Pakiramdam ni Vincent ay parang nabibiyak ang kanyang ulo sa sobrang sakit, sa isip-isip niya mukhang naparami yata ang inom niya kagabi. Bigla na lang niyang sumagi sa kanyang alaala ang tila malabong pangyayari kagabi kaya agad niyang kinapa ang tabi, ngunit nagulat siya ng walang tao doon. Napaisip tuloy siya kung panaginip lang iyon hanggang mapansin niya ang mantsa ng dugo sa kanyang kobre kama, patunay na nangyari nga ang insidente kagabi.Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa tuwa, ngunit napalitan din iyon ng pag aalala, naisip niya na mali pala ang mga hinala niya kay Celina.Wala naman palang nangyari sa pagitan nito at ni Luke, maliban doon sapilitan pa ang mga ginawa niya kagabi.Agad siyang nagpunta sa banyo para maligo at magbihis, pagkatapos noon ay dali-dali siyang bumaba at tumungo sa kusina para puntahan ang quarters nila Celina.Napatigil lang siya at nagulat nang madatnan niya ang kanyang daddy kasama ang Lolo't Lola niya sa hapag at kumakain ng almusal."Goodmor
"Vincent ma...mali ito!" paliwanag niya dito nang muli itong bumitaw sa kanilang halik upang siya ay pakatitigan.Biglaan ang paglungkot ng mukha ni Vincent na para bang nasaktan sa mga sinabi niya. Isang malalim na paglunok pa ang ginawa nito bago buong lambing na haplusin ang kanyang mukha."Don't you like me?" namumungay ang mga matang tanong ng binata.Nakaramdam si Celina ng ng kung anong awa, napakagat na lamang siya sa ibabang labi pakalihis ng tingin sa binata. Tila may kumakalmot sa kanyang kalamnan ng mga sandaling iyon dahil sa sinabi nito."Ano na lang ang sasabihin ng Lolo't Lola mo kapag nalaman nila ang ginagawa natin!" bawi na lang niya.Subalit isang matamis na ngiti ang mabilis namutawi sa mukha nito, parang lumukso tuloy ang puso ni Celina sa nasilayan kaya’t tila natuod nanaman siya."You don't have to worry about anything," sagot nito habang maingat na pinaglalakbay ang tingin sa kanyang mukha.“All you need to do, is forget what happened yesterday and replace it w
Nabulabog ang mahimbing na tulog ni Celina nang marinig ang ingay ng mga sasakyan na pumaparada sa garahe. Gagalaw na sana siya mula sa pagkakahiga ng maramdaman niyang may matigas at mabigat na nakapulupot sa kanyang baywan, napatigil siya bigla nang maramdaman ang mainit na katawan sa kanyang likuran.Tila tumigil ang tibok ng kanyang puso habang dahan-dahang binabalingan kung sino ang kanyang kasama at tila nahigit niya ang hininga nang makita ito.Naroon at nakahiga si Vincent himbing na himbing itong natutulog ng walang saplot, napakaamo ng mukha ng binata na wari’y moy isang natutulog na anghel. Huminga siya ng malalim habang pinagmamasdan ito, sayang nga lang at hindi niya masasabing maamo ang binata kapag gising.Doon niya lang napansin na hubo’t hubad din pala siya sa ilalim ng kumot, agad siyang nagpumilit na makaupo mula sa pagkakahiga.Napahinga na lang siya ng malalim nang magbalik sa kanya ang lahat ng pangyayari kani-kanina lang.Napakagat na lamang siya ng labi dahil s
Ilang linggo din iwas ng iwas si Celina kay Vincent habang bakasyon, hanggat maaari ay nananatili siyang kasama ang kanyang ninang Isme kaya para siyang lintang nakadikit dito.Kapag nagkataon naman na hindi siya makasama sa ninang niya ay kay ate Melinda naman siya nakadikit.Sa ngayon ay abala silang lahat na nag-aayos sa buong mansyon, kaarawan ng senyor Leo nila at gaganapin doon ang salo-salo mamayang gabi, kaya naman abalang-abala si Celina sa pagtulong sa kusina.Halos hindi magkanda ugaga ang mga tao ngayon sa mansyon dahil sa paghahanda. Ayos dito, linis doon, mas lalong naging magulo ang lahat nang dumating na ang catering service para sa salo-salo, inoccupa kasi ng mga ito ang halos kalahati ng kusina."Lina, pakilagay naman itong mga gamit na ito sa may bodega, tapos mag pahinga ka na din muna, kaya na namin dito," sabi ng ninang niya sabay abot ng isang kahon."Sige po ninang" sagot niya matapos abutin ito.Agad-agad siyang nagtungo sa bodega ilang minuto din siyang inabot
Hindi pa rin makahupa si Celina sa panghihina matapos ng araw na iyon, pakiramdam niya ay parang nauupos na siyang kandila habang inaalala ang mga bagay na nagawa.Kaya naman pinilit na lang niyang abalahin ang sarili sa mga gawain. Ang ninang Isme niya lamang at bilang na mga kasama nito ang nag-aasikaso sa buong kabahayan, kaya naman minabuti naman sumakto ang dami ng trabaho upang bahagya siyang makalimot.Walang masyadong tao sa mansyon ng araw na iyon dahil lahat halos ay binigyan ng off matapos ng kaarawan ng senyor.“Lina, bakit parang matamlay ka nanaman?” pansin ng kanyang ninang.Pinilit naman ngumiti ni Celina dito. “Ayos lang po ako ninang.”Pero batid nito ang kakaibang kilos ng dalaga, kung kaya naman napapamaywang na lang ito pakabaling muli.“Pagkatapos niyan magpahinga ka na muna, baka magkasakit ka nanaman,” suway ni ninang Isme sa kanya sabay tinulungan na siya sa pagsasampay.“Opo ninang.” Tumango na lang si Celina dito.Pagkatapos noon ay tumungo na muna siya sa k
“I’m still starving, and you know who’s fault that is,” nangingiliting bulong ni Vincent.Tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ni Celina dahil nang pasadahan ng dila nito ang likod ng kanyang tenga, nagtuloy-tuloy iyong pababa sa kanyang batok. Ang isang kamay nito ay maingat ng minamasahe ang kanyang dibdib habang ang isa naman ay naisilid na nito sa ilalim ng kanyang palda.Ang bawat haplos at pasada ng mga palad at daliri nito ay tuluyan ng bumuhay sa kanyang makamundong pagnanais at tila ba binubura nanaman ng mga labi nito ang kanyang katinuan.Parang punong-puno ng maliliit na mga langgam ang naglalakad ngayon sa buo niyang katawan.Wala ng nagawa si Celina nang itulak siya ni Vincent papasubsob sa higaan, nakatuwad na tuloy siya dito ngayon kaya naman ganoon na lamang ang ngisi ng binata. Tila kasi nang eenganyo ang magandang likuran at posisyon ng dalaga habang nakasalubsob ito sa kama.Sinubukan umayos ni Celina upang lingunin ito subalit nadama niya na lamang ang paghawak nito s
Pilit na lamang isinasantabi ni Celina ang mga kaguluhan sa kanyang isipan, naroon kasi ang parte kung saan kailangan niyang mas maging tutok sa kanyang pag-aaral.Sa loob ng ilang araw pakasimula ng klase ay palagi siyang pumapasok ng maaga, upang makaiwas sa binata dahil alam niyang hanggang ng mga oras na iyon ay wala pa rin siyang kasiguraduhan sa sarili.“Lina, papasok ka na?” pansin ng kanyang ninang nang makita siyang naka-uniporme.“Opo.” Ngiting baling niya dito sabay lapit upang humalik.“Ang aga mo naman, nag-almusal ka na ba?” maingat na haplos ni ninang Isme sa pisngi niya.Napabaling siya sa mga taong naroon, mukhang naghahanda pa lamang ng almusal ang ilan sa mga katulong at abala din ang kanyang ninang sa pag-uutos ng mga dapat lutuin.“Tapos na po ninang.” Ngiting sagot ni Celina.Nakakain na kasi siya sa kuwarto nila kanina habang nagbibihis, marami pa kasi ang mga pasalubong ng kanyang ninang nang umuwi ito.“Sige, mag-iingat ka sa biyahe.” Haplos na lamang ni ninan
Kakalabas pa lamang ni Celina ay nabatid niya na kaagad ang pagkakagulo sa kusina, naroon ang palitan ng bulungan ng mga naroon pati na rin ang panaka-nakang pagsilip ng ilan sa mga kasambahay sa may pintuan patungo sa dining area ng mansyon.“Ano po nangyayari ate Melinda?” Tapik ni Celina dito nang makalapit.Nadidinig niya ang malalakas na sigawan mula sa doon, subalit hindi niya mawari kung ano ang dahilan ng lahat.“Nag aaway nanaman si senyor Leandro at senyorito Vincent,” bulong nito.Ganoon na lamang ang kaba ni Celina ng mga sandaling iyon, sa tagal niyang nananatili doon, minsan niya lang madatnan na nagtatalo ang mag-ama ngunit base sa lakas ng pagpapalitan ng mga salita ng mga ito ay batid niyang malalim ang puno’t dulo noon.“Ano pong dahilan?” Baling na lang niya muli sa kakilala.Pero bago pa man ito makasagot ay siya naman dating ng kanyang ninang Isme.“Magsibalik na kayo doon!” wasiwas nito ng kamay sa mga taong nakikiusyoso.Ganoon na lamang ang karipas ng takbo pap