Camilla Point of ViewBuntis ako. Kaya pala ako nahimatay dahil may laman na ang tiyan ko. Hindi lang basta laman, sanggol na nabuo sa pagitan naming dalawa ni Akihiro. Matapos ang eksena sa hospital mas pinili ko na lamang na umalis na sa hospital. Naiilang ako sa pagiging malapit naming dalawa ni Brandon. Masama ba kung masama pero may utang na loob nga ako sa kanya ngunit wala siyang karapatan para panghimasukan ang buhay ko. Ngayon na alam na niya na si Akihiro ang ama nang dinadala ko. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Brandon. “Ano pala ang sasabihin mo sa'kin best?” kaagad na tanong ni Odessa nang makalapit ito sa'kin. Nasa sala kami ng apartment niya, dapat niyang malaman na buntis ako. Tama pala talaga ang mga what if, what if niya. “Dessa, totoo ngang buntis ako. 'Yung what if, what if mo. Naging totoo nga, I am two months pregnant.” Paos kong sambit. Namaos na ko dahil magmula nung pag-alis ko sa hospital ay umiiyak na ko. Di lang ako makapaniwala na
Christelle Point of ViewKinakabahan akong pumasok sa office ni Dad. Nang masilayan ko ang aking ama, kakaibigang takot ang naramdaman ko. I can't believe na mabubuntis ako dahil sa one night stand. Isinawalang bahala ko lamang ang one night stand na nangyari sa amin ni Brandon. Yes, si Brandon ang naka one night stand ko noong gabing 'yon. Ako lang ang nakakaalam na nagtalik kami noong gabing lasing na lasing siya. Even me, wala ako sa tamang katinuan ng gabing 'yon. Ang buong akala ko ay si Akihiro ang katalik ko but I'm wrong. Nang magising ako kinaumagahan doon ko napagtanto na si Brandon nga. Umalis ako sa hotel ng mahimbing na natutulog ang letseng lalaking 'yon. Sa sobrang pagmamahal ko kay Akihiro, napagkamalan ko ang ibang lalaki na si Akihiro iyon. And now buntis na ko...“Bakit nandito ka Hija? tanong ni Dad.Ngumiti ako ng pilit, I don't know kung uubra itong plano ko. “Dad, can you help me? ” “Of course, Hija. What is it?” “Ahm. Buntis ako Dad, at hindi si Akih
CAMILLA POINT OF VIEWMabilis akong tumalikod ng bigla akong mataranta. Kararating ko pa lamang sa hospital na tinutukoy ni Eunice. At akala ko ay kaya kong pumunta ro'n dahil nais akong makita nito. Kaso hindi pa pala. Kasama ni Eunice ang Mama niya at ang kuya niyang si Akihiro. Malayo pa ako sa kinatatayuan nila ng biglang lumingon si Akihiro sa gawi ko na siyang nagpataranta sa'kin. Pinagsikapan kong magmadali maglakad ngunit tila bumabagal ang paghakbang ko na imbis bumilis at mas bumagal pa. Tila may pumipigil sa akin na huwag tumakbo at harapin ang kapalaran ko. Napatigil ako ng may isang kamay na humablot sa braso ko. Napalingon ako sa likuran ko dahil sa pagkabigla, “Aalis ka na agad?” walang emosyong tanong ni Akihiro sa'kin. Naipaiwas ako ng tingin sa kaniya, para akong matutunaw sa pamamaraan ng pagtitig niya sa'kin. Hindi ko masabi kung anong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya pero isa lang ang masasabi ko. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya, p
CAMILLA POINT OF VIEWKaharap ko ngayon si Brandon. Nandito siya sa apartment ni Odessa at hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako. Gusto ko siyang tanungin kung sinsundan niya ba ulit ako ngunit mas pinili ko na lamang manahimik. May mga dala siya, isang bunton ng pulang rosas at isang box ng chocolate. “A-ano pala ang ginagawa mo rito?” tanong ko nang makaupo siya sa upuan na nasa sala. Si Odessa ang nagpapasok kay Brandon sa loob ng apartment niya at sinabi niya sa'kin na ako na ang bahala sa bisita ko at siya'y mag-aayos na para sa pagpasok sa opisina. Wala akong magawa kundi tumango lang. Inabot niya ang isang bunton ng rosas at isang kahong chocolate sa gawi ko. Pinagmasdan ko lang ito, ano ang gagawin ko rito? Hindi naman ako mahilig sa tsokolate, si Odessa ang mahilig dito. Dapat kay Odessa na lamang niya ito ibinigay. Mukhang napansin naman niya na wala akong balak kunin ito. “This is for you. Peace offering na rin dahil sa nangyari noong nakaraang araw,” pil
One Week LaterCAMILLA POINT OF VIEWHabang nakasakay ako sa taxi ay hindi ko maiwasang malungkot. Bakit ba kasi kaliwa't kanan ang mga Billboard dito sa kalsada. At ang mas nakakadurog pa ng puso ay ang makita na ang lalaking napupusuan mo ang nandoon at ang kasama niya ay si Christelle. Nag-announce kasi ang media na buntis nga raw si Christelle at ang ama ay si Akihiro. Hindi naman nakakagulat 'yon, mahal naman nila ang isa't isa. Grabe may kapatid kaagad ang baby na nasa tummy ko. “Ma'am, nandito na po tayo.” Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot sa taxi driver na sinasakyan ko. Hinintay kong suklian ako at bumaba na ako sa tapat ng center. Nandito ako sa center para magpa-check up at para na rin makahingi ng vitamins para sa pagbubuntis ko. Dapat sa private ako didiretso kaso hindi na kaya ng badget ko para ro'n magpa-check-up. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng center ay napahilot ako ng noo dahil sa haba ng pila. “May nakaupo po ba rito?” tanong ko sa ba
“Talaga bang iiwan mo na ako best? Sama na lang ako sa'yo tiyak naman na papayag si bebe Brandon eh,” nagpapa-cute na sabi ni Odessa. Nabanggit ko na kasi sa kaniya na tinanggap ko na ang alok ni Brandon na trabaho sa akin. Kaso nga lang hindi ako dito sa Pilipinas magtatrabaho, kundi sa Singapore. Maganda raw ang benefits do'n at ang magiging tirahan ko raw do'n ay libre. Tatanggihan ko pa ba? Pero hindi pa ako nakapagpaalam sa kapatid ko at kay Papa. Hinihintay ko ngayon si Brandon dahil ang sabi niya sasamahan niya raw ako sa bahay namin. Nagpumilit pa nga na sasama siya kaya wala akong nagawa kundi sumang-ayon. “Dessa, hindi mo naman kailangang sumama sa'kin. Kung nag-aalala ka dahil sa'kin ay huwag mo na akong isipin. Ayos lang ako,” mahinahon kong sabi. “Ehh... hindi ko na talaga kaya pa'ng magstay sa kumpanya ni Sir Smith. Nakakainis ang asawa niya, sa totoo lang!” inis na sabi niya. Napakunot ang noo ko. Ang tinutukoy niya ba ay si Christelle? Bakit naman siya maiinis kay
SINGAPORE CHANGI INTERNATIONAL AIRPORT“Gosh, this is real? Nandito na nga tayo sa Singapore!” masayang sambit ni Odessa. Maski ako hindi makapaniwala na nandito na kami sa Changi International Airport sa Singapore. Napakaganda ng pagkaka-disenyo sa loob ng Changi Airport. Hindi ko ma- describe ng malinaw ang pagkakadisenyo pero napaka ganda. Iyon lang ang masasabi ko...“Let's go Ladies. Hinihintay na tayo ng driver ko,” aya ni Brandon. “Uy, bebe Brandon. Ang laki naman nitong Changi Airport, puwede nang tumira dito kahit walang kuwarto.” Biro ni Odessa kay Brandon na ngayon ay katabi niya. Tumawa lamang ng mahina si Brandon at sinenyasan kaming maglakad na. Naglakad naman kami ni Odessa, nasa likuran lang kami ni Brandon dahil siya ang nakakaalam kung ano ang pasikot-sikot dito sa Changi Airport. Nang makalabas kami sa Changi Airport ay bumungad sa amin ang kulay gray na Van.Binuksan ni Brandon ang pintuan ng backseat at tumingin ito sa akin senyales na pumasok na ako sa
Camilla Point of View“Good Morning, Miss Camilla and Miss Odessa. Welcome to my restaurants!” Saad ng binatang kaharap namin ngayon. Nandito kami sa office ng may-ari nitong restaurant na pagtatrabahuhan namin ni Odessa. Kaya ko nasabing binata pa ang owner ng restaurant na ito ay dahil mukhang kaedaran ito ni Brandon as far I know, kaibigan ito ni Brandon. “Thank you sir, Zian! ” “Thank you sir.” Sabay naming sabi ni Odessa. “No need to call me 'sir', just call me Zian. Since we are friends now, ” nakangiti nitong sabi. .Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Odessa at bahagya itong bumulong sa tainga ko. “Best parang iba na nag type ko... Hehe ang guwapo naman nitong kaharap natin.” Bahagya naman akong lumayo dito, nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa binulong ng kaibigan ko sa akin. Sa lagay na natitipuan niya ang boss namin? Wala na talagang pinipiling lugar itong kaibigan ko. “There's have a problem?” kunot ang noong tanong ng owner ng restaurant na pagtatrabahuan nami
I woke up with all white around me. I wonder why two children are calling me "daddy". “Daddy!”“Daddy, please wake-up now.” “Mommy, is waiting for you.” I want to asked them… kung bakit pilit nila akong ginigising, kung gising naman talaga ako. I fucking hate this feeling… It's super weird. I'm still single. I don't have any children.Pero ngayon bakit may isang batang babae at batang lalaki ang nasa harapan ko?The boy looks like me. It's like me when I was young. And the little girl… ay hawig ng secretary. She looks like Camilla, my secretary. But why do they keep calling me dad? “Hey, kids. Come here, I have questions.” Sabi ko sa dalawang batang tumalikod sa 'kin at biglang tumakbo palayo sa 'kin. Tinawag ko sila, ngunit hindi nila ako naririnig. Nagpatuloy sila sa pagtakbo… Sa daan na puro puti lamang ang tanging nasa paligid. Hanggang sa hindi ko na sila makita. NAPAMULAT ako ng may humalik sa pisngi ko. And I saw my two kids in front of me. My daughter is smiling. Wh
—CAMILLA—Hawak-hawak ko ng mahigpit ang kamay ng lalaking mahal ko habang hindi matigil ang luha ko sa pagda usdos. Nakaupo ako sa wheelchair, dahil sobrang sariwa pa ng tahi ko. Na Cesarian ako ng hindi ko alam. Kung alam ko lang na, kambal pala ang nasa sinapupunan ko. Hindi ako matutulog noong gabing 'yon. Pero unexpected talaga ang nangyari. Nang malaman ko kay Odessa ang tungkol do'n, tila ba naglaho ang kaba't takot ko noong tumakas ako kila Brandon. Hanggang sa umabot kami sa gitna ng kakahuyan dahil kay Christelle. Ang saya ko. Pero makukumpleto yung saya na nararamdaman ko ngayon, kapag nagising na si Akihiro. Ang ama ng dalawa naming supling. Two days na siyang nakahiga sa kama. Two days na rin siyang walang malay.Ilang bag na rin ng dugo ang sinalin sa kaniya. Sobrang dami daw kasing dugo ang nawala sa katawan niya. Pero awa ng diyos, lumalaban si Akihiro. At alam kong lalaban siya para mabuhay dahil hindi pa niya nasisilayan ang anak namin. Noong oras na man
—Third Person—HALOS takbuhin na ng rescue team ang hallway ng ospital para lamang maisugod sa OR ang nag-aagaw buhay na lalaki. At walang iba kundi si Akihiro Smith. Kanina, sa gitna ng kakahuyan. Naabutan ng mga pulis ang baliw na si Christelle, na nakatulala. Habang nakatingin sa nakahandusay na lalaki. Umiiyak pa ito habang natatawa. Para bang wala ito sa tamang katinuan, at hindi nito makilala ang lalaking binaril niya sa tiyan. Dalawang bala ang tumagos sa tiyan ni Akihiro dahilan upang humandusay ito sa lupa habang umaagos ang sarili nitong dugo sa lupa at sa na tuyong dahon. “Ikaw kasi eh. Bakit ba kasi kamping kampi kayo sa babaeng 'yun? Eh hindi naman ako masama. Actually I'm perfect pa nga eh.” Saad ni Christelle habang blangko pa rin ang mukha nito. “Ginawa ko naman ang lahat. I'm successful woman, nasa akin na ang katangian na hanap mo, tapos sa isang sekretarya ka lang magkakagusto?” At habang wala ito sa katinuan, dinakip siya ng mga pulis. Doon nagising si Chr
—CAMILLA— Habang naglalakad kami palabas ng kakahuyan. Nararamdaman ko na ang sobrang pananakot ng tiyan ko. Sinabayan pa ng matinding pagkahingal. Nang tuluyan na kaming makaalis sa kakahuyan, bumungad sa amin ang mga tao na nakikiusisa sa nangyayari. May ambulansya din, pero ang una kong hinahanap ng paningin ko ay si Manang Fe. Kaso di ko makita si Manang Fe, sa mga taong nasa tabi ng kalsada. Na rescue na kaya si Manang Fe? Katanungan na namutawi sa isip ko. Grabe ang kabutihan na ginawa ni Manang Fe, para lang tulungan ako. Sa pagpapatuloy namin sa paglalakad, papunta sa mga taong nakikiusisa, do'n ko nakita si Odessa. Nakita rin niya kami, kaya naman sinalubong niya kami nang bakas ang pag-aalala sa mukha. Niyakap niya ko ng mahigpit at ilang saglit lang ay kumalas na rin ako ng yakap. Hinawakan niya ang dalawa kong kama at marahang pinisil. “Ikaw babae ka! Pinag-alala mo kaming lahat. Kamusta ka? Sinaktan ka ba ng babaeng 'yun?!” tanong ni Odessa.Umiling ako, “Okay
—THIRD PERSON—Sa gitna ng kakahuyan, hinihingal na napasandal si Camilla. Habang impit ang paghinga nito. Samantalang nasa likod lamang ng malaking puno ng Mahogany ang nagsisilbing harang para hindi magtagpo ang landas nilang dalawa ni Christelle. Dalawang magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Christelle sa direksyon niya. Akala niya ay katapusan na niya, ngunit mabuti na lamang at hindi siya nadaplisan.“Lumabas ka na riyan, Camilla. Huwag mo na akong pahirapan pa!” natatawang sigaw ni Christelle. “O' sige na nga, hindi ako lalapit riyan sa punong pinagtataguan mo. Hihintayin kitang lumabas dyan… but there's have a time.” Dugtong pa nito. “Ten seconds ang ibibigay ko sa 'yo, at kapag nag-end na, kailangan mo ng lumabas diyan. Huwag mong pahintayin ang tulad ko, Camilla. Ubos na ang pasensya ko sa 'yo!” Litanya pa sa kaniya ni Christelle. “I'm counting now, Camilla…” “One.” “Two.” “Three.” Nakakatatlong bilang pa lamang si Christelle, ay tuluyan ng lumandas ang
—Third Person — “Oh my gosh! Naka live sila Camilla!” ani Odessa ng mag-open siya ng Facebook account.Kapapasok lang nila sa kotse ni Akihiro, balak nilang bumalik ulit sa bahay ng mga Smith. Wala kasing tao dito sa bahay ni Brandon… Ang sabi ng caretaker sa kanila ay lumipat na sa bagong bahay nito.…“What?”“Huh?” Itinapat ni Odessa sa dalawang lalaking kasama niya ang screen ng cellphone niya, para makita nila kung ang nasa live. Nasa driver seat si Akihiro at katabi naman niya si Lance, samantalang siya ay nasa back seat. “Nasa panganib ang kaibigan ko!” ani Odessa.“What the h*ll …” Bulalas ni Akihiro ng makita ang buntis niyang asawa sa live.Ang ekspresyon ng mukha nilang dalawa ni Lance ay parang hindi makapaniwala. Binawi ni Odessa ang cellphone niya, at tiningnan ang oras kung anong oras nagsimula ang live.“15 minutes ago na nang magsimula ang live.” Sambit niyang muli. Ngayon niya lang nabasa ang caption ng user na nag-live sa FB. “May isang babaeng may hawak
—CAMILLA—“Ahh!” Tili ko at nagkunwari akong namimilipit sa sakit. “Dalhin niyo ako sa ospital, maawa kayo.” Saad ko nang tawagin ni Manang Fe ang isa sa lalaking bantay na inutusan ni Brandon na bantayan ako. Hindi mawari ang ekspresyon ng mukha nito na makita akong nakaupo sa sahig. “Anong nangyari dito?” tanong nito kay Manang Fe.“Ah… nadulas si Ma'am— dalhin natin siya sa ospital, Isko.” kunwaring takot na saad ni Manang Fe. “Teka lang, Manang Fe. Hindi natin si Ma'am puwede dalhin sa ospital, mahigpit na inutos 'yun ni Sir Brandon.” Saad nito kay Manang. “P-pero 'yung anak ko— di ko na kaya,” ani ko. “Andoy, dalhin na natin siya sa ospital, ako na ang bahalang tumawag kay sir Brandon.” “Sigurado ka, Manang Fe? Tawagan mo muna si Sir, para makasigurado ako.” Suhestiyon nito habang ang tingin ay nasa akin. Nagkatinginan kami ni Manang Fe, saka lang niya naunawaan ang gusto kong iparating ng tumango ako. “Gustuhin ko man pero, huwag daw natin siyang tatawagan dahil may
—CAMILLA—“Nagpapanggap lang po kayo?” gulat na tanong ng katulong sa akin. Nahihiya naman akong tumango. Inalalayan ako nitong tumayo para makaupo sa gilid ng kama. Wala akong choice kundi magsabi ng totoo, tutal para namang mabait itong katulong. Susubukan ko na lang na…“Oo. Sorry kung ginawa ko iyon, akala ko kasi hindi ako papalpak.” Saad ko at napabuntong hininga. “Gusto ko lang naman na makaalis dito, tiyak na hinahanap na ako ng pamilya ko.” Naguguluhan naman ang naging ekspresyon ng katulong ni Brandon. “Kinidnap ka po ni Sir?” Tumango ako, “Ayaw ko sanang sabihin na obsessed siya sa 'kin, pero dahil sa ginawa niyang 'to…” “Kaso lang, kung tutulungan kita, hindi rin tayo makakalusot sa mga bodyguards ni sir Brandon. Lahat ng mga nandito sa bahay, binilinan ni sir na kahit anong mangyari, hindi ka puwedeng lumabas dito.” Paliwanag ng katulong sa 'kin. “Handa mo talaga akong tulungan?” “Ano pa nga ba po ang magagawa ko? Pati kung ipagpapatuloy ni Sir Brandon ito, mas la
—CAMILLA LOPEZ—NAGISING ako na ibang kuwarto ang bumungad sa 'kin. Ang interior design ng kuwartong ito ay kakaiba sa silid namin ni Akihiro. Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi. Nang mapagtanto ko na gumamit si Brandon ng pampatulog, napabangon ako sa kama. “Hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo Brandon para gawin ito,” sambit ko. Lumapit ako sa pintuan at ng mahawakan ko ang doorknob, napagtanto ko na hindi ako makakalabas dahil naka-lock ito. Nag-umpisa akong kabahan at napalingon sa bintana. Mabilis akong nagtungo ro'n upang silipin ang labas. Pero nanlumo ako ng makita kong nasa ikatlong palapag ang kinalalagyan ko. Hindi ako makakatakas dito. Kung dadaan ako dito sa bintana, baka mapahamak pa ang nasa tiyan ko. Napalingon ako sa pinto, nang marinig ko ang pag-pihit ng doorknob. Hindi ako gumawa ng anumang hakbang nang makita ko kung sino ang taong nagbukas ng pinto. “Gising ka na pala. Eat now, Cam Pinagluto kita ng almusal,” unang bungad niya sa 'kin