Share

Vacation

Halos palutang-lutang ang isip ni Celina nitong mga nakaraang linggo, hindi siya makapaniwala na talagang nagbago na si Vincent, parang isang panaginip lang ang lahat, mula sa pagiging bugnuting masungit nito ay napalitan ng mabait at maalalahanin, kung ano ang dahilan ng biglaang pagbabago nito hindi niya alam, basta ngayon masaya siya at kahit papaano ay nagkakasundo na sila.

"Hoy Lina, ayos ka lang ba?" biglang bati sa kanya ni Melinda.

Napatingin siya dito na medyo nagulat dahil hindi niya napansin na katabi niya na pala ito.

"Ate ikaw pala, bakit?"

"Parang ang lalim ng iniisip mo, anong meron? eeeeeh iniisip mo ba kung sinong sasagutin sa mga manliligaw mo?" biro nito sa kanya.

"Naku ate, baka may makarinig sa iyo!" suway niya dito.

Bigla siya nitong niyakap at ramdam niya ang kilig sa katawan ng kasama. "Lina, kung ako sa iyo, sasagutin ko na ang isa sa mga poging iyon! ayeee!"

Umangat tuloy ang dugo sa mukha ni Celina. "Tumigil ka na nga ate, bahala ka na dito, tapos ko na huga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status