Third Person's POVBAGO pa nagsimula ang lahat, ang Wysteria ang natatanging kontinente na hindi nakikita o napapasok ng mga tao. Namamahay doon ang mga nilalang na kailanman ay hindi inisip ng mga tao na totoo.Pinupugaran ito ng mga diwata, halimaw at mga demons. Nakatira ang tatlong uri ng nilalang doon ng walang problema. Ang mga diwata ang pinakamataas na ranggo na siyang sinusunod ng mga halimaw at demons.Sa angkan ng mga diwata, may tatlong magkakapatid na siyang namumuno sa Wysteria. Sila si Amoroso, Agape at Agamemnon. Ang tatlong magkakapatid na ipinanganak sa magkaparehong bulaklak. Sinusunod sila ng lahat ng mga nakabababa sa kanila."Agape, saan ka nanggaling?" Tanong ni Amoroso sa kadarating lang na kapatid na babae. Si Agape ay napakaganda. Mahaba at maalon-alon ang buhok nito na napakapusyaw. Ang balat nito na halos kasing puti ng niyebe at kasing kinis ng porselana. Ang mga mata niya na kakulay ng amaranthine, mapupulang mga labi at perpektong hugis ng mukha.Hindi
Last Updated : 2022-11-08 Read more