Share

CHAPTER 3

last update Last Updated: 2023-02-28 16:43:10

“MABUTI naman at natuto ka pang umuwi rito sa bahay! Ang buong akala ko kasi ay nakalimutan mo na ang address natin. My God, Portia! Tatlong araw kang hindi umuwi rito! Baka gusto mong ipaalala ko sa ’yo na may mga taong naghihintay at nag-aalala sa ’yo rito?”

Ang sermon agad ni Tita Marites ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lamang sa living room ng bahay. Mabilis akong napapikit nang mariin saka nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.

“Ma, umagang-umaga ang ingay mo na naman diyan!”

Napatingin ako sa itaas ng hagdan nang marinig ko mula roon ang boses ni Fritz, ang pinsan ko.

“Hayaan mo na ’yang si Portia kung hindi umuwi rito sa bahay. Malaki na ’yan. Alam na niya kung ano ang ginagawa niya.” Dagdag pa nito.

“Isa ka pa! Kagaya ka na rin diyan sa pinsan mo! Puro sakit sa ulo ang binibigay ninyo sa akin.”

Napabuntong-hininga akong muli. “Tita, please. Huwag mo na pagalitan si Fritz. Kung galit po kayo sa akin dahil sa hindi ako umuwi rito ng ilang araw, I’m sorry. Busy lang po ako sa trabaho ko.” Pagdadahilan ko na lamang dito.

I was fifteen years old when my parents died because of a car accident.

Pagkatapos mailibing ang mga magulang ko ay si Tita Marites na ang nag-alaga sa akin. Ito ang naging legal guardian ko dahil ito lang naman ang kapatid ng Papa ko. Maayos naman ang unang pakikitungo nito sa akin. Mabait. Maalaga. Lahat ng gusto at hihilingin ko ay binibigay nito sa akin. Ngunit isang araw ay bigla na lamang itong nagbago ng pakikitungo sa akin. Bagay na labis kong ikinagulat at ikinalungkot.

Dahil nag-iisang anak lang ako ng magulang ko, sa akin naiwan lahat ng ari-arian ng magulang ko. Ang mansion na tinitirhan namin ngayon, ang tatlong mamahaling sasakyan na nakapangalan kay Papa; ang perang nagkakahalaga ng milyones na nasa bangko na nakapangalan kay Mama at Papa; maging ang restaurant na ipinatayo ni mama noong maliit pa lamang ako; pati ang business ni papa, which is Furniture. Lahat ng iyon ay nailipat sa pangalan ko. Ngunit sa isang iglap lamang ang lahat ng iyon ay bigla ring nawala sa akin. And that’s because of my Tita Marites. Matagal na pala nitong nilulustay ang kayamanan ko ng hindi ko namamalayan.

Kinuha nito ang pera ko sa bangko para gamitin sa pagsusugal nito sa casino. Ibinenta rin nito ang dalawa kong kotse at ang restaurant ni mama. Dahil bata pa ako noon at malaki ang tiwala ko kay Tita Marites, kaya sa tuwing hihilingin nito sa akin na pirmahan ko ang mga dokumentong ipinapakita nito sa akin, hindi ako nagdalawang-isip na pirmahan iyon. Nalaman ko na lamang na lahat ng kayamanan na iniwan sa akin ng aking mga magulang ay naubos na pala noong sinisingil na si Tita Marites ng bangko dahil sa dami ng utang nito. At ibinenta rin nito ang negosyo ni Papa para lang makabayad ito at hindi makulong. Ang natitira na lang sa akin ngayon ay itong mansyon at ang isang sasakyan.

“Hayaan mo na ’yan si mama, Portia. Umakyat ka na sa kuwarto mo para makapag-pahinga ka na rin. You look pale. Have you slept these past few days?” kunot ang noo na tanong sa akin ni Fritz.

Hindi naman ako sumagot, sa halip ay bumuntong-hininga lang ako ulit.

Lumapit naman ito sa akin at hinawakan ang aking noo. “Oh, my God! You are sick, Portia! Mainit ang katawan mo. Ma, may sakit si Portia,” nag-aalalang sabi nito at lumingon kay Tita Marites.

“At ano ang gusto mong gawin ko? Ako pa ang mag-aalaga sa kaniya?” pagalit na tanong nito.

“God! Napaka-rude mo talaga sa pamangkin mo. Whatever! Come here, Portia, magpahinga ka na sa itaas,” sabi pa nito at inalalayan ako sa braso upang umakyat sa hagdan.

“Salamat, Fritz,” tipid na sabi ko nang makapasok na kami sa silid ko. Inalalayan pa ako nitong humiga sa kama saka inayos ang kumot ko.

“Don’t mention it. Teka lang at kukuha ako ng pamunas mo,” sabi nito at nagmamadaling lumabas sa kuwarto ko para muling bumaba at magtungo sa kusina. Ilang saglit lang ay bumalik din ito agad habang may bitbit na isang maliit na palanggana at may laman na maligamgam na tubig at towel. Umupo ito sa gilid ng kama ko. “Where have you been these past few days? Bakit ka nagkasakit? Ikaw ba ay nagpapahinga pa, Portia? Baka naman inaabuso mo na ang sarili mo sa trabaho mo? Nako, Portia, sinasabi ko sa ’yo... hindi maganda ’yang ginagawa mo.” Pagalit na sabi nito habang nagsisimula ng punasan ang mukha, leeg at mga braso ko.

Umubo naman ako. “Nagpapahinga naman ako—”

“Liar!” ani nito dahilan upang maputol ang pagsasalita ko. “Hindi ka magkakasakit kung marunong ka magpahinga.” Seryosong dagdag pa nito.

Hindi na lamang ako umimik. Wala rin naman mapupuntahan ang usapan namin ngayon kung sasagutin ko pa ito. At isa pa, talagang nanghihina ang buong katawan ko. Sobrang init ng buong katawan ko ngayon.

Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin.

“Wala na kami, Fritz,” mayamaya ay sabi ko habang nakatitig sa kisame.

Naramdaman ko namang huminto ito sa pagpunas sa braso ko at tinitigan ako. “Who? Alex?” tanong nito.

Dahan-dahan akong tumango bilang sagot sa tanong nito.

“Why? What happened? Akala ko ba monthsary ninyo noong isang araw? Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ka umuwi rito sa bahay?” tanong nito ulit.

“He cheated on me. Naglalandian sila ni Trish tuwing nakatalikod ako sa kanila. Kapag hindi ko sila nakikita.” Muli ko na namang naramdaman ang pag-iinit sa sulok ng aking mga mata at ilang segundo lang ay tumulo na naman ang mga luha ko.

Traydor talaga itong mga luha ko! Halos tatlong araw na akong umiiyak dahil sa gagong Alex na ’yon, pero hanggang ngayon ayaw pa rin tumigil sa pagtulo nitong mga luha ko. Sa tuwing maiisip ko ang panloloko nila ni Trish sa akin, hindi ko pa rin maiwasan ang mapaluha. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing sasagi iyon sa isipan ko. Alex is my first boyfriend. Akala ko siya na ang makakasama ko buong buhay ko, pero mali pala ako! Mali ako na inisip ko ’yon!

“You know what... enough crying, Portia. Cheating men shouldn’t cried over,” sabi nito. “They don’t deserve our tears. At isa pa, hindi ka naman bagay sa gagong lalaking ’yon. I’m sure madami ka pang mahahanap at makikilang lalaki. ’Yong mas better pa kaysa sa kaniya. ’Yong mas guwapo pa kaysa sa kaniya. Hindi mo deserve ang lalaking gaya niya! And he should be the one crying now because he lost you. Saan pa siya makakahanap ng isang katulad mo? Wala na! Kasi nag-iisa ka lang sa mundo, Portia! You’re beautiful inside and out. Hindi mo siya deserve,” sabi ni Fritz sa akin.

“But I love him, Fritz! So you can’t blame me for why what he did has this effect on me. It’s also my first time falling in love. He’s my first boyfriend and he’s my first heartbreak, kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,” sumisinghot na sabi ko. Muli kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

“I know that.” Ani nito at mapait na ngumiti sa akin. “I felt the same way before. But we all go through that first time, Portia. What is important is that we learn something from what happens to us. At least sa susunod alam mo na kung ano ang pakiramdam at kung ano ang gagawin mo. But I hope it won’t happen again,” sabi nito at umangat ang isang kamay papunta sa pisngi ko upang punasan ang aking luha roon. “I know sometimes nag-aaway tayo dahil sa mga walang katuturang bagay. Pero magpinsan pa rin tayo, Portia. Magkadugo pa rin tayo, kaya nasasaktan ako ngayon habang nakikita kitang nasasaktan dahil sa tangang Alex na iyon,” sabi pa nito at inipit sa likod ng tainga ko ang hibla ng buhok ko na nalaglag sa harap ng mukha ko. Mayamaya ay masuyo nitong pinisil ang palad ko. “Kaya tumigil ka na sa pag-iyak. Magpahinga ka na para bumaba ang lagnat mo.”

Tipid akong ngumiti habang nakatitig pa rin dito ng mataman. “Thanks, couz.”

Isang ngiti din ang pinakawalan nito bago tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko at naglakad palabas ng kwarto ko.

Muli akong nagpakawala nang malalim na paghinga at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

“You don’t deserve my tears, Alex. Siguro nga nagkamali ako sa inakala ko na tayo na hanggang dulo. Makakalimutan din kita.” Bulong ko sa sarili bago ipinikit ang aking mga mata.

“KUMUSTA naman ang pakiramdam mo? Okay ka na ba? I mean, you should be okay,” sabi sa akin ni Jass nang magpunta ako sa opisina nito.

It’s been a week simula nang umuwi ako sa bahay at magkasakit. Ngayon lang ulit ako nakapasok sa trabaho ko dahil medyo bumuti na ang pakiramdam ko. Ayaw pa nga sana akong payagan ni Fritz na pumasok ngayong araw at gusto nitong magpahinga na lang muna ako, pero nagpumilit na rin akong bumalik sa trabaho. Nababagot na kasi ako sa bahay at wala naman akong ginagawa. Buong maghapon ay nakahiga lang ako sa kama ko at nakatulala sa kisame. Dahil hindi nalilibang ang isipan ko sa ibang bagay, kaya madalas ko pa ring naiisip ang mga nangyari noong nakaraang linggo.

Bumuntong-hininga ako nang malalim at umupo sa silyang nasa tapat ng lamesa ni Jass. “Not totally okay. But I’m doing my best to be okay,” sagot ko.

Tipid naman itong ngumiti sa akin. “Ganiyan nga! Iyan talaga ang inaasahan kong marining mula sa ’yo,” sabi nito. “Teka, wala ka na bang lagnat? Medyo namumutla ka pa rin, e!” kunot ang noo na tanong nito mayamaya.

“I’m fine. Kaya ko naman magtrabaho.”

“Portia.” At tinitigan ako nito ng seryoso.

Nag-iwas naman ako ng tingin dito at isinandal ang likod ko sa upuan. “Hayaan mo na akong magtrabaho ulit, Jass. Mas maigi ng may ginagawa ako para malibang ang isipan ko.”

Bumuntong-hininga naman ito at tumango. Naiintindihan nito ang ibig kong sabihin.

Mayamaya ay tumayo ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair nito at umikot palapit sa puwesto ko. “Give me a hug. Namiss kita!” nakangiti pang sabi nito at biglang yumuko upang yakapin ako.

“Thank you, Jass.” Bulong na saad ko saka gumanti rin sa yakap nito sa akin.

“Ang mahalaga para sa akin ay maging okay ka.” Sambit nito saka ako binitawan at bumalik ito sa puwesto nito kanina. “And don’t worry about them... kinausap ko na kahapon si Alex about sa—”

“Jass, you know you don’t need to do that,” sabi ko upang putulin ito sa kung ano pa man ang nais nitong sabihin sa akin. Muli akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. “Ayoko naman na mas lalo ako maging laman ng usapan dito sa building dahil lang sa tinanggal mo sila sa trabaho dahil sa mga nangyari noong isang linggo. Let’s be fair. Kung anuman ang mga nangyari between us... hindi kasama ang trabaho roon. And besides, ayokong makarinig ng tsismis mula sa ibang tao na ginamit pa kita para lang makaganti sa kanila. Hayaan mo na ’yon. I don’t think na hindi ko magagawang mag-move on kung makikita ko pa rin sila rito. Dahil tama ka, tama kayo... I don’t deserve a man like him. Maybe, pinagtagpo kami pero hindi kami ang nakatadhana para sa isa’t isa. I deserve someone else. Someone better than him. Someone else na kaya akong mahalin ng totoo at tapat. Lalaki na kayang maging faithful sa akin at sa relasyon namin. Lalaking masasabi kong My The One and My Forever.” Tipid akong ngumiti pagkatapos kong banggitin ang mga salitang iyon. May kirot pa man sa puso ko sa mga sandaling ito, pero kaya ko namang indain, hindi kagaya noong nakaraan. Oo ilang araw lang akong nawala rito sa trabaho ko para magpahinga, pero masasabi kong medyo okay na ngayon ang pakiramdam ko kumpara no’ng nitong mga nagdaang araw. Ganoon siguro kapag tinanggap mo na lang sa sarili mo na kailanman ay hindi na magiging sa ’yo ang isang tao kahit pa sabihing mahal mo pa rin ito. Wala ka naman magagawa kung si tadhana na mismo ang nakapagitna at nakahadlang sa inyong dalawa.

“That’s my girl. I didn’t expect to hear that from you. But I’m happy,” sabi ni Jass at ngumiti sa akin ulit. Nang mag-iwas ito ng tingin sa akin ay muli itong nagpakawala nang mabigat na buntong-hininga.

Nagsalubong naman ang mga kilay ko. “Bakit parang ikaw naman ata ang may problema ngayon?” Nagtatakang tanong ko.

“Si mama kasi, e!”

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi nito. “Bakit? Nag-away na naman ba kayo?”

“Ano pa ba ang bago sa amin ni mama? Kilala mo naman siya, Portia.”

“So, it’s about the proposal again?” tanong ko ulit pagkuwa’y dinampot ko ang isang libro na nasa ibabaw ng lamesa nito at tiningnan ko ang cover at mga pages n’on.

“Ano pa nga ba? Mas lalo akong na stress dahil sa kaniya. She knows that Wigo and I have been in a relationship for a long time, pero pilit pa rin niyang iginigiit sa akin na wala akong future sa boyfriend ko. Portia, hindi ko na alam kung ano ang gagawin kay mama.” Halata sa mukha nito ang labis na pagkairita at stress dahil sa ina nito.

“I told you before, just elope with Wigo para wala ka ng problema,” pabirong sabi ko na naging dahilan ng pagsimangot nito sa akin.

“If you will take my position here in APC, sana matagal ko ng sinunod ’yang suggestion mo sa akin, Portia. Pero ayaw mo naman. Kawawa naman itong negosyo ko kung pababayaan ko na lang nang basta-basta.”

“I can’t run a big company by myself, Jass, you know that. Kung kaya ko lang, bakit hindi?” sabi ko. “Teka nga pala, nakita mo na ba ’yong guy na sinasabi sa iyo ni Tita May?” Mayamaya ay pag-iiba ko sa usapan namin.

“You know, I don’t waste time on useless thing, Portia, kaya hindi ako sumipot sa dinner na in-arrange ni mama para sa amin ng lalaking gusto niyang maging boyfriend ko. At isa pa, kung pumayag ako na makipagkita sa lalaking ’yon, malamang na mag-i-expect si mama na tinatanggap ko na ang offer niya sa ’kin.”

“Kung sabagay. Hayaan mo na. Maiintindihan ka rin ng mama mo, soon.”

Bumuntong-hininga ito. “Kailan kaya ang soon na ’yan? Nakakainip na at gusto ko ng magsama kami ni Wigo sa iisang bahay. Gusto ko ng magpakasal kami,” sabi nito at isinandal ang likod nito sa swivel chair.

Comments (7)
goodnovel comment avatar
Toxic Azzazie
Hindi sya para sayo portia
goodnovel comment avatar
Rhealyn Sanchez
......... nangangapa kapa kay GN Langga...
goodnovel comment avatar
Monique Albatross
Yes Langga. Nasa kabila to nong nakaraan pero tinanggal ko kaya dito na itutuloy.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 4

    “TITA MAY... hindi naman po sa nangingialam ako sa desisyon ninyo para kay Jass, pero ang akin lang naman po, hindi po ba ay nasa tamang edad naman na siya para gumawa ng sarili niyang desisyon?” malumanay na tanong ko sa mama ni Jass. Kararating lamang nito sa opisina at hinahanap ang anak. Pero dahil ayaw ni Jass na makausap ang ina, hayon at bigla itong nagtago at ako ang pinaharap sa ina nito. Ayoko sanang harapin itong si Mrs. Gomez, pero wala na rin akong nagawa. Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga. “At isa pa po tita, nakikita naman po natin na masaya si Jass kay Wigo. Bakit hindi n’yo na lang po payagan ang relasyon nilang dalawa?” tanong ko pa.“I know concern ka dahil kaibigan mo si Jass, Portia. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay puwede ka ng makisali sa usapan naming dalawa,” seryosong sabi nito habang nakaupo sa sofa, habang nakatitig sa akin. Tinaasan pa ako nito ng isang kilay pagkatapos ay inilibot ang paningin sa buong opisina ni Jass. Mayamaya lang din

    Last Updated : 2023-03-02
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 5

    “I SAID, who are you? It is blasphemy for you to enter my house without permission.”Mas lalo akong nakadama ng labis na takot nang marinig ko ulit ang galit na boses na iyon, kaya wala akong sapat na lakas upang sagutin ang katanungan niya.Oh, Lord, please, help me! Nanginginig ang buong katawan ko! Mayamaya ay dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata at nakita kong naglakad palapit sa akin ang anino ng lalaki, bagay na mas lalo kong ikinatakot. “This is not an abandon house if that’s what you think.” Ang magaspang at galit na boses niya ang muli kong narinig pagkatapos ay naramdaman ko ang isang kamay niya na humawak sa braso ko. Walang kahirap-hirap na naiangat niya ako mula sa pagkakasalampak ko sa likod ng pinto. “Get out if you don’t want me to kill you right now!” saka niya ako puwersahang hinila palabas nang mabuksan niya ang malaking pinto.“P-please! No, please! Help me!” umiiyak at namamaos ang boses ko habang nagmamakaawa ako. Siguro kung hindi niya ako hawak sa isan

    Last Updated : 2023-03-03
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 6

    MULA sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama, tumayo ako at naglakad palapit sa bintana at bahagyang hinawi ang makapal na kurtina roon upang tingnan ang labas ng bahay. Medyo madilim na sa buong paligid. Muli kong tinapunan ng tingin ang wall clock na nakasabit sa pader. Halos limang oras na rin pala akong mag-isa sa silid na ito simula nang matapos kaming mag-usap ni Nanay Josephine kanina. Hindi na ulit ito bumalik maging ang anak nito.Nagpakawala ako nang malalim at mabigat na paghinga nang muli akong mapatingin sa labas ng bintana. Muli na namang sumagi sa isipan ko ang mga nangyari kagabi, ang sitwasyong kinasadlakan ni Jass. Sana nakabalik na si Wigo sa bahay nito at nakita nito ang nangyari sa kaibigan ko. Kawawa naman si Jass. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na puwedeng mangyari sa kaibigan ko ang lahat ng nangyari kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwalang sa ganoong paraan lamang mawawalan ng buhay ang kaibigan ko. Napakasakit para sa akin! Bakit si Jass pa? Napakabuti niyang tao.

    Last Updated : 2023-03-04
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 7

    SUNOD-SUNOD na pag-ubo ang aking ginawa habang nakasiksik ako sa pinakagilid ng gazebo; sa tabi ng mahabang sofa. Yakap ang sarili kong mga binti habang nanginginig ang buo kong katawan dahil sa malakas na buhos ng ulan maging ang malakas na simoy ng hangin na sa tingin ko ay kaunti na lamang ay magagawa nang ilipad ang bubong ng gazebo na sinisilungan ko. Muli kong inilibot ang paningin sa madilim na paligid habang nanlalabo ang aking mga mata dala sa nag-uulap na mga luha ko.“Lord, please! Pati po ba ang panahon ngayon ay gusto akong pahirapan?” bulong na tanong ko sa sarili ko pagkuwa’y ipinatong ko ang mukha ko sa aking mga tuhod. Malakas masiyado ang ulan at sa tingin ko ay hindi iyon basta-basta na titila agad. Ano na lamang ang gagawin ko kung sakaling magdamag na bumuhos ang malakas na ulan? Panigurado akong mas lalong magagalit sa akin ang lalaki na iyon oras na makita niya akong nandito pa rin sa lugar niya!Get out or else I’ll kill you!Ang galit na boses ng lalaking iyon

    Last Updated : 2023-03-05
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 8

    THIRD PERSON POV“INAY, kumusta po si Portia?” nag-aalalang tanong ni Liam sa ina nang lumabas si Josephine sa silid kung saan nagpapahinga ang dalaga.Bumuntong-hininga ang matanda. “Medyo bumaba na rin ang kaniyang lagnat,” sagot nito.“Mabuti naman po kung ganoon. Nag-aalala po ako nang husto para sa kaniya.” Turan nito pagkuwa’y nagpakawala rin nang malalim na buntong-hininga at napailing pa. “Masiyado po akong nag-alala sa kaniya kagabi nang hindi ko siya makita agad. Mabuti na lang talaga at ligtas siya.”“Maging ako man ay nag-alala rin para sa batang iyon, William,” sabi nito. “Pero, mukhang nananaginip na naman siya ng masama kanina. Umiiyak pa siya nang magising siya.”“Kawawa naman siya, inay. Marahil ay totoo nga ang sinasabi niya sa atin na may mga taong gustong pumatay sa kaniya. Siguro totoo ngang pinatay ng masasamang tao ang kaibigan niya,” sabi nito.“Iyon nga rin ang iniisip ko. Gusto ko sanang magtungo sa Bayan para mag-report sa mga pulis. Pero... kinakabahan nama

    Last Updated : 2023-03-06
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 9

    PORTIA’s POVNakatulala lamang ako habang nakaupo sa isang silya na nasa gilid ng kama. Ang dami-daming pumapasok sa isipan ko ngayon, bagay na siyang nagbigay ng dahilan upang muling makadama ako ng labis na takot. Maging ang pag-aalala ko para kay Jass ay muling sumibol sa puso ko. Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? May nakarating kayang tulong sa bahay ni Wigo? O baka naman itinapon na lamang ng mga kalalakihang iyon ang bangkay ng kaibigan ko? Oh, God! Huwag naman sana! Kawawa talaga si Jass! Labis akong nasasaktan para sa sinapit ng kaibigan. How I wish she’s still alive!Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga at mabilis na kinagat ang pang-ilalim kong labi nang maramdaman kong nag-uumpisa na namang mag-init ang sulok ng aking mga mata dahil sa mga bagay na naiisip ko ngayon.Mayamaya ay sumagi rin sa isipan ko si Tita Marites at si Fritz. Sigurado akong nagagalit na naman ngayon sa akin si tita dahil hindi na naman ako nakauwi sa bahay. Si Fritz, I know nag-aalala na r

    Last Updated : 2023-03-07
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 10

    PAGKATAPOS naming magtanghalian, ako na ang nagpresenta kay Nanay Josephine na maghuhugas ng mga pinagkainan namin. When my parents were still alive, we had maids in the mansion kaya lahat ng gawaing bahay ay wala akong alam kung paano gawin. Pero nang mapunta ako kay Tita Marites, doon ako natutong magtrabaho ng gawaing bahay. Paano naman kasi, ang laki-laki ng mansion na iniwan sa akin ng parents ko, pero hindi man lang kumuha si tita ng kahit isang kasambahay lamang para gumawa ng lahat ng trabaho. Lahat ay ako ang gumagawa. My friends used to say that my life is like Cinderella’s life. The only difference between me and Cinderella is that I don’t have mean stepsisters. Mabait naman kasi sa akin si Fritz. Sadyang si Tita Marites lang ang mean sa akin. But it’s okay. If I didn’t go through all the things I went through before, I probably wouldn’t know what to do now but complain. Kaya kahit marami akong hindi magandang karanasan noon, malaki pa rin ang pasasalamat ko kay Tita, at le

    Last Updated : 2023-03-08
  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 11

    “S-SORRY po, señorito! H-hindi ko po alam na bawal pala akong magpunta rito,” sabi ko at pagkuwa’y yumuko ako upang damputin ang libro at flashlight. Nakadama na naman ako ng kaba dahil sa bigla niyang pagsulpot sa harapan ko. My God! Kung magpapatuloy itong panggugulat niya sa akin at basta-basta na lang siyang susulpot sa harapan ko, hindi na ako magtataka kung isang araw bigla na lang akong atakihin sa puso kahit wala naman akong sakit sa puso! “Oh, damn it!” mariin at galit na saad niya at mabilis na naiharang sa mukha niya ang kaniyang palad nang hindi sinasadyang tumama sa kaniyang mukha ang ilaw ng flashlight ko.Because of that, I had a brief chance of seeing what he looked like. I mean, hindi ko nakita ang buong mukha niya dahil sa kamay niya... pero tama ang naaninag ko no’ng unang gabi ko rito sa mansion niya. His face is full of beard and mustache. He also has long hair that is a bit curly. “S-sorry po!” paghingi ko ulit ng paumanhin sa kaniya saka inilayo sa mukha niya

    Last Updated : 2023-03-10

Latest chapter

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   SPECIAL CHAPTER

    “CRANDALL!” Bigla akong nagising at napabangon mula sa mahimbing na pagkakatulog ko. I was full of anger, especially when I saw my husband rushing into our room. “W-Wife? Why? Is... Is there a problem?” bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala habang nagmamadali siyang lumapit sa akin.Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. At nang tuluyan siyang makalapit sa puwesto ko, kaagad ko siyang pinagpapalo sa braso at dibdib niya. “I hate you! I hate you! I hate you, Crandall!”“W-What? Why?” nalilitong tanong niya habang sinasalag niya ang kamay ko na patuloy pa ring namamalo sa kaniya. “What did I do, wife?”“Where did you go, Crandall? Nasaan ang babae mo?”“Huh?” halos mag-isang linya na ang mga kilay niya habang nakatitig sa akin. Litong-lito ang hitsura niya sa mga sandaling ito. “Portia, what are you talking? Wala akong babae.”“Liar!” singhal ko sa kaniya. “I saw you. May kahalikan kang babae, Crandall.” Bigla na lamang akong naiyak nang maalala ko na masaya sila nang babaen

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 75

    A wide smile spread across my lips as I looked at myself in the full-sized mirror. I want to cry because of the happiness my heart feels at this moment, but I hold myself back because I might ruin my make-up. I was wearing my simple yet elegant off-shoulder wedding gown.A week after, Crandall proposed to me, here we are finally getting married today. Oh, God! I still can’t believe it. My heart is still full of happiness because in a few moments, I will be Mrs. Crandall El Greco. Even though I knew that a week was a very short time for preparing for our wedding, I didn’t object when he suggested getting married right away and thought we could finish everything in a few days. And we made it with the help of important people in our lives, that are also excited for us to get married. Maraming connection si Crandall, maging si Mama Sugar at Papa Damian. Kaya naging madali na lamang ang lahat para sa amin. And there was no problem with the venue of our wedding, because both Crandall a

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 74

    “OH, PORTIA! Napakasaya ko ngayon na muli tayong nagkita.” Yakap-yakap ako nang mahigpit ng Mama ni Crandall. At nang pakawalan ako nito, ikinulong nito sa mga palad ang mukha ko at ilang beses na hinalikan ang magkabilang pisngi ko. “I missed you so much, hija.”“And I’m happy too na nagkita po ulit tayo, Tita Sugar.”“Oh, come on! You are already part of the family, Portia. Anak na rin kita kaya Mama na rin ang itawag mo sa akin.”Ngumiti ako nang malapad. “Thank you po, Ma.” “At kagaya sa Mama mo, masaya rin ako na nakita ulit kita, Portia.” Anang Papa ni Crandall. Niyakap din ako nito at hinalikan sa pisngi.“Thank you po, Papa Damian.”“Congratulations again to the both of you.”“Thank you, Pa,” sabi ni Crandall sa papa niya. “Hi, Ate Portia!”“Elle!”Kaagad din itong yumakap sa akin nang mahigpit. “I thought I would never see you again.”“It’s been a long a time,” sabi ko.“Congrats again sa inyo ni Kuya Crandall. And... I’m happy. I mean, we are happy to know na may apo na

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 73

    “I THOUGHT magla-lunch date tayo, babe?” nagtatakang tanong ko kay Crandall habang nasa labas ng bintana ng kotse ang paningin ko. I’m just confused kung bakit nandito kami sa bundok. I mean, maganda ang buong paligid. Puro bundok, mga damo at punong kahoy ang nakikita ko. At parang may malalim na bangin pa sa ’di kalayuan. “Babe!” Nilingon ko siya habang magkasalubong ang mga kilay ko.He gave me a wide smile. And before he answered my question, he stopped his car.“We’ll have a lunch date here, Love.”Mas lalong nangunot ang noo ko at saglit siyang tinitigan nang seryoso. Pagkatapos ay muli akong napatingin sa labas ng bintana. “Are you serious, Crandall?”Narinig ko siyang tumawa nang pagak. “Trust me, Love. You’ll gonna love this day.” Pagkuwa’y narinig ko ang pagbukas niya sa pinto sa tabi niya at umibis siya. Umikot siya sa may puwesto ko at pinagbuksan niya ako ng pinto at inilahad ang kamay sa akin upang alalayan ako. “Careful, Love.”Medyo mahangin ang paligid kaya kaagad na

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 72

    WHEN I opened my eyes, suddenly, a sweet smile appeared on my lips as I looked at the portrait of me and Crandall hanging on the bedroom wall. I’m sure it was taken the day he proposed to me five years ago. And then I glanced at the window. Maliwanag pa rin sa labas, but I’m not sure what time it is. When I looked next to me, I didn’t see Crandall. Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga pagkuwa’y kumilos ako habang hawak-hawak ko ang kumot sa tapat ng dibdib ko.Nasaan na kaya ang lalaking ’yon?Nang makababa ako sa kama, naglakad ako palapit sa bintana habang hila-hila ko ang makapal na kumot na nakatakip sa hubad kong katawan. A wide smile appeared on my lips again when I saw the beautiful view outside the house. Oh! I really missed this. After five years, makakadungaw pa pala ako sa bintanang ito para tingnan ang buong paligid ng bahay namin ni Crandall. Saglit kong pinagsawa ang paningin ko sa labas bago ako nagdesisyong bumalik sa kama. I let the thick blanket fall to

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 71

    NARINIG kong inihinto ni Crandall ang kaniyang kotse. I have no idea where we are now because he blindfolded me earlier when we got back in his car. “Babe, where are we now?” tanong ko sa kaniya.“Um, I can’t tell you yet, Love,” sagot niya. “But it’s a surprise for you.”“Hindi mo naman kasi sinabi sa akin kanina na may surprise ka sa akin ngayon. Hindi ko tuloy napaghandaan.”Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at pagkatapos ay naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ako sa pisngi ko.“I will remove your seatbelt, Love.” “Thank you, babe.” “You’re welcome, darling,” aniya. “Just wait a minute. I’ll open the door for you.” Narinig ko ang pagbukas-sarado ng pinto sa driver’s seat at ilang segundo lang, bumukas din ang pinto sa tabi ko. Kinuha niya ang kamay ko para alalayan ako. “Just be careful.”Hinawakan niya rin ang ulo ko para hindi ako mauntog. “Kinakabahan na naman ako,” sabi ko sa kaniya habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahil natat

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 70

    “C-CRANDALL!” I looked at him as he slowly parked his car on the side of the road. I wondered why he was stopping his car gayong wala naman kaming makitang mga tao o bahay sa paligid. Ang tanging nakikita ko lang ngayon ay puro mga puno at matataas na damo. Nang tuluyan niyang mapatay ang makina, nagbuntong-hininga siya saka binalingan din ako ng tingin. Ngumiti siya sa akin.“W-What are we doing here? Nasaan tayo?” tanong ko sa kaniya.“Relax. Wala naman akong gagawing masama,” sabi niya.“Pero bakit nandito tayo?” Sa halip na sagutin ang tanong ko, binuksan niya ang pinto sa tabi niya saka siya umibis. Kahit nagtataka ako at medyo kinakabahan dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko ngayon na puwede niyang gawin sa akin dahil kami lang naman ang tao rito, pero inalis ko iyon sa isipan ko. I know Crandall, he can’t do anything bad to me. Except if he no longer feels love for me and just intends to take my child from me. Ugh! Napa-paranoid ako sa pag-iisip ngayon ng hindi maga

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 69

    DAHAN-DAHANG humakbang si Crandall palapit sa may ibaba ng hagdan habang pababa naman kami ni Link. Ang ngiti sa mga labi niya ay parang nag-aalinlangan habang nakatingin siya sa anak namin. He let out a deep breath when there was only one step between the three of us. “H-Hi!” Mahina ang boses niya nang batiin niya ako, at pagkatapos ay tiningnan niya rin si Link. “Hi, buddy!” Link didn’t speak immediately. Instead, he grabbed my hand that was holding his shoulder and looked up at me. “Mama!”“Yes, sweetheart?”“Wasn’t he the one who got mad at you when we were at the mall?” tanong ng anak ko. Muli akong napatingin kay Crandall. Pagkatapos ay umupo ako sa baitang para magpantay kaming dalawa. “Sweetheart, ’yong nangyari sa mall no’ng nakaraan... It was just a misunderstanding,” sabi ko. “But...” Tumingala ako ulit kay Crandall habang mataman lamang siyang nakatingin sa aming mag-ina. When I turned to look at Link again, I smiled and gently squeezed his chin. “He’s your Papa. A

  • THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco   CHAPTER 68

    MATAMAN kong pinapakatitigan ang airplane ticket na iniwan ni Crandall sa akin kanina nang umalis siya. Hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin at iisipin ko ngayon. Naguguluhan ako. After our conversation earlier; after he explained and apologized to me because of what happened, he left when I told him I needed time to think because I was completely shocked by what I found out. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. All these years, I thought he was to blame for hurting me so much, so I left him. And if he is telling me the truth, that he really has a twin... Randall is the one who is guilty and should be blamed. Nagkahiwalay kami ni Crandall nang matagal na panahon nang dahil sa kapatid niya. Pareho kaming nasaktan at naghirap ang mga damdamin nang dahil sa kapatid niya. I took a deep breath to loosen my tight chest.It is true he went to Cebu before. I now have the proof in my hands. His name is written on this airplane ticket. Mula sa pagkakaupo k

DMCA.com Protection Status