Semua Bab The Billionaire's Rebound Wife: Bab 81 - Bab 90
109 Bab
SIXTEEN
 “You’ve been here in Manila for what… two months? Three months? How come we didn’t even know that a certain Thalia Esquivel who exactly knows like Kaia exists? The media… hindi ka nila nakita? How about Kuya Dylan’s friends? Paanong hindi namin alam ang tungkol sa ‘yo.”Umayos ako ng tayo nang tanungin ako ng tahimik na babae kanina. Base sa obserbasyon ko at sa naririnig kong pagtawag sa kaniya ng mga kasama niya, siya si Maurice Fontanilla. Hindi ko alam kung sinong mas matanda sa kanila ni Danielle Fontanilla—ang babaeng malakas ang boses at aakalaing eskandalosa—pero sa tingin ko ay halos magkasing-edad lamang silang dalawa. Hindi tulad ni Danielle Fontanilla na malakas ang boses at intimidating, si Maurice Fontanilla ay mahinhin ang boses at kalmado ngunit sa kabila niyon, ramdam ko pa rin ang awtoridad sa kaniyang boses na para bang isang mali lang na salita ang sasabihin ko, pakiramdam ko’y mamatay ako sa paraan ng pagtingin niya.
Baca selengkapnya
SEVENTEEN
 “Are you all right?” Bumalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Dylan. Agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya at gulat siyang tiningnan. “H-Huh?” Wala sa sariling tanong ko. “Well, you’re spacing out. May problema ba?”Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya at sa halip ay naguguluhan lamang na tumingin sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Brielle kanina.  Matapos naming mag-usap ay inihatid na niya ako sa bahay ni Dylan. May spare key naman ako kaya nakapasok ako kaagad sa loob at hinintay na lamang ang pagdating ni Dylan mula sa lunch nila ng mga pinsan niya. ‘ Ilang beses akong napakurap habang pinagmamasdan si Dylan. He’s looking at me confusedly as if he’s trying to read what’s going on in my mind.  Wala sa sarili akong napalunok at kapagkuwan ay nagbaba ng tingin. “Si Ma’am Brielle…” panimula ko.
Baca selengkapnya
EIGHTEEN
 “Are you sure you’re not really mad at me? Or you know… irritated?” “Why would I?” Ilang beses siyang kumurap at tinaasan ako ng kilay. “Sabi sa akin ni Aziel, nag-eenglish ka raw kapag galit ka ibig sabihin… galit ka nga?” tanong niya kaya’t muli akong napabuntong hininga. Nag-angat akong  muli ng tingin sa kaniya at kaswal siyang tiningnan. “Bakit nga ako magagalit? Saan? Kanino?”  Natahimik siya dahil sa tanong ko kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang mapailing. Ibinalik ko ang aking mga mata kay Rory na ngayon ay pinaglalaruan na ang buhok ko. “Baby, hindi ‘yan laruan. That’s not a toy, okay?” suway ko at inalis ang kamay niya sa aking buhok. Tulad ng inaasahan ko ay umiyak siya dahil sa ginawa ko. “Let me.” Tumingin ako kay Brielle nang marinig ang  boses niya. Hindi na naman ako nagreklamo at ibinigay na sa kaniya ang anak niya. Wala sa saril
Baca selengkapnya
NINETEEN
 “Mabuti nalang pala at hindi ka nagpakulay ng buhok, ano, Thalia?”“Ha?”Tumawa si Brielle at tinapik ang aking balikat. “Kasi kung oo, iisipin ko na talaga na ikaw si Kaia. I mean, iniisip ko na naman na ikaw pero  you know, mas lalo mo akong makukumbinsi. At least pinutol mo lang ang buhok mo,” sambit niya. Napipilitan may ay ngumiti pa rin ako sa kaniya. Wala naman akong balak magpakulay ng buhok, ano. Tingin ko ay hindi bagay sa kutis ko. Si Kaia Clemente naman kasi, para siyang naliligo sa gatas dahil sa puti ng balat niya tapos ako, heto at nabilad sa araw. Saka hindi ko talaga hilig ‘yong ganoon.  “Basta tulad ng palagi kong sinasabi sa ‘yo, kapag may hindi ginawang maganda si Dylan, tawagan mo lang ako, hmm? Susunduin kita roon,” dagdag niya pa.  Wala sa sarili akong napaayos sa aking kinauupuan. Nasa sasakyan na kami at ihahatid niya ako ngayon sa bahay ni Dylan. Mabilis na namang lumip
Baca selengkapnya
TWENTY
 Ang simpleng pag-atras ko ay nasundan pa nang nasundan hanggang sa napansin ko na lamang ang sarili ko na tumatakbo papunta sa aking silid.  Hindi ako sinundan ni Dylan pero hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko. Wala sa sarili kong nasapo ang aking dibdib at naghahabol ang hiningang umupo sa kama ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. It feels… weird.  Si Dylan… hinalikan niya ako. Hinalikan ako ni Dylan! Sinampal ko ang sarili ko sa pag-aakalang nananaginip lamang ako ngunit nakailang sampal na ako pero hindi pa rin ako nagigising—dahil gising na naman talaga ako. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at nanginginig ang kamay na kinuha ang telepono ko sa may bed side table.  Ititipa ko pa sana ang pangalan ni Brielle sa contacts pero hindi ko na nagawa nang bigla akong natigilan. Kapag ba sinabi ko sa kaniya na hinalikan ako ni Dylan… ano ang mangyayari? Hind
Baca selengkapnya
TWENTY ONE
 “What did you say?” Ilang beses akong napakurap bago tumayo mula sa aking kinauupuan para maging kapantay siya. Nang makatayo na ako ay saka ako tuluyang tumingin sa kaniya. “M-Ma’am… sino…”“Oh, gosh. You must be the one that Danielle keeps blabbering about. What’s your name again?” Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Palagi akong nababanggit ni Danielle? Ang Danielle bang sinasabi niya ay ang Danielle na pinsan ni Dylan?Napalunok ako. “T-Thalia po,” naguguluhang sagot ko sa tanong niya. Tumango siya at hindi pa rin inaalis ang mga mata niya sa mukha ko. Base sa narinig ko kanina, inakala niyang ako si Kaia kaya’t nakasisiguro ako na kilala niya sina Kaia at Dylan. Hindi rin kami magkasing-edad at parang papasa na siyang… Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha niya. Oh my God. Don’t tell me… “Andiyan ba si Dylan sa loob? An
Baca selengkapnya
TWENTY TWO
 “Dylan called and he told me that you won’t be working for him in the mean time…” Tumingin sa akin si Brielle at pinanliitan ako ng mga mata habang tahimik akong sumisimsim ng kape. “May hindi ka ba sinasabi sa akin, hmm, Thalia?”Marahan akong umiling. “Wala naman,” kaswal na sagot ko sa kaniya. Wala akong balak sabihin sa kaniya na hinalikan ako ni Dylan at nag-away kami dahil baka kung sinabi ko sa kaniya, baka sumugod siya sa bahay ni Dylan at magkagulo pa ang lahat. Alam ko rin naman na hindi bastos si Dylan at ginawa niya lamang iyon dahil akala niya ay ako ang asawa niya. Kung hindi niya naman inakala na ako si Kaia, sigurado akong hindi niya gagawin iyon. “No, no. May nararamdaman akong kakaiba, e. Umuwi ka nang maaga noong isang araw tapos noong tinanong kita, sabi  mo, wala lang. Tapos ngayon naman, tumawag sa akin si Dylan at sinabi na huwag ka raw munang pumunta sa bahay niya. There’s no way na walang nangyaring
Baca selengkapnya
TWENTY THREE
 Naging mabilis ang  mga sumunod na araw matapos naming mag-away ni Dylan. Sa ilang buwan ko rito sa Maynila, siguro’y ngayon lamang ako nakaramdam ng pagka-walang gana kahit na abala naman ako sa pag-aalaga kay Rory.  Pakiramdam ko… parang may kulang. At ngayon, mas lalo yata akong pinaglalaruan ng mundo habang  pinapanood sina Brielle at Sir Aziel na mag-impake. Abalang-abala sila sa pag-aayos ng mga gamit habang nanonood ako at buhat si Rory. “Brielle, we’re not going there to hang out and have a vacation. Hindi mo na kailangan niyan,” reklamo ni Sir Aziel kaya naman napatingin ako sa gawi ni Brielle para tingnan kung ano ang tinutukoy niya. “What? Even though it’s for work, I still have to look good,” giit naman ni Brielle sa asawa at inilagay pa rin sa maleta ang kulay pink niyang sapatos na tingin ko’y imposible nang makalakad dahil sa sobrang taas.  Napailing na laman
Baca selengkapnya
TWENTY FOUR
 “I told you to hurry, right? Ang tagal.”Tumigil ako sa paglalagay ng damit sa dadalhin kong bag at nag-angat ng tingin kay Dylan na ngayon ay nakaupo na sa kama ko… na para bang binigyan ko siya ng permisyong pumasok sa kuwarto ko.  Tinaasan niya ako ng kilay. “What? Why are you looking at me like that, huh?” Maangas na tanong niya kaya’t umismid na lamang ako at nagpatuloy na sa pag-iimpake.  Eh kung sinabi niya kasi kaagad kahapon na tuloy pala kami, e ‘di sana kahapon pa ako nag-ayos. Masiyado siyang pa-special. Akala niya yata nasa  Sugod-Bahay kami.  Hindi na ako nagsalita pa at mas binilisan na lamang ang pag-iimpake ng damit tulad ng sinabi niya. Hindi na ako namili at basta-basta na lamang naglagay ng damit sa bag. Basta ang nasisiguro ko, ‘yong mga bago kong damit ang nilagay ko roon—‘yong mga damit na binigay sa akin ni Brielle—para naman hindi ako magmukhang kaawa-awa habang kasama ang pamily
Baca selengkapnya
TWENTY FIVE
 “Hala, kamukhang-kamukha nga siya ni Kaia!”  Pilit akong ngumiti nang marinig ang sinabi ng isa sa mga Tita ni Dylan. Hindi ko siya kilala pero unang kita ko palang, pakiramdam ko ay kapag nagalit siya sa akin, katapusan na ng mundo. Nakangiti siya sa akin pero nang magseryoso siya nang mukha ay parang mapapa-ihi ako sa takot. “By the way, I’m Dylan’s aunt. I’m Nellie…” pagpapakilala niya at ini-extend ang kanang kamay. Agad ko naman iyong tinanggap. “It’s nice to meet you.” Hindi ko alam pero nanindig ang balahibo ko sa simpleng ‘it’s nice to meet you’ niya. Totoo nga ang sinabi ni Brielle na nakaka-intimidate ang mga Fontanilla. “And this my husband...” Lumingon siya sa tabi kaya’t maging ako ay napatingin din sa katabi niya. “This is Dwayne.” Tipid kong nginitian ang ipinakilala niyang asawa ngunit sa halip na ngitian ako pabalik ay pinanliitan ako nito ng mga mata.
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status