TAAS baba ang dibdib ang ina ni William dahil sa sobrang gulat. Noon lamang sila nakakita ng ganung kalaking ibon sa malapitan.Dumaan ito sa harapan ng kanilang sasakyan kaya ganun nalang ang kanilang gulat ngunit nagtawanan din sila pagkatapos. Hanggang sa marating nila ang bakuran ng pamilya ng dalaga."ELMY!" natigilan ang mag-anak sa narinig. Nagkatinginan sila."Boses ni William iyun Nay," ani ni Elmy at agad na tinungo ang bintana. Nabungaran niya ang kumakaway na William sa labas at may kasama ito."Nay! Tay! Si William nga po at may kasama siya," muling niyang nilingon ang binata na nakangiti ito sa kanya. Agad na tinungo naman ni Elmy ang pintuan ganun din ang magulang nito."William ! Anong ginagawa mo dito?" natutuwang tanong ng dalaga. Agad niyang niyakap si William dahil ang totoo miss na niya ito kahit isang araw pa lang ang nakakalipas mula nang ito'y bumalik sa Maynila. Ang totoo ay hindi niya ito inasahan.Gumanti rin ng yakap ang binata at napapikit pa ito."Sana ga
Last Updated : 2025-01-07 Read more