Masayang pina-iinitan ni Celina ang anak sa sinag ng araw ng umagang iyon, tuwang-tuwa niyang pinagmamasdan ang paglalaro nito sa sariling mga kamay, pinipilit kasi ni Lucien na kainin ang mga mittens na nakasuot sa kamay nito."Nagugutom ka na ba baby? Huwag mo kainan yan," natatawa niyang sabi sa anak.Bigla niyang naaninag si Vincent na nakatingin mula sa balcony ng mansyon, tila nagtaasan ang kanyang balahibo sa panlilisik ng mga titig nito sa kanya, kaya minabuti niya na lang ang lumipat ng puwesto upang makaiwas dito.Nagtungo na lang siya sa garden para doon painitan ang anak, naalala niya kasing naroon ngayon ang ate Melinda niya at nagdidilig, bigla naman naglikot si Lucien habang naglalakad siya kaya naman tumigil muna siya para maiayos ang pagkakarga dito.Isang malakas na ngawa ang kumawala sa munting paslit kaya naman dali-dali niya itong hinele."Anong problema ng baby ko, ha?" pagpapatahan niya dito.Tumigil din naman ito matapos ang ilang minuto ng paghehele niya, pero
Hindi na pinansin pa ni Celina kung saan tumuloy si Vincent nang lumabas ito sa kuwarto, masama ang loob niya dito at wala na siyang pakialam sa kung ano man ang ginagawa nito o kung sino man ang kasama nito, matagal niya na iyong natanggap sa kanyang sarili.Kailangan niya na lang ituon ang kanyang pansin sa anak, wala na siyang iba pang dapat pang alalahanin, ang nais niya lang ngayon ay ang tuparin ni Vincent ang pangako nito na siya namang dahilan kung bakit nananatili siya sa mansyon.Dali-dali na lamang siyang lumabas ng silid upang pahanginan si Lucien kaya naman nadatnan niya ang mga amo ng kanyang ninang sa may veranda ng mansyon."Saan nanaman pupunta ang batang iyon!" saad ng senyor Leo nang mapansing umalis nanaman ang apo."He's been very busy lately, alam mo ba ang pinag kakaabalahan niya Leandro?" takang tanong ng senyora."Beats me mama, but I think it's probably just some girl again," sagot nitoHindi niya man nais makinig sa usapan ng mga ito ay tila nananadya ang pa
Isang malambing at tulog na tulog na Vincent ang bumungad kay Celina pakagising, mahigpit itong nakayakap sa kanya, kaya naman nanatiling magkadikit ang mga hubad nilang katawan.Hindi alam ni Celina kung anong oras siya nakatulog ng gabing iyon, hindi niya din mabilang kung ilang ulit nilang ginawa iyon. Ang tanging naaalala niya lang ay ang mga ungol at sigaw niya dahil sa mga ginagawa sa kanya ni Vincent.Dahan-dahan siyang bumangon sa higaan. Kumuha na lang siya ng tuwalya para itakip sa katawan bago silipin ang anak, himbing na himbing pa din itong natutulog dahil na din siguro sa may aircon ang kuwarto.Inayos niya ang kumot ng anak bago tumuloy sa banyo para maligo. Hinayaan ni Celina na umagos ang tubig ng shower sa kanyang katawan, napapaisip siya kung tama lang ba ang ginawa niya kagabi, natatakot kasi siya sa kahihinatnan ng kanyang desisyon.Napatigil lang siya sa pagmumuni-muni nang may biglang pumulupot na mga kamay sa kanyang baywang, hindi niya napigilan ang mapatalon
Nagising si Celina sa katok sa pinto ng kanilang kuwarto, pupungay-pungay pa siyang tumayo ng higaan papunta dito."Lina! Lina!" tawag ng ninang Isme niya."Sandali lang po ninang!" saad niya.Bubuksan niya na sana ang pintuan nang bigla siyang mapatingin sa higaan, natutulog pa pala si Vincent ng walang pang itaas, bigla nagising ang diwa niya at nataranta sa kung anong dapat gawin."Lina! Buksan mo na itong pinto," utos ng ninang niya."Sa...sandali lang po!" utal niyang sagot dito sabay nagmamadaling tumakbo papunta sa kama."Vincent! Vincent! nandiyan si ninang," inalog niya ito pakabulong.Dumilat naman ang binata ng kunot na kunot ang noo, halatang naalimpungatan dahil antok pa ang mga mata nito, sabay silang napatingin sa pinto nang muling marinig ang katok doon."Lina! May problema ba? Lina!" halata na ang pag-aalala sa boses ni ninang Isme."Shit!" gulat na saad ni Vincent sabay agad na tumayo, hindi nito malaman kung saan pupunta.Dali-dali nitong kinuha ang t-shirt sabay na
Masayang nagtutupi si Celina ng mga damit, tulala at hindi pa din maka usad sa date nila ni Vincent ilang araw na ang nakakaraan. Panaka-naka siyang nananaginip ng gising, habang binabalikan ang masaya nilang alaala."Get dressed, we're going out!" doon lang siya nawala nang marinig ang boses nito.Biglaan pumasok ang binata sa kuwarto at seryosong-seryoso ang mukha. Nagtataka tuloy siya kung bakit nanaman ito ganoon."Vincent, may problema ba?" mahinahon niyang tanong, palakad-lakad kasi ito sa kwarto."It's nothing, just hurry up and get ready."Dama ni Celina ang kakaibang tensyon sa boses ng binata, tuwid na tuwi ang mukha nito habang naghahalughog sa loob ng silid.Halatang hindi mapakali si Vincent, lumabas din ito pakatapos ng ilang ikot sa kuwarto nila, nagmadali na siyang nagpalit ng damit, matapos noon ay isinunod niya na si Lucien at hinanda na ang mga gamit nito.Lumabas na siya ng kuwarto nang hindi bumalik si Vincent doon, nakasabay niya ang senyora sa pagbaba ng hagdan.
Apat na araw na ang nakalipas matapos matuklasan ni Celina kung nasaan si Vincent kapag wala ito sa mansyon, hanggang ngayon ay patago pa din siyang umiiyak dahil sa nadadama, sobrang ang kanyang pagsisisi ng mga panahon iyon.Sa isip-isip niya, kung naging matapang lang siya katulad ni Lucy, wala sana siya sa ganoong sitwasyon, siguro ay tahimik siyang namumuhay kasama ang anak.Subalit napakadami niyang pangamba na siyang pumipigil sa kanya, wala siyang magawa kung hindi ang tanggapin na lang na talagang walang patutunguhan ang relasyon nila ng ama nito at pumapayag na lamang sa nais ng binata para makasiguradong magiging maayos ang kinabukasan ng anak.Dahan-dahan niyang hinahaplos ang mukha ni Lucien habang hinihele ito, sa anak na lang siya kumukuha ng lakas para makayanan ang hapdi at sakit na dinaranas niya ngayon, wala naman din siyang mapagsabihan ng sama ng loob dahil ayaw niyang lumikha ng gulo.Nagpapasalamat na lang siya at hindi pa din umuuwi si Vincent, kahit masakit sa
Hindi na namalayan ni Celina na nakatulog na pala siya sa kakaiyak, nagising na lang siya sa pagkakahimbing dahil narinig niya ang ngawa ni Lucien, tumingin muna siya sa orasan bago tumayo.Mag-aala singko na pala ng umaga, nagmadali siyang lumapit sa anak para tingnan kung anong problema, kinuha niya ito at hinele, kaya naman muli itong bumalik sa pagtulog, dahan-dahan niya itong inilapag sa crib nang makasiguradong nahimbing na ito muli.Pinagmasdan niya ang nahihimbing na anak, nag-iisip kung ano na ba ang dapat niyang gawin, alam niya naman na sa oras na ikasal si Vincent at Nina ay magkakaroon na din ito ng mga sariling anak, napapaisip siya kung paano gagawin ni Vincent na tuparin ang pangako nito na pananagutan ang anak niya kung magiging abala ito sa magiging anak sa babaeng iyon.Nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto, mula doon ay pumasok ang gegewang-gewang na si Vincent, halatang nasorpresa ito nang makita siyang nakatayo sa tabi ng crib ni Lucien.
Ibang klaseng hinahon ang nararamdaman ni Celina habang nakahiga sa kanyang kama, para siyang ibong nakalaya sa kulungan, laking pasalamat niya talaga at nandyan si Lucy para saluhin sila.Natutulog na din si Lucien sa kuwarto ng magiging baby ni Lucy, ito na ang nagprisinta na doon na lang muna si Lucien, tutal matagal pa naman daw bago lumabas ang anak nito, napakalaki naman kasi talaga ng apartment na inupahan ni Lucy, may sarili din nga na kuwarto pati ang ninang Isme niya.Masaya niyang inakap ang kanyang unan, napaisip tuloy siya kung noon pa sana siya pumayag sa gusto ng kaibigan hindi niya na sana naranasan ang mga pighating iyon.Napatingin na lang siya sa bintana nang mapansing nagsisimula ng umulan, napatayo siya sa higaan ng biglang kumulog. Dali-dali siyang tumayo at kinuha ang bathrobe sa tabi ng higaan, ibinalot niya iyon sa katawan niya dahil nakasuot lang siya ng night gown, wala din siyang bra dahil madalas siyang magpadede kay Lucien sa gabi.Mabilis siyang tumakbo
Maagang nagising si Vincent ng araw na iyon, gusto niya ipaghanda ng almusal ang asawa kaya nag isip siya ng maari niyang ihanda.Tiningnan niya ang loob ng ref, kinuha niya ang hotdog, tocino at itlog, inihanda niya na din ang pancake mix."Oh! Senyorito, ang aga niyo pong nagising," bati sa kanya ni manang Isme.Halatang nagulat ito sa kanya dahil nasa kusina siya ng ganoon oras."Goodmorning po ninang!" nakangiti niyang saad dito habang hinahalo ang pancake mix."Ako na lang gagawa niyan." Abot nito sa bowl.Pero inilayo niya kaagad ang inihahalo bago pa man ito mahawakan ni manang Isme."I want to prepare breakfast for Celina today."Napansin ni manang Isme ang kislap sa mga mata ni Vincent kaya nginitian na lang din siya nito."Sige ho, aayusin ko na lang muna ho iyong mga labahin," pagpapaalam nito bago pumunta sa likod bahay.Isang malakas na kalabog ang biglang nagpa-alisto sa kanya, agad-agad siyang tumakbo sa pinagmulan nito at nadatnan niya ang bunso niya na nakakunot ang no
Nagulat si Vincent nang may datnan bisita sa may sala pakauwi niya mula sa eskwelahan."Hi, good afternoon," ngiting bati ng babae sa kanya.Napakunot na lang siya ng noo dito."who're you?" may tono ng angas ang pakasabi niya noon.Pinagmasdan niya ang babaeng naka brown na pencil skirt at coat. Medyo nagmukha lang itong matured dahil sa pagkaka-bun ng buhok at pagsusuot ng salamin, pero tantsa niya na ilang taon lang ang tanda nito sa kanya."Hi, I'm Cecille. You're Vincent right?" magiliw nitong sambit sabay tayo upang makipagkamay sa kanya.Inabot na lamang niya ang iniaalok nitong kamay, hindi niya kilala ang babae pero maaaring isa nanaman ito sa mga pakana ng daddy niya para makuha ang gusto nito."I'm going to be your new tutor," pagpapaalam nito.Doon na kumunot ang noo ni Vincent."Who the hell told you I need a tutor!" hindi niya mapigilang maasar dito."I did!" biglang pasok ng daddy niya. "Your grades have been failing Vincent! And I think Cecille here well be of help to yo
Naburang parang bula ang mga agam-agam ni Celina, wala na ang sama ng loob na matagal ng nagpapahirap sa kanya, maikukumpara siya ngayon sa isang ibong nakawala sa hawla."Lucien! Come back here!" alingawngaw ng boses ni Vincent mula sa labas.Nakita na lang niyang tumatakbo ang panganay nila na walang pang-itaas, kunot na kunot ang noo at nakabusangot pa."No! I don't want to wear that" galit na balik ng bata sa ama.Ilang sandali lang ay nakita niyang humahabol na si Vincent dito, dala-dala ang ilang polo ng bata, napansin niyang hinahanap nito kung saan nagtungo ang anak nila, subalit siya ang nabalingan ng mga mata nito. Agad na lang itong tumungo sa kanya."Babe, where did he go?" Namamaluktot na ang labi ni Vincent at humahangos pa habang sinilipang ilang mga pwedeng taguan nito sa silid.Kita niya ang pagod sa mukha ng asawa, ito na kasi ang nagprisinta na mag alaga sa mga bata simula nang magkaayos sila dahil ayaw nitong napapagod siya. Kukuha sana ito ng yaya para sa mga bata
(FLASHBACK)Medyo kumalma na siya nang siguraduhin ni Celina na ayos lang ito, biglang nag-ring ang kanayng cellphone, medyo nakakaramdam na siya ng pagkairita nang makitang si Nina nanaman ang tumatawag, nakakailang tawag na ito sa kanya kung kaya naman tila nauubos na ang pasensya niya dito. Dali-dali na lang niya itong sinagot upang alamin kung ano nanaman ang kailangan."What!" inis niyang sagot."Vincent naman, please. Kailangan ko talaga ng model ngayon. Promise, hindi na ko ulit hihingi ng favor sa iyo!" pagmamakaawa nito."What. No! I told you ," Napapakiskis ngipin niyang saad.Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla nanaman itong nagsalita."Let's make a deal! If you do this one favor for me, I promise you, tutulungan kita with your proposal sa mga Valtimore," pang eenganyo nito sa kanya.Napaisip siya bigla sa sinabi ng babae, malaking bagay ang inaalok nito sa kadahilanan kailangan niya ang tulong ng mga Valtimore para sa kanyang plano, subalit nag-aalala siya sa k
Hindi mapigilan ni Celina ang umiyak habang pinagmamasdan si Vincent at Lucien, nahihirapan siyang makitang nasasaktan ang mga anak, pero bumalik sa kanya lahat ng masamang alaala ng nakaraan ng sugudin siya ni Nina.Kahit hindi niya ginusto ay hindi niya napigilan ang sarili na ilabas ang lahat ng sama ng loob kay Vincent, lalo na at hindi nito nagawa ang ipinangako sa kanya na wala ng mangyayaring masama sa kanila.Isa lang naman ang naiisip niyang dahilan kung bakit siya sinugod ni Nina, iyon ay dahil may namamagitan pa din sa dalawa hanggang ngayon. Alam niya naman na ito ang nauna kay Vincent at pangalawa lang siya.Nandoon din ang katotohanan na binabalikan pa din ito ni Vincent noon, kahit na ibinibigay niya dito ang lahat.Pakiramdam niya hindi siya sapat para kay Vincent, kaya naisip niya na hindi malayong ganoon pa din ang ginagawa ng dalawa hanggang ngayon. Napagtanto niya iyon dahil na din sa nakita nilang tagpo noon nakaraan sa hotel na malapit sa mall nang mahuli ang dal
Todo pagpapahinahon ang ginagawa ngayon ni Vincent sa kanyang sarili, pansin niya na wala sa tamang pag iisip si Nina ngayon, kaya kailangan niyang masiguradong ligtas si Lucien bago gumawa ng kahit anong hakbang.Seryoso at puno ng awtoridad ang tindig ni Vincent nang magsimula siyang maglakad patungo sa condo ni Nina, tatlong katok ang ginawa niya sa pintuan nito, ilang sandali lang at nadinig niya na sa kabila ang mga nagmamadaling yabag ng babae."Vincent, kanina pa kita hinihintay," masaya nitong bati.Kita niya ang abot tenga nitong ngiti sa kanya, kahit na ganoon ay galit lang ang nadadama niya para dito ngayon, ikinuyom niya na lang ang palad para kontrolin ang sarili.Walang alin-langan pumasok si Vincent sa loob, subalit alerto siya sa kilos ng babae. "Where's my son?" walang emosyon ang tono niya nang magsalita."He's in the room," sagot nito sabay turo sa naturang silid.Mabilis pa sa alas kuwatro na tinungo niya ang kuwarto nito, nadatnan niya ang tulog na tulog na si Luc
"Celina, please open your eyes, please," pagmamakaawa niya habang humahabol sa kinalalagyan nito.Kasalukuyan itong itinatakbo papasok sa emergency room. Napatigil na lang siya nang biglang may humarang sa kanyang mga nurse."Sir, dito na lang po kayo, hindi po kayo pwede sa loob," saad sa kanya ng babaeng nurse."What do you mean? I'm her husband!" galit niyang sagot dito subalit hindi pa din siya pinadaan.Tuluyan ng nagwala si Vincent doon dahil sa pagpupumilit na pumasok ng emergency room. Natigil lang ito nang madama ang isang pamilyar na kamay sa balikat."Ijo, that's enough," mahinahong pag aawat nito sa kanya."Pero grandpa, si Celina! Iyong baby namin," humahagulgol niyang sambit dito habang mahigpit siya nitong inaakap."Don't worry, she's strong, just think positive" pagpapalakas loob ng kanyang lolo habang tinatapik ang kanyang likod..Ilang sandali lang ay huminahon na din siya, subalit hindi pa din mawala ang pangamba sa kanyang isip dahil sa kalagayan ni Celina, taimtim
Masayang naglalaro ng buhangin si Celina at Lucien sa dalampasigan, pabalik-balik ang panganay niya sa dagat para kumuha ng tubig para sa kastilyong buhangin na ginagawa nila, habang masaya naman nagtatampisaw si Vincent at Leon sa mga alon ng dagat."Lina, pwede ng kumain" sabi ng ninang niya pagkakita sa kanila."Sige po ninang, tatawagin ko na po sila," sagot niya habang tumatayo at ipinapagpag ang buhangin na nagkalat sa kanyang paa.Tinungo niya ang mag-ama niya na tuwang-tuwang naglalaro sa tubig, habang patakbo naman nagtungo ang panganay niya sa mga ito, tumalon ito paakap sa paanan ni Vincent habang nilalaro nito ang kapatid ng bata."Daddy! Kain na daw!" masaya nitong pagpapaalam sa ama.Mabilis na nag-unahan ang magkapatid nang magsimulang maglakad ang ama nila, patakbo ang mga itong tumungo sa cottage, sumunod naman siya dito, pero napatigil siya ng mahabol siya ng asawa, mabilisan nitong ipinulupot ang kamay sa kanyang baywang sabay halik sa kanyang pisngi."Aren't you ha
"Celina, hinahanap ka ni boss," tarantang saad ng isa sa mga kaopisina niya."Huh? Bakit daw?" taka niyang tanong."Hindi ko alam, pero sa tingin ko importante iyon," balisa pa din saad nito.Mabilis niyang tinungo ang opisina ng kanyang bagong manager, naabutan niya itong hindi magkandaugaga sa mga papel na pinipirmahan at pinagpapawisan."Mi...Miss Manuel pi..pinapatawag ka sa taas ni boss," takot na takot na saad ng lalake.Napakunot na lang siya ng noo, alam niyang wala naman katuturan kung pupunta siya doon."Pasensya na po, pakisabi na lang sa kanya madami akong ginagawa," walang kaabog-abog niyang sagot."Mi...Miss Manuel please, if you don't go, I'm going to lose my job," pagmamakaawa nito.Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi nito, hindi niya naman gustong maging dahilang muli ng pagkawala ng trabaho ng isa nanaman tao kaya nagtungo na lang siya sa opisina ni Vincent kahit labag sa loob niya.Nabalot ng pagtataka ang hitsura niya nang mapansin may mangilan-ngilan na tao