Naging mabilis ang mga sumunod na araw matapos naming mag-away ni Dylan. Sa ilang buwan ko rito sa Maynila, siguro’y ngayon lamang ako nakaramdam ng pagka-walang gana kahit na abala naman ako sa pag-aalaga kay Rory. Pakiramdam ko… parang may kulang. At ngayon, mas lalo yata akong pinaglalaruan ng mundo habang pinapanood sina Brielle at Sir Aziel na mag-impake. Abalang-abala sila sa pag-aayos ng mga gamit habang nanonood ako at buhat si Rory. “Brielle, we’re not going there to hang out and have a vacation. Hindi mo na kailangan niyan,” reklamo ni Sir Aziel kaya naman napatingin ako sa gawi ni Brielle para tingnan kung ano ang tinutukoy niya. “What? Even though it’s for work, I still have to look good,” giit naman ni Brielle sa asawa at inilagay pa rin sa maleta ang kulay pink niyang sapatos na tingin ko’y imposible nang makalakad dahil sa sobrang taas. Napailing na laman
“I told you to hurry, right? Ang tagal.”Tumigil ako sa paglalagay ng damit sa dadalhin kong bag at nag-angat ng tingin kay Dylan na ngayon ay nakaupo na sa kama ko… na para bang binigyan ko siya ng permisyong pumasok sa kuwarto ko. Tinaasan niya ako ng kilay. “What? Why are you looking at me like that, huh?” Maangas na tanong niya kaya’t umismid na lamang ako at nagpatuloy na sa pag-iimpake. Eh kung sinabi niya kasi kaagad kahapon na tuloy pala kami, e ‘di sana kahapon pa ako nag-ayos. Masiyado siyang pa-special. Akala niya yata nasa Sugod-Bahay kami. Hindi na ako nagsalita pa at mas binilisan na lamang ang pag-iimpake ng damit tulad ng sinabi niya. Hindi na ako namili at basta-basta na lamang naglagay ng damit sa bag. Basta ang nasisiguro ko, ‘yong mga bago kong damit ang nilagay ko roon—‘yong mga damit na binigay sa akin ni Brielle—para naman hindi ako magmukhang kaawa-awa habang kasama ang pamily
“Hala, kamukhang-kamukha nga siya ni Kaia!” Pilit akong ngumiti nang marinig ang sinabi ng isa sa mga Tita ni Dylan. Hindi ko siya kilala pero unang kita ko palang, pakiramdam ko ay kapag nagalit siya sa akin, katapusan na ng mundo. Nakangiti siya sa akin pero nang magseryoso siya nang mukha ay parang mapapa-ihi ako sa takot. “By the way, I’m Dylan’s aunt. I’m Nellie…” pagpapakilala niya at ini-extend ang kanang kamay. Agad ko naman iyong tinanggap. “It’s nice to meet you.” Hindi ko alam pero nanindig ang balahibo ko sa simpleng ‘it’s nice to meet you’ niya. Totoo nga ang sinabi ni Brielle na nakaka-intimidate ang mga Fontanilla. “And this my husband...” Lumingon siya sa tabi kaya’t maging ako ay napatingin din sa katabi niya. “This is Dwayne.” Tipid kong nginitian ang ipinakilala niyang asawa ngunit sa halip na ngitian ako pabalik ay pinanliitan ako nito ng mga mata.
“What did you two talked about?” Bumalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Dylan. Mula kanina nang dumating kami rito sa Batangas ay ito ang unang beses niyang napagdesisyunang kausapin ako kaya’t hindi ko mapigilang lihim na mapasimangot. Isinama-sama ako rito tapos hindi naman pala ako kakausapin. Kaswal akong nagkibit balikat sa tanong niya at sumandal sa kinauupuan ko. “Wala lang,” mahinang sambit ko at nag-iwas na ng tingin sa kaniya. Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Dylan sa tabi ko kung saan nakaupo kanina ang pinsan niyang si Iverson. Hindi na naman ako nagreklamo at hinayaan na lamang siya. Medyo lumayo lamang ako para magkaroon ng espasyo sa pagitan naming dalawa. Mahirap na… baka kung anong isipin ng mga tao kapag magkalapit kami. Bumaling ang tingin ko sa tatlong magpipinsan na ngayon ay magkakasama na. Dumating na ang late na si Maurice Fontanilla at nag-uusap sila ni Da
“Declan, huwag kang masiyadong tumingin kay Thalia! Huwag ka ngang makulit!” Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang sariling matawa sa sinabi ni Tita Layla. Hnampas niya ang balikat ng asawa na kanina pa nakatingin sa akin kaya’t muntik na itong mapatalon sa kaniyang kinauupuan. Malakas na umangal si Tito Declan—tulad ng sinabi niyang itawag ko sa kaniya—at kapagkuwan ay tumingin sa akin. “Wala naman akong ginagawa, ah. Saka masama bang tumingin? Hindi ba puwedeng naaamaze lang?” tanong niya sa asawa. “Kahit na. Kung ako ang nasa posisyon ni Thalia, maweweirduhan ako sa ‘yo,” giit ni Tita Layla at tumingin sa akin bago tipid na ngumiti. “Pagpasensiyahan mo na ‘tong asawa ko, ha? Kanina ko pa pinagsasabihan pero ayaw talagang makinig. Dito talaga nagmana si Dylan, e.” “Magulat ka kung kay Darius nagmana ‘yang si Dylan,” naiiling na biro ni Tito Declan na siya namang ikinasimangot
Ilang beses akong napaubo bago tuluyang bumangon mula sa aking kinahihigaan. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang naghahabol ng hininga na para bang ilang taon akong kinapos sa paghinga. “Damn you, Iverson! Paano kung namatay ‘yan? Gusto mong mag-birthday sa kulungan?”Iminulat ko ang aking mga mata habang sapo ang dibdib at naghahabol ng hininga. Nag-angat ako ng tingin sa gawi ng apat na magpipinsan na nakapalibot sa akin. Galit na hinampas ni Danielle Fontanilla ang balikat ni Iverson na animo’y tuliro pa rin sa nangyari. “Are you all right, Thalia?” tanong sa akin ni Maurice Fontanilla kaya’t ilang beses akong napakurap. Taka ko siyang tiningnan at itinuro ang aking sarili. “A-Ako?” Mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ko nang tumingin siya kay Danielle. “Nakalimot na naman yata siya. Hindi na niya yata kilala ang sarili niya ngayon,” rinig kong sambit niya sa pi
“Nasaan ang mga tao? Bakit wala sila?”Taka kong tiningnan ang ngayon ay mag-isang kumakain sa hapag-kainan na si Dylan. Kulang nalang ay may kuliglig na tumunog sa kabuuan ng bahay dahil mula nang lumabas ako sa kuwarto ko ay wala na akong narinig na kahit na anong boses ng tao. Nag-angat ng tingin sa akin si Dylan at nagkibit-balikat. “They’re gone.” “Ha?” Naguguluhang tanong ko sa kaniya. “Pumunta sila sa hacienda. Sa isang araw pa raw ang balik.” “Tapos? Bakit hindi ka kasama at…” Itinuro ko ang sarili ko habang kunot noo pa ring nakatingin sa kaniya. “At bakit hindi rin ako kasama?”Sa ikalawang pagkakataon ay nagkibit balikat na naman siya bago tumingin sa akin na para bang may sinabi akong obvious na naman. Nang hindi ako nagsalita at taka pa ring tumingin sa kaniya ay saka siya umiling at malakas na bumuntong hininga. “You’re sick. Sasama ka sa ka
“I told you to drink your medicine a while ago. Hindi ko naman alam na hindi mo pala ininom.” “Nakalimutan ko,” tanging tugon ko at tinakpan ng unan ang aking mukha. Nasa kuwarto ko ako ngayon at masama ang pakiramdam. Sabi ko kanina ay baka mawala na rin ang lagnat ko ngayon o bukas pero mukhang ang kapal ng mukha kong sabihin iyon dahil ngayon ay mas mataas na ang lagnat ko kumpara kanina. Mula nang kumain kami ng tanghalian ni Dylan ay umakyat na ako sa kuwarto ko para magtago dahil sa kahihiyan. Sinabi ko lang naman sa kaniya kanina na may mas posibilidad na magustuhan ko siya kaysa sa pinsan niya at mula nang sinabi ko iyon ay hindi na nawala ang naglalarong ngisi ni Dylan sa labi niya kaya naman alam kong iyon ang tumatakbo sa utak niya. Dahil sa hiya ay matapos kumain, agad din akong nagpaalam sa kaniya at nagtago sa aking silid. At kung minamalas nga naman, dahil sa pagmamadali kong