—Five Months Later—“Beshy, malapit na ang kabuwanan mo, nakapag-isip ka na ba ng pangalan?” Tanong sa akin ni Odessa, pagpasok namin sa loob ng bahay. Nanggaling kasi kami sa OB ko, since kabuwanan ko na next month. “Hindi ko pa alam kung ano ang ipa-pangalan ko, Dessa. Hindi ba't napag-usapan namin ni Akihiro na huwag alamin ang gender ng baby namin?” sabi ko. “Ay oo nga pala. Pero kung sakaling babae, ano ipapangalan mo?” excited niyang tanong. Napaisip ako. Ano nga ba ang ipapangalan ko? Ang gusto ko kasi, magkatugma dapat sa pangalan ni Akihiro. “Maganda kaya ang Ashley Claire, best?” may pag-aaoangang tanong ko. “Hmm. Maganda naman, pero mas maganda kung ako ang magsa-suggest ng name,” nakangisi niyang sabi. Napairap tuloy ako. “Ikaw ba ang nanay, Dessa? Mag buntis ka na lang din kaya, para naman hindi ka inggit.” Biro ko sa kaniya, napabusangot naman siya. “Naku, gusto ko na nga rin magbuntis. Kaso nga lang wala pa akong nahahanap na bebe, eh.” Sabi niya at inilap
Last Updated : 2023-07-06 Read more