpad dito sa inyo. Gusto ko po sanang... humingi sa inyo ng tulong. Sana po hayaan n’yo na muna akong manatili rito sa inyo ng ilang araw dahil sigurado po ako na hindi aalis ang mga taong humahabol sa akin hanggat hindi po nila ako nahuhuli at napapatay. Ayoko pong mamatay sa ganitong paraan lang. Gusto ko pong makauwi sa amin para ipaalam sa mga pulis ang nasaksihan kong krimen na ginawa nila sa kaibigan ko. Kaya kung maaari po, tulungan n’yo po sana ako. Huwag po muna ninyo sana akong paalisin dito. Natatakot po akong lumabas.” Bigla na lamang nag-init ang sulok ng mga mata ko at hindi ko na naman napigilan ang mapaluha.Mayamaya ay naglakad naman palapit sa akin ang matandang babae at umupo sa tabi ko. Kinuha nito ang isang kamay ko. Nanlalabo man ang mga mata ko dahil sa mga luha ko, pero kitang-kita ko sa mukha nito ang pagkaawa sa akin dahil sa sitwasyong ikinuwento ko rito.“Parang awa n’yo na po! Tulungan n’yo po ako!” lagsusumamo ko pa.“Gagawin ko ang makakaya ko upang matulungan ka, ineng,” wika nito.Kahit papaano ay nakaramdam ako ng maliit na ginhawa sa puso ko dahil sa sinabi nito.“A-ano ba ang nangyari at napunta ka sa sitwasyong ito?” tanong nito ulit mayamaya.“Pinuntahan ko po kagabi ang kaibigan ko sa bahay ng boyfriend niya, pero mga armadong kalalakihan po ang nadatnan ko roon at ang krimeng ginawa nila sa kaibigan ko. Pinagsamantalahan po nila ang kaibigan ko pagkatapos ay pinatay,” sabi ko at muling naalala si Jass kaya mas lalo akong napaluha.God, alam kong imposible, pero sana may magtungo ulit sa bahay ni Wigo para may makakita o makaalam man lang sa nangyari sa kaibigan ko. O hindi kaya ay makita ni Wigo si Jass kung ligtas ito at hindi ito nasaktan ng mga armadong lalaki. Kawawa talaga ng kaibigan ko!“Diyos na mahabagin! Kailangan mo talagang magsumbong sa mga pulis, ineng.” Ani nito. “Kawawa ang kaibigan mo, maging ikaw man! Hala, huwag kang mag-alala at kakausapin ko ang señorito na kung maaari ay dumito ka na muna panandalian upang hindi rin manganib ang buhay mo,” sabi nito at masuyong ginagap ang kamay ko na hawak-hawak nito.Tipid naman akong ngumiti rito habang may luha pa rin sa mga mata ko. Kahit papaano ay nakadama ako ng panatag sa puso ko. “Salamat po!” saad ko. “A-ano po pala ang pangalan ninyo?”“Ako si Josephine!”“Maraming salamat po, Aling Josephine.” Saad ko at mabilis itong niyakap.MULA sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama, tumayo ako at naglakad palapit sa bintana at bahagyang hinawi ang makapal na kurtina roon upang tingnan ang labas ng bahay. Medyo madilim na sa buong paligid. Muli kong tinapunan ng tingin ang wall clock na nakasabit sa pader. Halos limang oras na rin pala akong mag-isa sa silid na ito simula nang matapos kaming mag-usap ni Nanay Josephine kanina. Hindi na ulit ito bumalik maging ang anak nito.Nagpakawala ako nang malalim at mabigat na paghinga nang muli akong mapatingin sa labas ng bintana. Muli na namang sumagi sa isipan ko ang mga nangyari kagabi, ang sitwasyong kinasadlakan ni Jass. Sana nakabalik na si Wigo sa bahay nito at nakita nito ang nangyari sa kaibigan ko. Kawawa naman si Jass. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na puwedeng mangyari sa kaibigan ko ang lahat ng nangyari kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwalang sa ganoong paraan lamang mawawalan ng buhay ang kaibigan ko. Napakasakit para sa akin! Bakit si Jass pa? Napakabuti niyang tao.
SUNOD-SUNOD na pag-ubo ang aking ginawa habang nakasiksik ako sa pinakagilid ng gazebo; sa tabi ng mahabang sofa. Yakap ang sarili kong mga binti habang nanginginig ang buo kong katawan dahil sa malakas na buhos ng ulan maging ang malakas na simoy ng hangin na sa tingin ko ay kaunti na lamang ay magagawa nang ilipad ang bubong ng gazebo na sinisilungan ko. Muli kong inilibot ang paningin sa madilim na paligid habang nanlalabo ang aking mga mata dala sa nag-uulap na mga luha ko.“Lord, please! Pati po ba ang panahon ngayon ay gusto akong pahirapan?” bulong na tanong ko sa sarili ko pagkuwa’y ipinatong ko ang mukha ko sa aking mga tuhod. Malakas masiyado ang ulan at sa tingin ko ay hindi iyon basta-basta na titila agad. Ano na lamang ang gagawin ko kung sakaling magdamag na bumuhos ang malakas na ulan? Panigurado akong mas lalong magagalit sa akin ang lalaki na iyon oras na makita niya akong nandito pa rin sa lugar niya!Get out or else I’ll kill you!Ang galit na boses ng lalaking iyon
THIRD PERSON POV“INAY, kumusta po si Portia?” nag-aalalang tanong ni Liam sa ina nang lumabas si Josephine sa silid kung saan nagpapahinga ang dalaga.Bumuntong-hininga ang matanda. “Medyo bumaba na rin ang kaniyang lagnat,” sagot nito.“Mabuti naman po kung ganoon. Nag-aalala po ako nang husto para sa kaniya.” Turan nito pagkuwa’y nagpakawala rin nang malalim na buntong-hininga at napailing pa. “Masiyado po akong nag-alala sa kaniya kagabi nang hindi ko siya makita agad. Mabuti na lang talaga at ligtas siya.”“Maging ako man ay nag-alala rin para sa batang iyon, William,” sabi nito. “Pero, mukhang nananaginip na naman siya ng masama kanina. Umiiyak pa siya nang magising siya.”“Kawawa naman siya, inay. Marahil ay totoo nga ang sinasabi niya sa atin na may mga taong gustong pumatay sa kaniya. Siguro totoo ngang pinatay ng masasamang tao ang kaibigan niya,” sabi nito.“Iyon nga rin ang iniisip ko. Gusto ko sanang magtungo sa Bayan para mag-report sa mga pulis. Pero... kinakabahan nama
PORTIA’s POVNakatulala lamang ako habang nakaupo sa isang silya na nasa gilid ng kama. Ang dami-daming pumapasok sa isipan ko ngayon, bagay na siyang nagbigay ng dahilan upang muling makadama ako ng labis na takot. Maging ang pag-aalala ko para kay Jass ay muling sumibol sa puso ko. Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? May nakarating kayang tulong sa bahay ni Wigo? O baka naman itinapon na lamang ng mga kalalakihang iyon ang bangkay ng kaibigan ko? Oh, God! Huwag naman sana! Kawawa talaga si Jass! Labis akong nasasaktan para sa sinapit ng kaibigan. How I wish she’s still alive!Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga at mabilis na kinagat ang pang-ilalim kong labi nang maramdaman kong nag-uumpisa na namang mag-init ang sulok ng aking mga mata dahil sa mga bagay na naiisip ko ngayon.Mayamaya ay sumagi rin sa isipan ko si Tita Marites at si Fritz. Sigurado akong nagagalit na naman ngayon sa akin si tita dahil hindi na naman ako nakauwi sa bahay. Si Fritz, I know nag-aalala na r
PAGKATAPOS naming magtanghalian, ako na ang nagpresenta kay Nanay Josephine na maghuhugas ng mga pinagkainan namin. When my parents were still alive, we had maids in the mansion kaya lahat ng gawaing bahay ay wala akong alam kung paano gawin. Pero nang mapunta ako kay Tita Marites, doon ako natutong magtrabaho ng gawaing bahay. Paano naman kasi, ang laki-laki ng mansion na iniwan sa akin ng parents ko, pero hindi man lang kumuha si tita ng kahit isang kasambahay lamang para gumawa ng lahat ng trabaho. Lahat ay ako ang gumagawa. My friends used to say that my life is like Cinderella’s life. The only difference between me and Cinderella is that I don’t have mean stepsisters. Mabait naman kasi sa akin si Fritz. Sadyang si Tita Marites lang ang mean sa akin. But it’s okay. If I didn’t go through all the things I went through before, I probably wouldn’t know what to do now but complain. Kaya kahit marami akong hindi magandang karanasan noon, malaki pa rin ang pasasalamat ko kay Tita, at le
“S-SORRY po, señorito! H-hindi ko po alam na bawal pala akong magpunta rito,” sabi ko at pagkuwa’y yumuko ako upang damputin ang libro at flashlight. Nakadama na naman ako ng kaba dahil sa bigla niyang pagsulpot sa harapan ko. My God! Kung magpapatuloy itong panggugulat niya sa akin at basta-basta na lang siyang susulpot sa harapan ko, hindi na ako magtataka kung isang araw bigla na lang akong atakihin sa puso kahit wala naman akong sakit sa puso! “Oh, damn it!” mariin at galit na saad niya at mabilis na naiharang sa mukha niya ang kaniyang palad nang hindi sinasadyang tumama sa kaniyang mukha ang ilaw ng flashlight ko.Because of that, I had a brief chance of seeing what he looked like. I mean, hindi ko nakita ang buong mukha niya dahil sa kamay niya... pero tama ang naaninag ko no’ng unang gabi ko rito sa mansion niya. His face is full of beard and mustache. He also has long hair that is a bit curly. “S-sorry po!” paghingi ko ulit ng paumanhin sa kaniya saka inilayo sa mukha niya
NAPALUNOK ako ng aking laway habang titig na titig sa kaniyang mga mata. It was as if his eyes had a magnet and I found myself unable to look away. I couldn’t even blink. And my heart... ramdam kong nag-umpisa iyong tumibok nang malakas hanggang sa lumakas pa nang husto na para bang biglang may mga kabayo ang nagkarerahan sa loob ng dibdib ko.Oh, my God! While staring at his ocean-blue eyes... damn. I feel like I’m drowning! Mayamaya, mula sa pagkakatitig ko sa mga mata niya, gumalaw ang mga mata ko upang suyurin ng tingin ang mukha niya. Oh, God! Tama nga ang hula ko kanina na guwapo siya. Madilim man ang buong paligid, pero sapat na sapat ang liwanag mula sa lampara ko upang makita ko nang husto ang hitsura niya. His eyebrows are thick. He has a pointed nose. He has a long beard and mustache on his face. His curly hair that was still wet fell slightly in front of my face, so I could smell him even more. Wala sa sariling nasinghot ko ang amoy niya. Damn again! Bakit ang bango-bang
NAGTATAKANG lumapit ako kay William habang nasa sala ito at nililinis ang nabasag na center table. Nagtataka rin ako kung bakit nakabukas ang mga kurtina sa mataas na bintana?“William!” tawag ko rito.Nag-angat naman ito ng mukha at sinulyapan ako saglit bago muling itinuon ang paningin sa ginagawa nito.“What happened?” tanong ko pa nang tuluyan akong makalapit dito. “Nasa kusina ako nang makarinig ako ng nabasag na gamit. Ito pala ’yon! Saka, bakit nakabukas ang mga kurtina?” dagdag na tanong ko pa rito.Bumuntong-hininga naman si William bago nagsalita upang sagutin ako. “Nandito kasi kanina si Sir Damian. Nagkausap sila ni Kuya Crandall. And usual, nagkasagutan na naman silang dalawa kaya heto, binasag ni Kuya Crandall ang lamesang ito.” Pagkukuwento nito sa akin.Bahagya namang nangunot ang noo ko. “Sino si Sir Damian?” tanong ko ulit. “Tatay ni Kuya Crandall.”“Ah,” sabi ko at napatango. “Dahil ba ito roon sa mga ikinuwento mo sa akin no’ng isang araw nang nasa garden tayo?” t
“CRANDALL!” Bigla akong nagising at napabangon mula sa mahimbing na pagkakatulog ko. I was full of anger, especially when I saw my husband rushing into our room. “W-Wife? Why? Is... Is there a problem?” bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala habang nagmamadali siyang lumapit sa akin.Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. At nang tuluyan siyang makalapit sa puwesto ko, kaagad ko siyang pinagpapalo sa braso at dibdib niya. “I hate you! I hate you! I hate you, Crandall!”“W-What? Why?” nalilitong tanong niya habang sinasalag niya ang kamay ko na patuloy pa ring namamalo sa kaniya. “What did I do, wife?”“Where did you go, Crandall? Nasaan ang babae mo?”“Huh?” halos mag-isang linya na ang mga kilay niya habang nakatitig sa akin. Litong-lito ang hitsura niya sa mga sandaling ito. “Portia, what are you talking? Wala akong babae.”“Liar!” singhal ko sa kaniya. “I saw you. May kahalikan kang babae, Crandall.” Bigla na lamang akong naiyak nang maalala ko na masaya sila nang babaen
A wide smile spread across my lips as I looked at myself in the full-sized mirror. I want to cry because of the happiness my heart feels at this moment, but I hold myself back because I might ruin my make-up. I was wearing my simple yet elegant off-shoulder wedding gown.A week after, Crandall proposed to me, here we are finally getting married today. Oh, God! I still can’t believe it. My heart is still full of happiness because in a few moments, I will be Mrs. Crandall El Greco. Even though I knew that a week was a very short time for preparing for our wedding, I didn’t object when he suggested getting married right away and thought we could finish everything in a few days. And we made it with the help of important people in our lives, that are also excited for us to get married. Maraming connection si Crandall, maging si Mama Sugar at Papa Damian. Kaya naging madali na lamang ang lahat para sa amin. And there was no problem with the venue of our wedding, because both Crandall a
“OH, PORTIA! Napakasaya ko ngayon na muli tayong nagkita.” Yakap-yakap ako nang mahigpit ng Mama ni Crandall. At nang pakawalan ako nito, ikinulong nito sa mga palad ang mukha ko at ilang beses na hinalikan ang magkabilang pisngi ko. “I missed you so much, hija.”“And I’m happy too na nagkita po ulit tayo, Tita Sugar.”“Oh, come on! You are already part of the family, Portia. Anak na rin kita kaya Mama na rin ang itawag mo sa akin.”Ngumiti ako nang malapad. “Thank you po, Ma.” “At kagaya sa Mama mo, masaya rin ako na nakita ulit kita, Portia.” Anang Papa ni Crandall. Niyakap din ako nito at hinalikan sa pisngi.“Thank you po, Papa Damian.”“Congratulations again to the both of you.”“Thank you, Pa,” sabi ni Crandall sa papa niya. “Hi, Ate Portia!”“Elle!”Kaagad din itong yumakap sa akin nang mahigpit. “I thought I would never see you again.”“It’s been a long a time,” sabi ko.“Congrats again sa inyo ni Kuya Crandall. And... I’m happy. I mean, we are happy to know na may apo na
“I THOUGHT magla-lunch date tayo, babe?” nagtatakang tanong ko kay Crandall habang nasa labas ng bintana ng kotse ang paningin ko. I’m just confused kung bakit nandito kami sa bundok. I mean, maganda ang buong paligid. Puro bundok, mga damo at punong kahoy ang nakikita ko. At parang may malalim na bangin pa sa ’di kalayuan. “Babe!” Nilingon ko siya habang magkasalubong ang mga kilay ko.He gave me a wide smile. And before he answered my question, he stopped his car.“We’ll have a lunch date here, Love.”Mas lalong nangunot ang noo ko at saglit siyang tinitigan nang seryoso. Pagkatapos ay muli akong napatingin sa labas ng bintana. “Are you serious, Crandall?”Narinig ko siyang tumawa nang pagak. “Trust me, Love. You’ll gonna love this day.” Pagkuwa’y narinig ko ang pagbukas niya sa pinto sa tabi niya at umibis siya. Umikot siya sa may puwesto ko at pinagbuksan niya ako ng pinto at inilahad ang kamay sa akin upang alalayan ako. “Careful, Love.”Medyo mahangin ang paligid kaya kaagad na
WHEN I opened my eyes, suddenly, a sweet smile appeared on my lips as I looked at the portrait of me and Crandall hanging on the bedroom wall. I’m sure it was taken the day he proposed to me five years ago. And then I glanced at the window. Maliwanag pa rin sa labas, but I’m not sure what time it is. When I looked next to me, I didn’t see Crandall. Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga pagkuwa’y kumilos ako habang hawak-hawak ko ang kumot sa tapat ng dibdib ko.Nasaan na kaya ang lalaking ’yon?Nang makababa ako sa kama, naglakad ako palapit sa bintana habang hila-hila ko ang makapal na kumot na nakatakip sa hubad kong katawan. A wide smile appeared on my lips again when I saw the beautiful view outside the house. Oh! I really missed this. After five years, makakadungaw pa pala ako sa bintanang ito para tingnan ang buong paligid ng bahay namin ni Crandall. Saglit kong pinagsawa ang paningin ko sa labas bago ako nagdesisyong bumalik sa kama. I let the thick blanket fall to
NARINIG kong inihinto ni Crandall ang kaniyang kotse. I have no idea where we are now because he blindfolded me earlier when we got back in his car. “Babe, where are we now?” tanong ko sa kaniya.“Um, I can’t tell you yet, Love,” sagot niya. “But it’s a surprise for you.”“Hindi mo naman kasi sinabi sa akin kanina na may surprise ka sa akin ngayon. Hindi ko tuloy napaghandaan.”Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at pagkatapos ay naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ako sa pisngi ko.“I will remove your seatbelt, Love.” “Thank you, babe.” “You’re welcome, darling,” aniya. “Just wait a minute. I’ll open the door for you.” Narinig ko ang pagbukas-sarado ng pinto sa driver’s seat at ilang segundo lang, bumukas din ang pinto sa tabi ko. Kinuha niya ang kamay ko para alalayan ako. “Just be careful.”Hinawakan niya rin ang ulo ko para hindi ako mauntog. “Kinakabahan na naman ako,” sabi ko sa kaniya habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahil natat
“C-CRANDALL!” I looked at him as he slowly parked his car on the side of the road. I wondered why he was stopping his car gayong wala naman kaming makitang mga tao o bahay sa paligid. Ang tanging nakikita ko lang ngayon ay puro mga puno at matataas na damo. Nang tuluyan niyang mapatay ang makina, nagbuntong-hininga siya saka binalingan din ako ng tingin. Ngumiti siya sa akin.“W-What are we doing here? Nasaan tayo?” tanong ko sa kaniya.“Relax. Wala naman akong gagawing masama,” sabi niya.“Pero bakit nandito tayo?” Sa halip na sagutin ang tanong ko, binuksan niya ang pinto sa tabi niya saka siya umibis. Kahit nagtataka ako at medyo kinakabahan dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko ngayon na puwede niyang gawin sa akin dahil kami lang naman ang tao rito, pero inalis ko iyon sa isipan ko. I know Crandall, he can’t do anything bad to me. Except if he no longer feels love for me and just intends to take my child from me. Ugh! Napa-paranoid ako sa pag-iisip ngayon ng hindi maga
DAHAN-DAHANG humakbang si Crandall palapit sa may ibaba ng hagdan habang pababa naman kami ni Link. Ang ngiti sa mga labi niya ay parang nag-aalinlangan habang nakatingin siya sa anak namin. He let out a deep breath when there was only one step between the three of us. “H-Hi!” Mahina ang boses niya nang batiin niya ako, at pagkatapos ay tiningnan niya rin si Link. “Hi, buddy!” Link didn’t speak immediately. Instead, he grabbed my hand that was holding his shoulder and looked up at me. “Mama!”“Yes, sweetheart?”“Wasn’t he the one who got mad at you when we were at the mall?” tanong ng anak ko. Muli akong napatingin kay Crandall. Pagkatapos ay umupo ako sa baitang para magpantay kaming dalawa. “Sweetheart, ’yong nangyari sa mall no’ng nakaraan... It was just a misunderstanding,” sabi ko. “But...” Tumingala ako ulit kay Crandall habang mataman lamang siyang nakatingin sa aming mag-ina. When I turned to look at Link again, I smiled and gently squeezed his chin. “He’s your Papa. A
MATAMAN kong pinapakatitigan ang airplane ticket na iniwan ni Crandall sa akin kanina nang umalis siya. Hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin at iisipin ko ngayon. Naguguluhan ako. After our conversation earlier; after he explained and apologized to me because of what happened, he left when I told him I needed time to think because I was completely shocked by what I found out. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. All these years, I thought he was to blame for hurting me so much, so I left him. And if he is telling me the truth, that he really has a twin... Randall is the one who is guilty and should be blamed. Nagkahiwalay kami ni Crandall nang matagal na panahon nang dahil sa kapatid niya. Pareho kaming nasaktan at naghirap ang mga damdamin nang dahil sa kapatid niya. I took a deep breath to loosen my tight chest.It is true he went to Cebu before. I now have the proof in my hands. His name is written on this airplane ticket. Mula sa pagkakaupo k