Share

CHAPTER 6

last update Last Updated: 2023-03-04 19:11:28

MULA sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama, tumayo ako at naglakad palapit sa bintana at bahagyang hinawi ang makapal na kurtina roon upang tingnan ang labas ng bahay. Medyo madilim na sa buong paligid. Muli kong tinapunan ng tingin ang wall clock na nakasabit sa pader. Halos limang oras na rin pala akong mag-isa sa silid na ito simula nang matapos kaming mag-usap ni Nanay Josephine kanina. Hindi na ulit ito bumalik maging ang anak nito.

Nagpakawala ako nang malalim at mabigat na paghinga nang muli akong mapatingin sa labas ng bintana. Muli na namang sumagi sa isipan ko ang mga nangyari kagabi, ang sitwasyong kinasadlakan ni Jass. Sana nakabalik na si Wigo sa bahay nito at nakita nito ang nangyari sa kaibigan ko. Kawawa naman si Jass. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na puwedeng mangyari sa kaibigan ko ang lahat ng nangyari kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwalang sa ganoong paraan lamang mawawalan ng buhay ang kaibigan ko. Napakasakit para sa akin! Bakit si Jass pa? Napakabuti niyang tao. At sino ang taong nag-utos para ipapatay siya?

Nakagat ko ang pang-ilalim kong labi nang muli na namang nag-init ang sulok ng aking mga mata.

Mayamaya ay bigla akong napalingon sa nakasaradong mataas na pinto ng kuwarto nang makarinig ako ng katok mula sa labas niyon. Mabilis kong pinunasan ang mga pisngi at mata ko at sinupil ang aking sarili. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at pumasok doon ang anak ni Nanay Josephine.

“P-portia? Portia ang pangalan mo, tama?” nakangiting tanong nito sa akin habang naglalakad ito palapit sa kinatatayuan ko.

Tumango naman ako at tipid na ngumiti. “Y-yeah.”

“Halika sa kusina at pinapatawag ka ni nanay,” sabi nito.

“O-okay lang ba? I mean, baka may magalit? Ang boss ninyo?” nag-aalalang tanong ko nang maalala ko ang lalaking malamig at magaspang ang boses na nakakita sa akin kagabi sa may main door.

“Si Señorito Crandall?” ani nito. “Huwag kang mag-alala, sa ganitong mga oras ay palagi siyang wala rito sa mansion. Mamayang alas onse pa siya uuwi rito.” Dagdag pa nito.

Saka naman ako nakahinga nang maluwag dahil sa sinabi nito. Mabuti naman kung ganoon! Kahit papaano ay wala pala akong dapat na ipangamba na baka magkita kami oras na lumabas ako sa kuwartong ito at muli na naman ako nitong hilahin palabas.

“Tara na! Alam kong gutom ka na naman. Para din makapagpalit ka na ng damit mo,” sabi nitong muli sa akin saka tumalikod na at naglakad na ulit palabas ng kuwarto.

Wala naman akong ibang nagawa kun’di ang sumunod dito palabas. Mabuti na lang din at hindi na ganoon kasakit ang sugat sa mga paa ko kaya nakakapaglakad na ako nang maayos. Hindi na kumikirot ang mga sugat ko roon hindi kagaya kanina.

Pagkalabas pa lamang namin sa silid ay ang madilim at mahabang pasilyo kaagad ang bumungad sa paningin ko. Kagaya sa nagdaang gabi nang pumasok ako sa bahay na ito, wala akong ibang maaninag dahil sa kakarampot na liwanag na nanggagaling sa tatlong maliliit at dilaw na ilaw na nakasabit sa itaas ng pader sa gilid ng pasilyong nilalakaran namin. Sapat naman ang liwanag n’on upang maaninag ko ang tamang direksyon ng lalakaran namin, bukod doon ay wala ng ilaw o liwanag na makikita. Nababalot na ng kadiliman ang ibang parte ng bahay.

Muli akong nagpakawala nang banayad na paghinga. “Um, a-ano pala ang pangalan mo?” tanong ko matapos akong mapayakap sa sarili ko dahil sa kakaibang pakiramdam ko sa mga sandaling ito. Pakiramdam ko kasi ay nasa loob ako ng isang hunted house dahil sa dilim ng bahay na ito.

Hindi ba uso sa kanila ang ilaw?

“I’m William. Pero puwede mo akong tawaging Liam.” Pagpapakilala nito.

“Nice meeting you, William,” sabi ko at bahagya akong ngumiti nang balingan ko ito ng tingin.

“Nice meeting you too, Portia.”

“W-wala ba kayong ilaw rito?” tanong ko ulit makaraan ang ilang sandali.

Bigla ko namang narinig ang mahina nitong pagak na tawa kaya muli akong napalingon dito.

“Sabi ko na nga ba at magtatanong ka rin tungkol diyan,” sabi nito. “Hindi uso rito sa mansion ang ilaw. Pero kung kami lang ni nanay ang nakatira dito, sigurado akong mas maliwanag pa ang mansion na ito kaysa sa mga palasyo sa Dubai.” Ani nito. “Ayaw kasi ni señorito na nagbubukas kami ng ilaw.”

Biglang nagsalubong ang mga kilay ko. “Huh? Bakit naman?” tanong ko ulit.

“Mahabang isturya. Panigurado ako na aabutin tayo ng isang linggo kung ikukuwento ko pa sa iyo ngayon,” sabi nito at nakangiti na nagbaling din ng tingin sa akin. “Ingat ka sa pagbaba baka mahulog ka.” At kaagad na hinawakan nito ang siko ko upang alalayan ako. “Aalalayan lang kita baka kasi mahulog ka. Madilim ang buong paligid,” wika pa nito.

Muli akong ngumiti ng tipid. “Salamat, William.”

Hanggang sa makarating na kami sa malawak na dining area. Sa mahabang lamesa na sa tantya ko ay sasakop ng dalawanpo’t apat na panauhin; sa dulo niyon ay naroon na nga si Nanay Josephine at halatang naghihintay sa pagdating namin. Nakaupo ito sa kabisera.

“Halika Portia ineng at tayo ay kumain na,” dinig kong sabi nito.

Nakangiti naman akong naglakad upang lumapit sa kinaroroonan ni Nanay Josephine. Umupo ako sa kaliwang bahagi ng kabisera.

“Kumusta naman ang pakiramdam mo?” tanong nito.

“Okay naman na po ako. Salamat po ulit sa inyo.”

“Walang problema, ineng.” Ani nito. “Bukas ng umaga ay kakausapin ko si Señorito Crandall na kung maaari ay payagan ka na muna niyang manatili rito ng ilang araw.”

Muli akong napangiti. “Maraming salamat po. Huwag po kayong mag-alala, tutulong po ako sa inyo rito sa mansion.”

Ngumiti rin ito sa akin. “Siya at kumain na muna tayo habang mainit pa ang pagkain. Para makainom ka ulit ng gamot mo para tuluyan ka ng gumaling.”

MALALIM NA paghinga ang pinakawalan ko sa ere nang muli akong kumilos sa puwesto ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakahiga sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng aking antok. Pabaling-baling lang ako sa kinahihigaan ko. Sa tuwing ipipikit ko rin ang aking mga mata ay lagi kong nakikita at naririnig ang boses ni Jass habang humihingi ito ng tulong sa akin.

Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama at tumitig sa kawalan. Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon lamang bago ako nagpasyang bumangon.

Okay lang kaya na lumabas ako ng kuwarto at magpunta sa kusina? Gusto ko sanang magtimpla ng gatas para makatulog na ako! Pero baka naman sa paglabas ko ay makita ako ng Crandall na ’yon at palayasin na ako ng tuluyan sa mansion niya!

“Pero ang sabi naman ni William kanina ay mamayang alas onse pa raw uuwi rito ang Crandall na ’yon. So...” napatingin ako saglit sa wall clock. “Alas nuebe pa lang naman! Baka wala pa siya rito!”

Muli akong nagpakawala nang malalim na paghinga saka naglakad na palapit sa pinto. Kahit medyo kinakabahan ako, hindi ko na lamang iyon pinansin.

Bahagyang lumangitngit ang pinto nang buksan ko iyon kaya gumawa iyon ng mahinang ingay na sigurado akong maririnig pa rin hanggang sa dulo ng pasilyo. Nang sumilip ako sa labas, muli akong nakadama ng kakaibang takot sa kaibuturan ko nang muli kong makita ang madilim na pasilyo.

“Go, Portia! Huwag kang matakot! Hindi naman totoo ang mga multo, e!” sabi ko sa sarili ko saka dahan-dahang humakbang palabas ng pinto, hanggang sa naglakad na ako papunta sa hagdan. Maingat ang bawat hakbang ko upang hindi ako makagawa ng kahit maliit na ingay.

Nang makababa na ako sa mataas na hagdan ay saglit kong iginala ang aking paningin sa buong paligid ng sala. Kahit madilim at wala akong masiyadong makita, muli kong itinuloy ang aking paglalakad papunta sa kusina. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa dining area ay bigla akong napahinto nang may mabangga ako.

“Aray!” d***g ko at bahagyang napaatras.

Pero nang mag-angat ako ng mukha at makita ko sa aking harapan ang matangkad na anino ng lalaki, biglang sinalakay ng kaba at takot ang dibdib ko. Napalunok ako ng aking laway.

“What are you still doing here?”

Nahigit ko ang aking paghinga nang marinig ko na naman ang malamig at nakakatakot na boses na iyon. Ang kaba at takot na naramdaman ko kanikanina lang ay biglang tumindi. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

“I said what are you still doing here?” galit na tanong niya ulit.

“Um, s-sorry sir.” Ang nanulas sa bibig ko nang magulat ako dahil sa galit niyang tanong. “S-sorry! W-wala po kasi akong mapupuntahang iba. Kung... kung maaari po, payagan n’yo na muna akong mamalagi rito kahit ilang araw lang,” nauutal na sabi ko habang nag-uumpisa na namang mag-init ang sulok ng aking mga mata. Mas lalo pang tumitindi ang kaba sa puso ko! Unti-unti na ring nanginig ang aking mga kamay at mga tuhod sa isiping, anumang sandali ay hihilahin na naman niya ako palabas at tuluyang palalayasin sa bahay niya.

“What do you think of my house, an orphan?” malamig at galit na tanong pa niya.

Napapikit ako nang mariin. God, hindi ko na magawang kumilos sa kinatatayuan ko! Pakiramdam ko natuod na ang aking mga paa at mga tuhod dahil sa labis na takot sa lalaking ito. And yeah, he’s right! Hindi naman bahay-ampunan ang bahay niya kaya wala akong karapatan na manatili rito! Pero, tatlo lang naman silang nakatira sa napakaling mansion nito, a! Ano ba naman ’yong pumayag siyang manatili ako rito ng ilang araw, hindi ba? Hindi naman ako magiging pabigat dito dahil tutulong naman ako sa trabaho rito para maging kabayaran sa pananatili ko rito. Kahit sa kusina na lamang ako matulog ay ayos na sa akin iyon, basta ang mahalaga ay may pagtataguan ako mula sa mga taong humahabol sa akin.

“You should leave right now before I lose my temper again.” Muli kong narinig ang nakakatakot niyang boses.

“Please, sir!” pumiyok na ang boses ko. “I, I don’t have a place to go. My life is in danger right now. So, please, I’m begging you! Let me stay here for a couple of days.” Pagsusumamo ko. Kulang na lamang ay lumuhod ako sa harapan niya para pumayag lamang siya sa kahilingan ko.

“The hell I care!” singhal lamang niya sa akin kaya napaatras ako. “It’s not my life that’s in danger. It’s your life so I don’t care! Now, get out of my house or else I’ll drag you out again!”

Biglang tumulo ang aking mga luha.

“Get out!” sigaw niya pa sa akin na siyang naging dahilan upang mapapikit akong muli nang mariin sa sobrang takot ko.

Sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha nang iyuko ko ang aking ulo. Wala naman akong nagawa kun’di ang sundin ang utos niya. Laglag ang aking mga balikat na naglakad ako para tunguhin ang sala; main door ng mansion. Kahit balot ng kaba at takot ang puso ko, hinawakan ko ang doorknob at binuksan ang pinto. God, kayo na po ang bahala sa akin kapag nakalabas na ako sa bahay na ito! Huwag n’yo po sana akong pababayaan at hahayaan na makita o makuha ng mga lalaking gusto akong patayin.

Muli akong napapikit nang mariin at nahigit ang aking paghinga nang sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng pang-gabing hangin. Nang magmulat ako ng aking mga mata, nakita ko ang napakadilim na paligid. At kung kanina ay payapa ang kalangitan, hindi mahangin at walang makikita na pagbabanta ng masamang panahon o malakas na pagbuhos ng ulan, ngayon naman ay napakalas ng ulan sa labas. Bagay na nagpadismaya sa akin!

Diyos ko! Saan naman ako pupunta ngayon? Napakalas ng ulan. Hindi ko ito kakayanin. Malamang na mas lalong malagay sa panganib ang buhay ko!

Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran upang tingnan kung naroon ang lalaki, at nakita ko ngang naroon ang kaniyang anino.

Muli akong napaluha at dahan-dahang nagsimulang humakbang upang makalabas ng tuluyan.

“Please, Diyos ko tulungan n’yo po ako!” umiiyak na panalangin ko habang nakapikit na nakatingala sa madalim na kalangitan.

Malakas na kulog at kidlat ang biglang gumuhit sa langit na siyang naging dahilan upang mas lalo akong makadama ng labis na takot. Mabuti na lamang at may natanaw akong gazebo mula sa gilid ng malawak na harden, nagmamadali akong tumakbo papunta roon upang doon sumilong at palipasin muna ang malakas na ulan.

Comments (14)
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji B
why so Sungit and heartless Crandall??
goodnovel comment avatar
Imelda Caranagan
baka gumanti kay jazz yong empleyadong pinaalis sa company nila sila Alex at Trish
goodnovel comment avatar
Drusilla Dru
sino kayA ang maypakana Ng pagpatay Kay jass.bkait asan si wigo.kawawa namn siya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 7

    SUNOD-SUNOD na pag-ubo ang aking ginawa habang nakasiksik ako sa pinakagilid ng gazebo; sa tabi ng mahabang sofa. Yakap ang sarili kong mga binti habang nanginginig ang buo kong katawan dahil sa malakas na buhos ng ulan maging ang malakas na simoy ng hangin na sa tingin ko ay kaunti na lamang ay magagawa nang ilipad ang bubong ng gazebo na sinisilungan ko. Muli kong inilibot ang paningin sa madilim na paligid habang nanlalabo ang aking mga mata dala sa nag-uulap na mga luha ko.“Lord, please! Pati po ba ang panahon ngayon ay gusto akong pahirapan?” bulong na tanong ko sa sarili ko pagkuwa’y ipinatong ko ang mukha ko sa aking mga tuhod. Malakas masiyado ang ulan at sa tingin ko ay hindi iyon basta-basta na titila agad. Ano na lamang ang gagawin ko kung sakaling magdamag na bumuhos ang malakas na ulan? Panigurado akong mas lalong magagalit sa akin ang lalaki na iyon oras na makita niya akong nandito pa rin sa lugar niya!Get out or else I’ll kill you!Ang galit na boses ng lalaking iyon

    Last Updated : 2023-03-05
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 8

    THIRD PERSON POV“INAY, kumusta po si Portia?” nag-aalalang tanong ni Liam sa ina nang lumabas si Josephine sa silid kung saan nagpapahinga ang dalaga.Bumuntong-hininga ang matanda. “Medyo bumaba na rin ang kaniyang lagnat,” sagot nito.“Mabuti naman po kung ganoon. Nag-aalala po ako nang husto para sa kaniya.” Turan nito pagkuwa’y nagpakawala rin nang malalim na buntong-hininga at napailing pa. “Masiyado po akong nag-alala sa kaniya kagabi nang hindi ko siya makita agad. Mabuti na lang talaga at ligtas siya.”“Maging ako man ay nag-alala rin para sa batang iyon, William,” sabi nito. “Pero, mukhang nananaginip na naman siya ng masama kanina. Umiiyak pa siya nang magising siya.”“Kawawa naman siya, inay. Marahil ay totoo nga ang sinasabi niya sa atin na may mga taong gustong pumatay sa kaniya. Siguro totoo ngang pinatay ng masasamang tao ang kaibigan niya,” sabi nito.“Iyon nga rin ang iniisip ko. Gusto ko sanang magtungo sa Bayan para mag-report sa mga pulis. Pero... kinakabahan nama

    Last Updated : 2023-03-06
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 9

    PORTIA’s POVNakatulala lamang ako habang nakaupo sa isang silya na nasa gilid ng kama. Ang dami-daming pumapasok sa isipan ko ngayon, bagay na siyang nagbigay ng dahilan upang muling makadama ako ng labis na takot. Maging ang pag-aalala ko para kay Jass ay muling sumibol sa puso ko. Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? May nakarating kayang tulong sa bahay ni Wigo? O baka naman itinapon na lamang ng mga kalalakihang iyon ang bangkay ng kaibigan ko? Oh, God! Huwag naman sana! Kawawa talaga si Jass! Labis akong nasasaktan para sa sinapit ng kaibigan. How I wish she’s still alive!Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga at mabilis na kinagat ang pang-ilalim kong labi nang maramdaman kong nag-uumpisa na namang mag-init ang sulok ng aking mga mata dahil sa mga bagay na naiisip ko ngayon.Mayamaya ay sumagi rin sa isipan ko si Tita Marites at si Fritz. Sigurado akong nagagalit na naman ngayon sa akin si tita dahil hindi na naman ako nakauwi sa bahay. Si Fritz, I know nag-aalala na r

    Last Updated : 2023-03-07
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 10

    PAGKATAPOS naming magtanghalian, ako na ang nagpresenta kay Nanay Josephine na maghuhugas ng mga pinagkainan namin. When my parents were still alive, we had maids in the mansion kaya lahat ng gawaing bahay ay wala akong alam kung paano gawin. Pero nang mapunta ako kay Tita Marites, doon ako natutong magtrabaho ng gawaing bahay. Paano naman kasi, ang laki-laki ng mansion na iniwan sa akin ng parents ko, pero hindi man lang kumuha si tita ng kahit isang kasambahay lamang para gumawa ng lahat ng trabaho. Lahat ay ako ang gumagawa. My friends used to say that my life is like Cinderella’s life. The only difference between me and Cinderella is that I don’t have mean stepsisters. Mabait naman kasi sa akin si Fritz. Sadyang si Tita Marites lang ang mean sa akin. But it’s okay. If I didn’t go through all the things I went through before, I probably wouldn’t know what to do now but complain. Kaya kahit marami akong hindi magandang karanasan noon, malaki pa rin ang pasasalamat ko kay Tita, at le

    Last Updated : 2023-03-08
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 11

    “S-SORRY po, señorito! H-hindi ko po alam na bawal pala akong magpunta rito,” sabi ko at pagkuwa’y yumuko ako upang damputin ang libro at flashlight. Nakadama na naman ako ng kaba dahil sa bigla niyang pagsulpot sa harapan ko. My God! Kung magpapatuloy itong panggugulat niya sa akin at basta-basta na lang siyang susulpot sa harapan ko, hindi na ako magtataka kung isang araw bigla na lang akong atakihin sa puso kahit wala naman akong sakit sa puso! “Oh, damn it!” mariin at galit na saad niya at mabilis na naiharang sa mukha niya ang kaniyang palad nang hindi sinasadyang tumama sa kaniyang mukha ang ilaw ng flashlight ko.Because of that, I had a brief chance of seeing what he looked like. I mean, hindi ko nakita ang buong mukha niya dahil sa kamay niya... pero tama ang naaninag ko no’ng unang gabi ko rito sa mansion niya. His face is full of beard and mustache. He also has long hair that is a bit curly. “S-sorry po!” paghingi ko ulit ng paumanhin sa kaniya saka inilayo sa mukha niya

    Last Updated : 2023-03-10
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 12

    NAPALUNOK ako ng aking laway habang titig na titig sa kaniyang mga mata. It was as if his eyes had a magnet and I found myself unable to look away. I couldn’t even blink. And my heart... ramdam kong nag-umpisa iyong tumibok nang malakas hanggang sa lumakas pa nang husto na para bang biglang may mga kabayo ang nagkarerahan sa loob ng dibdib ko.Oh, my God! While staring at his ocean-blue eyes... damn. I feel like I’m drowning! Mayamaya, mula sa pagkakatitig ko sa mga mata niya, gumalaw ang mga mata ko upang suyurin ng tingin ang mukha niya. Oh, God! Tama nga ang hula ko kanina na guwapo siya. Madilim man ang buong paligid, pero sapat na sapat ang liwanag mula sa lampara ko upang makita ko nang husto ang hitsura niya. His eyebrows are thick. He has a pointed nose. He has a long beard and mustache on his face. His curly hair that was still wet fell slightly in front of my face, so I could smell him even more. Wala sa sariling nasinghot ko ang amoy niya. Damn again! Bakit ang bango-bang

    Last Updated : 2023-03-11
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 13

    NAGTATAKANG lumapit ako kay William habang nasa sala ito at nililinis ang nabasag na center table. Nagtataka rin ako kung bakit nakabukas ang mga kurtina sa mataas na bintana?“William!” tawag ko rito.Nag-angat naman ito ng mukha at sinulyapan ako saglit bago muling itinuon ang paningin sa ginagawa nito.“What happened?” tanong ko pa nang tuluyan akong makalapit dito. “Nasa kusina ako nang makarinig ako ng nabasag na gamit. Ito pala ’yon! Saka, bakit nakabukas ang mga kurtina?” dagdag na tanong ko pa rito.Bumuntong-hininga naman si William bago nagsalita upang sagutin ako. “Nandito kasi kanina si Sir Damian. Nagkausap sila ni Kuya Crandall. And usual, nagkasagutan na naman silang dalawa kaya heto, binasag ni Kuya Crandall ang lamesang ito.” Pagkukuwento nito sa akin.Bahagya namang nangunot ang noo ko. “Sino si Sir Damian?” tanong ko ulit. “Tatay ni Kuya Crandall.”“Ah,” sabi ko at napatango. “Dahil ba ito roon sa mga ikinuwento mo sa akin no’ng isang araw nang nasa garden tayo?” t

    Last Updated : 2023-03-12
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 14

    “KUMUSTA po si Miss Jass, Tita May?” tanong ni Trish sa ginang nang minsan ay bumisita ang dalaga sa ospital upang kumustahin ang kalagayan ng boss nito. Kasama nito ang nobyong si Alex.Isang malalim na paghinga naman ang pinakawalan ng ginang sa ere habang hindi pa rin inaalis ang malungkot na paningin nito sa anak na isang linggo ng nakaratay sa hospital bed at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Maging ang mga doctor ay hindi pa sigurado kung kailan babalik ang malay ng dalaga.“I’m not sure if she’s fine or what,” wika nito. “Basta isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako para sa kalagayan ng anak ko,” sabi pa nito at muling bumuntong-hininga upang pigilan ang mga luhang nagbabadya na naman sa sulok ng mga mata nito.Isang linggo na ang nakalipas simula nang makatanggap ito ng tawag mula kay Wigo at sinabi ng binata na isinugod daw nito sa ospital si Jass dahil may nagtangkang pumatay rito. At sa loob ng isang linggong iyon ay hindi pa rin matanggap ng ginang an

    Last Updated : 2023-03-13

Latest chapter

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   SPECIAL CHAPTER

    “CRANDALL!” Bigla akong nagising at napabangon mula sa mahimbing na pagkakatulog ko. I was full of anger, especially when I saw my husband rushing into our room. “W-Wife? Why? Is... Is there a problem?” bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala habang nagmamadali siyang lumapit sa akin.Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. At nang tuluyan siyang makalapit sa puwesto ko, kaagad ko siyang pinagpapalo sa braso at dibdib niya. “I hate you! I hate you! I hate you, Crandall!”“W-What? Why?” nalilitong tanong niya habang sinasalag niya ang kamay ko na patuloy pa ring namamalo sa kaniya. “What did I do, wife?”“Where did you go, Crandall? Nasaan ang babae mo?”“Huh?” halos mag-isang linya na ang mga kilay niya habang nakatitig sa akin. Litong-lito ang hitsura niya sa mga sandaling ito. “Portia, what are you talking? Wala akong babae.”“Liar!” singhal ko sa kaniya. “I saw you. May kahalikan kang babae, Crandall.” Bigla na lamang akong naiyak nang maalala ko na masaya sila nang babaen

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 75

    A wide smile spread across my lips as I looked at myself in the full-sized mirror. I want to cry because of the happiness my heart feels at this moment, but I hold myself back because I might ruin my make-up. I was wearing my simple yet elegant off-shoulder wedding gown.A week after, Crandall proposed to me, here we are finally getting married today. Oh, God! I still can’t believe it. My heart is still full of happiness because in a few moments, I will be Mrs. Crandall El Greco. Even though I knew that a week was a very short time for preparing for our wedding, I didn’t object when he suggested getting married right away and thought we could finish everything in a few days. And we made it with the help of important people in our lives, that are also excited for us to get married. Maraming connection si Crandall, maging si Mama Sugar at Papa Damian. Kaya naging madali na lamang ang lahat para sa amin. And there was no problem with the venue of our wedding, because both Crandall a

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 74

    “OH, PORTIA! Napakasaya ko ngayon na muli tayong nagkita.” Yakap-yakap ako nang mahigpit ng Mama ni Crandall. At nang pakawalan ako nito, ikinulong nito sa mga palad ang mukha ko at ilang beses na hinalikan ang magkabilang pisngi ko. “I missed you so much, hija.”“And I’m happy too na nagkita po ulit tayo, Tita Sugar.”“Oh, come on! You are already part of the family, Portia. Anak na rin kita kaya Mama na rin ang itawag mo sa akin.”Ngumiti ako nang malapad. “Thank you po, Ma.” “At kagaya sa Mama mo, masaya rin ako na nakita ulit kita, Portia.” Anang Papa ni Crandall. Niyakap din ako nito at hinalikan sa pisngi.“Thank you po, Papa Damian.”“Congratulations again to the both of you.”“Thank you, Pa,” sabi ni Crandall sa papa niya. “Hi, Ate Portia!”“Elle!”Kaagad din itong yumakap sa akin nang mahigpit. “I thought I would never see you again.”“It’s been a long a time,” sabi ko.“Congrats again sa inyo ni Kuya Crandall. And... I’m happy. I mean, we are happy to know na may apo na

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 73

    “I THOUGHT magla-lunch date tayo, babe?” nagtatakang tanong ko kay Crandall habang nasa labas ng bintana ng kotse ang paningin ko. I’m just confused kung bakit nandito kami sa bundok. I mean, maganda ang buong paligid. Puro bundok, mga damo at punong kahoy ang nakikita ko. At parang may malalim na bangin pa sa ’di kalayuan. “Babe!” Nilingon ko siya habang magkasalubong ang mga kilay ko.He gave me a wide smile. And before he answered my question, he stopped his car.“We’ll have a lunch date here, Love.”Mas lalong nangunot ang noo ko at saglit siyang tinitigan nang seryoso. Pagkatapos ay muli akong napatingin sa labas ng bintana. “Are you serious, Crandall?”Narinig ko siyang tumawa nang pagak. “Trust me, Love. You’ll gonna love this day.” Pagkuwa’y narinig ko ang pagbukas niya sa pinto sa tabi niya at umibis siya. Umikot siya sa may puwesto ko at pinagbuksan niya ako ng pinto at inilahad ang kamay sa akin upang alalayan ako. “Careful, Love.”Medyo mahangin ang paligid kaya kaagad na

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 72

    WHEN I opened my eyes, suddenly, a sweet smile appeared on my lips as I looked at the portrait of me and Crandall hanging on the bedroom wall. I’m sure it was taken the day he proposed to me five years ago. And then I glanced at the window. Maliwanag pa rin sa labas, but I’m not sure what time it is. When I looked next to me, I didn’t see Crandall. Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga pagkuwa’y kumilos ako habang hawak-hawak ko ang kumot sa tapat ng dibdib ko.Nasaan na kaya ang lalaking ’yon?Nang makababa ako sa kama, naglakad ako palapit sa bintana habang hila-hila ko ang makapal na kumot na nakatakip sa hubad kong katawan. A wide smile appeared on my lips again when I saw the beautiful view outside the house. Oh! I really missed this. After five years, makakadungaw pa pala ako sa bintanang ito para tingnan ang buong paligid ng bahay namin ni Crandall. Saglit kong pinagsawa ang paningin ko sa labas bago ako nagdesisyong bumalik sa kama. I let the thick blanket fall to

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 71

    NARINIG kong inihinto ni Crandall ang kaniyang kotse. I have no idea where we are now because he blindfolded me earlier when we got back in his car. “Babe, where are we now?” tanong ko sa kaniya.“Um, I can’t tell you yet, Love,” sagot niya. “But it’s a surprise for you.”“Hindi mo naman kasi sinabi sa akin kanina na may surprise ka sa akin ngayon. Hindi ko tuloy napaghandaan.”Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at pagkatapos ay naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ako sa pisngi ko.“I will remove your seatbelt, Love.” “Thank you, babe.” “You’re welcome, darling,” aniya. “Just wait a minute. I’ll open the door for you.” Narinig ko ang pagbukas-sarado ng pinto sa driver’s seat at ilang segundo lang, bumukas din ang pinto sa tabi ko. Kinuha niya ang kamay ko para alalayan ako. “Just be careful.”Hinawakan niya rin ang ulo ko para hindi ako mauntog. “Kinakabahan na naman ako,” sabi ko sa kaniya habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahil natat

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 70

    “C-CRANDALL!” I looked at him as he slowly parked his car on the side of the road. I wondered why he was stopping his car gayong wala naman kaming makitang mga tao o bahay sa paligid. Ang tanging nakikita ko lang ngayon ay puro mga puno at matataas na damo. Nang tuluyan niyang mapatay ang makina, nagbuntong-hininga siya saka binalingan din ako ng tingin. Ngumiti siya sa akin.“W-What are we doing here? Nasaan tayo?” tanong ko sa kaniya.“Relax. Wala naman akong gagawing masama,” sabi niya.“Pero bakit nandito tayo?” Sa halip na sagutin ang tanong ko, binuksan niya ang pinto sa tabi niya saka siya umibis. Kahit nagtataka ako at medyo kinakabahan dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko ngayon na puwede niyang gawin sa akin dahil kami lang naman ang tao rito, pero inalis ko iyon sa isipan ko. I know Crandall, he can’t do anything bad to me. Except if he no longer feels love for me and just intends to take my child from me. Ugh! Napa-paranoid ako sa pag-iisip ngayon ng hindi maga

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 69

    DAHAN-DAHANG humakbang si Crandall palapit sa may ibaba ng hagdan habang pababa naman kami ni Link. Ang ngiti sa mga labi niya ay parang nag-aalinlangan habang nakatingin siya sa anak namin. He let out a deep breath when there was only one step between the three of us. “H-Hi!” Mahina ang boses niya nang batiin niya ako, at pagkatapos ay tiningnan niya rin si Link. “Hi, buddy!” Link didn’t speak immediately. Instead, he grabbed my hand that was holding his shoulder and looked up at me. “Mama!”“Yes, sweetheart?”“Wasn’t he the one who got mad at you when we were at the mall?” tanong ng anak ko. Muli akong napatingin kay Crandall. Pagkatapos ay umupo ako sa baitang para magpantay kaming dalawa. “Sweetheart, ’yong nangyari sa mall no’ng nakaraan... It was just a misunderstanding,” sabi ko. “But...” Tumingala ako ulit kay Crandall habang mataman lamang siyang nakatingin sa aming mag-ina. When I turned to look at Link again, I smiled and gently squeezed his chin. “He’s your Papa. A

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 68

    MATAMAN kong pinapakatitigan ang airplane ticket na iniwan ni Crandall sa akin kanina nang umalis siya. Hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin at iisipin ko ngayon. Naguguluhan ako. After our conversation earlier; after he explained and apologized to me because of what happened, he left when I told him I needed time to think because I was completely shocked by what I found out. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. All these years, I thought he was to blame for hurting me so much, so I left him. And if he is telling me the truth, that he really has a twin... Randall is the one who is guilty and should be blamed. Nagkahiwalay kami ni Crandall nang matagal na panahon nang dahil sa kapatid niya. Pareho kaming nasaktan at naghirap ang mga damdamin nang dahil sa kapatid niya. I took a deep breath to loosen my tight chest.It is true he went to Cebu before. I now have the proof in my hands. His name is written on this airplane ticket. Mula sa pagkakaupo k

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status