Masayang nagtutupi si Celina ng mga damit, tulala at hindi pa din maka usad sa date nila ni Vincent ilang araw na ang nakakaraan. Panaka-naka siyang nananaginip ng gising, habang binabalikan ang masaya nilang alaala."Get dressed, we're going out!" doon lang siya nawala nang marinig ang boses nito.Biglaan pumasok ang binata sa kuwarto at seryosong-seryoso ang mukha. Nagtataka tuloy siya kung bakit nanaman ito ganoon."Vincent, may problema ba?" mahinahon niyang tanong, palakad-lakad kasi ito sa kwarto."It's nothing, just hurry up and get ready."Dama ni Celina ang kakaibang tensyon sa boses ng binata, tuwid na tuwi ang mukha nito habang naghahalughog sa loob ng silid.Halatang hindi mapakali si Vincent, lumabas din ito pakatapos ng ilang ikot sa kuwarto nila, nagmadali na siyang nagpalit ng damit, matapos noon ay isinunod niya na si Lucien at hinanda na ang mga gamit nito.Lumabas na siya ng kuwarto nang hindi bumalik si Vincent doon, nakasabay niya ang senyora sa pagbaba ng hagdan.
Apat na araw na ang nakalipas matapos matuklasan ni Celina kung nasaan si Vincent kapag wala ito sa mansyon, hanggang ngayon ay patago pa din siyang umiiyak dahil sa nadadama, sobrang ang kanyang pagsisisi ng mga panahon iyon.Sa isip-isip niya, kung naging matapang lang siya katulad ni Lucy, wala sana siya sa ganoong sitwasyon, siguro ay tahimik siyang namumuhay kasama ang anak.Subalit napakadami niyang pangamba na siyang pumipigil sa kanya, wala siyang magawa kung hindi ang tanggapin na lang na talagang walang patutunguhan ang relasyon nila ng ama nito at pumapayag na lamang sa nais ng binata para makasiguradong magiging maayos ang kinabukasan ng anak.Dahan-dahan niyang hinahaplos ang mukha ni Lucien habang hinihele ito, sa anak na lang siya kumukuha ng lakas para makayanan ang hapdi at sakit na dinaranas niya ngayon, wala naman din siyang mapagsabihan ng sama ng loob dahil ayaw niyang lumikha ng gulo.Nagpapasalamat na lang siya at hindi pa din umuuwi si Vincent, kahit masakit sa
Hindi na namalayan ni Celina na nakatulog na pala siya sa kakaiyak, nagising na lang siya sa pagkakahimbing dahil narinig niya ang ngawa ni Lucien, tumingin muna siya sa orasan bago tumayo.Mag-aala singko na pala ng umaga, nagmadali siyang lumapit sa anak para tingnan kung anong problema, kinuha niya ito at hinele, kaya naman muli itong bumalik sa pagtulog, dahan-dahan niya itong inilapag sa crib nang makasiguradong nahimbing na ito muli.Pinagmasdan niya ang nahihimbing na anak, nag-iisip kung ano na ba ang dapat niyang gawin, alam niya naman na sa oras na ikasal si Vincent at Nina ay magkakaroon na din ito ng mga sariling anak, napapaisip siya kung paano gagawin ni Vincent na tuparin ang pangako nito na pananagutan ang anak niya kung magiging abala ito sa magiging anak sa babaeng iyon.Nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto, mula doon ay pumasok ang gegewang-gewang na si Vincent, halatang nasorpresa ito nang makita siyang nakatayo sa tabi ng crib ni Lucien.
Ibang klaseng hinahon ang nararamdaman ni Celina habang nakahiga sa kanyang kama, para siyang ibong nakalaya sa kulungan, laking pasalamat niya talaga at nandyan si Lucy para saluhin sila.Natutulog na din si Lucien sa kuwarto ng magiging baby ni Lucy, ito na ang nagprisinta na doon na lang muna si Lucien, tutal matagal pa naman daw bago lumabas ang anak nito, napakalaki naman kasi talaga ng apartment na inupahan ni Lucy, may sarili din nga na kuwarto pati ang ninang Isme niya.Masaya niyang inakap ang kanyang unan, napaisip tuloy siya kung noon pa sana siya pumayag sa gusto ng kaibigan hindi niya na sana naranasan ang mga pighating iyon.Napatingin na lang siya sa bintana nang mapansing nagsisimula ng umulan, napatayo siya sa higaan ng biglang kumulog. Dali-dali siyang tumayo at kinuha ang bathrobe sa tabi ng higaan, ibinalot niya iyon sa katawan niya dahil nakasuot lang siya ng night gown, wala din siyang bra dahil madalas siyang magpadede kay Lucien sa gabi.Mabilis siyang tumakbo
Iminulat ni Celina ang mata sa makukulit na yugyog sa kanya, gusto niya pa sana matulog subalit talagang ayaw siya tigilan ng makukulit na pag-uga."Mama gising na po, almusal na!" saad ng isang maliit na boses.Nagtulogtulugan muna sandali si Celina, ilang saglit pa at umuuga na ang kama dahil sa makukulit na pag-talon dito."Bulaga!!" masayang paggulat ni Celina."Aaahhh," sigaw ng isang bata sabay napaatras."Eeehhh" sigaw pa ng isa na napahagikgik pa.Dali-daling yumakap ang dalawang bata kay Celina, gumanti naman siya dito ng pagakap, tumitili pa ang mga ito habang nakikipag kilitian sa kanya."Oh! Tama na yan, kakain na tayo," saad naman ng isang malaking tinig sa kanila."Yay!" sigaw ng dalawang paslit sabay patakbong lumabas sa kuwarto."Good morning Luke" masaya niyang bati dito."Tumayo ka na diyan, kakain na tayo," nakangiting saad nito habang suot-suot pa ang isang apron na nakalagay ay 'we love the chef' may hawak pa itong frying pan with matching potholder at siyanse.Na
Nagising si Vincent sa tunog ng alarm clock, kinapa niya ito sa gilid ng mesa at pinindot para tumigil, dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata, pinalibot niya iyon sa paligid habang pupungay pungay pa.Napahinga na lang siya ng malalim sa sobrang katahimikan ng paligid, tumulala lang muna siya sa kisame, nadama niya ang picture frame sa kanyang dibdib kaya iniangat niya iyon para pakatitigan.Pinagmasdan niya ito habang hinahaplos, napapikit siya muli para alalahanin si Celina. Halos wala pa din itong pinagbago, malumanay pa din ang hitsura nito.Bigla niya nanaman naramdaman ang matinding kawalan sa kanyang dibdib dahil sa alaala, napabuntong hininga na lang siya muli ng malalim.Minabuti niya na lang na bumangon kaysa alalahanin ang mga ito, sigurado niya na sasakupin lang siya ng matinding kalungkutan kung gagawin niya iyon, nag iisip siya kung anong pwedeng gawin habang naliligo. Linggo noon at walang pasok, bigla niyang naalala ang lolo't lola niya, matagal-tagal na din mul
"Celina hindi mo pa ba tapos iyan!" sita ng babaeng naka-salamin.Napaangat na lamang si Celina ng tingin sa kanyang manager habang nagtatype sa kanyang computer."Ah mam, patapos na po!"sagot niya dito."Bilisan mo, kanina ko pa hinihintay iyan!" inis na sagot nito bago padabog na umalis.Napabuntong hininga na lang si Celina, kanina lang nito ibinigay ang research article at kung tutuusin aabutin ng isang araw ang paggawa doon, pero wala na din naman siyang magagawa dahil ganito naman palagi ang manager niya, walang pasabi at laging wala sa oras magpahabol ng trabaho."Celina, ayos ka lang?" tanong ni Sheryll isa sa mga ka opisina niya."Oo, mamaya na lang tayo mag-usap, tapusin ko lang ito."Nginitian na lang siya ng ka-opisina at sabay iniwan na siya para makapagpatuloy sa trabaho. Tulad ng dati ay pinilit na lang ni Celina na matapos ang pinapagawa sa kanya, kahit halos impossible iyon, subalit tulad ng inaasahan ay nagawa niya naman ito ng maayos."Celina, tapos ka na? Tara, lun
Hindi matutumbasan ang kasiyahan na nadadama ni Vincent ng mga panahong iyon, apat na araw na din siyang paulit-ulit na nagpupunta sa bahay ng mag ina niya.Iyon nga lang hindi niya maitatanggi na nahihirapan siyang pakitunguhan ang anak ni Luke, kahit na gustuhin niya man ay hindi niya matanggal ang pagkainis dito.Mabuti na lang talaga at medyo nagiging palaiwas na ito sa kanya, dala na din siguro ng pagsusuplado niya dito, pero alam niyang hindi maganda ang bagay na iyon lalo na at alam niyang mahihirapan siyang makuha si Celina kapag hindi kasama ang mga anak nito."Daddy," papansin ng anak niya habang nakaupo sila sa sala."Yes baby!" masaya niyang baling dito."Tingnan mo daddy, may star ako, kasi naperfect ko iyong test namin," Ngiting-ngiting iniaangat ng bata ang kamay na mayroon nakatatak."Wow! That's good son!" Buong kulit niyang ginulo ang buhok ni Lucien na siyang nagpahagikgik dito.Napansin niya naman kaagad ang bunsong anak ni Celina na nakatingin nanaman sa kanila, m