"FRIEND, okey ka lang?" haplos ni Kelly ang likod ng kaibigan nang makita itong nakatanaw sa bintana sa loob ng kanilang silid.
"A-aray!" di mapigilan ni Rose ang mapaigik na nang mahaplos ni Kellyang kanyangpasa sa kanyang likod."Bakit, Friend? Anong masakit sa'yo?"" W-wala, Kelly."Ngunit hindi kumbinsido si Kelly. Napansin din nitong nakasuot ng mahahabang manggas at naka-pajama."Umamin ka, Rose, anong nangyari? Makikinig ako."Walang anu-ano ay napahagulgol na lang si Rose at napayakap ito nang mahigpit sa kaibigan."Hayop siya, hayop siya!""Sino? Bakit? Ano ba kasi ang nangyari?"Kumalas sa pagkakayakap si Rose at hinubad ang kanyang suot na pang-itaas.Natutop naman ni Kelly ang bibig. Sobrang nagulat siya sa nakitang mga pasa at pantal sa katawan ng kaibigan."Sinong may gawa sa iyo niyan, friend?" naluluhang usisa ni Kelly. Kaagad nitong kinuha ang kanyang medicinal kit at pinahiran ng ointment ang mga pasa ng kaibigan.Ikinuwento ni Rose ang buong pangyayari. Awang-awa naman ang kanyang kaibigan sa kanyang sinapit."Bumalik na pala ulit ang hayop na iyon, at malas mo Rose dahil ikaw ang natipuhan niya." ani Dessy nang kalauna'y nagising sa pag-uusap ng mga kaibigan."Siya ang unang naging costumer ko noon dito sa club. Sadista ang hayop na iyon kaya isinumpa ko sa sarili ko na gagantihan ko siya kung sakali mang bumalik siya ulit, kaso ikaw pala ang natipuhan ngayon." Mahabang lantiya ni Dessy."Naku, huwag naman sana ako ang susunod." si Kelly."Paano yan, friend, alam na ba ni Perlas ang tungkol diyan?" usisa ni Dessy."Oo, Dess, Sabi niya na magpahinga muna ako kahit isang gabi. Malaki ang bigay ng instik na 'yon eh.""Hays! Kahit na gaano kalaki kung papatayin ka naman niya! Puputulan ko talaga iton kung ako ulit ang napagdiskitahan!" gigil na wika ni Dessy."Matulog na tayo, tanghali na." yaya ni Kelly.Mahihiga na sana si Rose nang makaramdam siya ng pagsusuka. Agad niyang tinungo ang banyo.Nagkatinginan si Dessy at Kelly"Hindi kaya buntis talaga si Rose?" hinuha ni Dessy."Hindi pwedeng mabuntis si Rose o ang sinuman sa atin. Alam niyo naman ang ginawa niya dati kay Amy di ba?" wika ni Monique na kanina pa pala nakikinig sa kanilang usapan."Oo, di ko iyon makakalimutan. Kawawa nga si Amy dahil hindi niya nakayanan." si Dessy."Sinong Amy? At anong nangyari sa kanya?" usisa ni Mabelle na bagong kasama nila na dumungaw mula sa itaas ng double deck. Katulad ni Rose ay hindi niya matanggap ang kanyang kinalalagyan ngayon at galit ang kanyang nararamdaman sa gumawa nito sa kanya. Sa tulong lang ng mga ibang katrabaho nila kaya unti-unti niyang tinanggap ang kanyang estado ngayon."Katulad din natin siya, biktima ng mga hayop. Nabuntis siya at pinalaglag ang kanyang dinadala. Wala pang isang linggo ay namatay si Amy, dahil mula nang ipalaglag nila ang bata, hindi na siya tumigil sa pagdudugo." mahabang lantiya ni Dessy. Halata sa kanyang tinig ang galit at lungkot."Mga hayop talaga sila!" galit na sambit rin ni Mabelle. "Kung mayparaan lamang upang makaalis tayo dito eh."Kinilabutan naman si Rose sa narinig pagkalabas niya sa banyo. Walang imik siyang naupo sa sariling higaan. Saka pasimpleng hinimas ang manipis na tiyan."Paano kung totoo? Paano ko ito maililihim kay Perlas?" mg katangunan sa kanyang isipan.Kung bakit kasi hindi gumagamit ng proteksyon ang ilan sa kanyang mga parokyano, lalo na si Mr. Corpuz. Isa sa pinakamadalas niyang costumer at hindi ito gumagamit ng anumang proteksyon sa tuwing kukunin nito ang serbisyo ni Magda.Humiga siya pero nakaharap sa pader. Blangko ang isipan pero ang tanging sinasambit ng kanyang mga labi ay ang mga katagang, "Bakit mo ako pinabayaan?"Nagdaan ang mga araw. Dalawang kababaihan na naman ang naidagdag sa kanila at pareho silang mga menor de edad. Tila walang katapusang kamunduhan ang nagaganap sa bawat araw. Habang patagal nang patagal, nawawala na rin ang kanilang pag-asang makaalis sila lugar na iyon."O hayan! Pumili kayo ng mga isusuot niyo mamaya, bago lahat iyan kaya pagbutihin ninyo ang trabaho niyo!" wika ni Perlas. "Maliwanag ba?" Dadagdag pa niyang tila isang malditang anak mayaman."Opo," sabay-sabay nilang sagot."Boys tara na," ani ni Perlas sa mga kasama nitong mga lalaki na tila ba ayaw umalis dahil sa mga nakikitang mga naggagandahang dalaga sa kanilang harapan. Kumindat muna ang mga ito at ngumisi na parang aso bago tuluyang isinara ang kwarto.Wala namang gana ang mga dalaga na kumuha sa loob ng karton. Magaganda ang mga ito ngunit kapirasong bahagi ng katawan lamang nila ang matatakpan."Magbihis na tayo friend malapit nang magsimula," paalaala ni Kelly.Walang gana namang kumuha si Rose ng isusuot. Hindi na niya sinuri pa kung anong itsura nito.Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan si Monique na kanina pa ikot ng ikot sa salamin. Tila tuwang-tuwa pa ito sa kanyang suot na halos wala nang natatakpan sa kanyang katawan."Wala ka na rin lang namang magagawa para makatakas eh di mag-enjoy na lang total libre naman lahat ng kailangan mo at ibat-ibang Papa pa ang nakikilala mo!" iyan ang mga salitang hindi makakakalimutang sinabi noon ni Monique.Sa totoo lang si Rose lamang ang madalas na kasundo niya dahil hindi pinapatulan ng dalaga kapag sinusumpong ang kanyang pagkamaldita.Pero kahit ilang beses na ipagsiksikan sa utak ni Rose na tanggapin nalang ang sinapit ay hindi niya kaya. May kung anong bumubulong sa kanya na "huwag kang mawalan ng pag-asa. "Pero saan nga ba siya huhugot ng lakas upang huwag mawalan ng pag-asa, na isang araw ay makakaalis din siya sa putik na kanyang kinasadlakan.Hindi siya nararapat sa lugar na iyon. Mayroon siyang talentong maipagmamalaki ngunit pinapakinabangan ng mga mapagsamantalang mga tao."USE YOUR talent always for the glory of God," tila ba umaalingawngaw sa kanyang pandinig ang boses ni Pastor Rodney habang kasalukuyang sumasayaw ng isang mapang-akit na sayaw sa gitna ng maliit na entablado.Muli na namang gumilid ang mga luha. Sinubukan niyang pigilin iyon kaya pumikit ng bahagya. Pagdilat niya ay si Mr. Corpuz ang kanyang nakita. May kung anong ideyang pumasok sa kanyang isipan. Pasimple niyang pinahid ang kanyang luha at ngumiti ng makahulugan.Pagkatapos na pagkatapos niyang sumayaw ay agad siyang hinila ni Mr. Corpuz sa isang kwarto. Inaasahan na iyon ni Rose. Tanging siya lang naman ang dinadayo roon ni Mr. Corpuz.Pagkapasok na pagkapasok ay agad na naglikot ang mga kamay ni Mr. Corpuz gaya ng inaasahan. Napatigil lamang siya nang napansin niyang tila nakikisama na si Rose. Hindi na katulad dati na parang isang manikin lamang ang kanyang kapareha, walang emosyon. Sinubukan ni Mr. Corpuz na halikan si Rose ngunit iniwas ng dalaga, bagkus ay itinulak niya si Mr. Corpus sa kama.Napangiti ang lalaki si ginawa ni Rose"I like you today, Magda," wika ni Mr. Corpuz na may matamis na ngiti. Hindi na nag-abala pang tugunin iyon ni Rose bagkus ay sinimulan na niyang magtrabaho. Ginaya niya ang mga ipinanood sa kanila noon na mga malalaswang panoorin.Tuwang-tuwa sa kanya si Mr. Corpuz dahil kahit na hindi pa rin ito halos nagsasalita ay sulit ang ibabayad niya dito.Ngunit sa loob ni Rose, diring-diri siya sarili, ngunit kailangan niyang sikmurain iyon para sa nabuong plano sa kanyang isipan."Makakaalis din ako rito," sambit niya pagkalabas ni Mr. Corpuz. Tiningnan niya ang sobre, mas makapal ito kaysa dati. Ngunit hindi siya masaya. Alam naman niyang hindi niya iyon mapapakinabangan.Paglabas niya ng kwarto, naroon muli si Rodel. Kinuha ang sobre na ibinayad sa kanya."Parang nag enjoy ang suki mo ah," ngisi niya kay Rose. Kailan mo ba ako pagbibigyan, Magda." dagdag pa niya sabay hawi sa nakalaylay na bihok sa kanyang balikat ngunit tinabig niya ito.Tila umakyat naman sa ulo ni Rodel ang kanyang dugo."Bakit ba napakaarte mo!" nanggigigil ning wika saka mahigpit na hinawakan ang braso ng dalaga. Ngunit papalapitna sa kanila si Perlas kaya pinakawalan niya rin ito. "Matitikman din kita!" aniya bago sinalubong si Perlas."RODEL! Tawag ka ni Boss!" wika ni Perlas na papalapit sa kanila. Agad na binitawan nito ang dalaga. Kinuha naman ni Perlas ang hawak ni Rodel na sobre."Hoy Magda!" si Perlas. Matalim ang tingin nito sa kanya. "Akin lang si Rodel, naiitindihan mo?" matigas nitong wika. Tumango lang si Rose at numiti nang mapakla pagkatapos ay umalis na siya sa harapan si Perlas."Sayung-sayo siya," pabulong niyang wika saka tinungo ang kwarto.Nabuhayan siya ng loob at nagkaroon siya ng pag-asa. Kinabukasan ay naroon na muli si Mr.Corpuz sa club, gaya ng inaasahan, si Rose ang kanyang napili ng gabing iyon.Kaagad na nagtanggal ng pang-itaas si Rose ngunit pinigilan siya ni Mr. Corpuz. Bagkus, kinuha nito ang robe at ipinasuot kay sa kanya.Nahiwagaan si Rose sa ikinikilos ni Mr. Corpuz. Binuksan ni Mr. Corpuz ang stereo at pumailanlang ang isang malamyos na musika. Pagkatapos ay kumuha ito ng wine at nagsalin sa dalawang kopita.
Ligtas na si Mang Nestor ngunit ayon sa doktor na sumuri dito ay kailangan niyang maoperahan dahil bukod pa sa sunog sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan ay kailangang putulin ang kanang paa nito dahil nadaganan ito at nadurog ang mga buto at ang payo ng doktor ay mas nakakabuti kung ipaputol na lang kaysa habang buhay na pagtitiisan ang ganoong kalagayan."Bakit?!" panay pa rin ang hagulgol ni aling Thess at ganun din si Rose.Parang kahapon lang ay napakasaya nila dahil sa kanyang pagtatapos ngunit ngayon ay ganito ang nangyari."Panginoon, parang hindi ko na kaya!" muling hagulgol no aling Thess."Nay, matatapos din ang lahat. Magtiwala po tayo sa Diyos," hinagod ni Melvin ang likod ng kanyang ina."Diyos? Panginoon? Kuya, pinabayaan niya si Tatay! Hindi pala siya totoo eh!" nanginginig na wika ni Rose pagkatapos ay pinagid niya ang kanyang mga luha pisngi."
"A-anong ibig sabihin nito, Tito?" baling niya sa parang walang pakialam na Tito Rudy niya na humihithit pa ng sigarilyo."Kailangan mo ng trabaho di ba," nakangisi pang tugon nito."Ayoko! Ayoko na!" nagpumilit siyang makaalis ngunit sadyang malakas ang dalawang lalaki."Saan ka ba pupunta kasi, my darling." lumapit sa kanya ang lalaking tinatawag nilang boss. Hinawi pa nito ang nakalaylay niyang buhok."Huwag mo akong hawakan!" tinabig niya ang kamay nito.Magkahalong takot at galit ang kanyang naramdaman ng sandaling iyon. Hindi niya alam ang gagawin."Huwag k nang pumalag iha, masasaktan ka lang." ani ni Rudy sa gilid.Nagsimula nang dumaloy ang kanyang luha. Tinignan niya ito ng matalim ngunit balewala lang dito. Nagpumilit pa rin siyang makaalis ngunit wala na siyang magagawa pa. Sinubukan niyang sumigaw at humingi ng saklolo ngunit may panyong itinakip sa kanyag bibig hanggang sa unti-unti siyang nanghina at nawalan ng malay.Masakit ang kanyang ulo nang magising siya. Nasa loo
"MAHIGIT isang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa yang Corpuz na yan, ano hihintayin mo pa ba?" Usisa ni Kelly kay Rose."'Di bale, may ibang paraan pa naman siguro para makatakas tayo dito," matamlay na wika ni Rose ng sandaling iyon. Kasalukuyan siyang nag-aayos dahil siguradong dadakdakan siya ni Perlas kung matagal siyang lumabas.Hindi pa man siya nakakapasok sa malaking bulwagang iyon ay bigla na lamang may humapit sa kanyang bewang."Kumusta," nakangiting bati sa kanya ni Mr. Corpuz.Maluha-luha ang dalaga ng sandaling iyon. Agad siyang napayakap dito. Nabuhay ang pag-asang akala niya ay wala na."What's wrong?"Inangat niya ang kanyang mukaha. "Wala, akala ko kasi hindi ka na babalik.""Di ba sabi ko sa iyo, iaalis kita sa lugar na ito," malambing na wika ni Mr. Corpuz. Hinaplos pa ang mukha ni Rose. Muli siyang niyakap nito.Kahit hindi man nakikita ng dalaga ay nakangiti ito. May kung anong awa o kakaibang damdamin ang sumibol sa kanya."Tara na," bulong ni Mr. Corpuz at
Inaasahan na iyon ni Rose kung sabagay malaki ang utang na loob niya rito. Maraming beses na ring pinagsawaan ni Rex kanyang katawan. nito. Napapikit na lang siya nang naramdaman ang hininga ng lalaki sa kanyang leeg.Ngunit biglang tumunog ang cellphone ni Mr. Corpuz kaya muling lumayo ito para sagutin ang tawag."Okey, I'll be there in thirty minutes," sagot niya sa kausap. Kinuha na niya ang gamit at nagpaalam na sa dalaga. Binilinan din niya ito na bahala na itong magluto ng sariling pagkain dahil matatagalan ang kanyang pagbabalik. Nakahinga nang maluwag at laglag ang balikat ni Rose nang tuluyan nang nakaalis si Mr. Corpuz. Akala niya ay tuluyan na niyang natakasan ang buhay niya sa club ngunit sa palagay niya ay hindi pa, bagkus ay lalo pa siyang nakulong sa kamay ni Mr. Corpuz. Kung ano man ang balak sa kanya ni Mr. Corpuz ay hindi pa niya alam dahil hindi pa naman niya ito lubusang kilala. Sana lang ay hindi siya maging katulad ng iba na sa una lang mabuti ngunit aa bandang
"MISS, wala sila diyan ngayon," wika ng kapitbahay nilang si Aling Minda, karga ang sarili nitong anak."Nasaan po sila?" lumingon siya sa ginang na nagsalita.Ngunit sa halip na sagutin ay nagulat ang ginang, lumaki ang mata nito at lumapit sa kanya. "Rose? Rose, ikaw nga! Saan ka ba nagtago anak, antagal ka nang hinahanap ng ng pamilya mo?"Sa Maynila lang po Aling Minda, kumusta ho kayo?" Pilit siyang ngumiti."Ikaw ang kumusta anak, naku matutuwa ang tatay mo nito pag nakita ka.""Nasaan po ba sila?""Huwebes ngayon, siguradong nasa bible study sila ngayon.""Saan ko po sila pwedeng makita?""Subukan mo sa presinto anak, balita ko kasi doon sila nagpuputa kapag ganitong araw, sa kulungan sila nagba-bible study. Mamaya pang hapon ang uwi nila.""Sige ho, salamat mauna na po ako," nagpaalam na siya sa ginang at muli siyang sumakay ng tricycle patungong presinto.Pagdating doon ay tinanong niya ang isang pulis kung nandoon ang kanyang magulang ngunit hindi siya nagpakilalang anak siy
"KUMUSTA," bungad agad ni Mr. Corpuz nang makalapit si Rose sa kanyang sasakyan."Ayos lang naman," walang ganang tugon ni Rose nang makasakay na siya, napabuntonghininga siya at napapikit."Kumain muna tayo para ma-relax ka, saan mo gustong kumain?"Kahit saan," tipid na sagot ni Rose habang nakatingin lang siya sa labas ng sasakyan."May nangyari ba?""Wala.""Okey, sabi mo eh." at binuhay na ni Rex ang makina.Dinala ni Rex si Rose sa isang isang restaurant, maaliwalas paligid, ngunit hindi iyon pinansin ng ng dalaga. lang ang dalaga habang kumakain. Pinagmamasdan lamang siya ni Rex, hindi na niya tinanong pa kung ano ang problema ng dalaga."Nakita mo ba ang pamilya mo?" basag ni Rex sa katahimikan ng dalaga.Tango lang ang tugon nito habang ipinagpapatuloy angpagkain."Huwag kang mag-alala, pagkatapos ng trabaho natin, makakalaya ka na. Makakauwi ka na din sa wakas." seryosong saad ni Rex.Natigilan naman sa pagsubo si Rose at tinitigan ang kaharap, "Hindi na kailangan, wala na a
"AAHHHHH!" malakas na tili ni Rose nang maramdaman niyang may tumapik sa kanyang balikat.Napahilamos naman ng mukha si Mr. Corpuz dahil sa hindi lang sa mukha niya tumili ang dalaga kundi sa may tumalsik yatang laway at hininga ng bagong gising."S-sory! Sorry! Hindi ko alam na ikaw iyan. Akala ko may nakapasok," paliwanag ng dalaga habang inaayos ang ang sarili."Okey lang, halika na at makakain na tayo ng almusal. Maghanda ka kaagad dahil ihahatid na kita kay Axle.""Kailangan ko ba talagang tumira roon?""Yes. Part iyon para matuto ka." tugon ni Rex at nauna na itong pumunta sa kusina.Kaagad namang sinunod ni Rose ang sabi ni Rex.Tahimik nilang tinatahak ang kahabaan ng Edsa nang may tumawag kay Rex."Yes Carl?" sagot ni Rex sa kausap sa cellphone. "Talaga? Okey, okey! Kumusta ang hawak na kaso ni Torres?"Napakunot ang noo ni Rose nang marinig ang tanong ni Rex.Ano ng kaso at sinong Torres? Iyan ang katanungan sa kanyang isip, kumabog ang kanyang dibdib nang naalala ang isang
"SINO ka?!""Ang tagal ko nang nakatira dito, hindi mo pa rin ako kilala?" mataray na tugon ni Rose nang makababa siya sa pader"Rose?" Gulat na gulat si Axle nang lumingon si Rose sa kanya. Hindi niya inasahan ang bagong anyo ng dalaga. "May gate naman, bakit ka diyan sa pader dumaan? At tsaka, bakit parang kaninang umaga lang ay mahaba pa ang buhok mo, anong nangyari?" tanong niya."Paano ako makakapasok eh naka-lock, ayoko namang istorbohin ko ang moment niyo ng girlfriend mo!" mataray na tugon ng dalaga."At bakit may pagpaputol ng buhok? Broken ka ba?""Gusto ko lang ng pagbabago, hindi naman siguro masama, hindi ba?""Well, bumagay sa iyo. Selos naman ako kay Chief niyan." sabi ni Axle pagkatapos ay inakbayan ang dalaga."Tse! Bolero!" inalis ni Rose ang braso ng binata sa kanyang balikat. "Kapag nakita ka ng girlfriend mo sa pag-akbay monsa akin, baka kung ano na naman ang isipin no'n.""Bakit takot ka ba sa kanya?"Napataas ang kaliwang kilay ni Rose sa tinuran ni Axle. "Baka
"Oh whoah! Hindi ako ang kalaban mo! Magaling ka na nga at siguradong gagaling ka pa!" natatawang puri ni Axle. "But now, I like our position," sabay kindat ni Axle dito."Bastos!" Napagtanto ni Rose ang kanilang posisyon, namula siya bigla kaya binigyan niya isang malakas na suntok sa panga ni Axle upang itago ang kayang hiyang nararamdaman."Ouch!" napangiwi ito sa sakit."Isa pa!" wika ni Rose. Inabot niya ang kamay ni Axle para tulungang makabangon at muli silang naglaban. Parang wala sa kanila ang ayaw magpatalo.Napatigil na rin ang ibang nag-eensayo dahil nanood na lang sa kanila. Kapag natatalo si Rose ay binibigyan siya ng smack kiss ni Axle na siya namang ikinakagigil ng dalaga. Nagsisigawan naman ang mga nanonood dahil sa nakikitang eksena.Dahil na rin sa pagod ay na-out of balance si Rose pero mabuti na lang at maagap si Axle, nasalo niya ito bago pa bumagsak ng sahig si Rose."Kaya mo pa?" nakangising tanong ni Axle."Oo naman, kaya bitawan mo ako!" sagot ni Rose."Okey!
"SI ROSE, 'yung kababata ko, Sir. Mahigit dalawang taon na rin mula nang huli ko siyang makita at si Rudy Galvez ang nakita kong huling kasama ni Rose. Alam kong malaki ang maitutulong sa akin ni Rose upang mahanap si Rudy Galvez, may kutob akong may kinalaman si Rudy sa pagkawala ni Rose." mahabang lantiya ni Kevin. Batid sa kanyang tinig ang galit.Malakas ang kutob ni Rex na ang hinahanap ni Kevin at si Rose na nasa kanyang poder ay iisa lang base sa Kwento ng binatang pulis"Anong itsura niya?" si Rex.Kinuha naman ni Kevin ang wallet at kinuha ang isang lumang larawan. Larawan nila iyon ni Rose magkatabing nakaupo sa ilalim ng isang puno. Kuha iyon noong nag-aaral pa sila sa kolehiyo"Maganda m siya," wika ni Rex habang pinagmamasdan ang larawan. Hindi nga siya nagkamali ng kutob. "Gaano na ba kayo ulit katagal magkakilala?" tanong niya kay Kevin."Bata pa lang kami sir," kinuha na niya ang larawan na mula sa kamay ni Re"Ah, gano'n ba," tumango-tango si Rex."Sir, di ba matagal n