“Gawa ng kahibangan niya, hindi ako pumayag. I used Audrey as my card to stop him being delusional while suspecting he’s Audrey’s father-”“Pero siya naman talaga, ‘di ba?” Inikutan niya ako ng mga mata, acting like she’s tired of repeating the same advice she spoke months ago.“Alam mong suportado ko ang pagtatago mo riyan sa pamangkin ko sa kapatid ko, Kris. Mula noon ay hindi kita tinutulan sa kagustuhan mo. Ang isang pakiusap ko lang sa iyo, para hindi na maghanap ng anak ‘yang si Liam sa iyo, don’t let him see Audrey.”“Alam naman natin pareho na magkakagan’to. That the moment he met your child, magsisimula ‘yang magsuspetsya sa iyo. Na mangyayari ito. Kasi no’ng nakita niya ‘yong bata, alam kong sa isang pagkikita pa lang na ‘yon, marami na siyang mapapansin. E, dumalawa pa nga kamo, ‘di ba?” “So, you’re saying it’s my fault?”“Kasalanan mo naman talaga, Kris. Maski si Henrix nga ay ingat na ingat d’yan kay Audrey na hindi makita ni Liam… ‘cause he knows what will happen next.”
Last Updated : 2022-12-21 Read more