“ Hoy, tinatawag ka ni Sir. Mukhang galit, may nagawa ka bang kasalanan Camilla Lopez?” nakataas kilay na tanong ng kaibigan kong si Odessa. Umiling naman ako, wala naman akong natatandaan na nagawa kong pagkakamali. At saglit pa lang naman ako nawawala sa loob ng opisina ni Sir Akihiro, katunayan nga e, nagpaalam ako sa kaniya na sabay kaming kakain ni Odessa ng lunch. “Puntahan ko lang, baka may ipapagawa.” Pagpapaalam ko sa kaibigan ko, kaagad naman akong nagtungo sa opisina ng boss namin. Naabutan ko itong abala sa pagtitipa sa laptop nito, napailing ako ng isara ko ang pintuan ng office niya. Akala ko nga ay hindi ako nito napansin na dumating pero nagkamali ako. Lumingon ito sa direksyon ko na may malagkit na tingin, napaiwas naman ako ng tingin sa kay Sir Akihiro nang magtama ang mga mata namin. “ Come here, Miss Lopez.” Utos niya, nag-aalangan naman akong naglakad patungo sa kinaroroonan niya. Ambilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan rin ako. Ngayon na nga pala magsisimula an
Read more