Hindi na pinansin pa ni Celina kung saan tumuloy si Vincent nang lumabas ito sa kuwarto, masama ang loob niya dito at wala na siyang pakialam sa kung ano man ang ginagawa nito o kung sino man ang kasama nito, matagal niya na iyong natanggap sa kanyang sarili.Kailangan niya na lang ituon ang kanyang pansin sa anak, wala na siyang iba pang dapat pang alalahanin, ang nais niya lang ngayon ay ang tuparin ni Vincent ang pangako nito na siya namang dahilan kung bakit nananatili siya sa mansyon.Dali-dali na lamang siyang lumabas ng silid upang pahanginan si Lucien kaya naman nadatnan niya ang mga amo ng kanyang ninang sa may veranda ng mansyon."Saan nanaman pupunta ang batang iyon!" saad ng senyor Leo nang mapansing umalis nanaman ang apo."He's been very busy lately, alam mo ba ang pinag kakaabalahan niya Leandro?" takang tanong ng senyora."Beats me mama, but I think it's probably just some girl again," sagot nitoHindi niya man nais makinig sa usapan ng mga ito ay tila nananadya ang pa
Isang malambing at tulog na tulog na Vincent ang bumungad kay Celina pakagising, mahigpit itong nakayakap sa kanya, kaya naman nanatiling magkadikit ang mga hubad nilang katawan.Hindi alam ni Celina kung anong oras siya nakatulog ng gabing iyon, hindi niya din mabilang kung ilang ulit nilang ginawa iyon. Ang tanging naaalala niya lang ay ang mga ungol at sigaw niya dahil sa mga ginagawa sa kanya ni Vincent.Dahan-dahan siyang bumangon sa higaan. Kumuha na lang siya ng tuwalya para itakip sa katawan bago silipin ang anak, himbing na himbing pa din itong natutulog dahil na din siguro sa may aircon ang kuwarto.Inayos niya ang kumot ng anak bago tumuloy sa banyo para maligo. Hinayaan ni Celina na umagos ang tubig ng shower sa kanyang katawan, napapaisip siya kung tama lang ba ang ginawa niya kagabi, natatakot kasi siya sa kahihinatnan ng kanyang desisyon.Napatigil lang siya sa pagmumuni-muni nang may biglang pumulupot na mga kamay sa kanyang baywang, hindi niya napigilan ang mapatalon
Nagising si Celina sa katok sa pinto ng kanilang kuwarto, pupungay-pungay pa siyang tumayo ng higaan papunta dito."Lina! Lina!" tawag ng ninang Isme niya."Sandali lang po ninang!" saad niya.Bubuksan niya na sana ang pintuan nang bigla siyang mapatingin sa higaan, natutulog pa pala si Vincent ng walang pang itaas, bigla nagising ang diwa niya at nataranta sa kung anong dapat gawin."Lina! Buksan mo na itong pinto," utos ng ninang niya."Sa...sandali lang po!" utal niyang sagot dito sabay nagmamadaling tumakbo papunta sa kama."Vincent! Vincent! nandiyan si ninang," inalog niya ito pakabulong.Dumilat naman ang binata ng kunot na kunot ang noo, halatang naalimpungatan dahil antok pa ang mga mata nito, sabay silang napatingin sa pinto nang muling marinig ang katok doon."Lina! May problema ba? Lina!" halata na ang pag-aalala sa boses ni ninang Isme."Shit!" gulat na saad ni Vincent sabay agad na tumayo, hindi nito malaman kung saan pupunta.Dali-dali nitong kinuha ang t-shirt sabay na
Masayang nagtutupi si Celina ng mga damit, tulala at hindi pa din maka usad sa date nila ni Vincent ilang araw na ang nakakaraan. Panaka-naka siyang nananaginip ng gising, habang binabalikan ang masaya nilang alaala."Get dressed, we're going out!" doon lang siya nawala nang marinig ang boses nito.Biglaan pumasok ang binata sa kuwarto at seryosong-seryoso ang mukha. Nagtataka tuloy siya kung bakit nanaman ito ganoon."Vincent, may problema ba?" mahinahon niyang tanong, palakad-lakad kasi ito sa kwarto."It's nothing, just hurry up and get ready."Dama ni Celina ang kakaibang tensyon sa boses ng binata, tuwid na tuwi ang mukha nito habang naghahalughog sa loob ng silid.Halatang hindi mapakali si Vincent, lumabas din ito pakatapos ng ilang ikot sa kuwarto nila, nagmadali na siyang nagpalit ng damit, matapos noon ay isinunod niya na si Lucien at hinanda na ang mga gamit nito.Lumabas na siya ng kuwarto nang hindi bumalik si Vincent doon, nakasabay niya ang senyora sa pagbaba ng hagdan.
Apat na araw na ang nakalipas matapos matuklasan ni Celina kung nasaan si Vincent kapag wala ito sa mansyon, hanggang ngayon ay patago pa din siyang umiiyak dahil sa nadadama, sobrang ang kanyang pagsisisi ng mga panahon iyon.Sa isip-isip niya, kung naging matapang lang siya katulad ni Lucy, wala sana siya sa ganoong sitwasyon, siguro ay tahimik siyang namumuhay kasama ang anak.Subalit napakadami niyang pangamba na siyang pumipigil sa kanya, wala siyang magawa kung hindi ang tanggapin na lang na talagang walang patutunguhan ang relasyon nila ng ama nito at pumapayag na lamang sa nais ng binata para makasiguradong magiging maayos ang kinabukasan ng anak.Dahan-dahan niyang hinahaplos ang mukha ni Lucien habang hinihele ito, sa anak na lang siya kumukuha ng lakas para makayanan ang hapdi at sakit na dinaranas niya ngayon, wala naman din siyang mapagsabihan ng sama ng loob dahil ayaw niyang lumikha ng gulo.Nagpapasalamat na lang siya at hindi pa din umuuwi si Vincent, kahit masakit sa
Hindi na namalayan ni Celina na nakatulog na pala siya sa kakaiyak, nagising na lang siya sa pagkakahimbing dahil narinig niya ang ngawa ni Lucien, tumingin muna siya sa orasan bago tumayo.Mag-aala singko na pala ng umaga, nagmadali siyang lumapit sa anak para tingnan kung anong problema, kinuha niya ito at hinele, kaya naman muli itong bumalik sa pagtulog, dahan-dahan niya itong inilapag sa crib nang makasiguradong nahimbing na ito muli.Pinagmasdan niya ang nahihimbing na anak, nag-iisip kung ano na ba ang dapat niyang gawin, alam niya naman na sa oras na ikasal si Vincent at Nina ay magkakaroon na din ito ng mga sariling anak, napapaisip siya kung paano gagawin ni Vincent na tuparin ang pangako nito na pananagutan ang anak niya kung magiging abala ito sa magiging anak sa babaeng iyon.Nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto, mula doon ay pumasok ang gegewang-gewang na si Vincent, halatang nasorpresa ito nang makita siyang nakatayo sa tabi ng crib ni Lucien.
Ibang klaseng hinahon ang nararamdaman ni Celina habang nakahiga sa kanyang kama, para siyang ibong nakalaya sa kulungan, laking pasalamat niya talaga at nandyan si Lucy para saluhin sila.Natutulog na din si Lucien sa kuwarto ng magiging baby ni Lucy, ito na ang nagprisinta na doon na lang muna si Lucien, tutal matagal pa naman daw bago lumabas ang anak nito, napakalaki naman kasi talaga ng apartment na inupahan ni Lucy, may sarili din nga na kuwarto pati ang ninang Isme niya.Masaya niyang inakap ang kanyang unan, napaisip tuloy siya kung noon pa sana siya pumayag sa gusto ng kaibigan hindi niya na sana naranasan ang mga pighating iyon.Napatingin na lang siya sa bintana nang mapansing nagsisimula ng umulan, napatayo siya sa higaan ng biglang kumulog. Dali-dali siyang tumayo at kinuha ang bathrobe sa tabi ng higaan, ibinalot niya iyon sa katawan niya dahil nakasuot lang siya ng night gown, wala din siyang bra dahil madalas siyang magpadede kay Lucien sa gabi.Mabilis siyang tumakbo
Iminulat ni Celina ang mata sa makukulit na yugyog sa kanya, gusto niya pa sana matulog subalit talagang ayaw siya tigilan ng makukulit na pag-uga."Mama gising na po, almusal na!" saad ng isang maliit na boses.Nagtulogtulugan muna sandali si Celina, ilang saglit pa at umuuga na ang kama dahil sa makukulit na pag-talon dito."Bulaga!!" masayang paggulat ni Celina."Aaahhh," sigaw ng isang bata sabay napaatras."Eeehhh" sigaw pa ng isa na napahagikgik pa.Dali-daling yumakap ang dalawang bata kay Celina, gumanti naman siya dito ng pagakap, tumitili pa ang mga ito habang nakikipag kilitian sa kanya."Oh! Tama na yan, kakain na tayo," saad naman ng isang malaking tinig sa kanila."Yay!" sigaw ng dalawang paslit sabay patakbong lumabas sa kuwarto."Good morning Luke" masaya niyang bati dito."Tumayo ka na diyan, kakain na tayo," nakangiting saad nito habang suot-suot pa ang isang apron na nakalagay ay 'we love the chef' may hawak pa itong frying pan with matching potholder at siyanse.Na