Share

Regret

Author: Remnis Luz
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Grabe! Sana hinayaan mo na lang akong sapakin iyon." nanginginig na saad ni Lucy na halatang asar na asar pa din ng araw na iyon.

"Cy, alam mo naman na ayaw ko ng gulo" malungkot na sagot ni Celina.

"Ay, Oo nga pala, baka lalo ka lang apihin noon kapag wala ako sa tabi mo!" busangot na sagot ni Lucy. "Pero grabe! Ang yabang, tama ba naman daw parinigan tayo ng ganoon. Sarap lang sampalin." malakas na buga ni Lucy ng hininga sa ilong para magpakalma.

Napangiti na lang siya sa kaibigan. "Hayaan mo na, sanay na ako sa ugali niyang iyon," napabuntong hininga na lang si Celina nang maalala ang mga dinadanas dito araw-araw.

"Hay naku, kaya friend, once na grumaduate tayo at nakahanap ng trabaho, umalis ka na doon, share na lang tayo sa apartment, kahit ako na bahala sa rent ng bahay basta hati tayo sa bills." masayang yakap na lang ni Lucy sa kanya.

"Hindi ko yan tatanggihan Cy!" buong tuwang yakap na lang din ni Celina sa kaibigan. Iyon rin naman kasi ang isa sa mga plano niya kapag nakapagtapos.

Natigilan lang sila nang biglang nag-ring ang phone ni Lucy, mabilis ang naging pagkunot nito ng noo nang makita kung sino ang tumatawag.

"Oh, anong kailangan mo gunggong?" nanggagalaiting sagot nito. Naroon ang biglang pagtaas ng isang kilay ng kanyang kaibigan habang nakikinig.

"Bakit ako pa pupunta diyan! Kayo ang may kailangan, kayo ang pumunta dito!" pagtataray ni Lucy sa kausap.

Bigla itong tumigil at napabuntong hininga, matapos ng ilang saglit. Napahilot na lang ito sa ulo dahil sa matinding pagkakusot ng mukha.

"Heh! Sige na papunta na ako dyan!" sagot na lang ni Lucy sa kausap bago ibaba ang cellphone.

"Sino iyon?" tanong ni Celina.

"Si Luke, pinapapunta ako sa isang restaurant, emergency daw. Hay kaasar talaga!" gulo na lang ni Lucy sa buhok dahil sa inis.

Napapigil na lang ng tawa si Celina. "Puntahan mo na iyong kapatid mo, mauna na akong uuwi!" paalam niya sa kaibigan.

"Gusto ko sanang mag meryenda tayo doon sa bagong bukas na milk tea house, kainis talaga itong mokong na to," maktol na padyak ni Lucy habang nag aayos ng gamit.

"Dalian mo na, baka naghihintay na iyon sa iyo. Bukas na lang tayo kumain doon," natatawang sabi ni Celina.

"Sige na nga, pero bukas kakain tayo doon ah! Ingat sa pag uwi, umiwas sa mga maeereng tao at baka liparin ka, okay!" biro pa ni Lucy sabay taas ng kamay na tila nag-checheer sa kanya.

Napahagikgik na si Celina dito. "Wag ka mag alala, mabilis ako magtago." sagot niya pakapigil sa tawa.

Nagyakapan muna silang dalawa tulad ng palagi nilang ginagawa kapag naghihiwalay. Napagdesisyunan ni Celina ang umuwi na nang makalayo ang kaibigan.

Napahinto lang siya nang makita ang buy one take one na hamburger, medyo kumakalam na din kasi ang kanyang sikmura ng sandaling iyon kaya naman tinungo niya muna ang naturang estante.

Palapit na sana siya sa hamburger stand nang may bigla na lang humarang sa kanya. Nandoon ang sikip sa kanyang dibdib at pagkatuod nang makilala ito.

"Senyorito!" bulalas niya na lang.

Pinaningkitan lang siya ng binata, naroon nanaman ang pagbaling nito sa kanya mula ulo hanggang paa. "Diba dapat pauwi ka na, ano pang ginagawa mo dito?" maangas nitong tanong.

"Uhm, bibili lang po sana ako ng meryenda," pilit hinahon na sagot ni Celina.

Napalunok na lamang siya muli sabay yuko nang mas ipukol ng inata ang tingin sa kanyang mga mata, wala siyang nagawa kung hindi ang mapayuko para umiwas ng tingin.

"Uhm, sige po mauna na ako!" paalam ni Celina muli sa binata.

Akmang aalis na sana siya nang bigla nanaman itong humarang sa kanyang daraanan.

Napilitan na lang si Celina na tumingin muli dito na puno ng pagtataka. Pasimpleng niyang pinalibot ang mata sa paligid at nabatid na wala palang masyadong tao doon, kaya ganoon na lang ang kanyang kaba.

"Pauwi ka nanaman diba, dalhin mo na ito, may lakad pa kasi ako. Ingatan mo mga yan!" sapilitang pagbibigay sa kanya ng lalake ng ilang mga librong.

Napatulala na lamang si Celina habang pilit na iniaayos ang mga hawak dahil sa ubod ng kapal at bigat ng mga ito.

"Iwan mo na lang yan sa may sala," ngising saad pa ng binata na naglalakad na palayo.

Wala na siyang nagawa kung hindi bitbitin lahat ng iyon kahit hirap. Inilagay niya na lang ang iba sa bag niya para makarga ang lahat ng iyon ng maayos.

Matapos bumili ng burger ay matiyagang naghintay si Celina ng masasakyang jeep pauwi. Ilang minuto na din siyang nakatayo pero halos wala siyang masakyan dahil sa sikip ng mga sasakyan, nakadagdag pa sa hirap niya ang bitbit niyang mga libro.

Bahagyang napaatras na lang siya nang bigla na lang may kotseng tumigil sa harapan niya. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita ang mukha ng nagmamaneho pakababa ng bintana nito.

"Celina! kanina ka pa diyan ah! Hatid na kita!" Ngiting tango ni Luke.

"Naku Luke, hindi na, nakakahiya naman. Ayos lang ako!" ngiting tanggi niya na lang sa lalake.

Kahit naman kasi kapatid ito ng kaibigan niya ay halos kakikilala niya pa lang dito para abalahin pa ito.

"Bakit kay Lucy sumasabay ka? Parehas din naman tayo ng daan kaya ok lang." saad ni Luke muli na ngumunguso pa.

Napangiti na lang si Celina sa ginawa nito, tila nakadama siya ng konsensya sa pagtanggi. "Sige, pero sa kanto mo na lang ako ibaba, doon kasi ako binababa ni Lucy," saad niya na lang matapos ang ilang saglit ng pag iisip.

"No problemo!" masayang sagot na lang ni Luke bago bumaba sa kotse nito para alalayan siya papasok.

Habang nagbiyabiyahe ay todo ang kuwentuhan nilang dalawa, kahit papaano ay mas nakilala niya pa ng mabuti ang binata. Kay naman nakagaanan na rin niya ito ng loob, dala na din siguro sa kadahilanang kambal ito ng best friend niya.

Doon napagtanto ni Celina na likas na talaga itong mapagbiro. Dito niya rin napag-alaman na kasabayan lang nito si senyorito Vincent sa pagpasok sa varsity team nila kaya naman madalas magkasama ang dalawa.

"Kaninong mga libro iyan, bakit ang dami?" pansin ni Luke sa mga dala niya.

Inisa-isa pa nitong silipin ang mga iyon nang mahinto sila sa stop light.

"Sa kaibigan ko, mag rereviewe daw kasi siya," pag-sisinungaling na lang ni Celina. Natatakot kasi siya na baka kung ano ang isipin ni Luke kapag nalaman kung kanino iyon galing.

"Ahhh, bakit ang dami? Babasahin niya ba yan lahat?" natatawang tanong ulit ni Luke.

"Siguro," tipid na sagot na lang ni Celina.

"Patingin nga ng isa!" walang pasabing kinuha na lang ni Luke ang isa sa mga libro.

Takang takang tinitigan ng binata ang mga mga nilalaman noon, nang tila hindi makuntento ay sinilip pa nito ang isa.

"Sure kang pangreview ito, bakit sa iba-ibang course? Tsaka sa library ito galing ah!" puna ni Luke sa mga aklat.

"Hindi ko din alam, pinapaki lang kasi sa akin!" pilit ngiti na lang ni Celina, hindi niya na matanggal ang pagkailang dahil sa pagsisinungaling.

"Ang tindi naman ng kaibigan mong iyon, ang bigat kaya ng mga iyan." ngiwi na lang ni Luke habang pinapakiramdaman ang timbang ng mga ito.

"Ayos lang kaya ko naman!" sagot na lang ni Celina bago kunin ang mga gamit.

Upang hindi na makapagtanong si Luke ay iniba niya na agad ang usapan at pilit na iniwas ang tungkol sa mga libro. Kaya naman masaya ito hanggang sa makarating sila sa harap ng village kung saan siya bababa. Kahit na gusto nitong ihatid siya hanggang bahay ay minarapat niya na lang na tanggihan. Sigurado niya kasing nakakaabala na siya sa binata.

Nagdahilan na lang muli si Celina dito, laking pasalamat niya naman at tila naintindihan naman siya ni Luke at hindi na nangulit pa.

Pagdating sa bahay ay tumuloy na si Celina sa may sala para iwan ang mga libro, tulad ng utos ni senyorito Vincent, pero laking gulat niya nang makita itong nakaupo sa sofa at kunot na kunot nanaman ang noo.

"Akala ko po may lakad kayo?" takang tanong ni Celina.

Mabilis nagsalubong ang kilay nito sa kanya habang papatayo. "It got cancelled. Ikaw, bakit ngayon ka lang? Ive been here for an hour." tiim bagang nitong saad.

Napayuko na lamang si Celina habang ibinababa ang mga dalang libro sa harap nito. "Nahirapan po kasi akong makasakay," pilit hinahon niyang sagot, kahit tila nagririgudon na ang kanyang pakiramdam.

"Ikuha mo na nga lang ako ng meryenda sa kusina!" inis na utos nito sa kanya bag maupo muli.

"Sige po" tumango na lamang si Celina dito bago dali-daling umalis doon.

Iniwan niya muna ang bag niya sa kwarto nila at nagpalit ng pambahay bago pumunta ng kusina para ipaghanda ng meryenda ang binata. Hindi niya na ginulo pa ang ibang kasambahay dahil halatang abala ang mga ito sa kanya-kanyang gawain.

"Senyorito, heto na po meryenda niyo." lapag na lang ni Celina ng ginawang mga sandwiches sa may coffee table sa tabi nito.

"Why the fuck are you so slow! Ibalik mo na lang iyan sa kusina, nawalan na ako ng gana!" maktol nito sabay alis.

"Pasensya na po," buntong hiningang sagot na lang ni Celina kahit nakalayo na ito.

Iniligpit niya na lang ang inihanda at nagtuloy na sa kwarto nila, napaisip nanaman tuloy siya sa inaasal ng binata.

"Ano nanaman bang nagawa ko?" bulong niya na lang sarili bago isubsob ang mukha sa unan.

Kaugnay na kabanata

  • I'm a slave for you   I'll make you

    Sa tagal na din ng pananatili ni Celina sa manyson ay nasasanay na siya sa pagiging bugnutin ni senyorito Vincent, kahit na halos araw araw ito may kakaibang iuutos. Kadalasan mag-papauwi ng libro, pakatapos sa kanya din ipapasauli, pag-asa bahay naman mag papaluto o pahanda ng pagkain pero di din naman papansin pagkatapos, pero ang pinaka malala pa lang naman ay ang bigla siyang pauuwiin nito kahit nasa school para lang kunin iyong mga libro na ipapasauli nito sa library.Ngayon naman heto siya naghihintay sa isang tagong parte ng school, ayaw kasi ni Vincent na may makakita sa kanila.Dala dala ni Celina ang project nito na hindi mo sigurado kung project nga ba, nakalagay lang ito sa isang kahon na malaki, nakaplaster lang at ang bigat-bigat pa.Tiningnan niya ang relo niya, halos isang oras na din siyan

  • I'm a slave for you   Challenges and patience

    "Miss are you okay?" tanong ng binata habang inialalayan ang kanyang pagtayo.Doon nakahinga ng maluwag si Celina, mabilis siyang umayos upang ipagpag ang palda bago paulit-ulit na nagyuko dito. "Ayos lang, sorry!""Celina?" Nakangiti ngunit napapakunot noong sambit ng lalake.Doon nag angat ng tingin si Celina, napangiti na siya nang makilala ang naturang binata."Luke! Ikaw pala yan," masaya niyang bati.Napahalakhak naman ang binata habang sinasapo ang batok. "Bakit tumatakbo ka dito?""Malalate na kasi ako!" pigil tawang sagot na lang ni Celina.Nakahinga siya ng maluwag dahil halatang hindi ito nasaktan at kakilala niya pa ang nakabangga."Pare, ipakilala mo naman kami!" biglang singit ng isa pang lalake.Doon lang napansin ni Celina ang dalawa pang kasama ni Luke sa likod nito.Mabilis kumusot ang mukha ng binata habang hinaharap ang dalawa. "Wag na uy!" Harang ni Luke sa mga ito nang makitang palapit na.Pero nagawa pa rin itong malagpasan ng isa sa mga kasama. Mabilis ang nagi

  • I'm a slave for you   Envy

    Napansin ni Vincent na medyo nagiging masiyahin si Celina nitong mga nakaraang linggo. Kaya ganoon na lang ang lalong pagkulo ng kanyang dugo dito.Ayaw niya talaga sa mga katulad ni Celina, sigurado niyang may itinatago ang nangungusap nitong mga mata at kaakit-akit na ngiti, hindi niya nga lang masigurado ngayon kung ano iyon.Ang hindi katiyakang iyon ang dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng kaunting konsensya sa mga pinapagawa kahit nananaig ang galit at inis niya sa dalaga.Napatingin si Vincent sa kanyang relo, halos kalahating oras na din mula nang tumawag siya dito upang ipahatid ang mga iniwan niyang gamit sa bahay.Sakto naman ang paglitaw nito sa kanyang paningin nang mag-angat na siyang muli ng mukha. hindi niya mapigilang mapangisi nang mapansin ang tila pagkakapos nito ng hininga sa bigat ng mga dala. Nang makalapit na ito ay tsaka naman palit ng seryoso niyang mukha."Bakit ngayon ka lang, kanina pa ako nandito!" sabi niya na medyo pikon ang tono."Pasensya na senyor

  • I'm a slave for you   Envious

    "Cel, I need help!" ito ang mga katagang narinig ni Celina pagkasagot sa cellphone niya. Mukhang may suliranin si Lucy base sa tinig nito."Problema mo Cy?" tanong niya dito."Ayaw ko pag-usapan sa phone, pasok ka ng maaga please," paglalambing nito."Sige kita na lang tayo sa school, mag bibihis na ako," ngiting sagot niya.Hindi niya kayang tanggihan ang bestfriend niya lalo pa at mukhang kinakailangan siya nito."Yey! Love you Cel, mwamwa," sabi nito bago ibaba ang tawag.Pagkatapos magbihis ay nagtungo na si Celina sa school. Habang naglalakad sa corridor papunta sa canteen, napansin niya na parang nagbubulungan ang ilang estudyanteng nakatingin sa kanya.Hindi niya na lang ito pinansin dahil sa pagmamadali, pero ikanagulat niya nang bigla na lang may bumato sa kanya ng kung ano.Dali-dali siyang lumingon para tingnan kung saan ito nanggaling pero hindi niya malaman kung sino ang gumawa dahil parang nagkaroon ng kanya-kanyang mundo ang mga tao sa paligid.Tiningnan niya kung ano i

  • I'm a slave for you   A little bit about you and me

    Naalimpungatan si Celina ng gabing iyon, kumikirot kasi ang ilang tama niya katawan niya kaya naman hindi niya mainda ang sakit.Naisipan niyang iinom iyon ng gamot kaya naman bumangon na siya sa kinahihigaan. Marahan niyang kinuha ang pitsel sa lamesa, sa tabi ng kama upang magsalin ng tubig sa kanyang baso, pero wala na pala itong laman.Hindi niya na ginising ang kanyang ninang dahil ayaw niya din naman abalahin pa ito. kaya naman napilitan siyang lumabas ng kuwarto nila para kumuha ng tubig sa kusina.Madilim na ang lugar pero kahit papaano ay may nakikita naman siya dahil sa ilaw na nanggagaling mula sa labas ng bintana.Dahan-dahan ang paglakad niya papunta sa refrigerator, medyo iika-ika pa dahil na din sa bugbog ang isang hita.Matapos makapaglagay ng tubig sa dala niyang baso ay inilabas niya na ang gamot sa kanyang bulsa, medyo nanggigil pa siya sa pagbukas ng foil dahil hindi niya ito mapunit.Nanginginig pa siya sa pagkain sa tableta dahil sa pananakit ng kanyang braso, ma

  • I'm a slave for you   Body guard

    Inabot ng dalawang araw ang pagpapagaling ni Celina dahil sa mga bugbog na inabot niya,kaya naman excited siya sa pagpasok ngayon.Na mimiss niya na din kasi ang mga kaibigan dahil sa tagal ng panahon na hindi sila nagkikita, gusto nga sana siyang bisitahin ng mga ito, pero nakiusap siyang huwag na lang dahil nahihiya siya at baka masita pa sila dahil na din sa nakikitira lang siya doon.Tiningnan niya muna ang kanyang bag para makasiguradong wala siyang nakalimutan, nang makasigurado ay madalian siyang humarap sa salamin para tingnan ang sarili bago dali-daling lumabas ng kwarto"Ninang aalis na po ako.""Sige Lina, ingat sa pag pasok!" paalala ng ninang niya."Opo."Masaya siyang lumabas ng bahay, mabilis pa ang kanyang mga hakbang, halatang excited na pumasok."Ano bang ginagawa mo at ang tagal tagal mo?" sita ng isang malalim at irritableng boses.Napatigil siya bigla ng marining ang boses na iyon, dahan dahan siyang tumingin sa pinanggalingan nito at laking gulat niya nang makit

  • I'm a slave for you   Sweet

    Huminto sila sa isang napakalaking parke, puno ng iba’t-ibang disenyo ang harapan nito at napakaraming tao sa paligid. Mula sa kinalalagyan nila ay naaninag na ni Celina ang isang malaking roller coaster at Ferris wheel.Manghang-mangha niyang pinalilibot ang tingin sa paligid, pinagmamasdan ang ganda at laki ng lugar habang nakasunod kay Vincent. Mas lalo pa siyang napuno ng tuwa nang makita niyang bumibili ang binata ng ticket para dito."Tara na, baka gabihin pa tayo." Tuwid ang mukha ng binata habang iniaabo sa kanya ang binili nito.Walang pag-aalinlangan niya na iyong inabot at dali-daling sumunod muli sa lalake. Halos napayakap na siya sa sarili nang makapasok sila, bakas na bakas ang tamis ng kanyang ngiti at ang kakaibang ningning sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang malaking nakasulat sa daanan nila na "Star City."Ito ang unang beses niyang nakapunta sa ganitong lugar, madalas ay naririnig niya lamang o napapanood ito mula sa mga patalastas noon sa telebisyon. Pero

  • I'm a slave for you   Dream

    Litong-lito na naman si Celina sa inaasal ni Vincent, akala niya sanay na siya dito pero nitong nakaraan ay parang nag-iba nanaman ito.Napapaisip na lang tuloy siya kung nagalit ba ito dahil sa ginawa niyang pagpipigil sa gusto ng binata nang pababa na sila sa sasakyan nito, pero masyado talaga siyang nagulat doon. Batid niyang normal na kay Vincent ang ganoon kaya nagawa iyon. Ngunit tila nagdulot ng kung anong bagay iyon sa kanyang pakiramdam, lalo pa at tila naukit na sa kanyang isipan ang kakaibang init at tamis ng ginawa nito na siyang nagdudulot ng kakatwang tuwa at kiliti sa kanyang pakiramdam.Lahat ng iyon ay nangyari isang buwan na ang nakakaraan, noon sinama siya nito sa amusement park, nang mga panahong iyon akala niya magiging maayos na ang pakikitungo nila sa isa't-isa ngunit kinabukasan din ay balik nanaman ito sa dati.Pero kahit papaano ay sinasabay pa din naman siya nito sa pag-pasok kapag may pagkakataon at madalang na din itong mag-utos ng kung ano-ano.Hindi siya

Pinakabagong kabanata

  • I'm a slave for you   The Finale

    Maagang nagising si Vincent ng araw na iyon, gusto niya ipaghanda ng almusal ang asawa kaya nag isip siya ng maari niyang ihanda.Tiningnan niya ang loob ng ref, kinuha niya ang hotdog, tocino at itlog, inihanda niya na din ang pancake mix."Oh! Senyorito, ang aga niyo pong nagising," bati sa kanya ni manang Isme.Halatang nagulat ito sa kanya dahil nasa kusina siya ng ganoon oras."Goodmorning po ninang!" nakangiti niyang saad dito habang hinahalo ang pancake mix."Ako na lang gagawa niyan." Abot nito sa bowl.Pero inilayo niya kaagad ang inihahalo bago pa man ito mahawakan ni manang Isme."I want to prepare breakfast for Celina today."Napansin ni manang Isme ang kislap sa mga mata ni Vincent kaya nginitian na lang din siya nito."Sige ho, aayusin ko na lang muna ho iyong mga labahin," pagpapaalam nito bago pumunta sa likod bahay.Isang malakas na kalabog ang biglang nagpa-alisto sa kanya, agad-agad siyang tumakbo sa pinagmulan nito at nadatnan niya ang bunso niya na nakakunot ang no

  • I'm a slave for you   The past (Vincent’s story)

    Nagulat si Vincent nang may datnan bisita sa may sala pakauwi niya mula sa eskwelahan."Hi, good afternoon," ngiting bati ng babae sa kanya.Napakunot na lang siya ng noo dito."who're you?" may tono ng angas ang pakasabi niya noon.Pinagmasdan niya ang babaeng naka brown na pencil skirt at coat. Medyo nagmukha lang itong matured dahil sa pagkaka-bun ng buhok at pagsusuot ng salamin, pero tantsa niya na ilang taon lang ang tanda nito sa kanya."Hi, I'm Cecille. You're Vincent right?" magiliw nitong sambit sabay tayo upang makipagkamay sa kanya.Inabot na lamang niya ang iniaalok nitong kamay, hindi niya kilala ang babae pero maaaring isa nanaman ito sa mga pakana ng daddy niya para makuha ang gusto nito."I'm going to be your new tutor," pagpapaalam nito.Doon na kumunot ang noo ni Vincent."Who the hell told you I need a tutor!" hindi niya mapigilang maasar dito."I did!" biglang pasok ng daddy niya. "Your grades have been failing Vincent! And I think Cecille here well be of help to yo

  • I'm a slave for you   Forgiving

    Naburang parang bula ang mga agam-agam ni Celina, wala na ang sama ng loob na matagal ng nagpapahirap sa kanya, maikukumpara siya ngayon sa isang ibong nakawala sa hawla."Lucien! Come back here!" alingawngaw ng boses ni Vincent mula sa labas.Nakita na lang niyang tumatakbo ang panganay nila na walang pang-itaas, kunot na kunot ang noo at nakabusangot pa."No! I don't want to wear that" galit na balik ng bata sa ama.Ilang sandali lang ay nakita niyang humahabol na si Vincent dito, dala-dala ang ilang polo ng bata, napansin niyang hinahanap nito kung saan nagtungo ang anak nila, subalit siya ang nabalingan ng mga mata nito. Agad na lang itong tumungo sa kanya."Babe, where did he go?" Namamaluktot na ang labi ni Vincent at humahangos pa habang sinilipang ilang mga pwedeng taguan nito sa silid.Kita niya ang pagod sa mukha ng asawa, ito na kasi ang nagprisinta na mag alaga sa mga bata simula nang magkaayos sila dahil ayaw nitong napapagod siya. Kukuha sana ito ng yaya para sa mga bata

  • I'm a slave for you   Forgiveness

    (FLASHBACK)Medyo kumalma na siya nang siguraduhin ni Celina na ayos lang ito, biglang nag-ring ang kanayng cellphone, medyo nakakaramdam na siya ng pagkairita nang makitang si Nina nanaman ang tumatawag, nakakailang tawag na ito sa kanya kung kaya naman tila nauubos na ang pasensya niya dito. Dali-dali na lang niya itong sinagot upang alamin kung ano nanaman ang kailangan."What!" inis niyang sagot."Vincent naman, please. Kailangan ko talaga ng model ngayon. Promise, hindi na ko ulit hihingi ng favor sa iyo!" pagmamakaawa nito."What. No! I told you ," Napapakiskis ngipin niyang saad.Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla nanaman itong nagsalita."Let's make a deal! If you do this one favor for me, I promise you, tutulungan kita with your proposal sa mga Valtimore," pang eenganyo nito sa kanya.Napaisip siya bigla sa sinabi ng babae, malaking bagay ang inaalok nito sa kadahilanan kailangan niya ang tulong ng mga Valtimore para sa kanyang plano, subalit nag-aalala siya sa k

  • I'm a slave for you   Freedom

    Hindi mapigilan ni Celina ang umiyak habang pinagmamasdan si Vincent at Lucien, nahihirapan siyang makitang nasasaktan ang mga anak, pero bumalik sa kanya lahat ng masamang alaala ng nakaraan ng sugudin siya ni Nina.Kahit hindi niya ginusto ay hindi niya napigilan ang sarili na ilabas ang lahat ng sama ng loob kay Vincent, lalo na at hindi nito nagawa ang ipinangako sa kanya na wala ng mangyayaring masama sa kanila.Isa lang naman ang naiisip niyang dahilan kung bakit siya sinugod ni Nina, iyon ay dahil may namamagitan pa din sa dalawa hanggang ngayon. Alam niya naman na ito ang nauna kay Vincent at pangalawa lang siya.Nandoon din ang katotohanan na binabalikan pa din ito ni Vincent noon, kahit na ibinibigay niya dito ang lahat.Pakiramdam niya hindi siya sapat para kay Vincent, kaya naisip niya na hindi malayong ganoon pa din ang ginagawa ng dalawa hanggang ngayon. Napagtanto niya iyon dahil na din sa nakita nilang tagpo noon nakaraan sa hotel na malapit sa mall nang mahuli ang dal

  • I'm a slave for you   His downfall

    Todo pagpapahinahon ang ginagawa ngayon ni Vincent sa kanyang sarili, pansin niya na wala sa tamang pag iisip si Nina ngayon, kaya kailangan niyang masiguradong ligtas si Lucien bago gumawa ng kahit anong hakbang.Seryoso at puno ng awtoridad ang tindig ni Vincent nang magsimula siyang maglakad patungo sa condo ni Nina, tatlong katok ang ginawa niya sa pintuan nito, ilang sandali lang at nadinig niya na sa kabila ang mga nagmamadaling yabag ng babae."Vincent, kanina pa kita hinihintay," masaya nitong bati.Kita niya ang abot tenga nitong ngiti sa kanya, kahit na ganoon ay galit lang ang nadadama niya para dito ngayon, ikinuyom niya na lang ang palad para kontrolin ang sarili.Walang alin-langan pumasok si Vincent sa loob, subalit alerto siya sa kilos ng babae. "Where's my son?" walang emosyon ang tono niya nang magsalita."He's in the room," sagot nito sabay turo sa naturang silid.Mabilis pa sa alas kuwatro na tinungo niya ang kuwarto nito, nadatnan niya ang tulog na tulog na si Luc

  • I'm a slave for you   A sprinkle of good news with a pinch of bad news

    "Celina, please open your eyes, please," pagmamakaawa niya habang humahabol sa kinalalagyan nito.Kasalukuyan itong itinatakbo papasok sa emergency room. Napatigil na lang siya nang biglang may humarang sa kanyang mga nurse."Sir, dito na lang po kayo, hindi po kayo pwede sa loob," saad sa kanya ng babaeng nurse."What do you mean? I'm her husband!" galit niyang sagot dito subalit hindi pa din siya pinadaan.Tuluyan ng nagwala si Vincent doon dahil sa pagpupumilit na pumasok ng emergency room. Natigil lang ito nang madama ang isang pamilyar na kamay sa balikat."Ijo, that's enough," mahinahong pag aawat nito sa kanya."Pero grandpa, si Celina! Iyong baby namin," humahagulgol niyang sambit dito habang mahigpit siya nitong inaakap."Don't worry, she's strong, just think positive" pagpapalakas loob ng kanyang lolo habang tinatapik ang kanyang likod..Ilang sandali lang ay huminahon na din siya, subalit hindi pa din mawala ang pangamba sa kanyang isip dahil sa kalagayan ni Celina, taimtim

  • I'm a slave for you   Maturity and a dash of karma

    Masayang naglalaro ng buhangin si Celina at Lucien sa dalampasigan, pabalik-balik ang panganay niya sa dagat para kumuha ng tubig para sa kastilyong buhangin na ginagawa nila, habang masaya naman nagtatampisaw si Vincent at Leon sa mga alon ng dagat."Lina, pwede ng kumain" sabi ng ninang niya pagkakita sa kanila."Sige po ninang, tatawagin ko na po sila," sagot niya habang tumatayo at ipinapagpag ang buhangin na nagkalat sa kanyang paa.Tinungo niya ang mag-ama niya na tuwang-tuwang naglalaro sa tubig, habang patakbo naman nagtungo ang panganay niya sa mga ito, tumalon ito paakap sa paanan ni Vincent habang nilalaro nito ang kapatid ng bata."Daddy! Kain na daw!" masaya nitong pagpapaalam sa ama.Mabilis na nag-unahan ang magkapatid nang magsimulang maglakad ang ama nila, patakbo ang mga itong tumungo sa cottage, sumunod naman siya dito, pero napatigil siya ng mahabol siya ng asawa, mabilisan nitong ipinulupot ang kamay sa kanyang baywang sabay halik sa kanyang pisngi."Aren't you ha

  • I'm a slave for you   Legally his

    "Celina, hinahanap ka ni boss," tarantang saad ng isa sa mga kaopisina niya."Huh? Bakit daw?" taka niyang tanong."Hindi ko alam, pero sa tingin ko importante iyon," balisa pa din saad nito.Mabilis niyang tinungo ang opisina ng kanyang bagong manager, naabutan niya itong hindi magkandaugaga sa mga papel na pinipirmahan at pinagpapawisan."Mi...Miss Manuel pi..pinapatawag ka sa taas ni boss," takot na takot na saad ng lalake.Napakunot na lang siya ng noo, alam niyang wala naman katuturan kung pupunta siya doon."Pasensya na po, pakisabi na lang sa kanya madami akong ginagawa," walang kaabog-abog niyang sagot."Mi...Miss Manuel please, if you don't go, I'm going to lose my job," pagmamakaawa nito.Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi nito, hindi niya naman gustong maging dahilang muli ng pagkawala ng trabaho ng isa nanaman tao kaya nagtungo na lang siya sa opisina ni Vincent kahit labag sa loob niya.Nabalot ng pagtataka ang hitsura niya nang mapansin may mangilan-ngilan na tao

DMCA.com Protection Status