“I’m still starving, and you know who’s fault that is,” nangingiliting bulong ni Vincent.Tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ni Celina dahil nang pasadahan ng dila nito ang likod ng kanyang tenga, nagtuloy-tuloy iyong pababa sa kanyang batok. Ang isang kamay nito ay maingat ng minamasahe ang kanyang dibdib habang ang isa naman ay naisilid na nito sa ilalim ng kanyang palda.Ang bawat haplos at pasada ng mga palad at daliri nito ay tuluyan ng bumuhay sa kanyang makamundong pagnanais at tila ba binubura nanaman ng mga labi nito ang kanyang katinuan.Parang punong-puno ng maliliit na mga langgam ang naglalakad ngayon sa buo niyang katawan.Wala ng nagawa si Celina nang itulak siya ni Vincent papasubsob sa higaan, nakatuwad na tuloy siya dito ngayon kaya naman ganoon na lamang ang ngisi ng binata. Tila kasi nang eenganyo ang magandang likuran at posisyon ng dalaga habang nakasalubsob ito sa kama.Sinubukan umayos ni Celina upang lingunin ito subalit nadama niya na lamang ang paghawak nito s
Pilit na lamang isinasantabi ni Celina ang mga kaguluhan sa kanyang isipan, naroon kasi ang parte kung saan kailangan niyang mas maging tutok sa kanyang pag-aaral.Sa loob ng ilang araw pakasimula ng klase ay palagi siyang pumapasok ng maaga, upang makaiwas sa binata dahil alam niyang hanggang ng mga oras na iyon ay wala pa rin siyang kasiguraduhan sa sarili.“Lina, papasok ka na?” pansin ng kanyang ninang nang makita siyang naka-uniporme.“Opo.” Ngiting baling niya dito sabay lapit upang humalik.“Ang aga mo naman, nag-almusal ka na ba?” maingat na haplos ni ninang Isme sa pisngi niya.Napabaling siya sa mga taong naroon, mukhang naghahanda pa lamang ng almusal ang ilan sa mga katulong at abala din ang kanyang ninang sa pag-uutos ng mga dapat lutuin.“Tapos na po ninang.” Ngiting sagot ni Celina.Nakakain na kasi siya sa kuwarto nila kanina habang nagbibihis, marami pa kasi ang mga pasalubong ng kanyang ninang nang umuwi ito.“Sige, mag-iingat ka sa biyahe.” Haplos na lamang ni ninan
Kakalabas pa lamang ni Celina ay nabatid niya na kaagad ang pagkakagulo sa kusina, naroon ang palitan ng bulungan ng mga naroon pati na rin ang panaka-nakang pagsilip ng ilan sa mga kasambahay sa may pintuan patungo sa dining area ng mansyon.“Ano po nangyayari ate Melinda?” Tapik ni Celina dito nang makalapit.Nadidinig niya ang malalakas na sigawan mula sa doon, subalit hindi niya mawari kung ano ang dahilan ng lahat.“Nag aaway nanaman si senyor Leandro at senyorito Vincent,” bulong nito.Ganoon na lamang ang kaba ni Celina ng mga sandaling iyon, sa tagal niyang nananatili doon, minsan niya lang madatnan na nagtatalo ang mag-ama ngunit base sa lakas ng pagpapalitan ng mga salita ng mga ito ay batid niyang malalim ang puno’t dulo noon.“Ano pong dahilan?” Baling na lang niya muli sa kakilala.Pero bago pa man ito makasagot ay siya naman dating ng kanyang ninang Isme.“Magsibalik na kayo doon!” wasiwas nito ng kamay sa mga taong nakikiusyoso.Ganoon na lamang ang karipas ng takbo pap
Naroon ang pagmamadali ni Celina na maglakad papunta sa parking lot nang tawagan siya ni Vincent. Batid niyang mainit nanaman ang ulo nito ng mga oras na iyon.Nadatnan niya itong kunot na kunot ang noo habang nakasandal sa sasakyan nito, walang tigil ito sa pagtatapik ng paa sa lupa habang naghihintay.“Vincent bakit?”“Bakit hindi mo ako hinintay kanina?” Napangitngit na lamang ito ng ipin nang harapin siya.“Ano...ano, may hinahabol kasi akong research kaya inagahan ko iyon pasok ko, madami na kasi tao sa library kapag medyo tanghali na,” palusot niya dito.Pero ang totoo ay nais niya na sana muna umiwas dito, lalo na pa at nagiging tila bantay sarado na siya ng binata nitong mga nakaraan. Halos hindi na nga din siya nakakasama kay Lucy dahil dito. Napapunas na lamang si Vincent sa mukha pagkatapos ay napabuga ng hininga. “So, galing ka sa library niyan?”“Ah, oo.” Agad niyang tango.“You still have two hours before your next class diba,” tuwid nitong sambit.“Oo.”“Good, I brough
Ramdam kaagad ni Celina ang pagiging malamig ni Vincent sa pakikitungo sa kanya, kung dati ay kailangan niya pang umiwas dito, ngayon ay hindi na siya nito sinasabay papasok at hindi na din hinihintay pauwi, ni pagbati nito pag nagkikita sila sa mansyon ay hindi na din nito ginagawa.Para lang siyang hangin kung ituring ng binata ngayon, pakiramdam niya tuloy iniipit ang kanyang puso sa sakit dahil sa nararamdaman sa mga ginagawa nito.Ngunit nakakayanan niya ito dahil lagi niya ipinapasok sa kanyang isip na tama lang ang nangyayari, walang nararamdaman si Vincent para sa kanya at ginamit lang siya nito.Sa ngayon, kahit mahirap ay pilit niya na munang itinutuon ang isipan sa pag aaral, lalo na at ilang linggo na lang ay Finals na nila"Ah, my head hurts! I need some fun and relaxation!" angal ni Lucy na napapasabunot na sa sarili.Nakaupo sila sa mga benches malapit sa soccer field ng school, kanina pa sila nandoon at nag-aaral at mukhang hindi na kinaya ni Lucy ang matagalang pagba
"Nandito na po ako!" masayang bati ni Celina pakauwi.Napansin niyang medyo abala ang mga tao ngayon, kaya dali-dali na siyang nagtungo sa kwarto para magbihis at tumulong."Ninang, tulungan ko na po kayo diyan!" saad niya dito habang inaabot ang tray na hawak nito na mayroong naka handang pagkain."Naku Lina, kadadating mo lang! Kaya ko na ito," pagsuway sa kanya nito."Nakapahinga na po ako!" sagot niya dito sabay maingat na kinuha ang tray sa ninang niya."Hala siya! Hintayin mo na ako," saad nito habang kinukuha ang isa pang tray na mayroon naman nakahandang juice.Maingat na nakasunod si Celina sa ninang niya, nanatili lang sa likod nito hanggang sa makadating sa hapag kainan.Mula doon ay rinig niya ang masayang tawanan ng mag anak at base sa mga boses na nandoon mukhang may mga kasama ang mga ito.Doon niya lang napagtanto ang dahilan ng pagiging abala ng lahat, pero kahit na ganoon ay medyo natutuwa pa din siya dahil madalang ang ganoon tagpo sa mansyon kung saan masaya ang mg
Buong lakas ang naging pagtili ni Celina nang bigla siya nitong hatakin sa paa, pero hindi niya na din naipagpatuloy ang kanyang pagsigaw dahil sa pagpatong nito at pag takip sa kanyang bibig."Shh," pagpapatahimik nito sa kanya. Litaw ang ngisi sa mukha nito sa likod ng hintuturong nakaharang sa bibig at naroon ang kung anong talim sa mga titig."Vincent!" gulat niyang sambit sa pangalan nito sabay tingin sa may pintuan, mukha itong nakakandadong mabuti.Napalunok na lang si Celina habang tinititigan siya ni Vincent, medyo ramdam niya pa din ang panghihina ng dahil sa alak, kaya naman hindi siya makapag isip ng maayos sa kung anong dapat niyang gawin."Pa...paano ka nakapasok dito!" pagmamatapang na tanong niya."I have my ways!" nakangisi nitong sambit habang pinapaikot ang ilang kumpol ng susi sa daliri nito.Doon lang napagtanto ni Celina na malapit nga palang kaibigan ni Vincent si Andrew, kaya madali lang dito ang humiram ng susi sa mga kwarto."Ano bang kailangan mo?" pilit pa
Mag-iilang linggo na ang nakalipas, pero hindi maikakailang mainit na usap-usapan pa din ang tungkol sa insidenteng nangyari sa party ni Andrew, buti na lang nahihirapang matukoy ng mga estudyante kung sino iyon.Hindi niya din masyadong napapansin sina Luke nitong mga nakaraan, napakalaki talaga ng pagbabagong naidulot ng pangyayaring iyon sa kanya.Sa mansyon lang yata nina Vincent walang pagbabago, bumalik nanaman kasi sila sa dati na kung saan si Celina ang umiiwas sa binata.Ngunit ipinagsawalang bahala niya na lang ito at umaktong normal lang, kung makaka salubong mo si Celina ngayon hindi mo aakalaing may nangyaring masama sa kanya.Wala siyang ibang iniisip ngayon kung hindi ang darating na finals nila, buo na ang kanyang desisyon, aalis siya agad sa mansyon sa oras na makahanap sila ng mauupahang bahay ni Lucy.May kaunting ipon na naman siya para panghanap ng trabaho at pang gastos sa araw-araw sa loob ng tatlong buwan, kaya sigurado niyang kakayanin na nilang mamuhay."Celi
Maagang nagising si Vincent ng araw na iyon, gusto niya ipaghanda ng almusal ang asawa kaya nag isip siya ng maari niyang ihanda.Tiningnan niya ang loob ng ref, kinuha niya ang hotdog, tocino at itlog, inihanda niya na din ang pancake mix."Oh! Senyorito, ang aga niyo pong nagising," bati sa kanya ni manang Isme.Halatang nagulat ito sa kanya dahil nasa kusina siya ng ganoon oras."Goodmorning po ninang!" nakangiti niyang saad dito habang hinahalo ang pancake mix."Ako na lang gagawa niyan." Abot nito sa bowl.Pero inilayo niya kaagad ang inihahalo bago pa man ito mahawakan ni manang Isme."I want to prepare breakfast for Celina today."Napansin ni manang Isme ang kislap sa mga mata ni Vincent kaya nginitian na lang din siya nito."Sige ho, aayusin ko na lang muna ho iyong mga labahin," pagpapaalam nito bago pumunta sa likod bahay.Isang malakas na kalabog ang biglang nagpa-alisto sa kanya, agad-agad siyang tumakbo sa pinagmulan nito at nadatnan niya ang bunso niya na nakakunot ang no
Nagulat si Vincent nang may datnan bisita sa may sala pakauwi niya mula sa eskwelahan."Hi, good afternoon," ngiting bati ng babae sa kanya.Napakunot na lang siya ng noo dito."who're you?" may tono ng angas ang pakasabi niya noon.Pinagmasdan niya ang babaeng naka brown na pencil skirt at coat. Medyo nagmukha lang itong matured dahil sa pagkaka-bun ng buhok at pagsusuot ng salamin, pero tantsa niya na ilang taon lang ang tanda nito sa kanya."Hi, I'm Cecille. You're Vincent right?" magiliw nitong sambit sabay tayo upang makipagkamay sa kanya.Inabot na lamang niya ang iniaalok nitong kamay, hindi niya kilala ang babae pero maaaring isa nanaman ito sa mga pakana ng daddy niya para makuha ang gusto nito."I'm going to be your new tutor," pagpapaalam nito.Doon na kumunot ang noo ni Vincent."Who the hell told you I need a tutor!" hindi niya mapigilang maasar dito."I did!" biglang pasok ng daddy niya. "Your grades have been failing Vincent! And I think Cecille here well be of help to yo
Naburang parang bula ang mga agam-agam ni Celina, wala na ang sama ng loob na matagal ng nagpapahirap sa kanya, maikukumpara siya ngayon sa isang ibong nakawala sa hawla."Lucien! Come back here!" alingawngaw ng boses ni Vincent mula sa labas.Nakita na lang niyang tumatakbo ang panganay nila na walang pang-itaas, kunot na kunot ang noo at nakabusangot pa."No! I don't want to wear that" galit na balik ng bata sa ama.Ilang sandali lang ay nakita niyang humahabol na si Vincent dito, dala-dala ang ilang polo ng bata, napansin niyang hinahanap nito kung saan nagtungo ang anak nila, subalit siya ang nabalingan ng mga mata nito. Agad na lang itong tumungo sa kanya."Babe, where did he go?" Namamaluktot na ang labi ni Vincent at humahangos pa habang sinilipang ilang mga pwedeng taguan nito sa silid.Kita niya ang pagod sa mukha ng asawa, ito na kasi ang nagprisinta na mag alaga sa mga bata simula nang magkaayos sila dahil ayaw nitong napapagod siya. Kukuha sana ito ng yaya para sa mga bata
(FLASHBACK)Medyo kumalma na siya nang siguraduhin ni Celina na ayos lang ito, biglang nag-ring ang kanayng cellphone, medyo nakakaramdam na siya ng pagkairita nang makitang si Nina nanaman ang tumatawag, nakakailang tawag na ito sa kanya kung kaya naman tila nauubos na ang pasensya niya dito. Dali-dali na lang niya itong sinagot upang alamin kung ano nanaman ang kailangan."What!" inis niyang sagot."Vincent naman, please. Kailangan ko talaga ng model ngayon. Promise, hindi na ko ulit hihingi ng favor sa iyo!" pagmamakaawa nito."What. No! I told you ," Napapakiskis ngipin niyang saad.Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla nanaman itong nagsalita."Let's make a deal! If you do this one favor for me, I promise you, tutulungan kita with your proposal sa mga Valtimore," pang eenganyo nito sa kanya.Napaisip siya bigla sa sinabi ng babae, malaking bagay ang inaalok nito sa kadahilanan kailangan niya ang tulong ng mga Valtimore para sa kanyang plano, subalit nag-aalala siya sa k
Hindi mapigilan ni Celina ang umiyak habang pinagmamasdan si Vincent at Lucien, nahihirapan siyang makitang nasasaktan ang mga anak, pero bumalik sa kanya lahat ng masamang alaala ng nakaraan ng sugudin siya ni Nina.Kahit hindi niya ginusto ay hindi niya napigilan ang sarili na ilabas ang lahat ng sama ng loob kay Vincent, lalo na at hindi nito nagawa ang ipinangako sa kanya na wala ng mangyayaring masama sa kanila.Isa lang naman ang naiisip niyang dahilan kung bakit siya sinugod ni Nina, iyon ay dahil may namamagitan pa din sa dalawa hanggang ngayon. Alam niya naman na ito ang nauna kay Vincent at pangalawa lang siya.Nandoon din ang katotohanan na binabalikan pa din ito ni Vincent noon, kahit na ibinibigay niya dito ang lahat.Pakiramdam niya hindi siya sapat para kay Vincent, kaya naisip niya na hindi malayong ganoon pa din ang ginagawa ng dalawa hanggang ngayon. Napagtanto niya iyon dahil na din sa nakita nilang tagpo noon nakaraan sa hotel na malapit sa mall nang mahuli ang dal
Todo pagpapahinahon ang ginagawa ngayon ni Vincent sa kanyang sarili, pansin niya na wala sa tamang pag iisip si Nina ngayon, kaya kailangan niyang masiguradong ligtas si Lucien bago gumawa ng kahit anong hakbang.Seryoso at puno ng awtoridad ang tindig ni Vincent nang magsimula siyang maglakad patungo sa condo ni Nina, tatlong katok ang ginawa niya sa pintuan nito, ilang sandali lang at nadinig niya na sa kabila ang mga nagmamadaling yabag ng babae."Vincent, kanina pa kita hinihintay," masaya nitong bati.Kita niya ang abot tenga nitong ngiti sa kanya, kahit na ganoon ay galit lang ang nadadama niya para dito ngayon, ikinuyom niya na lang ang palad para kontrolin ang sarili.Walang alin-langan pumasok si Vincent sa loob, subalit alerto siya sa kilos ng babae. "Where's my son?" walang emosyon ang tono niya nang magsalita."He's in the room," sagot nito sabay turo sa naturang silid.Mabilis pa sa alas kuwatro na tinungo niya ang kuwarto nito, nadatnan niya ang tulog na tulog na si Luc
"Celina, please open your eyes, please," pagmamakaawa niya habang humahabol sa kinalalagyan nito.Kasalukuyan itong itinatakbo papasok sa emergency room. Napatigil na lang siya nang biglang may humarang sa kanyang mga nurse."Sir, dito na lang po kayo, hindi po kayo pwede sa loob," saad sa kanya ng babaeng nurse."What do you mean? I'm her husband!" galit niyang sagot dito subalit hindi pa din siya pinadaan.Tuluyan ng nagwala si Vincent doon dahil sa pagpupumilit na pumasok ng emergency room. Natigil lang ito nang madama ang isang pamilyar na kamay sa balikat."Ijo, that's enough," mahinahong pag aawat nito sa kanya."Pero grandpa, si Celina! Iyong baby namin," humahagulgol niyang sambit dito habang mahigpit siya nitong inaakap."Don't worry, she's strong, just think positive" pagpapalakas loob ng kanyang lolo habang tinatapik ang kanyang likod..Ilang sandali lang ay huminahon na din siya, subalit hindi pa din mawala ang pangamba sa kanyang isip dahil sa kalagayan ni Celina, taimtim
Masayang naglalaro ng buhangin si Celina at Lucien sa dalampasigan, pabalik-balik ang panganay niya sa dagat para kumuha ng tubig para sa kastilyong buhangin na ginagawa nila, habang masaya naman nagtatampisaw si Vincent at Leon sa mga alon ng dagat."Lina, pwede ng kumain" sabi ng ninang niya pagkakita sa kanila."Sige po ninang, tatawagin ko na po sila," sagot niya habang tumatayo at ipinapagpag ang buhangin na nagkalat sa kanyang paa.Tinungo niya ang mag-ama niya na tuwang-tuwang naglalaro sa tubig, habang patakbo naman nagtungo ang panganay niya sa mga ito, tumalon ito paakap sa paanan ni Vincent habang nilalaro nito ang kapatid ng bata."Daddy! Kain na daw!" masaya nitong pagpapaalam sa ama.Mabilis na nag-unahan ang magkapatid nang magsimulang maglakad ang ama nila, patakbo ang mga itong tumungo sa cottage, sumunod naman siya dito, pero napatigil siya ng mahabol siya ng asawa, mabilisan nitong ipinulupot ang kamay sa kanyang baywang sabay halik sa kanyang pisngi."Aren't you ha
"Celina, hinahanap ka ni boss," tarantang saad ng isa sa mga kaopisina niya."Huh? Bakit daw?" taka niyang tanong."Hindi ko alam, pero sa tingin ko importante iyon," balisa pa din saad nito.Mabilis niyang tinungo ang opisina ng kanyang bagong manager, naabutan niya itong hindi magkandaugaga sa mga papel na pinipirmahan at pinagpapawisan."Mi...Miss Manuel pi..pinapatawag ka sa taas ni boss," takot na takot na saad ng lalake.Napakunot na lang siya ng noo, alam niyang wala naman katuturan kung pupunta siya doon."Pasensya na po, pakisabi na lang sa kanya madami akong ginagawa," walang kaabog-abog niyang sagot."Mi...Miss Manuel please, if you don't go, I'm going to lose my job," pagmamakaawa nito.Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi nito, hindi niya naman gustong maging dahilang muli ng pagkawala ng trabaho ng isa nanaman tao kaya nagtungo na lang siya sa opisina ni Vincent kahit labag sa loob niya.Nabalot ng pagtataka ang hitsura niya nang mapansin may mangilan-ngilan na tao