“Hala, kamukhang-kamukha nga siya ni Kaia!” Pilit akong ngumiti nang marinig ang sinabi ng isa sa mga Tita ni Dylan. Hindi ko siya kilala pero unang kita ko palang, pakiramdam ko ay kapag nagalit siya sa akin, katapusan na ng mundo. Nakangiti siya sa akin pero nang magseryoso siya nang mukha ay parang mapapa-ihi ako sa takot. “By the way, I’m Dylan’s aunt. I’m Nellie…” pagpapakilala niya at ini-extend ang kanang kamay. Agad ko naman iyong tinanggap. “It’s nice to meet you.” Hindi ko alam pero nanindig ang balahibo ko sa simpleng ‘it’s nice to meet you’ niya. Totoo nga ang sinabi ni Brielle na nakaka-intimidate ang mga Fontanilla. “And this my husband...” Lumingon siya sa tabi kaya’t maging ako ay napatingin din sa katabi niya. “This is Dwayne.” Tipid kong nginitian ang ipinakilala niyang asawa ngunit sa halip na ngitian ako pabalik ay pinanliitan ako nito ng mga mata.
“What did you two talked about?” Bumalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Dylan. Mula kanina nang dumating kami rito sa Batangas ay ito ang unang beses niyang napagdesisyunang kausapin ako kaya’t hindi ko mapigilang lihim na mapasimangot. Isinama-sama ako rito tapos hindi naman pala ako kakausapin. Kaswal akong nagkibit balikat sa tanong niya at sumandal sa kinauupuan ko. “Wala lang,” mahinang sambit ko at nag-iwas na ng tingin sa kaniya. Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Dylan sa tabi ko kung saan nakaupo kanina ang pinsan niyang si Iverson. Hindi na naman ako nagreklamo at hinayaan na lamang siya. Medyo lumayo lamang ako para magkaroon ng espasyo sa pagitan naming dalawa. Mahirap na… baka kung anong isipin ng mga tao kapag magkalapit kami. Bumaling ang tingin ko sa tatlong magpipinsan na ngayon ay magkakasama na. Dumating na ang late na si Maurice Fontanilla at nag-uusap sila ni Da
“Declan, huwag kang masiyadong tumingin kay Thalia! Huwag ka ngang makulit!” Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang sariling matawa sa sinabi ni Tita Layla. Hnampas niya ang balikat ng asawa na kanina pa nakatingin sa akin kaya’t muntik na itong mapatalon sa kaniyang kinauupuan. Malakas na umangal si Tito Declan—tulad ng sinabi niyang itawag ko sa kaniya—at kapagkuwan ay tumingin sa akin. “Wala naman akong ginagawa, ah. Saka masama bang tumingin? Hindi ba puwedeng naaamaze lang?” tanong niya sa asawa. “Kahit na. Kung ako ang nasa posisyon ni Thalia, maweweirduhan ako sa ‘yo,” giit ni Tita Layla at tumingin sa akin bago tipid na ngumiti. “Pagpasensiyahan mo na ‘tong asawa ko, ha? Kanina ko pa pinagsasabihan pero ayaw talagang makinig. Dito talaga nagmana si Dylan, e.” “Magulat ka kung kay Darius nagmana ‘yang si Dylan,” naiiling na biro ni Tito Declan na siya namang ikinasimangot
Ilang beses akong napaubo bago tuluyang bumangon mula sa aking kinahihigaan. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang naghahabol ng hininga na para bang ilang taon akong kinapos sa paghinga. “Damn you, Iverson! Paano kung namatay ‘yan? Gusto mong mag-birthday sa kulungan?”Iminulat ko ang aking mga mata habang sapo ang dibdib at naghahabol ng hininga. Nag-angat ako ng tingin sa gawi ng apat na magpipinsan na nakapalibot sa akin. Galit na hinampas ni Danielle Fontanilla ang balikat ni Iverson na animo’y tuliro pa rin sa nangyari. “Are you all right, Thalia?” tanong sa akin ni Maurice Fontanilla kaya’t ilang beses akong napakurap. Taka ko siyang tiningnan at itinuro ang aking sarili. “A-Ako?” Mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ko nang tumingin siya kay Danielle. “Nakalimot na naman yata siya. Hindi na niya yata kilala ang sarili niya ngayon,” rinig kong sambit niya sa pi
“Nasaan ang mga tao? Bakit wala sila?”Taka kong tiningnan ang ngayon ay mag-isang kumakain sa hapag-kainan na si Dylan. Kulang nalang ay may kuliglig na tumunog sa kabuuan ng bahay dahil mula nang lumabas ako sa kuwarto ko ay wala na akong narinig na kahit na anong boses ng tao. Nag-angat ng tingin sa akin si Dylan at nagkibit-balikat. “They’re gone.” “Ha?” Naguguluhang tanong ko sa kaniya. “Pumunta sila sa hacienda. Sa isang araw pa raw ang balik.” “Tapos? Bakit hindi ka kasama at…” Itinuro ko ang sarili ko habang kunot noo pa ring nakatingin sa kaniya. “At bakit hindi rin ako kasama?”Sa ikalawang pagkakataon ay nagkibit balikat na naman siya bago tumingin sa akin na para bang may sinabi akong obvious na naman. Nang hindi ako nagsalita at taka pa ring tumingin sa kaniya ay saka siya umiling at malakas na bumuntong hininga. “You’re sick. Sasama ka sa ka
“I told you to drink your medicine a while ago. Hindi ko naman alam na hindi mo pala ininom.” “Nakalimutan ko,” tanging tugon ko at tinakpan ng unan ang aking mukha. Nasa kuwarto ko ako ngayon at masama ang pakiramdam. Sabi ko kanina ay baka mawala na rin ang lagnat ko ngayon o bukas pero mukhang ang kapal ng mukha kong sabihin iyon dahil ngayon ay mas mataas na ang lagnat ko kumpara kanina. Mula nang kumain kami ng tanghalian ni Dylan ay umakyat na ako sa kuwarto ko para magtago dahil sa kahihiyan. Sinabi ko lang naman sa kaniya kanina na may mas posibilidad na magustuhan ko siya kaysa sa pinsan niya at mula nang sinabi ko iyon ay hindi na nawala ang naglalarong ngisi ni Dylan sa labi niya kaya naman alam kong iyon ang tumatakbo sa utak niya. Dahil sa hiya ay matapos kumain, agad din akong nagpaalam sa kaniya at nagtago sa aking silid. At kung minamalas nga naman, dahil sa pagmamadali kong
“You’re being stubborn again, Kaia. Ubusin mo ‘yan o kung gusto mo, ako ang magsubo sa ‘yo.” Agad na umikot ang mga mata ko nang marinig ang itinawag niya sa akin. “Kanina mo pa kao tinatawag na ganiyan, hindi mo ba napapansin? Thalia nga sabi ang pangalan ko, hindi Kaia,” suway ko sa kaniya. Mahina siyang tumawa at tumingin sa gawi ko. Ibinaba niya ang hawak na mangkok ng lugaw sa bed side table bago umupo sa gilid ng kama ko. Hindi ko naman mapigilang mapalunok nang maramdaman ang presensiya niya na malapit sa akin. “Nah. I will call you Kaia until you call yourself Kaia.” Umismid ako. Alam kong hindi ako dapat ma-offend pero pakiramdam ko, kaya niya lang ako inaalagaan dahil ang tingin niya ay ako ang asawa niya. Hindi dahil sa concerned siya kahit na sino man ako. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at umirap. “Mag-aaway na naman ba tayo dahil diyan? Hindi ka pa
“Bakit hindi pa kami puwedeng bumalik ng Maynila ni Dylan?” Sunod-sunod na bumuntong hininga si Brielle sa kabilang linya na para bang napakalaki ng problema niya. Umaga na ngayon at mamayang hapon ay bi-biyahe na kami ni Dylan pabalik sa Maynila kaya naman hindi ko talaga maintindihan ang biglaang pagtawag sa akin ni Brielle. “Basta makinig ka nalang sa akin, Thalia. Someone called us from there and trust me… it was chaotic! Hindi pa kayo puwedeng bumalik. Hintayin niyo muna kami ni Aziel. We already booked our flight. Pabalik na rin kami sa Maynila. Habang wala pa kami, diyan muna kayo sa Batangas ni Dylan.”“Ha? Pero aalis na kami mamayang hapon,” giit ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang pagpasok ni Dylan sa aking silid. “What is it?” tanong ni Dylan kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Umupo siya sa sofa sa gilid ng kuwarto at kaswal na ipinagkrus ang kaniyang dalawang braso.
2 TBHW 44"Sorry, I'm late. I had to sort things out with my husband before picking you up," agad na sambit ng nanay ni Dylan matapos kong sumakay sa kotse niya.Matipid ko siyang nginitian kahit na ilang minuto rin akong naghintay sa kaniya. Akala ko nga ay hindi na siya darating pa kaya't laking gulat ko nang may tumigil na sasakyan sa aking harapan. Nagmamadali naman akong sumakay nang tawagin niya ako dahil baka may makakita pa sa aming dalawa."Ayos lang po. Ako nga po ang dapat na magpasalamat dahil nag-abala pa po kayo na samahan ako."Laking gulat ko nang marahan niyang tapikin ang aking palad. Taka ko siyang tiningnan at agad namang bumungad sa akin ang matipid niyang ngiti."Alam ko na hindi ko dapat 'to ginagawa pero may iba talaga akong kutob sa nagpakilalang Kaia. Yes, she really acts like Kaia pero... may iba talaga. I couldn't point it out but my gut tells me that there's something wrong with her," saad niya."P-Pe
2 TBHW 41“I talked to Dylan’s mother.”Tila pumintig ang tainga ko nang marinig ang sinabi ni Sir Aziel. Ibinaba ko sa lapag si Rory at hinayaan itong maglaro bago tuluyang tumingin sa bagong dating na si Sir Aziel. “Ang nanay ni Dylan?”Tumango siya. “Nakasalubong ko siya kanina at napag-usapan namin ang tungkol sa ‘yo. Though just like Dylan, she was also pretty convinced that the Kaia that is with them right now is really Kaia, she still thinks that there’s a possibility that you’re Kaia.”“Tulad ng sinabi ko, hindi naman ako bumalik dito para patunayan na ako si Kaia. Gusto ko lang ng peace of mind. Napasok ako sa gulong ‘to nang walang kaalam-alam kaya gusto kong tuluyan nang masagot ang mga tanong ko,” paglilinaw ko sa kaniya.Hindi kaagad nakapagsalita si Sir Aziel at sa halip ay malakas na bumuntong hininga. Alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin kahit na mahirap intindihin... kahit nga ako ay hindi ko rin maintindiha
“I haven’t sleep a wink while waiting for you two. Mabuti at hindi pa rin nagigising ngayon si Rory dahil kung hindi, baka nag-iiyak na ‘yon dahil naputol ang tulog niya,” reklamo ni Brielle at inabutan ako ng isang tasa ng tsaa. Dahil nilalamig na rin ako ay kaagad kong ininom ang ibinigay niya. Naupo naman sa harap ko si Brielle at tumabi kay Sir Aziel na kanina pa nakamasid sa akin. Kapwa naka-krus ang braso nilang mag-asawa na para bang hinihinaty na magsalita ako at may aminin sa kanila. Nag-angat ako ng tingin at malakas na humugot ng malalim na buntong hininga. “Salamat nga pala sa pagsundo sa akin kahit na masiyadong biglaan. Ngayon lang kasi ako nakakuha ng tiyempo na umalis saka wala rin akong pera para sa pamasahe ko kaya wala akong choice kung hindi ang tawagan kayo,” panimula ko. “Did your fiancé locked you up?” Sa halip na sagutin ang tanong ni Sir Aziel ay nagbaba na lamang a
Dali-dali kong inalis ang kumot na nakatakip sa katawan ko nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Paige. Nakasuot na siya ng pajama at bakas sa kaniyang mukha na kanina niya pa pinipigilan ang sariling makatulog dahil sa mapungay niyang mga mata. Wala sa sarili kong kinagat ang aking ibabang labi nang makita ang kalagayan niya. Kinusot niya ang mga mata bago isinara ang pinto at tuluyang pumasok sa silid ko. “Tulog na po si Papa, Mama,” mahinang sambit niya at dahan-dahang lumapit sa puwesto ko. “Sure ka?” Marahan siyang tumango. “Sinubukan ko pong lumabas ng bahay pero hindi niya po ako napansin. Saka po l-lasing po yata ang Papa kaya po mahimbing po ang tulog niya po,” sagot niya. Bahagyang nagtagpo ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Lasing si Tres? At bakit naman siya naglasing? Bihira siyang uminom ng alak kaya’t nasisiguro ko na may kung ano siyang pinoproblema kaya niya nagawang
Sa halip na isang linggo lamang ako rito sa isla ay naging dalawang linggo na. Akala ko noon ay nagloloko lamang si Tres nang sabihin niya sa akin na hindi niya ako palalabasin hangga’t hindi ko sinasabi sa kaniya na hindi na ako kailanman babalik pang muli sa Maynila. Humugot ako ng malakas na buntong hininga at tumingin sa kisame. Halos maghapon na akong nakahiga at pakiramdam ko ay napakabagal ng oras araw-araw. Hindi ko pa nakakausap nang maayos si Tres dahil sa tuwing nag-uusap, nauuwi lamang kami sa pag-aaway at sinusubukan kong huwag nang makipag-away sa kaniya lalo pa’t kasama namin sa bahay si Paige. Mukhang umalis na rin si Dylan sa Siargao dahil mula nang makausap ko siya noon ay hindi ko na siya nakausap pa. Wala rin namang nabanggit sa akin si Tres na nagpakita na naman sa kaniya si Dylan dahil kung sakali man na hindi pa rin tumitigil si Dylan ay hindi rin titigil si Tres sa kaka-sermon niya sa akin at kakapilit na ka
“Tres! Tres, ano ba? Tumigil ka nga!” Nagpapanic na sigaw ko nang muling sinuntok ni Tres si Dylan. Agad akong lumapit sa gawi nila at sinubukang pigilan ang kamao ni Tres ngunit iwinaksi niya lamang ang aking pagkakakapit ko sa kamay niya kaya’t muntik na akong natumba. Hinila niya ang suot na damit ni Dylan at muli itong sinuntok. “Anong karapatan mong yakapin ang asawa ko, ha? Sino ka ba? Hindi mo ba alam na may asawa na ‘yan?!” Malakas na sigaw niya kaya’t muli akong lumapit sa kanila. “T-Tres, tumigil ka na nga! Ano ba—“ Humarap sa akin si Tres at pinanlakihan ako ng mga mata. “Ano? Aamin kang kabit mo ‘to, ha, Thalia? Lalaki mo ‘to?” Hindi ako nakasagot at sa halip ay wala sa sariling humakbang palayo. Gusto ko mang sabihin sa kaniya na hindi… na hindi ko kilala si Dylan at walang namamagitan sa amin, hindi ko magawang masabi ang bagay na iyon. Pakiramdam ko, kapag sinagot ko ang tanong
“Thalia, may naghahanap sa ‘yo sa labas!”Agad kong pinunasan ang basa kong kamay dahil abala ako sa paghuhugas ng pinag-kainan namin ni Paige nang marinig ang boses ng kapitbahay namin sa labas. “Sino ho bang naghahanap sa akin?” tanong ko sa kapit-bahay namin matapos ko siyang pagbuksan ng pinto.“Hindi ko kilala kung sino pero mukhang dayo. Nandoon sa may dalampasigan. Kanina pa ‘yon dito at nag-iikot-ikot. Mabuti na lamang at natanong ko kung sino ang hinahanap niya.”Ilang beses akong napakurap nang marinig ang sagot niya. Dayo? Sino namang dayo ang maghahanap sa akin?Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino marahil ang naghahanap sa akin. Baka sinundan ako nina Brielle at Sir Aziel! Alam nila ang address ko dahil nakasulat iyon sa resume ko. Isa pa, sa pagkaka-alaala ko ay pina-imbestigahan nila ako kaya naman nakasisiguro akong alam na nila kung saan ako nakatira.Lumingon ako kay Paige na ngayon ay abala sa panonood ng TV. Kami lamang ang narito sa bahay
“Dapat sinabi mo sa aming uuwi ka para nasundo ka namin ni Paige, Thalia.”Tumigil ako sa pag-alis ng mga gamit ko sa dala kong maleta nang marinig ang sinabi ni Tres. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya kaya naman agad kong nakasalubong ang seryoso niyang mga mata.“Nasabi ko na nga sa ‘yo na gusto ko kayong sorpresahin, hindi ba?” mahinahong tanong ko pabalik. Inismiran niya lamang ako bago siya umupo sa kama naming dalawa. Wala sa sarili naman akong napalunok dahil doon. Palagi naman kaming magkatabing matulog noon pero ngayon, iniisip ko palang, parang naninibago na ako kaagad. “Iyon lang ba talaga ang dahilan mo o may iba pa?” “Ano namang ibang magiging dahilan ko bukod doon?” Hindi ko na naitago pa ang pagka-inis dahil sa tanong niya. Lihim akong umirap at nagpatuloy na lamang sa pag-aayos ng mga gamit ko.“Akala ko, umuwi ka lang dito para sa birthday ni Paige. Bakit halos dala mo na yata ang lahat ng gamit mo?”Muli akong tumigil sa ginagawa ko at hindi kaagad nakasagot sa ta
Natulog na ako mula nang makausap ko sina Brielle at Sir Aziel. Kailangan ko ring magpahinga para maihanda ko ang sarili ko dahil babalik na ako sa isla kinabukasan—bagay na hindi ko muna sinabi kina Brielle at Sir Aziel sapagkat alam kong pupunta sila sa bahay nina Dylan at baka sabihin nila kay Dylan na aalis na ako. May parte sa akin na ayaw umalis at kausapin na lamang si Dylan tungkol sa nangyari. Alam ko naman na sa pagkakataong ito, naniwala na si Dylan na ang babaeng iyon ang totoong Kaia. Malamang, paniniwalaan niya ang babaeng iyon kaysa sa akin. Alam niya ang nangyari sa buong buhay ni Kaia Clemente samantalang ako… wala akong ibang alam maliban na lamang sa magkamukha kaming dalawa. Gusto kong i-message si Tres at sabihin sa kaniya na sunduin nila ako sa pier pag-uwi ko pero naalala kong wala pala sa akin ang telepono ko kaya’t hindi ko siya ma-itext. Mukhang wala akong choice kung hindi ang surpresahin na lamang sila n