Home / Romance / I'm a slave for you / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of I'm a slave for you: Chapter 1 - Chapter 10

62 Chapters

Hope and suffering

"Ang ganda po pala dito sa maynila ninang!" manghang sabi ni Celina habang pinagmamasdan ang ilang mga gusali sa labas ng bus.Ito ang unang beses niyang nakaluwas ng maynila,laking probinsya kasi, pero simula ngayon ay dito na siya titira kasama ng Ninang Esmeralda niya."Buti naman at nagustuhan mo dito, basta alalahanin mo iyong mga bilin ko pag nandoon na tayo," paalala nito."Opo ninang," ngiting sagot niya dito.Nagliwanag ang mata ni Celina nang makadating sa sa village kung nasaan ang bahay ng amo ng kanyang ninang Esmeralda, halos mapanganga siya sa gulat nang makita ang tutuluyan. Gate pa lang nito ay napakalaki na at masasabing mansyon at hindi bahay.Nagdoorbell ang kanyang ninang sa gilid ng malaking gate kung saan may isa pang maliit na pintuan na mukhang pinaglalagian ng mga security guards, ilang saglit lang at bumukas ang maliit na silipan sa doon at may mga matang tumingin sa kanila."Aling Isme, dumating na po pala kayo!" bati ng guard sabay binuksan na iyong gate p
Read more

Threats

Matagal bago naialis ni Celina sa kanyang isipan ang eksenang nakita. Nabura iyon dahil sa pagpupukol niya ng atensyon sa mga gawain sa manyson.Abala ang lahat sa trabaho dahil sa pag-uwi ng anak ng amo ng kanyang ninang. Kaya tumulong na siya sa ninang sa paghuhugas ng pinagkaianan ng hapunan ng mga ito."Oh Lina, pagkatapos mong punasan iyan mga plato, ilagay mo na lang sa cabinet at ako naman ay magpapakain lang ng mga aso," habilin ni ninang Isme na palabas na dala ang isang malaking bag ng dog food."Sige po ninang, ako na po bahala sa mga ito," paniniguro ni Celina na nagbabanlaw na lamang.Pagkalabas ng ninang niya ay siya namang pasok ni Melinda sa loob ng kusina; agad nitong binuksan ang two door refrigerator para kunin ang dessert ng mga amo."Lina patulong naman dito o!" tawag na lang ni Melinda habang itinuturo ang ilang maliliit na platito at kutsara dahil sa hirap itong dalhin ang malaking bowl ng fruit salad na kinuha.Agad nagpagpag si Celina ng kamay pagkatapos ay na
Read more

Lies

Buti na lang at malaki ang eskwelahang pinapasukan nila, kahit papaano ay mababa ang tsansa na magkikita sila ni senyorito Vincent, lalo pa at mag-kaiba sila ng kurso. Kung nagkakataon man na nakakasalubong ito ni Celina ay madali naman siyang nakakapagtago.Subalit ang araw-araw na pag-iwas dito ay nagdulot naman ng kakaibang pagod sa kanya, kahit kasi sa mansyon ay tinataguan niya din ito, kung nagkakataon man na magkatagpo sila ay yumuyuko na lang siya at bumabati pagkatapos ay dali-dali na din siyang lumalayo."Hoy Cel!" kaway ni Lucy sa mukha ni Celina.Doon lang nabasag ang pagkatulala niya upang mag-angat ng tingin sa kaibigan. "Huh, ano iyon?" Wala sa sariling saad niya.Kasalukuyan kasi silang naglalakad papunta sa susunod nilang klase."Ang lalim yata ng iniisip mo, kanina pa ako nagkwekwento dito pero parang wala akong kausap," busangot na sagot ni Lucy."Ay! Sorry Cy, medyo pagod lang ako," nanghihinang sagot na lang ni Celina."Haiz, alam mo, maganda din na mag-relax pami
Read more

Regret

"Grabe! Sana hinayaan mo na lang akong sapakin iyon." nanginginig na saad ni Lucy na halatang asar na asar pa din ng araw na iyon."Cy, alam mo naman na ayaw ko ng gulo" malungkot na sagot ni Celina."Ay, Oo nga pala, baka lalo ka lang apihin noon kapag wala ako sa tabi mo!" busangot na sagot ni Lucy. "Pero grabe! Ang yabang, tama ba naman daw parinigan tayo ng ganoon. Sarap lang sampalin." malakas na buga ni Lucy ng hininga sa ilong para magpakalma.Napangiti na lang siya sa kaibigan. "Hayaan mo na, sanay na ako sa ugali niyang iyon," napabuntong hininga na lang si Celina nang maalala ang mga dinadanas dito araw-araw."Hay naku, kaya friend, once na grumaduate tayo at nakahanap ng trabaho, umalis ka na doon, share na lang tayo sa apartment, kahit ako na bahala sa rent ng bahay basta hati tayo sa bills." masayang yakap na lang ni Lucy sa kanya."Hindi ko yan tatanggihan Cy!" buong tuwang yakap na lang din ni Celina sa kaibigan. Iyon rin naman kasi ang isa sa mga plano niya kapag nakap
Read more

I'll make you

Sa tagal na din ng pananatili ni Celina sa manyson ay nasasanay na siya sa pagiging bugnutin ni senyorito Vincent, kahit na halos araw araw ito may kakaibang iuutos. Kadalasan mag-papauwi ng libro, pakatapos sa kanya din ipapasauli, pag-asa bahay naman mag papaluto o pahanda ng pagkain pero di din naman papansin pagkatapos, pero ang pinaka malala pa lang naman ay ang bigla siyang pauuwiin nito kahit nasa school para lang kunin iyong mga libro na ipapasauli nito sa library.Ngayon naman heto siya naghihintay sa isang tagong parte ng school, ayaw kasi ni Vincent na may makakita sa kanila.Dala dala ni Celina ang project nito na hindi mo sigurado kung project nga ba, nakalagay lang ito sa isang kahon na malaki, nakaplaster lang at ang bigat-bigat pa.Tiningnan niya ang relo niya, halos isang oras na din siyan
Read more

Challenges and patience

"Miss are you okay?" tanong ng binata habang inialalayan ang kanyang pagtayo.Doon nakahinga ng maluwag si Celina, mabilis siyang umayos upang ipagpag ang palda bago paulit-ulit na nagyuko dito. "Ayos lang, sorry!""Celina?" Nakangiti ngunit napapakunot noong sambit ng lalake.Doon nag angat ng tingin si Celina, napangiti na siya nang makilala ang naturang binata."Luke! Ikaw pala yan," masaya niyang bati.Napahalakhak naman ang binata habang sinasapo ang batok. "Bakit tumatakbo ka dito?""Malalate na kasi ako!" pigil tawang sagot na lang ni Celina.Nakahinga siya ng maluwag dahil halatang hindi ito nasaktan at kakilala niya pa ang nakabangga."Pare, ipakilala mo naman kami!" biglang singit ng isa pang lalake.Doon lang napansin ni Celina ang dalawa pang kasama ni Luke sa likod nito.Mabilis kumusot ang mukha ng binata habang hinaharap ang dalawa. "Wag na uy!" Harang ni Luke sa mga ito nang makitang palapit na.Pero nagawa pa rin itong malagpasan ng isa sa mga kasama. Mabilis ang nagi
Read more

Envy

Napansin ni Vincent na medyo nagiging masiyahin si Celina nitong mga nakaraang linggo. Kaya ganoon na lang ang lalong pagkulo ng kanyang dugo dito.Ayaw niya talaga sa mga katulad ni Celina, sigurado niyang may itinatago ang nangungusap nitong mga mata at kaakit-akit na ngiti, hindi niya nga lang masigurado ngayon kung ano iyon.Ang hindi katiyakang iyon ang dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng kaunting konsensya sa mga pinapagawa kahit nananaig ang galit at inis niya sa dalaga.Napatingin si Vincent sa kanyang relo, halos kalahating oras na din mula nang tumawag siya dito upang ipahatid ang mga iniwan niyang gamit sa bahay.Sakto naman ang paglitaw nito sa kanyang paningin nang mag-angat na siyang muli ng mukha. hindi niya mapigilang mapangisi nang mapansin ang tila pagkakapos nito ng hininga sa bigat ng mga dala. Nang makalapit na ito ay tsaka naman palit ng seryoso niyang mukha."Bakit ngayon ka lang, kanina pa ako nandito!" sabi niya na medyo pikon ang tono."Pasensya na senyor
Read more

Envious

"Cel, I need help!" ito ang mga katagang narinig ni Celina pagkasagot sa cellphone niya. Mukhang may suliranin si Lucy base sa tinig nito."Problema mo Cy?" tanong niya dito."Ayaw ko pag-usapan sa phone, pasok ka ng maaga please," paglalambing nito."Sige kita na lang tayo sa school, mag bibihis na ako," ngiting sagot niya.Hindi niya kayang tanggihan ang bestfriend niya lalo pa at mukhang kinakailangan siya nito."Yey! Love you Cel, mwamwa," sabi nito bago ibaba ang tawag.Pagkatapos magbihis ay nagtungo na si Celina sa school. Habang naglalakad sa corridor papunta sa canteen, napansin niya na parang nagbubulungan ang ilang estudyanteng nakatingin sa kanya.Hindi niya na lang ito pinansin dahil sa pagmamadali, pero ikanagulat niya nang bigla na lang may bumato sa kanya ng kung ano.Dali-dali siyang lumingon para tingnan kung saan ito nanggaling pero hindi niya malaman kung sino ang gumawa dahil parang nagkaroon ng kanya-kanyang mundo ang mga tao sa paligid.Tiningnan niya kung ano i
Read more

A little bit about you and me

Naalimpungatan si Celina ng gabing iyon, kumikirot kasi ang ilang tama niya katawan niya kaya naman hindi niya mainda ang sakit.Naisipan niyang iinom iyon ng gamot kaya naman bumangon na siya sa kinahihigaan. Marahan niyang kinuha ang pitsel sa lamesa, sa tabi ng kama upang magsalin ng tubig sa kanyang baso, pero wala na pala itong laman.Hindi niya na ginising ang kanyang ninang dahil ayaw niya din naman abalahin pa ito. kaya naman napilitan siyang lumabas ng kuwarto nila para kumuha ng tubig sa kusina.Madilim na ang lugar pero kahit papaano ay may nakikita naman siya dahil sa ilaw na nanggagaling mula sa labas ng bintana.Dahan-dahan ang paglakad niya papunta sa refrigerator, medyo iika-ika pa dahil na din sa bugbog ang isang hita.Matapos makapaglagay ng tubig sa dala niyang baso ay inilabas niya na ang gamot sa kanyang bulsa, medyo nanggigil pa siya sa pagbukas ng foil dahil hindi niya ito mapunit.Nanginginig pa siya sa pagkain sa tableta dahil sa pananakit ng kanyang braso, ma
Read more

Body guard

Inabot ng dalawang araw ang pagpapagaling ni Celina dahil sa mga bugbog na inabot niya,kaya naman excited siya sa pagpasok ngayon.Na mimiss niya na din kasi ang mga kaibigan dahil sa tagal ng panahon na hindi sila nagkikita, gusto nga sana siyang bisitahin ng mga ito, pero nakiusap siyang huwag na lang dahil nahihiya siya at baka masita pa sila dahil na din sa nakikitira lang siya doon.Tiningnan niya muna ang kanyang bag para makasiguradong wala siyang nakalimutan, nang makasigurado ay madalian siyang humarap sa salamin para tingnan ang sarili bago dali-daling lumabas ng kwarto"Ninang aalis na po ako.""Sige Lina, ingat sa pag pasok!" paalala ng ninang niya."Opo."Masaya siyang lumabas ng bahay, mabilis pa ang kanyang mga hakbang, halatang excited na pumasok."Ano bang ginagawa mo at ang tagal tagal mo?" sita ng isang malalim at irritableng boses.Napatigil siya bigla ng marining ang boses na iyon, dahan dahan siyang tumingin sa pinanggalingan nito at laking gulat niya nang makit
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status