Camilla Point of ViewBumaba ako sa tricycle na sinakyan ko patungo sa gusali kung saan ang condo ni Akihiro. Kukunin ko na ang mga gamit ko sa Condo niya, simula sa araw na ito. Kakalimutan ko na ang lahat, kakalimutan ko na ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa. Akihiro is happy now, he already married. Kaagad akong pumasok sa gusali at nagtungo sa elevator. Pinindot ko ang palapag patungo sa condo ni Akihiro. Tamang desisyon naman siguro ito, kukunin ko lang naman ang mga gamit ko. Hindi ako magtatagal dahil sa totoo lang nakikitira lang naman ako. Kumbaga, sampid lang naman ako. Habang nasa elevator ako biglang nag- vibrate ang cellphone ko. Kaagad ko namang sinagot iyon ng makitang natawag si Odessa. “Hello, Dessa?” Napalayo ako ng bahagya nang bulyawan ako nito sa cellphone. “Bakit ka ba basta, basta umaalis ng apartment? Di ba sabi ko sa'yo sasama ako sa'yo riyan sa condo ng boss natin? Bakit hindi mo ako hinintay?” “Hindi mo naman kailangan sumama sa akin, Best. Kukuni
Read more