"MAGDA? Bakit? May problema ba? " takang tanong ni Mr. Corpuz. "H-huwag, maawa ka sa akin," garalgal ang tinig ni Rose. "Ang ganda pala ng boses mo, sa wakas ay sumagot ka na rin sa kapag tinatanong kita." ani Mr. Corpuz na nakangiti. Iniabot niya sa dalaga ang kopita ng wine. "Maupo ka" "Ano ang tunay mong pangalan?" "Rose, Rose Marie po ang pangalan ko, Sir." "Rose Marie, napakaganda pala ng pangalan mo. Rex na lang ang itawag mo sa akin, hindi na sir, maliwanag ba?" "Okey, Rex." "Bakit ka natatakot, wala naman akong ginagawang masama? "K-kasi noong nakaraan, ganitong-ganito ang eksena, may music, may wine, pagkatapos s-sinaktan niya ako." "Napaka-walang hiya, sino ang gumawa n'on sa 'yo?" "Noong nakaraang araw, iyong huli natin na pagkikita, pagkatapos n'on may gumamit sa aking katawan, marahas siya, napakahayop niya! Akala ko mabait pero halimaw siya!" Mangiyak-ngiyak si Rose Marie habang ikinukwento ang iba pang detalye. Napabuntong hininga na lamang si Mr. Corpuz dahil
Last Updated : 2022-11-29 Read more