"Celina hindi mo pa ba tapos iyan!" sita ng babaeng naka-salamin.Napaangat na lamang si Celina ng tingin sa kanyang manager habang nagtatype sa kanyang computer."Ah mam, patapos na po!"sagot niya dito."Bilisan mo, kanina ko pa hinihintay iyan!" inis na sagot nito bago padabog na umalis.Napabuntong hininga na lang si Celina, kanina lang nito ibinigay ang research article at kung tutuusin aabutin ng isang araw ang paggawa doon, pero wala na din naman siyang magagawa dahil ganito naman palagi ang manager niya, walang pasabi at laging wala sa oras magpahabol ng trabaho."Celina, ayos ka lang?" tanong ni Sheryll isa sa mga ka opisina niya."Oo, mamaya na lang tayo mag-usap, tapusin ko lang ito."Nginitian na lang siya ng ka-opisina at sabay iniwan na siya para makapagpatuloy sa trabaho. Tulad ng dati ay pinilit na lang ni Celina na matapos ang pinapagawa sa kanya, kahit halos impossible iyon, subalit tulad ng inaasahan ay nagawa niya naman ito ng maayos."Celina, tapos ka na? Tara, lun
Hindi matutumbasan ang kasiyahan na nadadama ni Vincent ng mga panahong iyon, apat na araw na din siyang paulit-ulit na nagpupunta sa bahay ng mag ina niya.Iyon nga lang hindi niya maitatanggi na nahihirapan siyang pakitunguhan ang anak ni Luke, kahit na gustuhin niya man ay hindi niya matanggal ang pagkainis dito.Mabuti na lang talaga at medyo nagiging palaiwas na ito sa kanya, dala na din siguro ng pagsusuplado niya dito, pero alam niyang hindi maganda ang bagay na iyon lalo na at alam niyang mahihirapan siyang makuha si Celina kapag hindi kasama ang mga anak nito."Daddy," papansin ng anak niya habang nakaupo sila sa sala."Yes baby!" masaya niyang baling dito."Tingnan mo daddy, may star ako, kasi naperfect ko iyong test namin," Ngiting-ngiting iniaangat ng bata ang kamay na mayroon nakatatak."Wow! That's good son!" Buong kulit niyang ginulo ang buhok ni Lucien na siyang nagpahagikgik dito.Napansin niya naman kaagad ang bunsong anak ni Celina na nakatingin nanaman sa kanila, m
Sampal at hampas ang inabot niya kay Celina matapos niya itong kalagan, hindi niya nagawang pigilan ang sarili, uuwi dapat sila sa bahay pakatapos niyang maangkin itong muli, pero inumaga na sila doon, dahil na din sa pananabik niya dito. Kaya naman malugod niya na lang tinanggap ang lahat ng pananakit nito."Walang hiya ka! Walang hiya ka! Hayop ka!" sunod sunod na baling ni Celina habang paulit ulit na hinahampas ang dibdib niya.Napansin niyang napapagod na ito dahil medyo bumabagal at humihina na din ang paghampas sa kanya, ilang sandali pa at naging pagkalmot na lang ang ginagawa nito sa hubad niyang katawan, maingat niyang hinawakan ang mga kamay nito para tumigil na, pero nagpupumiglas pa din ito, kaya naman mas minabuti niya na ang yakapin na lang ito."Shhh! That's enough!" pagpapatahan niya habang hinahalik-halikan ang ulo nito."Lubayan mo na kami, pakiusap!" humihikbing sambit nito."No! I wont! I'm not letting you go, not this time!" madiin niyang sambit."Bakit ka pa nag
Malakas ang pagsigaw ni Leon mula sa labas ng silid, dalidali tulog na napatakbo si Vincent patungo dito, halos madapa pa siya sa pagmamadali patungo sa anak."What's wrong baby?" agad niyang tanong nang makita ito.Kasalukuyan itong nakaupo sa sahig walang tigil sa pagluha habang nasa gilid nito ang kapatid."Si kuya, nikukuha iyong robot ko!" sumbong nito sa kanya sabay yakap sa laruan nito.Napataas na lang siya ng kilay nang balingan ang nakangusong panganay."Hindi naman eh, nitouch ko lang eh!" pagtatanggol nito."Baby, tinouch lang pala ni kuya eh! Huwag ka na umiyak, diba big boy ka na," lambing niya dito.Dahan-dahan itong tumayo at lumapit sa kanya, inakap nito ang kanyang binti at isinubsob ang mukha doon habang sisinghot-singhot pa.Binuhat niya ito para tumahan na, agad naman itong umakap sa leeg niya ng maiangat niya ito. Agad naman tumakbo si Lucien sa kanya para magpakarga din, kaya pasalo niya na lang itong binuhat."Alis ka! Ayaw kitang katabi!" pagtutulak ni Leon sa
"Babe, it hurts!" malambing na saad ni Vincent habang pinapatungan ni Celina ang parteng iyon ng icepack.Nakahiga ito ngayon sa kuwarto niya dahil halos hindi ito makakilos kanina."Iayos mo kasi ang paghawak mo dito!" sita niya sa lalake."It hurts so much, I can't move, hold it for me please," malambing nitong pakiusap.Ganoon na nga lang ang ginawa niya, maingat niyang hinawakan ang ice pack sa pagkalalaki nito, iniiwas na madikit ang kamay niya dito."Uhn, that feels good babe!" medyo paungol na sambit ni Vincent."Umayos ka!" sita niya."What?" painosente nitong sambit."Vincent, ano ba!" agad siyang umusog palayo dito nang maramdamang hinahapit siya nito mula sa baywang."What? I just wanna cuddle," namamaos ang boses nito habang nanghihina sa pagbangon."Vincent isa!" tili niya nang bigla siya nito hatakin pahiga. Mabilis nitong ipinulupot ang mga kamay sa kanyang katawan."Babe! Matatamaan mo iyon injury ko!" nagmamakaawa sabi ni Vincent.Hindi kasi tumitigil si Celina sa pag
"Celina, hinahanap ka ni boss," tarantang saad ng isa sa mga kaopisina niya."Huh? Bakit daw?" taka niyang tanong."Hindi ko alam, pero sa tingin ko importante iyon," balisa pa din saad nito.Mabilis niyang tinungo ang opisina ng kanyang bagong manager, naabutan niya itong hindi magkandaugaga sa mga papel na pinipirmahan at pinagpapawisan."Mi...Miss Manuel pi..pinapatawag ka sa taas ni boss," takot na takot na saad ng lalake.Napakunot na lang siya ng noo, alam niyang wala naman katuturan kung pupunta siya doon."Pasensya na po, pakisabi na lang sa kanya madami akong ginagawa," walang kaabog-abog niyang sagot."Mi...Miss Manuel please, if you don't go, I'm going to lose my job," pagmamakaawa nito.Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi nito, hindi niya naman gustong maging dahilang muli ng pagkawala ng trabaho ng isa nanaman tao kaya nagtungo na lang siya sa opisina ni Vincent kahit labag sa loob niya.Nabalot ng pagtataka ang hitsura niya nang mapansin may mangilan-ngilan na tao
Masayang naglalaro ng buhangin si Celina at Lucien sa dalampasigan, pabalik-balik ang panganay niya sa dagat para kumuha ng tubig para sa kastilyong buhangin na ginagawa nila, habang masaya naman nagtatampisaw si Vincent at Leon sa mga alon ng dagat."Lina, pwede ng kumain" sabi ng ninang niya pagkakita sa kanila."Sige po ninang, tatawagin ko na po sila," sagot niya habang tumatayo at ipinapagpag ang buhangin na nagkalat sa kanyang paa.Tinungo niya ang mag-ama niya na tuwang-tuwang naglalaro sa tubig, habang patakbo naman nagtungo ang panganay niya sa mga ito, tumalon ito paakap sa paanan ni Vincent habang nilalaro nito ang kapatid ng bata."Daddy! Kain na daw!" masaya nitong pagpapaalam sa ama.Mabilis na nag-unahan ang magkapatid nang magsimulang maglakad ang ama nila, patakbo ang mga itong tumungo sa cottage, sumunod naman siya dito, pero napatigil siya ng mahabol siya ng asawa, mabilisan nitong ipinulupot ang kamay sa kanyang baywang sabay halik sa kanyang pisngi."Aren't you ha
"Celina, please open your eyes, please," pagmamakaawa niya habang humahabol sa kinalalagyan nito.Kasalukuyan itong itinatakbo papasok sa emergency room. Napatigil na lang siya nang biglang may humarang sa kanyang mga nurse."Sir, dito na lang po kayo, hindi po kayo pwede sa loob," saad sa kanya ng babaeng nurse."What do you mean? I'm her husband!" galit niyang sagot dito subalit hindi pa din siya pinadaan.Tuluyan ng nagwala si Vincent doon dahil sa pagpupumilit na pumasok ng emergency room. Natigil lang ito nang madama ang isang pamilyar na kamay sa balikat."Ijo, that's enough," mahinahong pag aawat nito sa kanya."Pero grandpa, si Celina! Iyong baby namin," humahagulgol niyang sambit dito habang mahigpit siya nitong inaakap."Don't worry, she's strong, just think positive" pagpapalakas loob ng kanyang lolo habang tinatapik ang kanyang likod..Ilang sandali lang ay huminahon na din siya, subalit hindi pa din mawala ang pangamba sa kanyang isip dahil sa kalagayan ni Celina, taimtim