Sa tagal na din ng pananatili ni Celina sa manyson ay nasasanay na siya sa pagiging bugnutin ni senyorito Vincent, kahit na halos araw araw ito may kakaibang iuutos. Kadalasan mag-papauwi ng libro, pakatapos sa kanya din ipapasauli, pag-asa bahay naman mag papaluto o pahanda ng pagkain pero di din naman papansin pagkatapos, pero ang pinaka malala pa lang naman ay ang bigla siyang pauuwiin nito kahit nasa school para lang kunin iyong mga libro na ipapasauli nito sa library.
Ngayon naman heto siya naghihintay sa isang tagong parte ng school, ayaw kasi ni Vincent na may makakita sa kanila.
Dala dala ni Celina ang project nito na hindi mo sigurado kung project nga ba, nakalagay lang ito sa isang kahon na malaki, nakaplaster lang at ang bigat-bigat pa.
Tiningnan niya ang relo niya, halos isang oras na din siyang naghihintay pero wala pa din ito. Buti na lang at wala na siyang klase kaya uuwi na din siya pakabigay niya ng box. Ngunit makalipas ang dalawang oras ay hindi pa din ito dumadating.
Bumuntong hininga muna si Celian bago muling tingnan ang relo niya. "Kalahating oras pa siguro baka busy lang," bulong niya sa isip.
Makailang saglit lang at biglang nag ring ang cellphone na binigay ng kanyang ninang, luma na ito pero gumagana pa naman.
"Unregistered number sino to?" Maliban kay Lucy at Luke, ang ninang niya lang naman ang nakakaalam ng numero niya.
"Hello? Sino to?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Ako to, nasaan ka?" Kahit nasa phone kilala niya ang malalim na boses na iyon.
"Senyorito nandito na po ako, dala ko na iyong project niyo," magiliw niyang saad.
"Next week na lang daw ang pasahan niyan, iuwi mo na lang muna yan sa bahay, ingatan mo!" Utos ng binata.
Napabagsak ng balikat si Celina habang tumatango. "Ah, sige po!"
Matapos noon ay binabaan na siya nito. Pagtingin niya sa kanyang relo ay ala sais na pala, medyo dumidilim na din kaya naman dali-dali na siyang umuwi, hindi na niya nagawang sumabay kay Lucy dahil ayaw niya naman itong pag-hintayin.
"Oh, Lina. Ginagabi ka yata!" bati ni Melinda pakapasok niya sa kusina. Halos seven thirty na kasi siya nakauwi.
"May tinapos lang po ako sa school," wari ngiting sagot niya.
"Ano iyang dala mo?" Usisa naman ng ninang niya nang mapansin ang box na dala niya.
"Project ko po," pagpapalusot na lamang ni Celina.
Tumango naman si Melinda at ninang niya bago bumalik sa kanya-kanyang ginagawa.
"Oh sige, magbihis ka na at ng makakain ka na din." Pahabol ng kanyang ninang.
Agad naman sumunod si Celina kahit pagod ay inuna na muna niyang ibalik ang box sa kwarto ni Vincent tulad ng inutos nito. Bago pa man makarating sa kusina ay napansin siya ng senyora na nasa sala kasama ng asawa na abala sa pagbabasa ng diyaryo.
"Oh, Celina! Nandyan ka pala!" bati nito sa kanya.
Agad naman lumapit si Celina sa mga ito. "Magandang gabi po Senyor, Senyora" bati niya.
"How's school Iha?" tanong ng senyora.
"Ayos naman po," matamis na ngiting sagot niya.
"We've been hearing good things about you iha," singit ng senyor sa kanila.
"It's good to hear that you’re doing so well at school!" Napapapalakpak na dugtong ng senyora.
Mabilis tuloy ang pamumula ng pisngi ni Celina. "Salamat po," yukong pasalamat niya na lang.
"Your ninang must be so proud of you," muling banggit ng senyor.
"Tuwang-tuwa nga po si ninang," masayang saad niya.
Biglang napahinga ng malalim ang senyor na siyang nagpabago sa maaliwalas na kapaligiran nila.
"I just wish Vincent would also take his studies seriously," banggit nito.
"Leo, don't worry too much about him, he's just going through a phase" marahang hinawakan na lang ng senyora ang kamay ng asawa.
Napatango naman dito ang matandang lalake. Nanatiling tahimik naman si Celina, mukhang pinoproblema nanaman kasi ng mga ito ang apo.
Sa dalawang taon niyang pamamalagi sa mansyon napansin niyang lagi nag-aalala ang mag asawa dahil sa binata, puro barkada at gimik kasi ang inaatupag ni senyorito Vincent, minsan pa nga nahuhuli nila itong nagdadala ng babae sa bahay na ikinagagalit lalo ng ama nito.
Pansin niya din na hindi magkasundo ang mag-ama, dahil sa madalas na pagbabangayan.
Lalo pa nang muntik matanggal si senyorito Vincent sa basketball team dahil sa ilang bagsak na grado. Pero dahil sa impluwensya nito school at isa na din sa magagaling na player ay nanatili ito bilang manlalaro.
"I just hope he turns out okay," banggit ulit ng senyor.
Muling lambing na pinisil ng senyora ang kamay nito, na para bang sinasabi na magiging ayos lang ang lahat.
Napangiti na lang si Celina sa dalawa sa tuwa, dahil kahit na matanda na ang mga ito ay kita niya pa din ang pagmamahal sa isa't isa.
"Are you talking about me?"
Lahat sila ay napalingon nang madinig ang boses ni Vincent, nakasandal ito sa pinto at nakasukbit ang itim na jacket sa balikat. Kusot na kusot ang mukha nito habang nakatingin sa kanila.
"Iho, nandyan ka na pala, kumain ka na ba?" bati kaagad ng senyora.
"Yes, so what about me being ok?" tanong muli ni Vincent.
Nagkatinginan sandali ang dalawang matanda bago buong tamis na bumaling muli sa apo.
"Well iho, your Lola and I are just worried about you," banggit ng senyor.
"Why?" Napabusangot lalo si Vincent sa nadinig.
"Well, there's your school performance and then there's also the fact that you have no interest in anything but your friends and girls," sagot ng senyora.
"So? I'm still young and there's still so much ahead of me," sagot ni Vincent habang lumalapit sa mga ito.
"Yes iho, we know, but still. If you keep on having these kind of view in life, you might get used to it too much," malumanay na saad ng senyor.
Sumalampak si Vincent papaupo sa may sofa na halos makusot nanaman ang mukha. "What's wrong with that? I mean, it's not like I don't have the money to spare for it!" matalim na sagot ng binata.
Bahagyang napaatras na lang si Celina sa mga ito, matagal niya ng pansin ang tila kawalan ng kontrol ng dalawang matanda sa apo. Iyon marahil ang dahilan kaya lumaking spoiled ang binata idagdag pa na ito lamang ang nag-iisang tagapagmana ng mga ito.
Napabuntong hininga na lang ang senyor sa sinabi ni Vincent hindi na rin ito sumagot.
"We just thought it would be good if you can get some pointers from Celina," lambing ng senyora sa apo.
Mapanuyang napatinging si Vincent sa kanya na may malapad na ngisi. "Her? What's with her that makes her so special?" sarkastikong sagot nito.
"Well, if you should know, she is currently a deans lister in your school," sagot ng senyora.
"Really? So your comparing me to her?" galit na ang tono ni Vincent ng mga oras na iyon.
Doon na tila nabahala ang mag-asawang matandan. "No Iho, we’re not. We just want you to make Celina as a good example," sagot naman ng senyor.
Patalon na bumangon si Vincent sa kinauupuan, mabibigat ang naging pag-apak nito habang naglalakad paalis, binalingan pa nito ng matalim na titig si Celina dahilan para magyuko ang dalaga ng ulo dahil sa takot.
Sabay na napahinga ng malalim ang mag-asawang matandan nang tuluyan ng makaakyat ang apo.
"Pasensya ka na iha, nadamay ka pa tuloy," hingi ng paumanhin ng senyora.
"Wala ho iyon!" Buong tamis na nginitian niya na lang ang mga ito para pakalmahin.
"Sige na iha, mag dinner ka na. I think pagod ka din, since galing ka ng school," sabi ng senyor.
"Sige po, senyor, senyora!" yuko niya na lang sa mga ito bago umalis.
Hindi na napansin ni Celina na nakamasid pa pala si Vincent sa may hagdan at nanlilisik ang mga mata.
*****
"Cel! Saan ka nanaman galing?" tanong ni Lucy.
Naghahabol pa si Celina ng hininga pakalapit sa kaibigan. "Nagsauli lang ng libro sa library."
"Sobrang studious mo naman yata? Grabe ah, pansin ko halos araw-araw ka nagsasauli ng libro sa library, ano ba meron?" tanong muli ni Lucy.
"Ah...may mga kailangan lang ako i-research," sagot ni Celina.
Subalit nandoon ang pagdududa sa mga tingin ni Lucy. "Sure ka? Alam mo O.A. na yan masyado ah, pansin ko lang."
"Sya nga pala, kamusta kayo ni Andrew, sinagot mo na ba siya?" agad na pag-iiba ni Celina sa usapan.
Lalong napasalubong tuloy ang kilay ni Lucy. "Naku, kahit gwapo iyon hindi ko parin siya basta-basta sasagutin, ano ako easy to get!" napahalukipkip pa ito pakatapos iangat ang kamay.
Natatawang umiling na lang si Celina sa kaibigan. "Maawa ka naman sa tao, halos anim na buwan na siyang nanliligaw sa iyo, maliban doon mukha naman sincere si Andrew."
Mabilis umaangat ang isang kilay ni Lucy. "Hay naku Cel, you are so innocent talaga. Sige, matanong kita, sa tingin mo ba seryoso si Andrew sa akin? Mah goodness, gusto lang niyan makatikim ng iba't-ibang potahe!" Angat nito ng isang daliri na wari’y nagpapangaral.
"Bakit mo naman nasabi iyan? Hindi naman siguro ganoon si Andrew" Bahagyang napanguso tuloy si Celina sa kaibigan.
Lalo naman nagsalubong ang kilay ni Lucy. "Sige, matanong kita, alam mo ba kung nakailang girlfriend na iyong ugok na iyon?" tanong nito.
Napakamot na lang si Celina sa sintido. "Uhmm, hindi ko alam. Bakit, ilan na ba?”
"Anong gusto mo malaman, per year, per month or per week?" taas noong ngising sagot ni Lucy.
Agad na namilog ang mga mata ni Celina. "What! bakit? Ganoon na ba kadami?" Hindi niya napigilan mapahawak sa dibdib.
"Oo, ganoon na kadami! So, sa tingin mo magkakaroon ako ng tiwala sa ugok na iyon na numero unong babaero ng school! Sa tingin mo ba seseryosohin niya ako?" tanong ni Lucy na medyo batid ang panunuya.
Doon na nagyuko ng ulo si Celina dahil sa bahagyang hiya sa kaibigan. "Hindi, pero malay mo," subok bawi ni Celina.
Nanatili pa rin ang salubong na kilay ni Lucy. "As If! Once a playboy, always a playboy. Remember that friend!" paalala nito.
Natigil lang sila nang bigla na lang tumunog ang phone ni Celina, mabilis ang naging kabog ng kanyang dibdib nang pag-tingin niya ay numero ni senyorito Vincent ang tumatawag. Agad na lang siyang lumayo sa kaibigan bago ito sagutin.
Nagsalubong nanaman tuloy ang kilay ni Lucy habang pinagmamasdan lang siya.
"Nasaan ka?" saad kaagad nito.
"Papunta na sa next class namin," sagot ni Celina na halos pabulong upang hindi madinig ng kaibigan.
"May thirty minutes ka pa naman bago ang klase mo, dumaan ka dito sa likod ng gym, bilisan mo," utos ng binata.
“Sige, papunta na ako dyan!" sagot ni Celina bago mababaan ng tawag.
Dali-dali niyang hinarap ang kaibigan na medyo balot na ng pagtataka ang mukha.
"May kailangan lang ako gawin sandali Cy, mauna ka na sa room," pakiusap niya sa kaibigan bago nagmamadaling naglakad.
"Sasamahan na kita" habol naman ni Lucy.
"Hindi na! Okay lang ako," huminto na muna si Celina para balingan ang kaibigan at mapahinto.
Kumunot tuloy lalo ang noo ni Lucy, sabay taas muli ng isang kilay. "May inuutos nanaman ba iyong halimaw na iyon?"
Napangiti na lang si Celina ng mapait sa tanong nito. Agad naman napahalukipkip sa kanya ang kaibigan.
"Alam mo, sumosobra na ang topak niya ah! Pag ako napuno uupakan ko na iyan!" Duro sa kanya ni Lucy na iniaangat pa ang kuwelyo.
Napapigil na lang ng tawa si Celina dito. "Hayaan mo na, sanay na naman ako sa pagiging abnormal noon. Mas mapapabilis ako kapag mag-isa kaya mauna ka na." Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito bagkos ay dali-dali na lang siyang tumakbo.
Napabusangot naman si Lucy sabay halukipkip habang pinagmamasdan lumayo ang kaibigan.
Naabutan ni Celina si senyorito Vincent na nakatayo sa isang puno sa likod ng gym, salubong nanaman ang kilay nito at hindi maipinta ang mukha.
"Ang tagal mo!" singhal ng binata nang makalapit siya.
Agad na lang siyang yumuko dito. "Pasenysa na po."
Nakasimangot na iniabot ni senyorito Vincent ang isang susi kaya kunot noong napatingin si Celina sa naturang bagay dulot ng pagkalito.
"Kunin mo iyong bag ko sa kotse, kailangan ko iyon para sa practice mamaya. I-text mo ko pag nandito ka na ulit,” utos ng binata.
Tulalang napatango si Celina sa iwinawagayway nito, kaya naman naging matalim nanaman ang tingin ni senyorito Vincent sa kanya.
“Bilisan mo na!" tapon na nito ng susi sa kanya.
Tarantang sinalo iyon ni Celina sabay tumango bago nagmamadaling tumakbo papunta sa parking lot, buti na lang at pamilyar na sa kanya ang hitsura at plate number ng kotse nito kaya madali niya iyong nakita. Isang malalim na buntong hininga ang tanging nagawa niya pakabukas sa likod ng sasakyan. Napakalaki kasi ng naturang doufel bag at halatang punong-puno ng gamit.
Halos mapaire na si Celina sa paghatak nito papatanggal doon, pero pinilit niya pa rin iyong maisalampak sa likod upang mabuhat.
Inabot din ng ilang minuto bago siya labasin ni senyorito Vincent pakatext dito, kinuha lang nito ang ang bag at susi sabay alis, walang kahit anong sinabi o ginawa. Sanay na din naman si Celina sa ugali nito kaya balewala na ang ginagawa nito sa kanya.
Nabalisa nga lang siya nang mapansin ang oras sa kanyang relo, five minutes na lang at mag sisimula na ang kanyang klase kaya napakaripas siya ng takbo.
Dulot ng bilis at pagmamadali ay hindi nailagan ni Celina ang taong biglang lumitaw sa gilid ng koridor, dahilan para mabangga niya ang mga ito, dahil siya ang mas maliit siya ang nawala sa balanse, mabuti na lang at nasalo agad siya ng taong kanyang nabangga kaya hindi siya nasubsob sa sahig.
Tila nahigit na lang ni Celina ang kanyang hininga nang mabatid na lalake pala ang kanyang nakabangga, napayuko pa ito sa kanyang harapan at muntik pang magtama ang kanilang mga labi kaya naman napapikit na lamang siya sa matinding kaba.
"Miss are you okay?" tanong ng binata habang inialalayan ang kanyang pagtayo.Doon nakahinga ng maluwag si Celina, mabilis siyang umayos upang ipagpag ang palda bago paulit-ulit na nagyuko dito. "Ayos lang, sorry!""Celina?" Nakangiti ngunit napapakunot noong sambit ng lalake.Doon nag angat ng tingin si Celina, napangiti na siya nang makilala ang naturang binata."Luke! Ikaw pala yan," masaya niyang bati.Napahalakhak naman ang binata habang sinasapo ang batok. "Bakit tumatakbo ka dito?""Malalate na kasi ako!" pigil tawang sagot na lang ni Celina.Nakahinga siya ng maluwag dahil halatang hindi ito nasaktan at kakilala niya pa ang nakabangga."Pare, ipakilala mo naman kami!" biglang singit ng isa pang lalake.Doon lang napansin ni Celina ang dalawa pang kasama ni Luke sa likod nito.Mabilis kumusot ang mukha ng binata habang hinaharap ang dalawa. "Wag na uy!" Harang ni Luke sa mga ito nang makitang palapit na.Pero nagawa pa rin itong malagpasan ng isa sa mga kasama. Mabilis ang nagi
Napansin ni Vincent na medyo nagiging masiyahin si Celina nitong mga nakaraang linggo. Kaya ganoon na lang ang lalong pagkulo ng kanyang dugo dito.Ayaw niya talaga sa mga katulad ni Celina, sigurado niyang may itinatago ang nangungusap nitong mga mata at kaakit-akit na ngiti, hindi niya nga lang masigurado ngayon kung ano iyon.Ang hindi katiyakang iyon ang dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng kaunting konsensya sa mga pinapagawa kahit nananaig ang galit at inis niya sa dalaga.Napatingin si Vincent sa kanyang relo, halos kalahating oras na din mula nang tumawag siya dito upang ipahatid ang mga iniwan niyang gamit sa bahay.Sakto naman ang paglitaw nito sa kanyang paningin nang mag-angat na siyang muli ng mukha. hindi niya mapigilang mapangisi nang mapansin ang tila pagkakapos nito ng hininga sa bigat ng mga dala. Nang makalapit na ito ay tsaka naman palit ng seryoso niyang mukha."Bakit ngayon ka lang, kanina pa ako nandito!" sabi niya na medyo pikon ang tono."Pasensya na senyor
"Cel, I need help!" ito ang mga katagang narinig ni Celina pagkasagot sa cellphone niya. Mukhang may suliranin si Lucy base sa tinig nito."Problema mo Cy?" tanong niya dito."Ayaw ko pag-usapan sa phone, pasok ka ng maaga please," paglalambing nito."Sige kita na lang tayo sa school, mag bibihis na ako," ngiting sagot niya.Hindi niya kayang tanggihan ang bestfriend niya lalo pa at mukhang kinakailangan siya nito."Yey! Love you Cel, mwamwa," sabi nito bago ibaba ang tawag.Pagkatapos magbihis ay nagtungo na si Celina sa school. Habang naglalakad sa corridor papunta sa canteen, napansin niya na parang nagbubulungan ang ilang estudyanteng nakatingin sa kanya.Hindi niya na lang ito pinansin dahil sa pagmamadali, pero ikanagulat niya nang bigla na lang may bumato sa kanya ng kung ano.Dali-dali siyang lumingon para tingnan kung saan ito nanggaling pero hindi niya malaman kung sino ang gumawa dahil parang nagkaroon ng kanya-kanyang mundo ang mga tao sa paligid.Tiningnan niya kung ano i
Naalimpungatan si Celina ng gabing iyon, kumikirot kasi ang ilang tama niya katawan niya kaya naman hindi niya mainda ang sakit.Naisipan niyang iinom iyon ng gamot kaya naman bumangon na siya sa kinahihigaan. Marahan niyang kinuha ang pitsel sa lamesa, sa tabi ng kama upang magsalin ng tubig sa kanyang baso, pero wala na pala itong laman.Hindi niya na ginising ang kanyang ninang dahil ayaw niya din naman abalahin pa ito. kaya naman napilitan siyang lumabas ng kuwarto nila para kumuha ng tubig sa kusina.Madilim na ang lugar pero kahit papaano ay may nakikita naman siya dahil sa ilaw na nanggagaling mula sa labas ng bintana.Dahan-dahan ang paglakad niya papunta sa refrigerator, medyo iika-ika pa dahil na din sa bugbog ang isang hita.Matapos makapaglagay ng tubig sa dala niyang baso ay inilabas niya na ang gamot sa kanyang bulsa, medyo nanggigil pa siya sa pagbukas ng foil dahil hindi niya ito mapunit.Nanginginig pa siya sa pagkain sa tableta dahil sa pananakit ng kanyang braso, ma
Inabot ng dalawang araw ang pagpapagaling ni Celina dahil sa mga bugbog na inabot niya,kaya naman excited siya sa pagpasok ngayon.Na mimiss niya na din kasi ang mga kaibigan dahil sa tagal ng panahon na hindi sila nagkikita, gusto nga sana siyang bisitahin ng mga ito, pero nakiusap siyang huwag na lang dahil nahihiya siya at baka masita pa sila dahil na din sa nakikitira lang siya doon.Tiningnan niya muna ang kanyang bag para makasiguradong wala siyang nakalimutan, nang makasigurado ay madalian siyang humarap sa salamin para tingnan ang sarili bago dali-daling lumabas ng kwarto"Ninang aalis na po ako.""Sige Lina, ingat sa pag pasok!" paalala ng ninang niya."Opo."Masaya siyang lumabas ng bahay, mabilis pa ang kanyang mga hakbang, halatang excited na pumasok."Ano bang ginagawa mo at ang tagal tagal mo?" sita ng isang malalim at irritableng boses.Napatigil siya bigla ng marining ang boses na iyon, dahan dahan siyang tumingin sa pinanggalingan nito at laking gulat niya nang makit
Huminto sila sa isang napakalaking parke, puno ng iba’t-ibang disenyo ang harapan nito at napakaraming tao sa paligid. Mula sa kinalalagyan nila ay naaninag na ni Celina ang isang malaking roller coaster at Ferris wheel.Manghang-mangha niyang pinalilibot ang tingin sa paligid, pinagmamasdan ang ganda at laki ng lugar habang nakasunod kay Vincent. Mas lalo pa siyang napuno ng tuwa nang makita niyang bumibili ang binata ng ticket para dito."Tara na, baka gabihin pa tayo." Tuwid ang mukha ng binata habang iniaabo sa kanya ang binili nito.Walang pag-aalinlangan niya na iyong inabot at dali-daling sumunod muli sa lalake. Halos napayakap na siya sa sarili nang makapasok sila, bakas na bakas ang tamis ng kanyang ngiti at ang kakaibang ningning sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang malaking nakasulat sa daanan nila na "Star City."Ito ang unang beses niyang nakapunta sa ganitong lugar, madalas ay naririnig niya lamang o napapanood ito mula sa mga patalastas noon sa telebisyon. Pero
Litong-lito na naman si Celina sa inaasal ni Vincent, akala niya sanay na siya dito pero nitong nakaraan ay parang nag-iba nanaman ito.Napapaisip na lang tuloy siya kung nagalit ba ito dahil sa ginawa niyang pagpipigil sa gusto ng binata nang pababa na sila sa sasakyan nito, pero masyado talaga siyang nagulat doon. Batid niyang normal na kay Vincent ang ganoon kaya nagawa iyon. Ngunit tila nagdulot ng kung anong bagay iyon sa kanyang pakiramdam, lalo pa at tila naukit na sa kanyang isipan ang kakaibang init at tamis ng ginawa nito na siyang nagdudulot ng kakatwang tuwa at kiliti sa kanyang pakiramdam.Lahat ng iyon ay nangyari isang buwan na ang nakakaraan, noon sinama siya nito sa amusement park, nang mga panahong iyon akala niya magiging maayos na ang pakikitungo nila sa isa't-isa ngunit kinabukasan din ay balik nanaman ito sa dati.Pero kahit papaano ay sinasabay pa din naman siya nito sa pag-pasok kapag may pagkakataon at madalang na din itong mag-utos ng kung ano-ano.Hindi siya
Halos palutang-lutang ang isip ni Celina nitong mga nakaraang linggo, hindi siya makapaniwala na talagang nagbago na si Vincent, parang isang panaginip lang ang lahat, mula sa pagiging bugnuting masungit nito ay napalitan ng mabait at maalalahanin, kung ano ang dahilan ng biglaang pagbabago nito hindi niya alam, basta ngayon masaya siya at kahit papaano ay nagkakasundo na sila."Hoy Lina, ayos ka lang ba?" biglang bati sa kanya ni Melinda.Napatingin siya dito na medyo nagulat dahil hindi niya napansin na katabi niya na pala ito."Ate ikaw pala, bakit?""Parang ang lalim ng iniisip mo, anong meron? eeeeeh iniisip mo ba kung sinong sasagutin sa mga manliligaw mo?" biro nito sa kanya."Naku ate, baka may makarinig sa iyo!" suway niya dito.Bigla siya nitong niyakap at ramdam niya ang kilig sa katawan ng kasama. "Lina, kung ako sa iyo, sasagutin ko na ang isa sa mga poging iyon! ayeee!"Umangat tuloy ang dugo sa mukha ni Celina. "Tumigil ka na nga ate, bahala ka na dito, tapos ko na huga
Maagang nagising si Vincent ng araw na iyon, gusto niya ipaghanda ng almusal ang asawa kaya nag isip siya ng maari niyang ihanda.Tiningnan niya ang loob ng ref, kinuha niya ang hotdog, tocino at itlog, inihanda niya na din ang pancake mix."Oh! Senyorito, ang aga niyo pong nagising," bati sa kanya ni manang Isme.Halatang nagulat ito sa kanya dahil nasa kusina siya ng ganoon oras."Goodmorning po ninang!" nakangiti niyang saad dito habang hinahalo ang pancake mix."Ako na lang gagawa niyan." Abot nito sa bowl.Pero inilayo niya kaagad ang inihahalo bago pa man ito mahawakan ni manang Isme."I want to prepare breakfast for Celina today."Napansin ni manang Isme ang kislap sa mga mata ni Vincent kaya nginitian na lang din siya nito."Sige ho, aayusin ko na lang muna ho iyong mga labahin," pagpapaalam nito bago pumunta sa likod bahay.Isang malakas na kalabog ang biglang nagpa-alisto sa kanya, agad-agad siyang tumakbo sa pinagmulan nito at nadatnan niya ang bunso niya na nakakunot ang no
Nagulat si Vincent nang may datnan bisita sa may sala pakauwi niya mula sa eskwelahan."Hi, good afternoon," ngiting bati ng babae sa kanya.Napakunot na lang siya ng noo dito."who're you?" may tono ng angas ang pakasabi niya noon.Pinagmasdan niya ang babaeng naka brown na pencil skirt at coat. Medyo nagmukha lang itong matured dahil sa pagkaka-bun ng buhok at pagsusuot ng salamin, pero tantsa niya na ilang taon lang ang tanda nito sa kanya."Hi, I'm Cecille. You're Vincent right?" magiliw nitong sambit sabay tayo upang makipagkamay sa kanya.Inabot na lamang niya ang iniaalok nitong kamay, hindi niya kilala ang babae pero maaaring isa nanaman ito sa mga pakana ng daddy niya para makuha ang gusto nito."I'm going to be your new tutor," pagpapaalam nito.Doon na kumunot ang noo ni Vincent."Who the hell told you I need a tutor!" hindi niya mapigilang maasar dito."I did!" biglang pasok ng daddy niya. "Your grades have been failing Vincent! And I think Cecille here well be of help to yo
Naburang parang bula ang mga agam-agam ni Celina, wala na ang sama ng loob na matagal ng nagpapahirap sa kanya, maikukumpara siya ngayon sa isang ibong nakawala sa hawla."Lucien! Come back here!" alingawngaw ng boses ni Vincent mula sa labas.Nakita na lang niyang tumatakbo ang panganay nila na walang pang-itaas, kunot na kunot ang noo at nakabusangot pa."No! I don't want to wear that" galit na balik ng bata sa ama.Ilang sandali lang ay nakita niyang humahabol na si Vincent dito, dala-dala ang ilang polo ng bata, napansin niyang hinahanap nito kung saan nagtungo ang anak nila, subalit siya ang nabalingan ng mga mata nito. Agad na lang itong tumungo sa kanya."Babe, where did he go?" Namamaluktot na ang labi ni Vincent at humahangos pa habang sinilipang ilang mga pwedeng taguan nito sa silid.Kita niya ang pagod sa mukha ng asawa, ito na kasi ang nagprisinta na mag alaga sa mga bata simula nang magkaayos sila dahil ayaw nitong napapagod siya. Kukuha sana ito ng yaya para sa mga bata
(FLASHBACK)Medyo kumalma na siya nang siguraduhin ni Celina na ayos lang ito, biglang nag-ring ang kanayng cellphone, medyo nakakaramdam na siya ng pagkairita nang makitang si Nina nanaman ang tumatawag, nakakailang tawag na ito sa kanya kung kaya naman tila nauubos na ang pasensya niya dito. Dali-dali na lang niya itong sinagot upang alamin kung ano nanaman ang kailangan."What!" inis niyang sagot."Vincent naman, please. Kailangan ko talaga ng model ngayon. Promise, hindi na ko ulit hihingi ng favor sa iyo!" pagmamakaawa nito."What. No! I told you ," Napapakiskis ngipin niyang saad.Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla nanaman itong nagsalita."Let's make a deal! If you do this one favor for me, I promise you, tutulungan kita with your proposal sa mga Valtimore," pang eenganyo nito sa kanya.Napaisip siya bigla sa sinabi ng babae, malaking bagay ang inaalok nito sa kadahilanan kailangan niya ang tulong ng mga Valtimore para sa kanyang plano, subalit nag-aalala siya sa k
Hindi mapigilan ni Celina ang umiyak habang pinagmamasdan si Vincent at Lucien, nahihirapan siyang makitang nasasaktan ang mga anak, pero bumalik sa kanya lahat ng masamang alaala ng nakaraan ng sugudin siya ni Nina.Kahit hindi niya ginusto ay hindi niya napigilan ang sarili na ilabas ang lahat ng sama ng loob kay Vincent, lalo na at hindi nito nagawa ang ipinangako sa kanya na wala ng mangyayaring masama sa kanila.Isa lang naman ang naiisip niyang dahilan kung bakit siya sinugod ni Nina, iyon ay dahil may namamagitan pa din sa dalawa hanggang ngayon. Alam niya naman na ito ang nauna kay Vincent at pangalawa lang siya.Nandoon din ang katotohanan na binabalikan pa din ito ni Vincent noon, kahit na ibinibigay niya dito ang lahat.Pakiramdam niya hindi siya sapat para kay Vincent, kaya naisip niya na hindi malayong ganoon pa din ang ginagawa ng dalawa hanggang ngayon. Napagtanto niya iyon dahil na din sa nakita nilang tagpo noon nakaraan sa hotel na malapit sa mall nang mahuli ang dal
Todo pagpapahinahon ang ginagawa ngayon ni Vincent sa kanyang sarili, pansin niya na wala sa tamang pag iisip si Nina ngayon, kaya kailangan niyang masiguradong ligtas si Lucien bago gumawa ng kahit anong hakbang.Seryoso at puno ng awtoridad ang tindig ni Vincent nang magsimula siyang maglakad patungo sa condo ni Nina, tatlong katok ang ginawa niya sa pintuan nito, ilang sandali lang at nadinig niya na sa kabila ang mga nagmamadaling yabag ng babae."Vincent, kanina pa kita hinihintay," masaya nitong bati.Kita niya ang abot tenga nitong ngiti sa kanya, kahit na ganoon ay galit lang ang nadadama niya para dito ngayon, ikinuyom niya na lang ang palad para kontrolin ang sarili.Walang alin-langan pumasok si Vincent sa loob, subalit alerto siya sa kilos ng babae. "Where's my son?" walang emosyon ang tono niya nang magsalita."He's in the room," sagot nito sabay turo sa naturang silid.Mabilis pa sa alas kuwatro na tinungo niya ang kuwarto nito, nadatnan niya ang tulog na tulog na si Luc
"Celina, please open your eyes, please," pagmamakaawa niya habang humahabol sa kinalalagyan nito.Kasalukuyan itong itinatakbo papasok sa emergency room. Napatigil na lang siya nang biglang may humarang sa kanyang mga nurse."Sir, dito na lang po kayo, hindi po kayo pwede sa loob," saad sa kanya ng babaeng nurse."What do you mean? I'm her husband!" galit niyang sagot dito subalit hindi pa din siya pinadaan.Tuluyan ng nagwala si Vincent doon dahil sa pagpupumilit na pumasok ng emergency room. Natigil lang ito nang madama ang isang pamilyar na kamay sa balikat."Ijo, that's enough," mahinahong pag aawat nito sa kanya."Pero grandpa, si Celina! Iyong baby namin," humahagulgol niyang sambit dito habang mahigpit siya nitong inaakap."Don't worry, she's strong, just think positive" pagpapalakas loob ng kanyang lolo habang tinatapik ang kanyang likod..Ilang sandali lang ay huminahon na din siya, subalit hindi pa din mawala ang pangamba sa kanyang isip dahil sa kalagayan ni Celina, taimtim
Masayang naglalaro ng buhangin si Celina at Lucien sa dalampasigan, pabalik-balik ang panganay niya sa dagat para kumuha ng tubig para sa kastilyong buhangin na ginagawa nila, habang masaya naman nagtatampisaw si Vincent at Leon sa mga alon ng dagat."Lina, pwede ng kumain" sabi ng ninang niya pagkakita sa kanila."Sige po ninang, tatawagin ko na po sila," sagot niya habang tumatayo at ipinapagpag ang buhangin na nagkalat sa kanyang paa.Tinungo niya ang mag-ama niya na tuwang-tuwang naglalaro sa tubig, habang patakbo naman nagtungo ang panganay niya sa mga ito, tumalon ito paakap sa paanan ni Vincent habang nilalaro nito ang kapatid ng bata."Daddy! Kain na daw!" masaya nitong pagpapaalam sa ama.Mabilis na nag-unahan ang magkapatid nang magsimulang maglakad ang ama nila, patakbo ang mga itong tumungo sa cottage, sumunod naman siya dito, pero napatigil siya ng mahabol siya ng asawa, mabilisan nitong ipinulupot ang kamay sa kanyang baywang sabay halik sa kanyang pisngi."Aren't you ha
"Celina, hinahanap ka ni boss," tarantang saad ng isa sa mga kaopisina niya."Huh? Bakit daw?" taka niyang tanong."Hindi ko alam, pero sa tingin ko importante iyon," balisa pa din saad nito.Mabilis niyang tinungo ang opisina ng kanyang bagong manager, naabutan niya itong hindi magkandaugaga sa mga papel na pinipirmahan at pinagpapawisan."Mi...Miss Manuel pi..pinapatawag ka sa taas ni boss," takot na takot na saad ng lalake.Napakunot na lang siya ng noo, alam niyang wala naman katuturan kung pupunta siya doon."Pasensya na po, pakisabi na lang sa kanya madami akong ginagawa," walang kaabog-abog niyang sagot."Mi...Miss Manuel please, if you don't go, I'm going to lose my job," pagmamakaawa nito.Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi nito, hindi niya naman gustong maging dahilang muli ng pagkawala ng trabaho ng isa nanaman tao kaya nagtungo na lang siya sa opisina ni Vincent kahit labag sa loob niya.Nabalot ng pagtataka ang hitsura niya nang mapansin may mangilan-ngilan na tao