Buong lakas ang naging pagtili ni Celina nang bigla siya nitong hatakin sa paa, pero hindi niya na din naipagpatuloy ang kanyang pagsigaw dahil sa pagpatong nito at pag takip sa kanyang bibig."Shh," pagpapatahimik nito sa kanya. Litaw ang ngisi sa mukha nito sa likod ng hintuturong nakaharang sa bibig at naroon ang kung anong talim sa mga titig."Vincent!" gulat niyang sambit sa pangalan nito sabay tingin sa may pintuan, mukha itong nakakandadong mabuti.Napalunok na lang si Celina habang tinititigan siya ni Vincent, medyo ramdam niya pa din ang panghihina ng dahil sa alak, kaya naman hindi siya makapag isip ng maayos sa kung anong dapat niyang gawin."Pa...paano ka nakapasok dito!" pagmamatapang na tanong niya."I have my ways!" nakangisi nitong sambit habang pinapaikot ang ilang kumpol ng susi sa daliri nito.Doon lang napagtanto ni Celina na malapit nga palang kaibigan ni Vincent si Andrew, kaya madali lang dito ang humiram ng susi sa mga kwarto."Ano bang kailangan mo?" pilit pa
Mag-iilang linggo na ang nakalipas, pero hindi maikakailang mainit na usap-usapan pa din ang tungkol sa insidenteng nangyari sa party ni Andrew, buti na lang nahihirapang matukoy ng mga estudyante kung sino iyon.Hindi niya din masyadong napapansin sina Luke nitong mga nakaraan, napakalaki talaga ng pagbabagong naidulot ng pangyayaring iyon sa kanya.Sa mansyon lang yata nina Vincent walang pagbabago, bumalik nanaman kasi sila sa dati na kung saan si Celina ang umiiwas sa binata.Ngunit ipinagsawalang bahala niya na lang ito at umaktong normal lang, kung makaka salubong mo si Celina ngayon hindi mo aakalaing may nangyaring masama sa kanya.Wala siyang ibang iniisip ngayon kung hindi ang darating na finals nila, buo na ang kanyang desisyon, aalis siya agad sa mansyon sa oras na makahanap sila ng mauupahang bahay ni Lucy.May kaunting ipon na naman siya para panghanap ng trabaho at pang gastos sa araw-araw sa loob ng tatlong buwan, kaya sigurado niyang kakayanin na nilang mamuhay."Celi
"Oh my god Ija, whats wrong!" alalang sambit ng kanyang lola nang mapansing dahan-dahang bumabagsak si Celina.Buti na lang at hawak niya ito kaya madali niyang nasalo ang dalaga bago pa ito tuluyan himatayin."Celina, what's wrong. Hey! what's wrong with you!" biglang alalang tanong ni Vincent.Biglang nabura ang galit na nararamdaman niya ngayon, napalitan ito ng matinding pangamba nang makitang halos wala ng kulay ang dalaga."What happened Ijo, bakit siya nawalan ng malay!" halata na ang pagkabalisa ng senyora.Hindi niya din sigurado kung ano ang nangyayari o kung anong dapat niyang gawin, nahihirapan siyang mag-isip ngayon dahil sa takot at taranta."Celina! Shit, shit! Wake up, please wake up." pilit niyang pag-gising dito, dahan-dahan niya itong inihiga, pero hindi niya pa din inaalis ang pag-alalay sa ulo nito."Ano hong nangyayari?" biglang pasok ng ninang nito kasama si Melinda at ang ilan pang katulong."Isme hinimatay si Celina!" agad pag-bibigay alam ng senyora."Lina ju
Dahan-dahang nagmulat si Celina, naroon ang ngiti sa kanya dahil ramdam niya pa ang sarap ng kanyang tulog.Medyo pupungay-pungay pa ang kanyang mata, pinunasan niya ang mga ito bago tuluyang bumangon, nagtaka siya nang makita ang kanyang ninang na nakaupo sa kanyang tabi.Batid niya na medyo namumula ang mga mata nito at humuhikbi-hikbi pa, maingat itong lumapit at umupo sa higaan para mas makalapit sa kanya."Lina, ayos ka na ba?" tanong nito habang hinahaplos haplos ang kanyang buhok."Opo ninang, may problema po ba?" taka niyang tanong."Lina, may hindi ka ba sinasabi sa akin na problema?" kita niya sa mata ng kanyang ninang na para bang nagmamakaawa ito.Nagtataka tuloy siya sa inaakto nito ngayon, nag-iisip siya kung alam ba nito ang ginagawa nila ni Vincent, dahil iyon lang naman ang bagay na itinatago niya dito. ‘pero impossible naman na malaman ni Ninang iyon’ sagot niya sa kanyang isipan."Wala naman po ninang, bakit po?" tanong niya na lang sa kanyang ninang.Biglang humigp
Napatigil si Celina at Vincent nang marinig ang katok sa pinto, humahangos silang dalawa ng mga oras na iyon, pero dali-dali pa din tumayo si Vincent patungo sa pintuan nang mapansin nitong pilit binubuksan ng senyora ang pinto."Uhm, grandma, can we have a few more minutes. were just discussing something private," saad nito sa kabilang pinto habang nakaharang dito."Sige Ijo, we’ll just wait here then," sagot nito sabay tinigilan na ang pag pihit sa siradura.Agaran itong bumalik sa kanya at muling pumosisyon, pero nahimasmasan na siya dahil sa kaalaman na nasa labas lang ang lola nito."Vincent tama na, nasa labas lang ang lola mo!" sermon niya dito."We can do a quickie, as long as you don't moan too much!" nakangiting bulong ni Vincent. Mukhang hindi nanaman nito nakuha ang gusto niya iparating."Vincent!" muling sita ni Celina. Nagsisimula na naman kasing maglikot ang mga kamay ng binata sa kanyang katawan."We’re not finish yet." Napapangusong maktol nito sa kanya."Tumigil ka
Naging maayos naman ang mga sumunod na buwan ng pagbubuntis ni Celina, hindi din siya masyadong ginugulo ni Vincent dahil madalas itong wala sa mansyon."Cel!" masayang bati ni Lucy sabay patakbong umakap sa kanya."Cy!" bati niya sa kaibigan ng makaakap na ito."Celina!" nanghihinang bati ni Luke.Kasama pala ito ni Lucy, hindi niya lang napansin na nasa likuran pala ito ng kaibigan. Malungkot ang expresyon ng mukha nito pero nakangiti pa din."Uy, Luke! kamusta ka na!" masaya niyang bati sa binata."Heto, ayos lang naman. Ikaw, kamusta ka naman?" tanong nito, halata ang pag kaawa sa boses."Heto, buhay pa naman," natatawa niyang biro dito para kahit papaano ay sumaya ang usapan nila. Pero mukhang hindi nito tinatalaban si Luke, nakatitig lang ito sa tiyan ni Celina na ngayon ay umbok na umbok na sa laki, nagulat na lang ang dalaga nang bigla itong batukan ni Lucy."Umayos ka!" sita ng kaibigan niya sa kapatid nito. Tinitigan lang nito ng matalim si Lucy sabay himas sa parteng bina
"Ano hong nangyari Doc?" tanong kaagad ni Vincent matapos nitong masuri si Celina."She just had a little contraction, normal iyan sa mga malapit ng manganak, have you done anything strenuous lately?" baling ng Doctor sa kanya."Uhm, we did have a little activity before this happened," saad niya."Well, please try to avoid that as much as possible, unless you're expecting an early labor," pangaral nito.Tumango na lang si Vincent sa Doctor bago ito umalis, pinagmasdan niya ang dalagang nakahiga sa hospital bed, mukhang maayos na ulit ang pakiramdam nito dahil sa aliwalas ng mukha.Nakahinga na siya ng maluwag nang makitang nappapadilat na si Celina, para kasi siyang mababaliw habang pinagmamasdan ang paghihirap nito kanina, hindi niya nagustuhan ang hitsura ng dalaga habang dinaranas ang matinding sakit habang papunta sila doon.Lumapit na siya dito para siguraduhing maayos na ito, wala naman nakitang problema ang doctor at ayos naman daw ang baby."Are you okay now?" alalang tanong n
Mabilisan ngunit hindi naging madali ang panganganak ni Celina, inabot lamang ng ilang oras ang paglalabor niya nang makarating sila sa hospital dahil na rin sa pangyayari. Pero parang naglahong parang bula ang lahat ng kanyang agam-agam matapos makita ang munti niyang anghel.Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang nadarama niya ng mga sandaling iyon, dahil dito ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para lang protektahan at maalagaan ng maayos ang pinakamamahal niyang anak."Ang cute, cute naman niya!" nanggigigil na saad ni Luke."Baby, you're so adorable!" sabi ni Lucy habang nilalaro ang kamay ng munting supling."Hi baby!" bati ni Celina sa anak habang pinagmamasdan ito. Buong ingat niya itong buhat-buhat sa kanyang tagiliran.Hindi nila mapigilang pagkaguluhan at kulitin ang munting bata, halos magbangayan na nga ang magkapatid sa pag aagawan sa atensyon nito kahit panaka-naka lang naman ang pagdilat ng sanggol."Ayeee!" Nanggigigil na tili ni Lucy."Waaa, ang cute!"
Maagang nagising si Vincent ng araw na iyon, gusto niya ipaghanda ng almusal ang asawa kaya nag isip siya ng maari niyang ihanda.Tiningnan niya ang loob ng ref, kinuha niya ang hotdog, tocino at itlog, inihanda niya na din ang pancake mix."Oh! Senyorito, ang aga niyo pong nagising," bati sa kanya ni manang Isme.Halatang nagulat ito sa kanya dahil nasa kusina siya ng ganoon oras."Goodmorning po ninang!" nakangiti niyang saad dito habang hinahalo ang pancake mix."Ako na lang gagawa niyan." Abot nito sa bowl.Pero inilayo niya kaagad ang inihahalo bago pa man ito mahawakan ni manang Isme."I want to prepare breakfast for Celina today."Napansin ni manang Isme ang kislap sa mga mata ni Vincent kaya nginitian na lang din siya nito."Sige ho, aayusin ko na lang muna ho iyong mga labahin," pagpapaalam nito bago pumunta sa likod bahay.Isang malakas na kalabog ang biglang nagpa-alisto sa kanya, agad-agad siyang tumakbo sa pinagmulan nito at nadatnan niya ang bunso niya na nakakunot ang no
Nagulat si Vincent nang may datnan bisita sa may sala pakauwi niya mula sa eskwelahan."Hi, good afternoon," ngiting bati ng babae sa kanya.Napakunot na lang siya ng noo dito."who're you?" may tono ng angas ang pakasabi niya noon.Pinagmasdan niya ang babaeng naka brown na pencil skirt at coat. Medyo nagmukha lang itong matured dahil sa pagkaka-bun ng buhok at pagsusuot ng salamin, pero tantsa niya na ilang taon lang ang tanda nito sa kanya."Hi, I'm Cecille. You're Vincent right?" magiliw nitong sambit sabay tayo upang makipagkamay sa kanya.Inabot na lamang niya ang iniaalok nitong kamay, hindi niya kilala ang babae pero maaaring isa nanaman ito sa mga pakana ng daddy niya para makuha ang gusto nito."I'm going to be your new tutor," pagpapaalam nito.Doon na kumunot ang noo ni Vincent."Who the hell told you I need a tutor!" hindi niya mapigilang maasar dito."I did!" biglang pasok ng daddy niya. "Your grades have been failing Vincent! And I think Cecille here well be of help to yo
Naburang parang bula ang mga agam-agam ni Celina, wala na ang sama ng loob na matagal ng nagpapahirap sa kanya, maikukumpara siya ngayon sa isang ibong nakawala sa hawla."Lucien! Come back here!" alingawngaw ng boses ni Vincent mula sa labas.Nakita na lang niyang tumatakbo ang panganay nila na walang pang-itaas, kunot na kunot ang noo at nakabusangot pa."No! I don't want to wear that" galit na balik ng bata sa ama.Ilang sandali lang ay nakita niyang humahabol na si Vincent dito, dala-dala ang ilang polo ng bata, napansin niyang hinahanap nito kung saan nagtungo ang anak nila, subalit siya ang nabalingan ng mga mata nito. Agad na lang itong tumungo sa kanya."Babe, where did he go?" Namamaluktot na ang labi ni Vincent at humahangos pa habang sinilipang ilang mga pwedeng taguan nito sa silid.Kita niya ang pagod sa mukha ng asawa, ito na kasi ang nagprisinta na mag alaga sa mga bata simula nang magkaayos sila dahil ayaw nitong napapagod siya. Kukuha sana ito ng yaya para sa mga bata
(FLASHBACK)Medyo kumalma na siya nang siguraduhin ni Celina na ayos lang ito, biglang nag-ring ang kanayng cellphone, medyo nakakaramdam na siya ng pagkairita nang makitang si Nina nanaman ang tumatawag, nakakailang tawag na ito sa kanya kung kaya naman tila nauubos na ang pasensya niya dito. Dali-dali na lang niya itong sinagot upang alamin kung ano nanaman ang kailangan."What!" inis niyang sagot."Vincent naman, please. Kailangan ko talaga ng model ngayon. Promise, hindi na ko ulit hihingi ng favor sa iyo!" pagmamakaawa nito."What. No! I told you ," Napapakiskis ngipin niyang saad.Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla nanaman itong nagsalita."Let's make a deal! If you do this one favor for me, I promise you, tutulungan kita with your proposal sa mga Valtimore," pang eenganyo nito sa kanya.Napaisip siya bigla sa sinabi ng babae, malaking bagay ang inaalok nito sa kadahilanan kailangan niya ang tulong ng mga Valtimore para sa kanyang plano, subalit nag-aalala siya sa k
Hindi mapigilan ni Celina ang umiyak habang pinagmamasdan si Vincent at Lucien, nahihirapan siyang makitang nasasaktan ang mga anak, pero bumalik sa kanya lahat ng masamang alaala ng nakaraan ng sugudin siya ni Nina.Kahit hindi niya ginusto ay hindi niya napigilan ang sarili na ilabas ang lahat ng sama ng loob kay Vincent, lalo na at hindi nito nagawa ang ipinangako sa kanya na wala ng mangyayaring masama sa kanila.Isa lang naman ang naiisip niyang dahilan kung bakit siya sinugod ni Nina, iyon ay dahil may namamagitan pa din sa dalawa hanggang ngayon. Alam niya naman na ito ang nauna kay Vincent at pangalawa lang siya.Nandoon din ang katotohanan na binabalikan pa din ito ni Vincent noon, kahit na ibinibigay niya dito ang lahat.Pakiramdam niya hindi siya sapat para kay Vincent, kaya naisip niya na hindi malayong ganoon pa din ang ginagawa ng dalawa hanggang ngayon. Napagtanto niya iyon dahil na din sa nakita nilang tagpo noon nakaraan sa hotel na malapit sa mall nang mahuli ang dal
Todo pagpapahinahon ang ginagawa ngayon ni Vincent sa kanyang sarili, pansin niya na wala sa tamang pag iisip si Nina ngayon, kaya kailangan niyang masiguradong ligtas si Lucien bago gumawa ng kahit anong hakbang.Seryoso at puno ng awtoridad ang tindig ni Vincent nang magsimula siyang maglakad patungo sa condo ni Nina, tatlong katok ang ginawa niya sa pintuan nito, ilang sandali lang at nadinig niya na sa kabila ang mga nagmamadaling yabag ng babae."Vincent, kanina pa kita hinihintay," masaya nitong bati.Kita niya ang abot tenga nitong ngiti sa kanya, kahit na ganoon ay galit lang ang nadadama niya para dito ngayon, ikinuyom niya na lang ang palad para kontrolin ang sarili.Walang alin-langan pumasok si Vincent sa loob, subalit alerto siya sa kilos ng babae. "Where's my son?" walang emosyon ang tono niya nang magsalita."He's in the room," sagot nito sabay turo sa naturang silid.Mabilis pa sa alas kuwatro na tinungo niya ang kuwarto nito, nadatnan niya ang tulog na tulog na si Luc
"Celina, please open your eyes, please," pagmamakaawa niya habang humahabol sa kinalalagyan nito.Kasalukuyan itong itinatakbo papasok sa emergency room. Napatigil na lang siya nang biglang may humarang sa kanyang mga nurse."Sir, dito na lang po kayo, hindi po kayo pwede sa loob," saad sa kanya ng babaeng nurse."What do you mean? I'm her husband!" galit niyang sagot dito subalit hindi pa din siya pinadaan.Tuluyan ng nagwala si Vincent doon dahil sa pagpupumilit na pumasok ng emergency room. Natigil lang ito nang madama ang isang pamilyar na kamay sa balikat."Ijo, that's enough," mahinahong pag aawat nito sa kanya."Pero grandpa, si Celina! Iyong baby namin," humahagulgol niyang sambit dito habang mahigpit siya nitong inaakap."Don't worry, she's strong, just think positive" pagpapalakas loob ng kanyang lolo habang tinatapik ang kanyang likod..Ilang sandali lang ay huminahon na din siya, subalit hindi pa din mawala ang pangamba sa kanyang isip dahil sa kalagayan ni Celina, taimtim
Masayang naglalaro ng buhangin si Celina at Lucien sa dalampasigan, pabalik-balik ang panganay niya sa dagat para kumuha ng tubig para sa kastilyong buhangin na ginagawa nila, habang masaya naman nagtatampisaw si Vincent at Leon sa mga alon ng dagat."Lina, pwede ng kumain" sabi ng ninang niya pagkakita sa kanila."Sige po ninang, tatawagin ko na po sila," sagot niya habang tumatayo at ipinapagpag ang buhangin na nagkalat sa kanyang paa.Tinungo niya ang mag-ama niya na tuwang-tuwang naglalaro sa tubig, habang patakbo naman nagtungo ang panganay niya sa mga ito, tumalon ito paakap sa paanan ni Vincent habang nilalaro nito ang kapatid ng bata."Daddy! Kain na daw!" masaya nitong pagpapaalam sa ama.Mabilis na nag-unahan ang magkapatid nang magsimulang maglakad ang ama nila, patakbo ang mga itong tumungo sa cottage, sumunod naman siya dito, pero napatigil siya ng mahabol siya ng asawa, mabilisan nitong ipinulupot ang kamay sa kanyang baywang sabay halik sa kanyang pisngi."Aren't you ha
"Celina, hinahanap ka ni boss," tarantang saad ng isa sa mga kaopisina niya."Huh? Bakit daw?" taka niyang tanong."Hindi ko alam, pero sa tingin ko importante iyon," balisa pa din saad nito.Mabilis niyang tinungo ang opisina ng kanyang bagong manager, naabutan niya itong hindi magkandaugaga sa mga papel na pinipirmahan at pinagpapawisan."Mi...Miss Manuel pi..pinapatawag ka sa taas ni boss," takot na takot na saad ng lalake.Napakunot na lang siya ng noo, alam niyang wala naman katuturan kung pupunta siya doon."Pasensya na po, pakisabi na lang sa kanya madami akong ginagawa," walang kaabog-abog niyang sagot."Mi...Miss Manuel please, if you don't go, I'm going to lose my job," pagmamakaawa nito.Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi nito, hindi niya naman gustong maging dahilang muli ng pagkawala ng trabaho ng isa nanaman tao kaya nagtungo na lang siya sa opisina ni Vincent kahit labag sa loob niya.Nabalot ng pagtataka ang hitsura niya nang mapansin may mangilan-ngilan na tao