Share

TWENTY THREE

Naging mabilis ang  mga sumunod na araw matapos naming mag-away ni Dylan. Sa ilang buwan ko rito sa Maynila, siguro’y ngayon lamang ako nakaramdam ng pagka-walang gana kahit na abala naman ako sa pag-aalaga kay Rory.

Pakiramdam ko… parang may kulang.

At ngayon, mas lalo yata akong pinaglalaruan ng mundo habang  pinapanood sina Brielle at Sir Aziel na mag-impake. Abalang-abala sila sa pag-aayos ng mga gamit habang nanonood ako at buhat si Rory.

“Brielle, we’re not going there to hang out and have a vacation. Hindi mo na kailangan niyan,” reklamo ni Sir Aziel kaya naman napatingin ako sa gawi ni Brielle para tingnan kung ano ang tinutukoy niya.

“What? Even though it’s for work, I still have to look good,” giit naman ni Brielle sa asawa at inilagay pa rin sa maleta ang kulay pink niyang sapatos na tingin ko’y imposible nang makalakad dahil sa sobrang taas.

Napailing na laman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora Ramos
Thanks po Ms A s update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status