Share

Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss
Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss
Penulis: charmainglorymae

Prologue

last update Terakhir Diperbarui: 2022-11-08 20:49:37

Third Person's POV

BAGO pa nagsimula ang lahat, ang Wysteria ang natatanging kontinente na hindi nakikita o napapasok ng mga tao. Namamahay doon ang mga nilalang na kailanman ay hindi inisip ng mga tao na totoo.

Pinupugaran ito ng mga diwata, halimaw at mga demons. Nakatira ang tatlong uri ng nilalang doon ng walang problema. Ang mga diwata ang pinakamataas na ranggo na siyang sinusunod ng mga halimaw at demons.

Sa angkan ng mga diwata, may tatlong magkakapatid na siyang namumuno sa Wysteria. Sila si Amoroso, Agape at Agamemnon. Ang tatlong magkakapatid na ipinanganak sa magkaparehong bulaklak. Sinusunod sila ng lahat ng mga nakabababa sa kanila.

"Agape, saan ka nanggaling?" Tanong ni Amoroso sa kadarating lang na kapatid na babae.

Si Agape ay napakaganda. Mahaba at maalon-alon ang buhok nito na napakapusyaw. Ang balat nito na halos kasing puti ng niyebe at kasing kinis ng porselana. Ang mga mata niya na kakulay ng amaranthine, mapupulang mga labi at perpektong hugis ng mukha.

Hindi nalalayo ang itsura din ni Amoroso at Agamemnon. Pareho silang tatlo na may taglay na gandang natatangi.

"Binisita ko lang ang fountain of youth. Hindi na ito magtatagal at matutuyo na ito." Tugon naman ni Agape.

Lumarawan naman ang pag-aalala sa mga mata ni Amoroso at Agamemnon. Hindi biro ang suliranin na matutuyo ang fountain of youth dahil ito din ang magiging mitya nang katapusan ng mga diwata.

"Hindi ko pa rin maisip kung ano ang dahilan nito. Isa lang ang alam kong posibilidad ngunit alam ko na hindi naman iyon mangyayari." Saad naman ni Amoroso na may tinutukoy.

Walang nagsalita sa dalawa. Si Agamemnon naman ay malalim ang iniisip ngunit hindi ito nagsalita.

"Alam naman natin na bawal ang magkaanak dahil iyon ang sisira sa atin mga diwata. Ang mga senyales na ito ay patunay na nangyari na iyon." Singit naman ni Agape na malalim din ang iniisip.

"Sinasabi mo ba na may lumabag? Alam ng lahat kung gaano kabigat na kasalanan kung mangyayari man iyon!" Medyo tumaas ang boses ni Amoroso dahil sa narinig. "Kailangan malaman natin kung sino man ang sumuway bago pa mahuli ang lahat.

"Paano natin malalaman, Amoroso? Wala akong maramdaman." Hirap na saad naman ni Agape.

"Gawin mo ang lahat!" Nagtitimping saad ni Amoroso.

Nanatiling tahimik si Agamemnon habang humihigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Alam ni Agamemnon kung ano ang mga nangyayari ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin iyon dahil alam na niya kung ano ang maidudulot ng pag-amin niya.

Tumingin naman si Agape kay Agamemnon. "Tulungan mo ako sa paghahanap." Saad ni Agape sa kapatid. Napapakunot noo naman si Agape dahil sa kaunting pagkabahala sa mga mata ni Agamemnon na agad din naman nawala. Ngunit hindi na niya iyon inisip pa.

"Hhmmm..." Limitadong sagot maman ni Agamemnon. Wala siyang balak na tumulong. Tumugon lamang siya para hindi siya paghinalaan ng mga kapatid niya.

Sanay na rin ang mga kapatid niya na hindi siya mahilig magsasalita. Madalas ay maiikli lang ang kanyang mga tugon.

"Sige, maiwan ko na kayo." Paalam naman ni Agape at lumipad na ito at kung saan man ito papunta ay hindi alam ng dalawa.

Tumingin naman si Agamemnon kay Amoroso at tumango siya na senyales na aalis na rin siya. Tumango na lang si Amoroso at umalis na si Agamemnon.

Naiwan si Amoroso na malalim ang pagkakakunot noo. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung paanong nangyari na may lumabag. Sa panahon na ito ay imposible na sa mga diwata ang magkaroon ng bagong silang. Matagal na iyon ipinagbawal dahil nakita nila sa propesiya na magiging sanhi ang bunga na ito ng sigalot sa mundo ng mga diwata at pati na rin sa mga tao.

Para magkaroon ng anak ang isang diwata, ang bawat isa ay may isang bulaklak ng buhay. Doon mabubuo ang sanggol ng diwata mula sa dugo at laman ng diwata. Hindi ito katulad ng tao na magbubuntis at manganganak. Sisibol ang bulaklak at sa loob ay nandoon ang bata hanggang sa nasa tamang panahon na ito ay tsaka bubukas ang mga talulot nito at doon lalabas ang sanggol.

Lahat ng bulaklak ng buhay ay nasira na. Sadyang sinira iyon para na rin sa kaligtasan ng lahat. Ngunit ngayon, ang unti-unting pagkakatuyo ng fountain of youth ay siyang katibayan na may ipinanganak na sanggol na diwata.

Hindi naman niya mapaghinalaan ang mga kapatid niya dahil malaki ang tiwala niya kina Agape at Agamemnon. Kung may mas nakakaalam kung gaano kaimporte ang bagay na iyon, wala ng iba kundi ang mga kapatid niya. Kaya ang hinala ni Amoroso ay mga nakabababang diwata ang lumabag. Hindi sinira ang bulaklak ng buhay noon panahon na iniutos niya sa lahat na sirain ang bulaklak ng buhay.

Mas lalo lang sumakit ang ulo ni Amoroso dahil sa kanyang mga naiisip kaya nagpasya na lang siya na lumipad at mag-ikot ikot.

Habang sa kabilang banda naman ay nakauwi si Agamemnon. Maraming bumati sa kanya na mga diwata at tinanguhan lang niya ang mga ito. Agad na pumasok si Agamemnon sa kanyang silid na kung saan ay hindi pwedeng pasukin ng sino man ng walang pahintulot.

Nakita niya doon na nakaupo si Plivar, na may hinihileng sanggol. Si Plivar ay siyang pinagkakatiwalaan niya na isa sa mga diwata. Pula ang may kahabaan na buhok nito pati ang mga mata. Lalaki si Plivar at tahimik din ito katulad ni Agamemnon.

"Maligayang pagbabalik, kamahalan. Kakatulog lang ng prinsesa." Saad naman ni Plivar na mahina ang boses dahil ayaw nitong magising ang sanggol na nasa mga bisig nito.

Hindi sumagot si Agamemnon dahil natatakot din siya na baka magising ito sa boses niya. Dahan dahan naman itong inilagay ni Plivar sa tulugan nito na hugis itlog na ginto ang kulay.

Napangiti si Agamemnon habang nakatitig sa sanggol na mapayapang natutulog. Ang sanggol ay may maputi ay mamula-mulang balat. Ang manipis na buhok nito ay mapusyaw na kagaya kay Agamemnon. Makakapal na pilik mata, matangos na ilong at mapupulang mga labi. Kahit sanggol pa lamang ito ay umaangat na ang ganda ng sanggol. Hindi maipagkakaila na mas lalong magiging maganda ito malaki na.

Minsan na din itong dumilat kahit hindi pa masyadong nakakakita at ang mga mata nito ay kulay kakulay ng batong amaranthine. They are pink and the rarest eye color. Ngunit hindi ito ang bagay na ikakatuwa nino man. Dahil ang kulay ng mga mata ay siyang nagbibigay kahulugan ng buhay. Fairies who has pink eyes are ominous. This only mean they carry a curse.

Ang anak ni Agamemnon, na pinangalanan niyang Erenea ay isang sanggol na hindi dapat sumibol sa mundong ito. Matagal na rin na sinira ni Agamemnon ang bulaklak ng buhay na nasa kanya. Ngunit hindi niya akalain na mag-iiwan ito ng binhi at sekretong tumubo ay lumaki. Ngayon ay nabuo na ang kanyang anak at ipinanganak.

Gustohin man niyang itama ang pagkakamali ngunit naging huli na ang lahat. Oras na maipanganak ang sanggol, ang ama ay makakaramdam ng matinding koneksyon at hindi na nito magagawang saktan o gawan ng masama ang sanggol. Hindi na iyon magagawa ni Agamemnon kundi ang protektahan ito dahil ang tanging nararamdaman niya kay Erenea ay pagmamahal.

Hindi niya alam kung hanggang kailan niya maitatago ang anak. Alam niya na hindi habang buhay ay maitatago niya ito. Nakikinita na din ni Agamemnon ang gulo. His brother and sister will surely command him to kill his child.

Napayukom ang kanyang mga palad. He can sense a strong sense of protecting his child. He will wage war if his brother and sister will instigate the kill.

"Ihanda mo ang mga kawal na poprotekta sa anak ko." Saad ni Agamemnon ay hindi na nagpaliwanag pa kung bakit niya sinabi iyon.

Agad naman na naintindihan ni Plivar kung ano ang tumatakbo sa isipan ng haring Agamemnon. There will be war soon.

"I'll gather the demons, your majesty." Turan naman ni Plivar kay Agamemnon.

"Communicate with the necromancers. I need their force in case there is war." Utos ulit ni Agamemnon.

Mabilis na tumalima si Plivar at lumabas na ito ng silid. Lumapit naman si Agamemnon sa higaan ni Erenea na hugis itlog. The child is solemnly sleeping like there is no upcoming chaos.

"Erenea Anak..." Mahinang usal ni Agamemnon. "May palagay ako na malalayo ka sa akin ano man oras. Natatakot ako na baka hindi na kita maprotektahan." Hinaplos ni Agamemnon ang maliit na ulo ni Erenea.

Kailangan niyang ihanda ang lahat. Alam ni Agamemnon na nalalapit na ang panahon na mawawalay siya sa anak niya. Hindi niya hahayaan na makuha ng mga kapatid niya si Erenea dahil alam niya na hindi hahayaan ng mga ito na mabuhay ang sanggol.

He will build a world only for Erenea. A secluded world where no one can enter, nor can go out. Erenea will live inside that world, free from harm.

Kaya mabilis na ginawa ni Agamemnon ang mundong tinutukoy niya. Sa ilang milyang ang layo mula sa karagatan ng katimogan, ay nabuo ang isang bagay na nagbabalatkayo na halimaw. It's a monster who has sharp teeth surrounding the mouth. It creates a whirlpool and inside that monster, is the world created by Agamemnon. An endless supply of food, where his child will never be hungry. There is no way out from this monster...as of now.

Pinaghandaan na rin ni Agamemnon ang mga ala-ala tungkol sa kanya at mga bagay na kailangan niyang ituro sa anak. Lalabas ito na tila isang panaginip habang lumalaki si Erenea. Kaya matututo ito kahit walang magtuturo.

Ang hinihiling lang niya ay sana maging mapagmahal ang anak niya. Ngunit hindi niya gustong mawalay dito.

"If I can be the sole king, then I can make this happen." Kailangan niyang hingin ang opinyon ng mga kapatid niya kung papayag ba ang mga ito na maging hari siya at mamuno sa lahat.

Alam niyang noon pa man ay pareho silang walang interes na mamuno ngunit wala lang silang mapagpipilian dahil iyon ang iniatas sa kanila. Kung hihingin niyang maging tanging hari, hindi siya sigurado kung papayag ba ang dalawa.

Kaya lumipas ang araw at bumalik si Agamemnon para kausapin ang mga kapatid. Hindi niya ito pwedeng ipagpaliban dahil ano man oras ay pwedeng malaman ng mga kapatid niya ang itinatago niya. He should be the sole king when they find that out so he can buy time for his daughter. With absolute control, they will not be able to punish him right away.

Kinausap niya ang kanyang mga kapatid at mahabang diskusyon ang nangyari. Ngunit pumayag din ang dalawa sa huli. They made Agamemnon as the sole ruler of the fairies. He knows that he's doing this for his own selfishness, but he is not doing this because he wanted to rule the world, but to save his daughter. If he has the absolute power, he can protect her.

Ilang araw ang lumipas ay hindi pa rin nalaman ng mga kapatid niya ang kanyang sekretong itinatago. Pero palaging kinakabahan si Agamemnon dahil alam niyang hindi magtatagal ay malalaman ng mga ito ang iniingatan niyang sekreto.

Hindi nga siya nagkamali, dahil isang araw ay dumating na lang ang mga kapatid niya sa kanyang tirahan na may nang-aakusang tingin.

"Agamemnon, hindi ko gustong paniwalaan ang mga narinig ko. Walang mas nakakaalam bukod sa iyo kung gaano kalaki ang pagkakamali kung magkakaanak tayong mga diwata. I want to end this doubt, so we will search your house." Malamig at matigas na saad ni Amoroso. Kahit sinabi nito iyon ay hindi nabura ang nang-aakusang mga tingin nito kay Agamemnon.

Si Agape naman ay hindi alam kung ano ang sasabihin. Ang nasa isipan niya ay kung totoo man ang mga bintang kay Agamemnon, ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng pagtataksil.

Lahat ng mga diwata ay isinakripisyo ang bulaklak ng buhay para sa ikabubuti ng lahat. Kung hindi sinira ni Agamemnon ang sa kanya, parang hiniling na din nito na wakasan ang kanilang mga buhay.

"I don't know what you are saying, Amoroso." Malamig na tugon naman ni Agamemnon. Ngunit ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa hawakan ng upuan upang mapigilan ang panginginig nun.

"Your highness, totoo po ang balita." Biglang saad naman ng isang lalaking diwata at may hawak itong babae na gustong kumawala. "May anak ang hari."

Agad itong namukhaan ni Agamemnon. Isa ito sa tagapagsilbe sa kanyang tahanan. Binalot ng kaba at takot ang buong pagkatao ni Agamemnon at walang salitang pabulusok na lumipad si Agamemnon na ikinagulat ni Agape at Amoroso.

Mabilis na pumasok si Agamemnon sa kwarto at kinuha niya si Erenea na ngayon ay natutulog sa higaan nitong hugis itlog. Agad naman na naintindihan ni Plivar ang mga nangyayari kaya kinuha din ni Plivar ang higaan ng sanggol at mabilis silang tumakas mula sa tahanan ng hari.

Kasing bilis ng kidlat ang naging lipad ng dalawa sa kalangitan patungo sa mataas na burol na napapaligiran ng mga iba't-ibang klaseng mga bulaklak. Nagtagis ang bagang ni Agamemnon dahil dumating na ang araw na kinatatakutan niya. Ang mawalay siya sa kanyang anak.

Lumapag sila sa tila paraisong lugar. Maraming bulaklak na nagkalat. May mga paru-paru na nagliliparan. Mabango ang paligid dahil na rin sa mga bulaklak.

"Paparating na po sila kamahalan." Saad ni Plivar na kalalapag lang habang bitbit nito ang gintong itlog na tulugan ni Erenea.

"Hindi nila pwedeng makuha ang anak ko. Hindi ako papayag." Matigas na saad ni Agamemnon. Mahina ang pagkakabigkas nun dahil natatakot siya na baka magising ang anak na himbing na himbing na natutulog. Hindi alam na malapit ng sumabog ang digmaan sa pagitan ng mga diwata.

"Gagawin ko ang lahat, maprotektahan lang ang prinsesa." Tugon naman ni Plivar.

Tumitig si Agamemnon sa anak. Ang kanyang mga mata ay punong puno ng pagmamahal ng isang ama. Unti-unting namumula iyon, nagbabadya ng kanyang mga luha. Hindi niya akalain na ito na ang huling araw na makikita ang anak. Alam niya na sa digmaan na ito ay hindi siya magtatagumpay.

Ngunit sapat na ito upang maitakas ang anak niya at maitago mula sa mga diwatang gustong paslangin si Erenea.

"Lumaki kang maging masayahin. Lumaki kang maging matapat at matulungin. Mahalin mo ang iyong kapwa, gamitin mo ang kapangyarihan mo sa kabutihan, Erenea. Mahal na mahal kita, pinapangako ko, poprotektahan kita hanggang sa kahuli-hulihan kong hininga." Tumutulo na ng tuluyan ang mga luha ni Agamemnon. Alam niyang hindi maaaring umiyak ang isang hari sa harap ng ibang panauhin, ngunit wala na siyang pakialam ngayon dahil wala ng mas sasakit pa sa pakiramdam ng isang ama na nawalay sa kanyang anak.

Inilagay ni Agamemnon si Erenea sa loob ng gintong itlog. Tinakpan niya iyon at ngayon ay tila may sumelyo doon at naging ganap na itlog na ito. Niyakap niya sa kahuli-hulihang pagkakataon ang itlog at hinalikan iyon bago niya pinakawalan at tinanggap ni Plivar.

"Ilagay mo ang anak ko sa loob ng Charybdis, na nasa bahaging timog ng karagatan. Mukha itong halimaw, o mas tamang sabihin na nagpapanggap na halimaw ito ngunit ito ang magiging mundo ng anak ko. Mundo niya na walang makakapanakit sa kanya. Doon lang magiging ligtas ang anak ko, doon lang siya magiging malaya. Malayo sa mga gustong pumaslang sa kanya." Saad niya kay Plivar.

Dahil ginawa niya ang Charybdis, hindi gaanong pamilyar si Plivar sa kung ano ang itsura nito ngunit agad itong malalaman kapag nakita na ito dahil na rin sa selyo ng hari.

"Masusunod kamahalan." Sagot nito at maingat na hawak-hawak ang itlog. "Aalis na ako kamahalan, mag-iingat kayo." Paalam ni Plivar at lumipad na ito patungo sa timog.

Nakatayo lang si Agamemnon at naninikip ang kanyang dibdib habang nakatanaw sa pigurang papalayo. Ngayon pa lang ay matinde na ang pangungulila na nararamdaman niya.

May mga kasama din siyang mga diwatang mandirigma. Nagpakawala siya ng kapangyarihan upang tawagin ang lahat ng mga demons. This will buy time for his child.

Hindi nagtagal ay dumating na sina Agape at Amoroso. Bawat isa sa kanila ay may hawak na mga espada. Hindi mahulugang karayum ang dami ng mga diwata na kumampi kina Amoroso at Agape, habang kay Agamemnon ay iilan lang. Ngunit nahulaan na niya iyon kaya ginamit niya ang mga demons.

"Agamemnon!" Sigaw ni Agape na ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari at natuklasan. "Ibigay mo sa amin ang bata!"

Hindi natuwa si Agamemnon. Malamig na tiningnan ni Agamemnon ang mga kapatid.

"You will not touch a strand of hair of my child." Tunog pagbabanta ni Agamemnon. He will not let them.

"Nahihibang ka na ba?! Alam mo ba ang ginagawa mo? Kasalanan ang pag-usbong ng batang iyon!" Sigaw ni Amoroso. May kalakip iyon na galit.

"She's my child! My flesh and blood! Are you that heartless to kill an innocent child? Your own niece?!" Hinanakit na asik ni Agamemnon. Hindi niya matanggap ang katotohanan na kayang isakprisyo ng mga kapatid niya ang sariling kadugo.

Dumilim naman ang ekspresyon ni Amoroso. "You know that no child is supposed to exist. You know this from the very beginning but you chose to hide it. It may be your child but the well-being of our race is our top priority. We rather sacrifice a little life than thousands of us."

Umiling si Agamemnon. "You will never understand the feeling of a father, brother...you will never be able to find my child, even death will befall upon us."

And with that, the war broke through...the once respected and almighty king of the fairies Agamemnon, was soon named of the infamous Dark Lord. The fairy king who colluded with demons to destroy the kingdom. He was just a father, who embraced the darkness to protect his child from harm.

©️charmaineglorymae

Bab terkait

  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 1

    Alessia's POVANG bughaw na kalangitan, ang berdeng mga kaparangan at ang malamig na simoy na hangin na nagmumula sa karagatan ng Celebes.Iyon ang araw-araw na bumubungad sa akin tuwing gigising ako, at magtatrabaho sa buong araw. hanggang sa igupo ako ng antok tuwing gabi. Ang likha o obra ng panginoon ay sadyang napakaganda at hanggang sa ngayon ay sadyang misteryoso.Tatlong taon na ang lumipas mula noon araw na naipanganak ko ang aking anak na si Aiden. Malaki ang naging pagbabago sa buhay ko mula ng sumibol siya at isinilang. Ang akala kong magiging malungkot na buhay ko ay naging nakulay nang dahil sa kanya. He took away my sadness and fill the void in my shattered heart.Si Aiden, na siyang tatlong taon gulang na ay isang napakatalinong bata. Sa edad na isang taon gulang ay marunong na siyang magsalita kahit nabubulol pa ito. Nakakaintinde na rin siya ng mga salita. Sa edad na dalawang taon ay marunong na siyang magbasa at magsimula na rin magsulat. Alam ko sa sarili ko na nag

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-08
  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 2

    Alessia's POV"KHLEO, bakit mabagal ang konstraksyon ng templo?" Hindi ko mapigilan na magtanong lalo na at lumipas na ang isang buwan at hindi pa ito tapos. Dapat mabilis lang ang konstraksyon lalo na at marami naman mangagawa.Napakamot naman ng batok si Khleo. He's a man, but oddly, his name is Khloe. Pero habang patagal ay nagiging natural na rin ang kanyang pangalan sa pandinig na tila akma sa kanya ang pangalan na iyon."Hindi kasi magkasundo ang mga ministro doon. Gusto nila ay maraming ginto ang disenyo at medyo matagal ang paghulma ng mga rebulto gamit ang ginto. Pero wag kang mag-alala, matatapos na din ito oras na mabuo na ang rebulto. Iyon ang hinihintay bago ito maipasok sa loob kaya hindi ito matapos tapos." Paliwanag na tugon naman sa akin ni Khloe. His long hair is flowing, it's brownish red which is rare.Napatangu-tango naman ako. This is the struggle of greek temples, most of them wants gold and it's not easy to sculpt gold because we will depend on the miners and t

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 3

    Alessia's POV"HEAD builder, nandito at nakalista lahat ang mga kailangan baguhin. Kakausapin ko din ang arkitekto na gumawa ng disenyo dahil may ipapabago din ako. Kakausapin nila kayo oras na handa na ang bagong disenyo." Saad ko sa head builder at iniabot sa kanya ang papel kung saan nakalista ang mga kailangan baguhin. May kopya din ako dahil i-rerevise ko ang floor plan.Agad na tinanggap iyon ng head builder at tiningnan. Namangha naman siya sa mga nabasa. Hindi nito akalain na sa maiksing panahon ay makikita ko ang mga dapat baguhin."Lahat ay may punto. Hindi ako makapaniwala na ganito karami ang kailangan baguhin at hindi man lang ito napansin ng orihinal na gumawa ng floor plan." Saad niya sa akin at mukhang masaya naman ito. Siguro ay natutuwa ito dahil mareresolba na ang pagkakamali. "Nakakatuwa dahil hindi madali na tuwing bibisita dito ang mangagamot ay lagi itong nagrereklamo ngunit di naman sinasabi kung ano ang dapat baguhin."Ngumiti naman ako. "Siguro ay hindi niya

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 4

    Alessia's POVMAY narinig akong nagtatalo sa loob ng opisina pagkapasok ko pa lang sa departamento. Kakarating ko lamang sa opisina at abala na kaagad ang lahat sa kanilang mga gawain. Dala-dala ko naman ang ni-revise ko kagabi na floor plan.Nagtataka akong umupo sa aking upuan kaharap ang desk. Napatingin naman ako kay Ales tsaka binigyan niya ako ng makahulugang tingin. They look like they are sitting in a chair with blades."You can't do this! This is my first design and I don't want a random stranger ruining my work!" Dinig kong sigaw ng isang babae mula sa opisina ng Master Engineer. Her voice was laced with anguish and obviously, she's not happy about it.Dumako ang tingin ko doon. Sarado ang pintuan ng opisina kaya hindi ko makita kung sino ang nagsasalita. Hindi pamilyar sa akin ang boses nito. Hindi ko din naman nakakasalamuha ang lahat ng mga engineer kaya natural na hindi ko kilala ang lahat. May ibang mga engineer na hindi pumapasok at nasa bahay lang."This is not about

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 5

    Alessia's POVPUMASOK kami sa loob ng opisina. I tried not to look at the blonde man sitting across the desk. I trained my eyes towards Apollo who' now sitting rigidly on the visitor's seat."Good morning, your excellency." Kurong bati namin tatlo at magkasabay din kami na yumukod.Hindi sumagot ang punong ministro kaya napakunot noo ako at hindi mapigilan ang sarili na tingnan kung bakit. I slightly glanced at the prime minister. His face right now is filled with surprise...while looking at me. Hindi naman mahirap isipin kung bakit ganoon ang kanyang reaksyon. Nakilala niya ako at malamang ay alam nito na umalis na ako ng palasyo. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin kong reaksyon, kaya nanatiling blanko ang aking ekspresyon.Naglihis ito ng tingin na tila napaso iyon at tumayo ito at biglang yumukod sa harap namin tatlo. Biglang napataas naman ang aking kilay habang si Ales at Khleo ay nagulat.Hindi ko mapigilan ang aking sarili kung bakit ginawa iyon ng punong ministro. He's a

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 6

    Alessia's POVNAKAUWI din ako sa wakas at hindi ko kaagad sinalubong si Aiden dahil pakiramdam ko ay dumikit sa akin ang samo't-saring amoy doon sa bayan. Mabilis akong naligo dahil alam ko na maarte pagdating sa amoy si Aiden. He will flatly say that I smell bad and it will also hurt my feelings. Sino ba ang matutuwa na sabihin na mabaho sila?Alam ko na hindi ko iyon amoy, pero nakakasakit sa feeling na sabihin na mabaho ka ng anak mo. Pagkatapos ko naman maligo ay dumating naman si Papa. Sa ilang araw niyang pagkawala ay nakaramdam ako ng pagkamiss sa kanya. "Papa?" Galak na saad ko nang makita ko siya sa sala at kalong kalong niya ngayon si Aiden at may hawak itong laruan. Aiden's face was passive and I don't even know if he likes the toy or not. But I guess, he doesn't like it since he prefer books over toys."Anak, halika ka dito. Na-miss ko kayo ng apo ko." Tuwang saad naman ni Papa sa akin. Aiden suddenly flinched like he was alarmed.Agad naman akong lumapit ay mabilis naman

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 7

    Alessia's POVNAKAHARAP ako ngayon sa aking anak dito sa loob ng kwarto. Kanina pa ako nakauwi at hinintay ko na makauwi si Marga at Aiden dahil sasabihin ko na sa kanya ang pag-alis ko.Hindi ako sigurado sa kung ano man ang magiging reaksyon niya, ngunit alam ko na sa huli ay maiintindihan niya ang gagawin ko."Mommy, don't stare at me like that. You're making me worry." Mahinang puna ni Aiden sa akin. His face is a little bit sad and thinking. "Are you sending me to the mortal realm earlier than expected?" His voice cracked and about to sob. A sudden pain in my heart flooded as soon as I saw his expression.Mabilis akong umiling. "No. I am not. Please don't think that way, Aiden." Mabilis na saad ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naisip niya. He knows that he will be going to the mortal realm once he's seven years old. There are still four years remaining. "I just want to tell you something important and I hope you'll gonna understand me."Tumango naman si Aiden. "Just

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-11
  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 8

    Alessia's POVWE FELT cramp inside the carriage because of the overwhelming suitcases of Nicola. Sumunod ito sa amin at basta na lang inilagay sa loob ang mga suitcase na nagpatong patong. Hindi na kami nagreklamo dahil alam namin na walang mangyayaring matino sa loob lalo na at masikip na ngayon. Hindi naman kami magkakarwahe patungo sa Valencia. Patungo kami kung saan ang sasakyan himpapawid nakalapag. Medyo malayo iyon dito at hindi pwedeng lakarin lalo na at marami kaming dala.Tahimik kaming lahat sa loob. Tahimik din si Nicola kahit bakas na bakas sa mukha niya ang disgusto sa mga nangyayari. Hindi rin maipinta ang mukha ni Ales at Khleo ngunit ayaw magsalita ng dalawa.I am also squeezed in here, but I won't complain. It's not like I'm going to die in here. Hindi naman nagtagal ay dumating na kami sa aming destinasyon. Huminto ang karwahe malapit lang sa sasakyang himpapawid.Agad na bumaba si Nicola at nagsisunuran naman kami dahil gusto na namin makahinga ng maluwag. Naunang

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-11

Bab terbaru

  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Epilogue

    Alessia's POVMANY years has passed and it feels like it was only yesterday that Aiden left Wysteria.Naging maayos na rin ako at natanggap ko na ang kanyang pag-alis. Napapawi naman ang aking pangungulila tuwing dumadating si Lolo taon taon dala dala ang mga sulat ni Aiden at mga pictures niya.His pictures was compiled in an album with labels. May picture niya na nag-aaral na siya sa Grade School, sa Middle school at High School. He accelerated so he was in high school at twelve years old. Then he accelerated again and went to college. He took double major, which is Finance and Chemical Engineering. He was allowed to have a double major since he was exceptional who achieved a perfect entrance examination score and worse, he even corrected one of the questions so a bonus was added.Parang nasaksihan ko rin ang kanyang paglaki. Ngayon, ang ginagawa naman niya ay sumali siya sa Military. Sabi niya, boring daw ang Finance dahil nasa loob lang daw siya ng opisina at sa chemical engineeri

  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 50

    Alessia's POVAlmost two years later...WALA sa sarili akong napatingin kay Aiden. Everyone is already preparing for his departure. Alam na rin ng mortal ang tungkol kay Aiden at sila ang kukupkop pagkarating ni Aiden sa mortal realm. The Moretti's. Nagpadala na rin kami ng mga pwedeng ipalit ng pera para kay Aiden. I know the Moretti's are extremely wealthy and they literally own the Imperial State, but Aiden needs to have his own money. The companies for Aiden who will support him no matter what was already stablished. Kahit wala pa si Aiden sa mundo ng mga mortal, ay sobrang yaman na nito. He no longer needs the support of the Moretti's but he needs a family in the mortal realm. Hindi pwedeng lalaki siya doon bilang orphan.Kahit pag-aari si Elijah ang kayamanan ng mga Moretti, hindi pumayag si Elijah na walang sariling pera si Aiden. Kaya naging abala si Lolo sa mundo ng mga mortal para buoin ang yaman para kay Aiden. Aiden will inherit it once he's eighteen years old. Strikto

  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 49

    Alessia's POVKAHIT hindi pa ako lubusan na malakas ay pumunta ako sa pulong ng mga opisyales ng Valeria. Dalawang lingo ang nakakaraan noon ako ay nanganak at ngayon na ang araw ng deklarasyon ni Elijah tungkol sa nakatakdang magiging kapareha ni Eustacia paglaki.Maagang magsidatingan ang mga opisyales. Marami din akong natanggap na mga regalo na hindi biro ang halaga. Alam ko na ang lahat ng iyon ay gustong bigyan ng pabor tungkol sa pagpili ng kapareha ni Eustacia. Ngunit hindi ko naman hiningi o hiniling na bigyan nila ako ng kung anu-ano. Hindi ko iyon inayawan. Tinanggap ko iyon pero hindi ko sila bibigyan ng pabor.If they try to ask a favor or even mention about the gift they gave to me, they will get what they ask."Mahal na reyna, komplete na po ang mga opisyales. Hinihintay na lang po nila ang mahal na hari." Imporma ni Estrebelle sa akin. Siya ang naging mensahero ko nitong nakaraang lingo."Magaling, sabay kaming darating ng hari sa tanggapan." Tugon ko. Pagsabi ko nun a

  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 48

    Alessia's POVNAKATINGIN ako sa kalangitan habang nandito ako nakatayo sa labas ng balkonahe. Makulimlim ang kalangitan ang kanina'y tirik na tirik ang araw. May iilan din pagkidlat at umaambon.Umihip ang malamig at malakas na hangin na tinangay ang aking mahabang buhok. Nakahawak ako sa malaking umbok sa tiyan ko dahil sumakit iyon.Buwan na ng oktobre. Ika labing walong araw ng oktobre. Simula pa kagabi sumasakit ang aking tiyan ngunit nawawala iyon at sumasakit ulit. Kulang kulang ang naging tulog ko dahil nagigising ako tuwing sumasakit ang aking tiyan. Alam ko na malapit na akong manganak dahil ganito din ang naramdaman ko kay Aiden. It was a long labor and the weather is also the same somehow.Ang ginawa ko ay naglakad lakad ako kahit masakit ang tiyan ko para mas mabilis bumaba ang bata sa cervix. Nakaabang na rin ang doktor na magpapaanak sa akin. Si Elijah naman ay nasa loob ng aking silid at pansamantalang nagpapahinga. Napagod ito sa kakasabi sa akin na umupo pero hindi

  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 47

    Alessia's POVA few months later...MALAKI na ang aking tiyan at hirap na rin akong maglakad. Ramdam ko ang bigat ng aking tiyan at tumataba na rin ako dahil sa lumalaki kong appetite at hindi na nakakapag-ehersisyo.Minsan naiiyak na lang ako dahil baka hindi na ako magustohan ni Elijah dahil sa mataba na ako. Hindi pa niya ako nakikita na tumaba at laging ang payat na katawan ko ang nakasanayan niya. Nakakapraning lang din minsan lalo na kung may kausap siya na mga babae na parang modelo ang mga katawan.Hindi ko mapigilan ang mangamba. I am full of insecurity during pregrancy dahil pakiramdam ko ay kaya niya akong palitan ano man oras. Pero bakit ba ganito ang mga naiisip ko? Wala naman ginagawa si Elijah para ma insecure ako. Nothing is changed on how he's treating me. I can still see that I am the most beautiful woman in his eyes despite of my weight gain.Pero praning pa rin ako kahit iyon ang nakikita ko.Katulad na lang ngayon. Naiiyak ako dahil sa sarili kong iniisip. I am cr

  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 46

    Alessia's POVNGAYONG araw gaganapin ang kasal namin para sa mata ng karamihan. Madaling araw pa lamang ay gising na ako para sa preparasyon. Mahaba-habang preparasyon ang gagawin lalo na sa kasuotan ko.Marami din mga tagapagsilbe ang tumulong sa akin sa pagligo at kung anu-anong mga inalagay nila sa katawan ko na pabango. Hinilod din nila ang katawan ko kaya medyo namumula iyon at mas lalong kuminis.Pagkatapos ng mahabang pagligo inayosan na ako. Pinatuyo nila ang aking buhok at inayos iyon. It was the traditional high bun at may mga iilan natirang strand sa gilid ng aking mukha. They also put the make up on, it was a style that enhance more of my assets. It was not overly colored, it was just right.Nakasuot pa ako ng roba at hindi ko kaagad isinuot ang traje de boda."Mahal na reyna, ito na po ang pagkain niyo." Saad ng isa sa mga tagapgsilbe at may dala itong inumin. Tiningnan ko ito at mga prutas iyon na ginawang shake or juice. Kung hindi lang ako buntis ay hindi nila ako pak

  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 45

    Alessia's POVILANG araw na rin ang dumaan pagkatapos ng usapin. May mga ipinadala akong mga sentinel para tingnan ang sitwasyon at ayon sa mga nakalap ko ay naging maayos na ang lahat. Balik normal na ang pamumuhay ng mga pamilyang namatayan at hindi na nag-aalsa ang ilan sa kanila."Mahal na reyna, alin po dito ang nagustohan niyo?" Tanong sa akin ng seamstress. She's the famous seamstress in town. She is called Madam Lucille. She's been making noble's dresses for hundreds of years and her reputation when it comes to making one is unsurpassable. She also starts to create trends and now, she is starting to influence the immortal to wear victorian dresses. It's not modern clothes but definitely not a dress that was worn in thousand of years in Valeria.Valeria is slowly changing. More and more building has been structured after the war. The majority also decided to change the ways to forget the dark history of the war. Even Elijah who's godly when he wears ancient robes, he's starti

  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 44

    Alessia's POVILANG araw ang mga lumipas naging maalaga si Elijah at pati si Aiden ay nakikisali din kahit wala siyang ideya kung ano ang tamang gawin. Bawat oras, nagtatanong si Aiden sa akin kung malapit na ba daw akong manganak. Hindi niya alam na aabutin ng siyam na buwan ang pagdadalang tao ko bago pa ako manganak. He's so excited to see his sibling.Akala niya mabilis lang iyon at agad manganganak. Si Elijah naman ay palaging nagtatanong kung may gusto ba daw akong kainin o ayaw. Wala pa naman akong nararamdaman na ganoon. Parang gusto ko lang kumain ng mga maaasim pero wala naman akong hindi gusto at ayaw.Pansin ko, mas maselan ang pagdadalang tao ko noon kay Aiden dahil halos patayin ako ng morning sickness ko. Ngunit ngayon, walang ganoon na nangyayari."Mom, is it a girl or a boy?" Tanong ni Aiden sa akin habang ang kanyang ulo ay nasa aking tiyan. Gusto niya daw pakinggan ang kapatid niya sa loob."We don't know yet, Aiden. We will only know if a sorcerer will look on my p

  • Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss   Chapter 43

    Alessia's POV"MOMMY! I'm sleeping here tonight!" Aiden said cheerily when he's striding down the hall towards me.Marga and the other servants are following Aiden while their heads are bowing and did not dare to look me in the eye.If he's sleeping here tonight, then...Tumingin ako sa likuran kung nasaan ang pintuan at bago pa man ako nakapag-isip ay iniluwa na rin doon si Elijah. Naglakad ito na tila nakatakda siyang maglakad sa mga oras na ito. The servants are bowing like almost kissing the ground.Elijah and I are not sleeping together since that day because of how busy we are. He was not sleeping and he was working like there is no tomorrow. Aiden was obediently sleeping in his room in the palace as well for some reason. He did not visit me that much as well. He will only visit me for a quick chat and he will go back to the main palace.If the little one is here, the old one will follow. There is always this invisible competition between the two of them. Nasa isang lugar lang ka

DMCA.com Protection Status