Business ProposalBumuntong hininanga ako matapos ang limampung minutong pagtitig sa puti kong kisame. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong nagpakawala ng malalim ng buntong hininga dahil hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kagabi sa party.Styx said kept on running and appearing on my mind. The way he uttered 'I miss you' was so realistic that I almost believed it. Sarkastiko akong napangisi at naikuyom ang kamay na nakalagay sa ibabaw ng dibdib. Nakasuot pa rin ako pantulog at gulo-gulo pa rin ang buhok dahil wala akong lakas na bumangon ngayon araw. Ilang beses ko ring narinig ang pagtunog ng telepono hanggang sa inis akong bumangon at sinagot 'yon."Good morning," masayang bati ng nasa kabilang linya pero wala ako sa mood para sumagot."Tsk, tsk. Ano't nakasimangot ka na naman, aga-aga, ah?" Pumunta ako sa loob ng cr at humarap sa salamin, napasimangot ako nang makita ang itsura ko. B'wiset. Para akong walang buhay."Sabagay lagi ka namang nakasimangot," dagdag niya at huma
Read more