author-banner
heatherstories
heatherstories
Author

Nobela ni heatherstories

The Billionaire's Rebound Wife

The Billionaire's Rebound Wife

Dylan Fontanilla already had everything that any man could wish for: a stable job and a perfect girlfriend. Para sa kaniya ay perpekto na ang buhay niya at wala na siyang ibang mahihiling pa. However, his life changed drastically after waking up with the news that his girlfriend is already set to marry someone else. The reason? His girlfriend cheated on him. In just a snap, he lost the love of his life. Until one drunken night, he crossed paths with Kaia Clemente, the long-time bestfriend slash rumored girlfriend of his ex-girlfriend’s current fiancé. From then on, a plan was created. If he can't have his ex-girlfriend, then he’ll have Kaia instead. Kung agawan lamang din pala ang labanan, hinding-hindi siya magpapatalo sa mga nanloko sa kaniya… kahit na sabihin man ng iba na rebound niya lamang si Kaia. Laro lamang para kay Dylan ang lahat. . . ngunit hindi niya inaasahan na mapupunta sila sa simbahan, sa harap ng altar, at nagsusumpaan.
Basahin
Chapter: FORTY FOUR
2 TBHW 44"Sorry, I'm late. I had to sort things out with my husband before picking you up," agad na sambit ng nanay ni Dylan matapos kong sumakay sa kotse niya.Matipid ko siyang nginitian kahit na ilang minuto rin akong naghintay sa kaniya. Akala ko nga ay hindi na siya darating pa kaya't laking gulat ko nang may tumigil na sasakyan sa aking harapan. Nagmamadali naman akong sumakay nang tawagin niya ako dahil baka may makakita pa sa aming dalawa."Ayos lang po. Ako nga po ang dapat na magpasalamat dahil nag-abala pa po kayo na samahan ako."Laking gulat ko nang marahan niyang tapikin ang aking palad. Taka ko siyang tiningnan at agad namang bumungad sa akin ang matipid niyang ngiti."Alam ko na hindi ko dapat 'to ginagawa pero may iba talaga akong kutob sa nagpakilalang Kaia. Yes, she really acts like Kaia pero... may iba talaga. I couldn't point it out but my gut tells me that there's something wrong with her," saad niya."P-Pe
Huling Na-update: 2023-08-09
Chapter: FORTY THREE
2 TBHW 41“I talked to Dylan’s mother.”Tila pumintig ang tainga ko nang marinig ang sinabi ni Sir Aziel. Ibinaba ko sa lapag si Rory at hinayaan itong maglaro bago tuluyang tumingin sa bagong dating na si Sir Aziel. “Ang nanay ni Dylan?”Tumango siya. “Nakasalubong ko siya kanina at napag-usapan namin ang tungkol sa ‘yo. Though just like Dylan, she was also pretty convinced that the Kaia that is with them right now is really Kaia, she still thinks that there’s a possibility that you’re Kaia.”“Tulad ng sinabi ko, hindi naman ako bumalik dito para patunayan na ako si Kaia. Gusto ko lang ng peace of mind. Napasok ako sa gulong ‘to nang walang kaalam-alam kaya gusto kong tuluyan nang masagot ang mga tanong ko,” paglilinaw ko sa kaniya.Hindi kaagad nakapagsalita si Sir Aziel at sa halip ay malakas na bumuntong hininga. Alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin kahit na mahirap intindihin... kahit nga ako ay hindi ko rin maintindiha
Huling Na-update: 2023-08-08
Chapter: FORTY TWO
 “I haven’t sleep a wink while waiting for you two. Mabuti at hindi pa rin nagigising  ngayon si Rory dahil kung hindi, baka nag-iiyak na ‘yon dahil naputol ang tulog niya,” reklamo ni Brielle at inabutan ako ng isang tasa ng tsaa.  Dahil nilalamig na rin ako ay kaagad kong ininom ang ibinigay niya. Naupo naman sa harap ko si Brielle at tumabi kay Sir Aziel na kanina pa nakamasid sa akin. Kapwa naka-krus ang braso nilang mag-asawa na para bang hinihinaty na magsalita ako at may aminin sa kanila. Nag-angat ako ng tingin at malakas na humugot ng malalim na buntong hininga. “Salamat nga pala sa pagsundo sa akin kahit na masiyadong biglaan. Ngayon lang kasi ako nakakuha ng tiyempo na umalis saka wala rin akong pera para sa pamasahe ko kaya wala akong choice kung hindi ang tawagan kayo,” panimula ko. “Did your fiancé locked you up?”  Sa halip na sagutin ang tanong ni Sir Aziel ay nagbaba na lamang a
Huling Na-update: 2023-08-06
Chapter: FORTY ONE
 Dali-dali kong inalis ang kumot na nakatakip sa katawan ko nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Paige. Nakasuot na siya ng pajama at bakas sa kaniyang mukha na kanina niya pa pinipigilan ang sariling makatulog dahil sa mapungay niyang mga mata.  Wala sa sarili kong kinagat ang aking ibabang labi nang makita ang kalagayan niya. Kinusot niya ang mga mata bago isinara ang pinto at tuluyang pumasok sa silid ko. “Tulog na po si Papa, Mama,” mahinang sambit niya at dahan-dahang lumapit sa puwesto ko. “Sure ka?”  Marahan siyang tumango. “Sinubukan ko pong lumabas ng bahay pero hindi niya po ako napansin. Saka po l-lasing po yata ang Papa kaya po mahimbing po ang tulog niya po,” sagot niya. Bahagyang nagtagpo ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Lasing si Tres? At bakit naman siya naglasing? Bihira siyang uminom ng alak kaya’t nasisiguro ko na may kung ano siyang pinoproblema kaya niya nagawang
Huling Na-update: 2023-08-05
Chapter: FORTY
 Sa halip na isang linggo lamang ako rito sa isla ay naging dalawang linggo na. Akala ko noon ay nagloloko lamang si Tres nang sabihin niya sa akin na hindi niya ako palalabasin hangga’t hindi ko sinasabi sa kaniya na hindi na ako kailanman babalik pang muli sa Maynila.  Humugot ako ng malakas na buntong hininga at tumingin sa kisame. Halos maghapon na akong nakahiga at pakiramdam ko ay napakabagal ng oras araw-araw. Hindi ko pa nakakausap nang maayos si Tres dahil sa tuwing nag-uusap, nauuwi lamang kami sa pag-aaway at sinusubukan kong huwag nang makipag-away sa kaniya lalo pa’t kasama namin sa bahay si Paige. Mukhang umalis na rin si Dylan sa Siargao dahil mula nang makausap ko siya noon ay hindi ko na siya nakausap pa. Wala rin namang nabanggit sa akin si Tres na nagpakita na naman sa kaniya si Dylan dahil kung sakali man na hindi pa rin tumitigil si Dylan ay hindi rin titigil si Tres sa kaka-sermon niya sa akin at kakapilit na ka
Huling Na-update: 2023-08-04
Chapter: THIRTY NINE
 “Tres! Tres, ano ba? Tumigil ka nga!” Nagpapanic na sigaw ko nang muling sinuntok ni Tres si Dylan. Agad akong lumapit sa gawi nila at sinubukang pigilan ang kamao ni Tres ngunit iwinaksi niya lamang ang aking pagkakakapit ko sa kamay niya kaya’t muntik na akong natumba. Hinila niya ang suot na damit ni Dylan at muli itong sinuntok. “Anong karapatan mong yakapin ang asawa ko, ha? Sino ka ba? Hindi mo ba alam na may asawa na ‘yan?!” Malakas na sigaw niya kaya’t muli akong lumapit sa kanila. “T-Tres, tumigil ka na nga! Ano ba—“ Humarap sa akin si Tres at pinanlakihan ako ng mga mata. “Ano? Aamin kang kabit mo ‘to, ha, Thalia? Lalaki mo ‘to?”  Hindi ako nakasagot at sa halip ay wala sa sariling humakbang palayo. Gusto ko mang sabihin sa kaniya na hindi… na hindi ko kilala si Dylan at walang namamagitan sa amin, hindi ko magawang masabi ang bagay na iyon. Pakiramdam ko, kapag sinagot ko ang tanong
Huling Na-update: 2023-07-17
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status