Pabirong hinampas ni Celina ng unan si Lucy nang hindi pa din ito gumising. Kahit papaano ay nakahupa na siya mula sa dinanas kahapon, kung kaya naman heto siya at nilulubos ang pananatili nila sa lugar na iyon. Nais niyang magkaroon ng masasayang memorya kasama ang kaibigan at nais niya din matutunan kung paano maaaliw at pagaanin ang loob ng hindi kinakailangan ng ibang tao."Cy, ano ba, akala ko ba gusto mo picturan iyong pagsikat ng araw!" paalala niya dito."Yeah, five minutes pa!" tumagilid lamang si Lucy sa pagkakahiga upang umiwas."Hindi na natin iyon maabutan kung magfifive minutes ka pa, bilis na, tumayo ka na diyan!" sita dito ni Celina.Pero nanatili pa rin itong nakahilata sa higaan nila, kaya naman hindi ito tinigilan ni Celina sa pag uga, sa sobrang alog niya dito ay hindi niya napansin na umuusog na pala ito papunta sa dulo ng kama, kaya nagulat na lang siya ng bigla itong mahulog sa kama."Cy!" alala niyang sigaw habang nakahawak ang kamay sa bibig para pigilan ang t
Naalimpungatan si Vincent nang tamaan siya ng sinag ng araw. Sa duyan kasi siya ng cottage natulog upang makaiwas kay Nina. Tumayo na siya kaagad at pumasok sa loob, nadatnan niya na tulog na tulog pa din ang dalaga kaya naman nagmamadali na siyang naligo at nagbihis, inayos niya na din ang kanyang mga gamit at inilagay sa kotse, napagdesisyunan niya ng umuwi at isasabay niya na si Celina.Nang makatapos siyang mag ayos ay agad niyang tinawagan ang cellphone ni Celina pero walang sumasagot dito, kaya naisipan niya na lang pumunta ng hotel at itanong kung saan ang kwarto ng mga ito, napag alaman niya din kasi kay Andrew na nagcheck in ang magkaibigan doon.Habang naglalakad ay hindi pa din tumitigil si Vincent sa pagtawag dito, hanggang sa may maaninag siya sa isang cottage.Bigla siyang napatigil, naikuyom niya ang kanyang palad at halos mababasag niya na ang cellphone niya sa higpit ng pagkakahawak ditoNakita niyang lumabas mula doon si Luke at kasunod noon ay si Celina na suot suo
Dalawang araw pa sana silang mananatili sa resort dahil na din sa nagustuhan ni Lucy ang tanawin ng lugar, pero dahil sa pangyayaring sa pagitan ni Luke at Vincent ay minabuti na lang nila ni Lucy na umuwi ng mas maaga sa inaasahan.Hindi pa rin maialis ni Celina ang kaba ng mga oras na iyon, hindi niya makalimutan ang nanlilisik na mga mata ni Vincent kanina. Wala sana siyang aalalahanin kung nasa mansyon ang kanyang ninang, ang kaso’y habang pauwi sila ay bigla itong tumawag at nagsabing aalis ito kasama ng dalawang senyor at ilan sa mga katulong."Cel, nandito na tayo" paalala ni Lucy nang makarating na sila sa mansyon.Doon lang nabaling ang isipan ni Celina sa kaibigan, kanina pa kasi siya nag aalala, sigurado niyang galit nanaman si Vincent sa kanya.Hindi niya alam ang dahilan ng kanyang pangamba pero iba talaga ang takot na nararamdaman niya ngayon."Ah sige, salamat sa paghatid Cy!" paalam niya."Sigurado ka ba na papasok ka na diyan? Doon ka kaya muna sa bahay hanggang sa ma
"Senyorito!" sigaw niya bago sila bumagsak.Napahiga si Celina habang nakapatong naman sa kanya si Vincent. Maya-maya lang ay naramdaman niya nanaman ang mapupusok na labi ng binata sa kanyang leeg, ang mga kamay din nito ay nagsumula ng malikot sa kanyang katawan"Senyorito huwag!" napasigaw na si Celina ng mga oras na iyon sa takot.Naipasok na kasi ni Vincent ang kaliwang kamay nito sa kanyang damit at marahan ng hinihimas ang kanyang dibdib, habang ang kanang kamay naman nito ay pilit na hinahatak patanggal ang shorts niya mula sa likuran.Parang nakikipaghatakan na siya dito dahil pilit niyang isinusuot muli ang kanyang pang ibaba, maliban doon pinipigilang niya na din ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas sa kanyang mga mata dahil sa sapilitan nitong ginagawa.Napatigil bigla si Vincent, nakasubsob pa din ang ulo nito sa kanyang leeg, naramdaman niya bigla ang malalim na pagtaas baba ng balikat nito ganoon din ang malakas nitong paghinga. Ilang saglit pa at nag-angat na
Pakiramdam ni Vincent ay parang nabibiyak ang kanyang ulo sa sobrang sakit, sa isip-isip niya mukhang naparami yata ang inom niya kagabi. Bigla na lang niyang sumagi sa kanyang alaala ang tila malabong pangyayari kagabi kaya agad niyang kinapa ang tabi, ngunit nagulat siya ng walang tao doon. Napaisip tuloy siya kung panaginip lang iyon hanggang mapansin niya ang mantsa ng dugo sa kanyang kobre kama, patunay na nangyari nga ang insidente kagabi.Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa tuwa, ngunit napalitan din iyon ng pag aalala, naisip niya na mali pala ang mga hinala niya kay Celina.Wala naman palang nangyari sa pagitan nito at ni Luke, maliban doon sapilitan pa ang mga ginawa niya kagabi.Agad siyang nagpunta sa banyo para maligo at magbihis, pagkatapos noon ay dali-dali siyang bumaba at tumungo sa kusina para puntahan ang quarters nila Celina.Napatigil lang siya at nagulat nang madatnan niya ang kanyang daddy kasama ang Lolo't Lola niya sa hapag at kumakain ng almusal."Goodmor
"Vincent ma...mali ito!" paliwanag niya dito nang muli itong bumitaw sa kanilang halik upang siya ay pakatitigan.Biglaan ang paglungkot ng mukha ni Vincent na para bang nasaktan sa mga sinabi niya. Isang malalim na paglunok pa ang ginawa nito bago buong lambing na haplusin ang kanyang mukha."Don't you like me?" namumungay ang mga matang tanong ng binata.Nakaramdam si Celina ng ng kung anong awa, napakagat na lamang siya sa ibabang labi pakalihis ng tingin sa binata. Tila may kumakalmot sa kanyang kalamnan ng mga sandaling iyon dahil sa sinabi nito."Ano na lang ang sasabihin ng Lolo't Lola mo kapag nalaman nila ang ginagawa natin!" bawi na lang niya.Subalit isang matamis na ngiti ang mabilis namutawi sa mukha nito, parang lumukso tuloy ang puso ni Celina sa nasilayan kaya’t tila natuod nanaman siya."You don't have to worry about anything," sagot nito habang maingat na pinaglalakbay ang tingin sa kanyang mukha.“All you need to do, is forget what happened yesterday and replace it w
Nabulabog ang mahimbing na tulog ni Celina nang marinig ang ingay ng mga sasakyan na pumaparada sa garahe. Gagalaw na sana siya mula sa pagkakahiga ng maramdaman niyang may matigas at mabigat na nakapulupot sa kanyang baywan, napatigil siya bigla nang maramdaman ang mainit na katawan sa kanyang likuran.Tila tumigil ang tibok ng kanyang puso habang dahan-dahang binabalingan kung sino ang kanyang kasama at tila nahigit niya ang hininga nang makita ito.Naroon at nakahiga si Vincent himbing na himbing itong natutulog ng walang saplot, napakaamo ng mukha ng binata na wari’y moy isang natutulog na anghel. Huminga siya ng malalim habang pinagmamasdan ito, sayang nga lang at hindi niya masasabing maamo ang binata kapag gising.Doon niya lang napansin na hubo’t hubad din pala siya sa ilalim ng kumot, agad siyang nagpumilit na makaupo mula sa pagkakahiga.Napahinga na lang siya ng malalim nang magbalik sa kanya ang lahat ng pangyayari kani-kanina lang.Napakagat na lamang siya ng labi dahil s
Ilang linggo din iwas ng iwas si Celina kay Vincent habang bakasyon, hanggat maaari ay nananatili siyang kasama ang kanyang ninang Isme kaya para siyang lintang nakadikit dito.Kapag nagkataon naman na hindi siya makasama sa ninang niya ay kay ate Melinda naman siya nakadikit.Sa ngayon ay abala silang lahat na nag-aayos sa buong mansyon, kaarawan ng senyor Leo nila at gaganapin doon ang salo-salo mamayang gabi, kaya naman abalang-abala si Celina sa pagtulong sa kusina.Halos hindi magkanda ugaga ang mga tao ngayon sa mansyon dahil sa paghahanda. Ayos dito, linis doon, mas lalong naging magulo ang lahat nang dumating na ang catering service para sa salo-salo, inoccupa kasi ng mga ito ang halos kalahati ng kusina."Lina, pakilagay naman itong mga gamit na ito sa may bodega, tapos mag pahinga ka na din muna, kaya na namin dito," sabi ng ninang niya sabay abot ng isang kahon."Sige po ninang" sagot niya matapos abutin ito.Agad-agad siyang nagtungo sa bodega ilang minuto din siyang inabot
Maagang nagising si Vincent ng araw na iyon, gusto niya ipaghanda ng almusal ang asawa kaya nag isip siya ng maari niyang ihanda.Tiningnan niya ang loob ng ref, kinuha niya ang hotdog, tocino at itlog, inihanda niya na din ang pancake mix."Oh! Senyorito, ang aga niyo pong nagising," bati sa kanya ni manang Isme.Halatang nagulat ito sa kanya dahil nasa kusina siya ng ganoon oras."Goodmorning po ninang!" nakangiti niyang saad dito habang hinahalo ang pancake mix."Ako na lang gagawa niyan." Abot nito sa bowl.Pero inilayo niya kaagad ang inihahalo bago pa man ito mahawakan ni manang Isme."I want to prepare breakfast for Celina today."Napansin ni manang Isme ang kislap sa mga mata ni Vincent kaya nginitian na lang din siya nito."Sige ho, aayusin ko na lang muna ho iyong mga labahin," pagpapaalam nito bago pumunta sa likod bahay.Isang malakas na kalabog ang biglang nagpa-alisto sa kanya, agad-agad siyang tumakbo sa pinagmulan nito at nadatnan niya ang bunso niya na nakakunot ang no
Nagulat si Vincent nang may datnan bisita sa may sala pakauwi niya mula sa eskwelahan."Hi, good afternoon," ngiting bati ng babae sa kanya.Napakunot na lang siya ng noo dito."who're you?" may tono ng angas ang pakasabi niya noon.Pinagmasdan niya ang babaeng naka brown na pencil skirt at coat. Medyo nagmukha lang itong matured dahil sa pagkaka-bun ng buhok at pagsusuot ng salamin, pero tantsa niya na ilang taon lang ang tanda nito sa kanya."Hi, I'm Cecille. You're Vincent right?" magiliw nitong sambit sabay tayo upang makipagkamay sa kanya.Inabot na lamang niya ang iniaalok nitong kamay, hindi niya kilala ang babae pero maaaring isa nanaman ito sa mga pakana ng daddy niya para makuha ang gusto nito."I'm going to be your new tutor," pagpapaalam nito.Doon na kumunot ang noo ni Vincent."Who the hell told you I need a tutor!" hindi niya mapigilang maasar dito."I did!" biglang pasok ng daddy niya. "Your grades have been failing Vincent! And I think Cecille here well be of help to yo
Naburang parang bula ang mga agam-agam ni Celina, wala na ang sama ng loob na matagal ng nagpapahirap sa kanya, maikukumpara siya ngayon sa isang ibong nakawala sa hawla."Lucien! Come back here!" alingawngaw ng boses ni Vincent mula sa labas.Nakita na lang niyang tumatakbo ang panganay nila na walang pang-itaas, kunot na kunot ang noo at nakabusangot pa."No! I don't want to wear that" galit na balik ng bata sa ama.Ilang sandali lang ay nakita niyang humahabol na si Vincent dito, dala-dala ang ilang polo ng bata, napansin niyang hinahanap nito kung saan nagtungo ang anak nila, subalit siya ang nabalingan ng mga mata nito. Agad na lang itong tumungo sa kanya."Babe, where did he go?" Namamaluktot na ang labi ni Vincent at humahangos pa habang sinilipang ilang mga pwedeng taguan nito sa silid.Kita niya ang pagod sa mukha ng asawa, ito na kasi ang nagprisinta na mag alaga sa mga bata simula nang magkaayos sila dahil ayaw nitong napapagod siya. Kukuha sana ito ng yaya para sa mga bata
(FLASHBACK)Medyo kumalma na siya nang siguraduhin ni Celina na ayos lang ito, biglang nag-ring ang kanayng cellphone, medyo nakakaramdam na siya ng pagkairita nang makitang si Nina nanaman ang tumatawag, nakakailang tawag na ito sa kanya kung kaya naman tila nauubos na ang pasensya niya dito. Dali-dali na lang niya itong sinagot upang alamin kung ano nanaman ang kailangan."What!" inis niyang sagot."Vincent naman, please. Kailangan ko talaga ng model ngayon. Promise, hindi na ko ulit hihingi ng favor sa iyo!" pagmamakaawa nito."What. No! I told you ," Napapakiskis ngipin niyang saad.Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla nanaman itong nagsalita."Let's make a deal! If you do this one favor for me, I promise you, tutulungan kita with your proposal sa mga Valtimore," pang eenganyo nito sa kanya.Napaisip siya bigla sa sinabi ng babae, malaking bagay ang inaalok nito sa kadahilanan kailangan niya ang tulong ng mga Valtimore para sa kanyang plano, subalit nag-aalala siya sa k
Hindi mapigilan ni Celina ang umiyak habang pinagmamasdan si Vincent at Lucien, nahihirapan siyang makitang nasasaktan ang mga anak, pero bumalik sa kanya lahat ng masamang alaala ng nakaraan ng sugudin siya ni Nina.Kahit hindi niya ginusto ay hindi niya napigilan ang sarili na ilabas ang lahat ng sama ng loob kay Vincent, lalo na at hindi nito nagawa ang ipinangako sa kanya na wala ng mangyayaring masama sa kanila.Isa lang naman ang naiisip niyang dahilan kung bakit siya sinugod ni Nina, iyon ay dahil may namamagitan pa din sa dalawa hanggang ngayon. Alam niya naman na ito ang nauna kay Vincent at pangalawa lang siya.Nandoon din ang katotohanan na binabalikan pa din ito ni Vincent noon, kahit na ibinibigay niya dito ang lahat.Pakiramdam niya hindi siya sapat para kay Vincent, kaya naisip niya na hindi malayong ganoon pa din ang ginagawa ng dalawa hanggang ngayon. Napagtanto niya iyon dahil na din sa nakita nilang tagpo noon nakaraan sa hotel na malapit sa mall nang mahuli ang dal
Todo pagpapahinahon ang ginagawa ngayon ni Vincent sa kanyang sarili, pansin niya na wala sa tamang pag iisip si Nina ngayon, kaya kailangan niyang masiguradong ligtas si Lucien bago gumawa ng kahit anong hakbang.Seryoso at puno ng awtoridad ang tindig ni Vincent nang magsimula siyang maglakad patungo sa condo ni Nina, tatlong katok ang ginawa niya sa pintuan nito, ilang sandali lang at nadinig niya na sa kabila ang mga nagmamadaling yabag ng babae."Vincent, kanina pa kita hinihintay," masaya nitong bati.Kita niya ang abot tenga nitong ngiti sa kanya, kahit na ganoon ay galit lang ang nadadama niya para dito ngayon, ikinuyom niya na lang ang palad para kontrolin ang sarili.Walang alin-langan pumasok si Vincent sa loob, subalit alerto siya sa kilos ng babae. "Where's my son?" walang emosyon ang tono niya nang magsalita."He's in the room," sagot nito sabay turo sa naturang silid.Mabilis pa sa alas kuwatro na tinungo niya ang kuwarto nito, nadatnan niya ang tulog na tulog na si Luc
"Celina, please open your eyes, please," pagmamakaawa niya habang humahabol sa kinalalagyan nito.Kasalukuyan itong itinatakbo papasok sa emergency room. Napatigil na lang siya nang biglang may humarang sa kanyang mga nurse."Sir, dito na lang po kayo, hindi po kayo pwede sa loob," saad sa kanya ng babaeng nurse."What do you mean? I'm her husband!" galit niyang sagot dito subalit hindi pa din siya pinadaan.Tuluyan ng nagwala si Vincent doon dahil sa pagpupumilit na pumasok ng emergency room. Natigil lang ito nang madama ang isang pamilyar na kamay sa balikat."Ijo, that's enough," mahinahong pag aawat nito sa kanya."Pero grandpa, si Celina! Iyong baby namin," humahagulgol niyang sambit dito habang mahigpit siya nitong inaakap."Don't worry, she's strong, just think positive" pagpapalakas loob ng kanyang lolo habang tinatapik ang kanyang likod..Ilang sandali lang ay huminahon na din siya, subalit hindi pa din mawala ang pangamba sa kanyang isip dahil sa kalagayan ni Celina, taimtim
Masayang naglalaro ng buhangin si Celina at Lucien sa dalampasigan, pabalik-balik ang panganay niya sa dagat para kumuha ng tubig para sa kastilyong buhangin na ginagawa nila, habang masaya naman nagtatampisaw si Vincent at Leon sa mga alon ng dagat."Lina, pwede ng kumain" sabi ng ninang niya pagkakita sa kanila."Sige po ninang, tatawagin ko na po sila," sagot niya habang tumatayo at ipinapagpag ang buhangin na nagkalat sa kanyang paa.Tinungo niya ang mag-ama niya na tuwang-tuwang naglalaro sa tubig, habang patakbo naman nagtungo ang panganay niya sa mga ito, tumalon ito paakap sa paanan ni Vincent habang nilalaro nito ang kapatid ng bata."Daddy! Kain na daw!" masaya nitong pagpapaalam sa ama.Mabilis na nag-unahan ang magkapatid nang magsimulang maglakad ang ama nila, patakbo ang mga itong tumungo sa cottage, sumunod naman siya dito, pero napatigil siya ng mahabol siya ng asawa, mabilisan nitong ipinulupot ang kamay sa kanyang baywang sabay halik sa kanyang pisngi."Aren't you ha
"Celina, hinahanap ka ni boss," tarantang saad ng isa sa mga kaopisina niya."Huh? Bakit daw?" taka niyang tanong."Hindi ko alam, pero sa tingin ko importante iyon," balisa pa din saad nito.Mabilis niyang tinungo ang opisina ng kanyang bagong manager, naabutan niya itong hindi magkandaugaga sa mga papel na pinipirmahan at pinagpapawisan."Mi...Miss Manuel pi..pinapatawag ka sa taas ni boss," takot na takot na saad ng lalake.Napakunot na lang siya ng noo, alam niyang wala naman katuturan kung pupunta siya doon."Pasensya na po, pakisabi na lang sa kanya madami akong ginagawa," walang kaabog-abog niyang sagot."Mi...Miss Manuel please, if you don't go, I'm going to lose my job," pagmamakaawa nito.Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi nito, hindi niya naman gustong maging dahilang muli ng pagkawala ng trabaho ng isa nanaman tao kaya nagtungo na lang siya sa opisina ni Vincent kahit labag sa loob niya.Nabalot ng pagtataka ang hitsura niya nang mapansin may mangilan-ngilan na tao