Matagal bago naialis ni Celina sa kanyang isipan ang eksenang nakita. Nabura iyon dahil sa pagpupukol niya ng atensyon sa mga gawain sa manyson.
Abala ang lahat sa trabaho dahil sa pag-uwi ng anak ng amo ng kanyang ninang. Kaya tumulong na siya sa ninang sa paghuhugas ng pinagkaianan ng hapunan ng mga ito.
"Oh Lina, pagkatapos mong punasan iyan mga plato, ilagay mo na lang sa cabinet at ako naman ay magpapakain lang ng mga aso," habilin ni ninang Isme na palabas na dala ang isang malaking bag ng dog food.
"Sige po ninang, ako na po bahala sa mga ito," paniniguro ni Celina na nagbabanlaw na lamang.
Pagkalabas ng ninang niya ay siya namang pasok ni Melinda sa loob ng kusina; agad nitong binuksan ang two door refrigerator para kunin ang dessert ng mga amo.
"Lina patulong naman dito o!" tawag na lang ni Melinda habang itinuturo ang ilang maliliit na platito at kutsara dahil sa hirap itong dalhin ang malaking bowl ng fruit salad na kinuha.
Agad nagpagpag si Celina ng kamay pagkatapos ay nagpunas sa suot na apron bago kunin ang mga naturang kagamitan.
Patakbo na lang siyang sumunod dala ang mga ito para ilabas sa dining area, nadatnan nilang nagkuwekuwentuhan ang mga amo, kasama nito ang isang lalakeng hindi mawari kung nasa edad na kuarenta o trenta dahil sa kaakit akit at matipunong hitsura.
Tumulong na lang din si Celina sa paglalagay ng mga platito para mapabilis ang trabaho ni Melinda.
"So, how was your vacation iho?" tanong ni Senyor Leo sa anak nito.
"It was ok Papa, the hacienda’s doing great and I think magiging maganda ang harvest this year." masayang sagot nito.
"That's good," tuwang-tuwang saad naman ni senyor Leo.
Hindi napigilan ni Celina ang maulinigan ang usapan dahil na rin sa tumulong siya sa paghahain ng pang himagas ng mga ito.
Akmang susunod na siya kay ate Melinda pabalik sa kusina matapos salukan ng panghimagas ang mga platito nang biglang magpapansin sa kanya ang senyora.
"Lina come here." Senyas nito para lumapit siya.
"Sige na Lina, ibabalik ko lang itong pagkain sa ref," tudyo ni ate Melinda nang maestatwa nanaman siya sa kinatatayuan.
"Bakit po senyora?" Mabilis na tango ni Celina pakapunta sa tabi nito.
"Leandro have you met Celina?" Papansin ng senyora sa anak.
Taas kilay na napatingin naman ang lalake kay Celina na para bang inaalala kung sino siya.
"I didn't know we had a new maid," sagot na lang ni sir Leandro.
"Oh no iho! She's not a maid, she's Isme's godchild!" natatawang saad ni senyora Abigail. "Kasama na niya dito ang ninang niya since inampon na siya ni Isme. I remembered you wanted to compliment the person who made the soup this morning, well here she is!" may pagmamalaking pakilala ng matandang babae.
Napaayos na lang si sir Leandro ng tingin sa kanya matapos ang nadinig. "Oh, sorry. I thought bago siyang maid since she's been doing some chores here." Hiyang pigil na lang nito ng tawa. "Well, anyway, sabi nga ni mama I wanted to compliment the cook this morning, napakasarap noong niluto mo," pagpuri nito sa kanya.
Naroon ang matamis nitong ngiti habang sinasabi iyon kaya naman hindi napigilan ni Celina ang pag-iinit ng pisngi at tila panliliit sa hiya.
"Naku! Salamat ho senyor Leandro," napapayukong sagot niya na lamang.
"So basically, si Isme ang nagpapaaral sa iyo?" tanong ni sir Leandro na napahawak na lang sa baba sa pag-uusisa.
"Opo! Si ninang po ang nagbibigay ng baon ko, naka full scholarship naman po ako kaya wala po kaming problema sa tuition," buong galang na sagot ni Celina.
"Wow! That's great." Tango na lang ni sir Leandro. "But, I think it would be appropriate; if we will be the one's who would take care of your allowance, since tumutulong ka na din naman dito sa bahay. And I know na hindi ka maid ditto, so technically wala kang sinusweldo sa ginagawa mo" paliwanag nito sa nais.
Natahimik si Celina sa pagkatuliro, hindi niya mapigilan ang galak na nadarama niya pero nandoon din ang konsensya.
Napakalaking bagay na kasi ang pagpayag ng mga ito sa pagpapatira sa kanya doon. Pero hindi niya rin maialis sa isip ang ginhawang maidudulot ng iminumungkahi ni sir Leandro para sa kanyang ninang.
Kung tatanggapin niya kasi iyon, kahit papaano ay hindi na siya masyado magiging pabigat, maliban doon ay wala siyang proproblemahin sa baon, subalit naroon rin ang bulong ng kanyang isipan na baka sumusobra na siya.
"Naku Senyor! Wag na po, nakakahiya na ho sa inyo! Nakikitira lang naman ho ako dito, kaya tama lang po na tumulong ako sa gawaing bahay," magalang na pagtanggi na lang ni Celina dahil sa pangingibabaw ng dikta ng kanyang konsensya.
"Nonsense iha, consider this as part of your scholarship, and I don't like taking no for an answer," madiin na saad ni sir Leandro.
Natahimik muli si Celina, hindi niya nais kontrahin ang sinabi ng lalake, pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang hiya dahil na rin sa laki na ng utang ng loob.
"Don't worry about it Iha, just accept the offer, don't think about anything else okay!" maarugang haplos na lang ni senyora Abigail sa braso niya bilang paninigurado.
Hindi magkamayaw sa galak ang pakiramdam ni Celina, pinipigilang niya ngayon mapaiyak dahil sa biyayang ipinagkaloob ng mga ito.
"Maraming, maraming salamat po, senyor Leandro, senyor Leo, senyora Abigail. Tatanawin ko po itong malaking utang ng loob!" paulit-ulit na yuko niya na lang sa mga ito.
Panaka-naka na ang pagpunas niya sa mata dahil sa halos naluluha na siya sobrang tuwa.
"Like I said iha, no need to think about it! Sige na, bumalik ka na sa kuwarto niyo at iwan mo na sina Melinda sa kusina, hindi magandang nagpupuyat kapag may pasok." nakangiting sabi ng senyora.
Tumango na lang muli si Celina, matapos magpaalam ay bumalik na siya sa kusina.
Itinuloy niya na muna ang pagliligpit sa mga naiwang hugasin, ang mga ganoong gawain lang kasi ang nakikita niyang pwedeng gawin bilang sukli sa kabutihan ng mga nandoon. Abala na rin kasi ang ibang mga katulong sa paghahanda para bukas.
"Manang Isme, may fruit salad pa ba?" biglang tanong ng isang malalim na boses ng lalake pakapasok sa kusina.
Nabatid ni Celina na marahil ito ang sinasabing apo ng mga amo doon na nadinig niyang nakauwi na rin kanina lang.
"Uhm, nandito po sa refrigerator sir," buong galang na sagot niya sabay punta doon para kunin ang bowl ng fruit salad.
Maingat niyang inilapag ang pagkain sa may counter, pero nagtaka na lang siya ng tila manatili itong nakatayo at nakatingin lang sa kanya.
Literal na napanganga si Celina nang mag-angat ng tingin sa binata, sa sobrang pag-kagulat ay halos mapasigaw siya; buti na lang at natakpan niya ang bibig ng kanyang dalawang kamay kung hindi ay tuluyang umalingawngaw ang tili niya sa kusina.
Lahat ng naburang alaala niya ng mga pangyayari sa C.R. ng eskwelahan nila ay parang kidlat na bumalik.
Nakasisiguro siyang ito ang binata naabutan niya sa restroom, kahit nakasuot ito ng sando at shorts ay nakatatak na sa kanyang isipan ang matikas nitong mukha.
"What the hell are you doing here!" matalim na tanong ng naturang lalake habang kunot na kunot ang noo. Nakakuyom na ang isang palad nito na tila naghahanda na siyang sugudin.
Masyadong nagulantang si Celina para makasagot, sa isip isip niya 'Bakit nandito ang lalaking ito!' lalo pa siyang natameme habang tulala dahil sa nakakalusaw nitong mga tingin.
"Sino ka, at anong ginagawa mo dito sa bahay namin!" medyo pasigaw ng tanong ng binatilyo nang magsimula ng lumapit sa kanya; mabigat ang bawat yabag ng paa nito.
Napapaatras tuloy si Celina dahil sa takot, kinakabahan sa maaring gawin ng lalake sa kanya.
Sakto naman dating ni Melinda sa kusina nang makailang dipa na lang ang layo ng lalake kay Celina. Kita nito ang galit na galit na hitsura ng binatang amo, kaya napatakbo na lang ang katulong sa kanyang tabi nang mapansin ang matinding takot ni Celina dahil na rin sa pamumutla.
"Ay! Siya nga pala senyorito, siya po si Lina. Inaanak po ni manang Isme!" Pagitna kaagad ni ate Melinda sa kanila. Napalunok na lang ito ng balingan ng binatang amo.
Lalong napakunot ng noo ang lalake. Naroon ang pagpapabalik-balik ng matalim nitong tingin sa kanilang dalawa kaya naman hindi niya mapigilan ang mamawis ng malamig.
"So, Anong ginagawa niya dito?" galit nitong tanong.
"Ah! kasi po, pinayagan ng lolo't, lola mo na dito na lang siya manirahan; kaysa naman umupa si manang Isme, alam niyo naman po kung gaano ka-importante dito sa bahay si manang," halos utal na paliwanag ni Melinda na napakapit na lang din kay Celina.
Medyo huminahon ng kaunti ang hitsura ng binata, pero halata pa rin ang init ng ulo nito habang pinaninigkitan sila ng mata.
"If that's the case, gaano na siya katagal dito?" muling tanong nito na hindi pa rin nagbabago ang lalim ng boses.
"Mag dadalawang buwan na po!" utal na sagot ni Celina. Dama na rin niya kasi ang panlalamig ng mga palad ni ate Melinda sa panlilisik ng mata ng lalake, kaya naglakas loob na siyang sumagot.
"Tsk," iyon lang ang sagot ng lalake bago umatras papunta sa may lamesa.
"Lina. Siya ng pala si senyorito Vincent, anak ni senyor Leandro," bulong na pagbibigay alam ni Melinda pakatalikod nito.
Matalim pa din ang titig ni senyorito Vincent nang muling humarap sa kanila, humalukipkip na ito na wari'y pinag aaralan si Celina. Napatuwid silang muli ni ate Melinda, walang makapagsalita at pasimple lang ang tingin nagagawa nila sa isa't isa para iwasan ang titig nito.
"Uhm, sige ho sir, aalis na po kami, magtatapon pa po kami ng basura." palusot na lang ni ate Melinda.
Magkahawak kamay na lumakad silang dalawa paalis sa kusina, pero bago pa man malagpasan ni Celina ang binate ay hinawakan siya nito sa braso dahilan para magtaasan ang lahat ng kanyang balahibo, nandoon ang kaba at lalong pagbilis ng tibok ng kanyang puso dahil sa higpit noon.
"Se...Senyorito?" medyo utal na tanong ni Celina.
Sandali silang nagkatitigan ng lalake pero agad din siyang naglihis ng tingin dahil sa tila pagkapaso sa mga tingin nito; mabilis niya na lang na ibinaling iyon kay ate Melinda upang hingan ito ng tulong, pero hindi na ito nakapagsalita ng pansinin ng amo.
"Ate Melinda, mauna ka na. May itatanong lang ako sa kanya," tuwid na saad ni senyorito Vincent.
"Ho!" naibulalas na lang ni Melinda sa gulat.
Mukhang napainit lang noon muli ang ulo ng senyorito dahil kumusot nanaman ang mukha nito.
Sa takot ay hindi na nagsalita si Melind bagkos nagkatinginan sila muli ni Celina, makikitang parehas silang puno ng takot at kaba dahil sa hindi mawaring dahilan ng galit ng amo nito.
Naroon na ang pagmamakaawa sa mukha ni Celina sa kasama upang wag siya nitong iwan.
"Ate! Sabi ko iwan mo muna kami!" pagtataas na lang ng boses ni senyorito Vincent.
"O...opo, si...sige po senyorito, pa...pasensya na po." nanginginig na sagot na lang ni ate Melinda sa takot.
Wala na itong nagawa kung hindi ang tingnan si Celina, puno ng paghingi ng paumanhin ang mukha nito bago napakaripas palabas ng kusina.
Dalawa na lang silang naiwan sa kusina, hindi na napigilan ni Celina ang mapangiwi dahil sa diin ng pagkakahawak ni senyorito Vincent sa kanyang braso. Napatingkayad na lang siya ng hatakin ng binata para magkapantay sila, halos magkatapat na ang mukha nila sa isa't isa pero lalo pang inilapit ni Vincent ang mukha sa kanya, hanggang sa ilang centimetro na lang ito.
Hindi mapigilan ni Celina ang bilis ng tibok ng kanyang puso, hindi niya mawari kung sa takot at kaba ba ito. Naroon kasi ang pagkatulala niya sa mga mata ng binate nang mapansin ang kakaibang kulay ng mga iyon. Nangingibabaw ang pag ka-asul na tila ba nanghahatak sa kanyang kaisipan.
"Paano ang isang katulad mo ay nakapasok sa school namin?" mapanghusgang tanong ng binata.
Ibubuka na sana ni Celina ang bibig niya para sumagot, pero nahigit niya na lang ang hininga nang muntik ng dumampi ang labi nito sa kanya. Nablangko tuloy ang kanyan isipan dahil sa kakatwang pakiramdam na bumalot sa buo niyang katawan. Nandoon din ang pagkalito niya sa inaasal ng binate kaya nanatili na lang siyang parang pipe.
"Wait! Don't tell me, I think I already have an idea!" angat na lang ni senyorito Vincent ng daliri sa kanyang labi ng subukan niya muling ibuka iyon.
Naroon na ang nakakaloko at mapang asar nitong ngisi na siyang nagpatigil sa kanyang hininga.
"Ano ho?" sa wakas ay nasabi ni Celina dahil sa hindi niya maintindihan ang nais nitong iparating.
"Oh, don't play dumb with me, I know exactly what you are! So I suggest that you don't try anything stupid, naiintindihan mo ba?" tiim bagang na sabi nito.
Napangiwi muli si Celina dahil sa pagbaon ng daliri ng binata sa braso niya, ramdam niya ang matinding gigil nito dahil sa kung anong galit.
Nanginginig na lang siyang tumango, bilang pag-sang ayon dito, kahit wala naman siyang maintindihan sa mga pinagsasabi nito.
Doon na siya binitiwan ni senyorito Vincent, pero marahas ang pagtulak nito, napakapit na lang tuloy siya sa lamesa, tulala habang pinagmamasdan ang dahan-dahan nitong paglalakad palayo. Napaayos lang siya ng tayo nang muli itong lumingon.
"Oh by the way, don't dare come near me at school! You don't know me and I don't know you, are we clear on that?" durong pahabol nito.
Nanginginig na lang siyang tumango muli para tuluyan na itong umalis.
Halos mapaluhod na si Celina sa sahig dahil sa panghihina ng tuhod. Doon niya lang namalayan na napatigil pala siya sa paghinga ng mga sandaling magkausap sila, kaya naman humahangos siya ngayon. Ilang saglit lang pakaalis ng binatang amo ay siya naman pasok ni ate Melinda kasama si ninang Isme.
"Lina, ayos ka lang ba!" saad nito habang patakbong punta sa kanya na puno ng pag aalala.
"Ano ba nangyari?" tanong naman ni ninang Isme.
"Hindi ko din alam Manang," sagot na lang ni ate Melinda pakahaplos sa kanyang likod, batid nito ang kakapusan niya ng hininga ng mga sandaling iyon.
"Ayos naman kanina si senyorito, may nasabi ka ba Lina?" takang tanong muli ni ninang Isme sa kanila.
Pinalinga na lang ni Celina ang ulo para sabihing hindi niya alam.
"Grabe manang, natakot ako kanina. Akala ko talaga sasaktan niya si Lina," pigil hikbing sumbong na lang ni Melinda.
"Naku! Huwag niyo na iyong alalahanin, baka hindi lang maganda ang pakiramdam ni senyorito, hindi naman kasi iyon ganoon," paliwanag ni ninang Isme. "Mabuti pa itulog na lang natin yan, tara na at maaga pa ang pasok mo bukas," yaya na lang nito kay Celina.
Sumunod na lang silang dalawa ni ate Melinda, inalalayan na muna siya nito dahil hindi pa din siya nakakahupa sa pangangatog pa rin ng mga tuhod.
Naisip ni Celina na maaring galit ito dahil sa kanyang nasaksihan, pero nandoon din ang pakiramdam niyang may iba pa itong dahilan sa inasal kanina.
Buti na lang at malaki ang eskwelahang pinapasukan nila, kahit papaano ay mababa ang tsansa na magkikita sila ni senyorito Vincent, lalo pa at mag-kaiba sila ng kurso. Kung nagkakataon man na nakakasalubong ito ni Celina ay madali naman siyang nakakapagtago.Subalit ang araw-araw na pag-iwas dito ay nagdulot naman ng kakaibang pagod sa kanya, kahit kasi sa mansyon ay tinataguan niya din ito, kung nagkakataon man na magkatagpo sila ay yumuyuko na lang siya at bumabati pagkatapos ay dali-dali na din siyang lumalayo."Hoy Cel!" kaway ni Lucy sa mukha ni Celina.Doon lang nabasag ang pagkatulala niya upang mag-angat ng tingin sa kaibigan. "Huh, ano iyon?" Wala sa sariling saad niya.Kasalukuyan kasi silang naglalakad papunta sa susunod nilang klase."Ang lalim yata ng iniisip mo, kanina pa ako nagkwekwento dito pero parang wala akong kausap," busangot na sagot ni Lucy."Ay! Sorry Cy, medyo pagod lang ako," nanghihinang sagot na lang ni Celina."Haiz, alam mo, maganda din na mag-relax pami
"Grabe! Sana hinayaan mo na lang akong sapakin iyon." nanginginig na saad ni Lucy na halatang asar na asar pa din ng araw na iyon."Cy, alam mo naman na ayaw ko ng gulo" malungkot na sagot ni Celina."Ay, Oo nga pala, baka lalo ka lang apihin noon kapag wala ako sa tabi mo!" busangot na sagot ni Lucy. "Pero grabe! Ang yabang, tama ba naman daw parinigan tayo ng ganoon. Sarap lang sampalin." malakas na buga ni Lucy ng hininga sa ilong para magpakalma.Napangiti na lang siya sa kaibigan. "Hayaan mo na, sanay na ako sa ugali niyang iyon," napabuntong hininga na lang si Celina nang maalala ang mga dinadanas dito araw-araw."Hay naku, kaya friend, once na grumaduate tayo at nakahanap ng trabaho, umalis ka na doon, share na lang tayo sa apartment, kahit ako na bahala sa rent ng bahay basta hati tayo sa bills." masayang yakap na lang ni Lucy sa kanya."Hindi ko yan tatanggihan Cy!" buong tuwang yakap na lang din ni Celina sa kaibigan. Iyon rin naman kasi ang isa sa mga plano niya kapag nakap
Sa tagal na din ng pananatili ni Celina sa manyson ay nasasanay na siya sa pagiging bugnutin ni senyorito Vincent, kahit na halos araw araw ito may kakaibang iuutos. Kadalasan mag-papauwi ng libro, pakatapos sa kanya din ipapasauli, pag-asa bahay naman mag papaluto o pahanda ng pagkain pero di din naman papansin pagkatapos, pero ang pinaka malala pa lang naman ay ang bigla siyang pauuwiin nito kahit nasa school para lang kunin iyong mga libro na ipapasauli nito sa library.Ngayon naman heto siya naghihintay sa isang tagong parte ng school, ayaw kasi ni Vincent na may makakita sa kanila.Dala dala ni Celina ang project nito na hindi mo sigurado kung project nga ba, nakalagay lang ito sa isang kahon na malaki, nakaplaster lang at ang bigat-bigat pa.Tiningnan niya ang relo niya, halos isang oras na din siyan
"Miss are you okay?" tanong ng binata habang inialalayan ang kanyang pagtayo.Doon nakahinga ng maluwag si Celina, mabilis siyang umayos upang ipagpag ang palda bago paulit-ulit na nagyuko dito. "Ayos lang, sorry!""Celina?" Nakangiti ngunit napapakunot noong sambit ng lalake.Doon nag angat ng tingin si Celina, napangiti na siya nang makilala ang naturang binata."Luke! Ikaw pala yan," masaya niyang bati.Napahalakhak naman ang binata habang sinasapo ang batok. "Bakit tumatakbo ka dito?""Malalate na kasi ako!" pigil tawang sagot na lang ni Celina.Nakahinga siya ng maluwag dahil halatang hindi ito nasaktan at kakilala niya pa ang nakabangga."Pare, ipakilala mo naman kami!" biglang singit ng isa pang lalake.Doon lang napansin ni Celina ang dalawa pang kasama ni Luke sa likod nito.Mabilis kumusot ang mukha ng binata habang hinaharap ang dalawa. "Wag na uy!" Harang ni Luke sa mga ito nang makitang palapit na.Pero nagawa pa rin itong malagpasan ng isa sa mga kasama. Mabilis ang nagi
Napansin ni Vincent na medyo nagiging masiyahin si Celina nitong mga nakaraang linggo. Kaya ganoon na lang ang lalong pagkulo ng kanyang dugo dito.Ayaw niya talaga sa mga katulad ni Celina, sigurado niyang may itinatago ang nangungusap nitong mga mata at kaakit-akit na ngiti, hindi niya nga lang masigurado ngayon kung ano iyon.Ang hindi katiyakang iyon ang dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng kaunting konsensya sa mga pinapagawa kahit nananaig ang galit at inis niya sa dalaga.Napatingin si Vincent sa kanyang relo, halos kalahating oras na din mula nang tumawag siya dito upang ipahatid ang mga iniwan niyang gamit sa bahay.Sakto naman ang paglitaw nito sa kanyang paningin nang mag-angat na siyang muli ng mukha. hindi niya mapigilang mapangisi nang mapansin ang tila pagkakapos nito ng hininga sa bigat ng mga dala. Nang makalapit na ito ay tsaka naman palit ng seryoso niyang mukha."Bakit ngayon ka lang, kanina pa ako nandito!" sabi niya na medyo pikon ang tono."Pasensya na senyor
"Cel, I need help!" ito ang mga katagang narinig ni Celina pagkasagot sa cellphone niya. Mukhang may suliranin si Lucy base sa tinig nito."Problema mo Cy?" tanong niya dito."Ayaw ko pag-usapan sa phone, pasok ka ng maaga please," paglalambing nito."Sige kita na lang tayo sa school, mag bibihis na ako," ngiting sagot niya.Hindi niya kayang tanggihan ang bestfriend niya lalo pa at mukhang kinakailangan siya nito."Yey! Love you Cel, mwamwa," sabi nito bago ibaba ang tawag.Pagkatapos magbihis ay nagtungo na si Celina sa school. Habang naglalakad sa corridor papunta sa canteen, napansin niya na parang nagbubulungan ang ilang estudyanteng nakatingin sa kanya.Hindi niya na lang ito pinansin dahil sa pagmamadali, pero ikanagulat niya nang bigla na lang may bumato sa kanya ng kung ano.Dali-dali siyang lumingon para tingnan kung saan ito nanggaling pero hindi niya malaman kung sino ang gumawa dahil parang nagkaroon ng kanya-kanyang mundo ang mga tao sa paligid.Tiningnan niya kung ano i
Naalimpungatan si Celina ng gabing iyon, kumikirot kasi ang ilang tama niya katawan niya kaya naman hindi niya mainda ang sakit.Naisipan niyang iinom iyon ng gamot kaya naman bumangon na siya sa kinahihigaan. Marahan niyang kinuha ang pitsel sa lamesa, sa tabi ng kama upang magsalin ng tubig sa kanyang baso, pero wala na pala itong laman.Hindi niya na ginising ang kanyang ninang dahil ayaw niya din naman abalahin pa ito. kaya naman napilitan siyang lumabas ng kuwarto nila para kumuha ng tubig sa kusina.Madilim na ang lugar pero kahit papaano ay may nakikita naman siya dahil sa ilaw na nanggagaling mula sa labas ng bintana.Dahan-dahan ang paglakad niya papunta sa refrigerator, medyo iika-ika pa dahil na din sa bugbog ang isang hita.Matapos makapaglagay ng tubig sa dala niyang baso ay inilabas niya na ang gamot sa kanyang bulsa, medyo nanggigil pa siya sa pagbukas ng foil dahil hindi niya ito mapunit.Nanginginig pa siya sa pagkain sa tableta dahil sa pananakit ng kanyang braso, ma
Inabot ng dalawang araw ang pagpapagaling ni Celina dahil sa mga bugbog na inabot niya,kaya naman excited siya sa pagpasok ngayon.Na mimiss niya na din kasi ang mga kaibigan dahil sa tagal ng panahon na hindi sila nagkikita, gusto nga sana siyang bisitahin ng mga ito, pero nakiusap siyang huwag na lang dahil nahihiya siya at baka masita pa sila dahil na din sa nakikitira lang siya doon.Tiningnan niya muna ang kanyang bag para makasiguradong wala siyang nakalimutan, nang makasigurado ay madalian siyang humarap sa salamin para tingnan ang sarili bago dali-daling lumabas ng kwarto"Ninang aalis na po ako.""Sige Lina, ingat sa pag pasok!" paalala ng ninang niya."Opo."Masaya siyang lumabas ng bahay, mabilis pa ang kanyang mga hakbang, halatang excited na pumasok."Ano bang ginagawa mo at ang tagal tagal mo?" sita ng isang malalim at irritableng boses.Napatigil siya bigla ng marining ang boses na iyon, dahan dahan siyang tumingin sa pinanggalingan nito at laking gulat niya nang makit
Maagang nagising si Vincent ng araw na iyon, gusto niya ipaghanda ng almusal ang asawa kaya nag isip siya ng maari niyang ihanda.Tiningnan niya ang loob ng ref, kinuha niya ang hotdog, tocino at itlog, inihanda niya na din ang pancake mix."Oh! Senyorito, ang aga niyo pong nagising," bati sa kanya ni manang Isme.Halatang nagulat ito sa kanya dahil nasa kusina siya ng ganoon oras."Goodmorning po ninang!" nakangiti niyang saad dito habang hinahalo ang pancake mix."Ako na lang gagawa niyan." Abot nito sa bowl.Pero inilayo niya kaagad ang inihahalo bago pa man ito mahawakan ni manang Isme."I want to prepare breakfast for Celina today."Napansin ni manang Isme ang kislap sa mga mata ni Vincent kaya nginitian na lang din siya nito."Sige ho, aayusin ko na lang muna ho iyong mga labahin," pagpapaalam nito bago pumunta sa likod bahay.Isang malakas na kalabog ang biglang nagpa-alisto sa kanya, agad-agad siyang tumakbo sa pinagmulan nito at nadatnan niya ang bunso niya na nakakunot ang no
Nagulat si Vincent nang may datnan bisita sa may sala pakauwi niya mula sa eskwelahan."Hi, good afternoon," ngiting bati ng babae sa kanya.Napakunot na lang siya ng noo dito."who're you?" may tono ng angas ang pakasabi niya noon.Pinagmasdan niya ang babaeng naka brown na pencil skirt at coat. Medyo nagmukha lang itong matured dahil sa pagkaka-bun ng buhok at pagsusuot ng salamin, pero tantsa niya na ilang taon lang ang tanda nito sa kanya."Hi, I'm Cecille. You're Vincent right?" magiliw nitong sambit sabay tayo upang makipagkamay sa kanya.Inabot na lamang niya ang iniaalok nitong kamay, hindi niya kilala ang babae pero maaaring isa nanaman ito sa mga pakana ng daddy niya para makuha ang gusto nito."I'm going to be your new tutor," pagpapaalam nito.Doon na kumunot ang noo ni Vincent."Who the hell told you I need a tutor!" hindi niya mapigilang maasar dito."I did!" biglang pasok ng daddy niya. "Your grades have been failing Vincent! And I think Cecille here well be of help to yo
Naburang parang bula ang mga agam-agam ni Celina, wala na ang sama ng loob na matagal ng nagpapahirap sa kanya, maikukumpara siya ngayon sa isang ibong nakawala sa hawla."Lucien! Come back here!" alingawngaw ng boses ni Vincent mula sa labas.Nakita na lang niyang tumatakbo ang panganay nila na walang pang-itaas, kunot na kunot ang noo at nakabusangot pa."No! I don't want to wear that" galit na balik ng bata sa ama.Ilang sandali lang ay nakita niyang humahabol na si Vincent dito, dala-dala ang ilang polo ng bata, napansin niyang hinahanap nito kung saan nagtungo ang anak nila, subalit siya ang nabalingan ng mga mata nito. Agad na lang itong tumungo sa kanya."Babe, where did he go?" Namamaluktot na ang labi ni Vincent at humahangos pa habang sinilipang ilang mga pwedeng taguan nito sa silid.Kita niya ang pagod sa mukha ng asawa, ito na kasi ang nagprisinta na mag alaga sa mga bata simula nang magkaayos sila dahil ayaw nitong napapagod siya. Kukuha sana ito ng yaya para sa mga bata
(FLASHBACK)Medyo kumalma na siya nang siguraduhin ni Celina na ayos lang ito, biglang nag-ring ang kanayng cellphone, medyo nakakaramdam na siya ng pagkairita nang makitang si Nina nanaman ang tumatawag, nakakailang tawag na ito sa kanya kung kaya naman tila nauubos na ang pasensya niya dito. Dali-dali na lang niya itong sinagot upang alamin kung ano nanaman ang kailangan."What!" inis niyang sagot."Vincent naman, please. Kailangan ko talaga ng model ngayon. Promise, hindi na ko ulit hihingi ng favor sa iyo!" pagmamakaawa nito."What. No! I told you ," Napapakiskis ngipin niyang saad.Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla nanaman itong nagsalita."Let's make a deal! If you do this one favor for me, I promise you, tutulungan kita with your proposal sa mga Valtimore," pang eenganyo nito sa kanya.Napaisip siya bigla sa sinabi ng babae, malaking bagay ang inaalok nito sa kadahilanan kailangan niya ang tulong ng mga Valtimore para sa kanyang plano, subalit nag-aalala siya sa k
Hindi mapigilan ni Celina ang umiyak habang pinagmamasdan si Vincent at Lucien, nahihirapan siyang makitang nasasaktan ang mga anak, pero bumalik sa kanya lahat ng masamang alaala ng nakaraan ng sugudin siya ni Nina.Kahit hindi niya ginusto ay hindi niya napigilan ang sarili na ilabas ang lahat ng sama ng loob kay Vincent, lalo na at hindi nito nagawa ang ipinangako sa kanya na wala ng mangyayaring masama sa kanila.Isa lang naman ang naiisip niyang dahilan kung bakit siya sinugod ni Nina, iyon ay dahil may namamagitan pa din sa dalawa hanggang ngayon. Alam niya naman na ito ang nauna kay Vincent at pangalawa lang siya.Nandoon din ang katotohanan na binabalikan pa din ito ni Vincent noon, kahit na ibinibigay niya dito ang lahat.Pakiramdam niya hindi siya sapat para kay Vincent, kaya naisip niya na hindi malayong ganoon pa din ang ginagawa ng dalawa hanggang ngayon. Napagtanto niya iyon dahil na din sa nakita nilang tagpo noon nakaraan sa hotel na malapit sa mall nang mahuli ang dal
Todo pagpapahinahon ang ginagawa ngayon ni Vincent sa kanyang sarili, pansin niya na wala sa tamang pag iisip si Nina ngayon, kaya kailangan niyang masiguradong ligtas si Lucien bago gumawa ng kahit anong hakbang.Seryoso at puno ng awtoridad ang tindig ni Vincent nang magsimula siyang maglakad patungo sa condo ni Nina, tatlong katok ang ginawa niya sa pintuan nito, ilang sandali lang at nadinig niya na sa kabila ang mga nagmamadaling yabag ng babae."Vincent, kanina pa kita hinihintay," masaya nitong bati.Kita niya ang abot tenga nitong ngiti sa kanya, kahit na ganoon ay galit lang ang nadadama niya para dito ngayon, ikinuyom niya na lang ang palad para kontrolin ang sarili.Walang alin-langan pumasok si Vincent sa loob, subalit alerto siya sa kilos ng babae. "Where's my son?" walang emosyon ang tono niya nang magsalita."He's in the room," sagot nito sabay turo sa naturang silid.Mabilis pa sa alas kuwatro na tinungo niya ang kuwarto nito, nadatnan niya ang tulog na tulog na si Luc
"Celina, please open your eyes, please," pagmamakaawa niya habang humahabol sa kinalalagyan nito.Kasalukuyan itong itinatakbo papasok sa emergency room. Napatigil na lang siya nang biglang may humarang sa kanyang mga nurse."Sir, dito na lang po kayo, hindi po kayo pwede sa loob," saad sa kanya ng babaeng nurse."What do you mean? I'm her husband!" galit niyang sagot dito subalit hindi pa din siya pinadaan.Tuluyan ng nagwala si Vincent doon dahil sa pagpupumilit na pumasok ng emergency room. Natigil lang ito nang madama ang isang pamilyar na kamay sa balikat."Ijo, that's enough," mahinahong pag aawat nito sa kanya."Pero grandpa, si Celina! Iyong baby namin," humahagulgol niyang sambit dito habang mahigpit siya nitong inaakap."Don't worry, she's strong, just think positive" pagpapalakas loob ng kanyang lolo habang tinatapik ang kanyang likod..Ilang sandali lang ay huminahon na din siya, subalit hindi pa din mawala ang pangamba sa kanyang isip dahil sa kalagayan ni Celina, taimtim
Masayang naglalaro ng buhangin si Celina at Lucien sa dalampasigan, pabalik-balik ang panganay niya sa dagat para kumuha ng tubig para sa kastilyong buhangin na ginagawa nila, habang masaya naman nagtatampisaw si Vincent at Leon sa mga alon ng dagat."Lina, pwede ng kumain" sabi ng ninang niya pagkakita sa kanila."Sige po ninang, tatawagin ko na po sila," sagot niya habang tumatayo at ipinapagpag ang buhangin na nagkalat sa kanyang paa.Tinungo niya ang mag-ama niya na tuwang-tuwang naglalaro sa tubig, habang patakbo naman nagtungo ang panganay niya sa mga ito, tumalon ito paakap sa paanan ni Vincent habang nilalaro nito ang kapatid ng bata."Daddy! Kain na daw!" masaya nitong pagpapaalam sa ama.Mabilis na nag-unahan ang magkapatid nang magsimulang maglakad ang ama nila, patakbo ang mga itong tumungo sa cottage, sumunod naman siya dito, pero napatigil siya ng mahabol siya ng asawa, mabilisan nitong ipinulupot ang kamay sa kanyang baywang sabay halik sa kanyang pisngi."Aren't you ha
"Celina, hinahanap ka ni boss," tarantang saad ng isa sa mga kaopisina niya."Huh? Bakit daw?" taka niyang tanong."Hindi ko alam, pero sa tingin ko importante iyon," balisa pa din saad nito.Mabilis niyang tinungo ang opisina ng kanyang bagong manager, naabutan niya itong hindi magkandaugaga sa mga papel na pinipirmahan at pinagpapawisan."Mi...Miss Manuel pi..pinapatawag ka sa taas ni boss," takot na takot na saad ng lalake.Napakunot na lang siya ng noo, alam niyang wala naman katuturan kung pupunta siya doon."Pasensya na po, pakisabi na lang sa kanya madami akong ginagawa," walang kaabog-abog niyang sagot."Mi...Miss Manuel please, if you don't go, I'm going to lose my job," pagmamakaawa nito.Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi nito, hindi niya naman gustong maging dahilang muli ng pagkawala ng trabaho ng isa nanaman tao kaya nagtungo na lang siya sa opisina ni Vincent kahit labag sa loob niya.Nabalot ng pagtataka ang hitsura niya nang mapansin may mangilan-ngilan na tao