“Anong klaseng mukha ‘yan, Kuya Dylan? Habag na habag?”Mas lalong napasimangot si Dylan matapos marinig ang sinabi ng pinsan. Iverson sat beside him and offered him a glass of wine. Wala siya sa sariling napailing bago tinanggap iyon.“Anong kailangan mo?” he asked as he took a sip.Iverson let out a soft chuckle. “May kailangan agad porque lumapit? Grabe ka sa akin, Kuya Dylan,” naiiling na sambit nito.He scoffed. “Bakit ka nga sabi lumapit?”“Sabi nina Ate Danielle at Ate Maurice, lumapit daw ako sa ‘yo, e. Mukhang kailangan mo raw ng kausap. Para ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa riyan sa tayo mo,” kaswal na saad nito.Muling napailing si Dylan dahil sa sinabi ni Iverson. Those girls, he thought. “Mukha bang kailangan ko ng kausap?” he asked and let out a bitter laugh.“Kanina ka pa mag-isa riyan, e. Kanina ka pa rin mukhang ng problemado. Bakit? Sa kaso ba? Roon kay Senator Clemente?” Iverson asked and yawned. “Sus, alam ko na, ano ka ba? Pati si Dad, stressed na rin dah
Huling Na-update : 2023-02-13 Magbasa pa