“Camilla, ang tatay mo!” Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Odessa nang sabihin niya 'yon. Paakyat pa lang sana ako sa hagdan para tawagin siya kaso naunahan niya ako. Huminto ito sa tapat ko at nanunubig ang mata ako nitong hinarap. “Tumatawag ba si Papa sa'yo dessa?” tanong ko.Umiling siya, at malungkot ang mukha tumitig sa akin. “Huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko sa'yo, best. ” “Dessa, sabihin mo na. Pinapakaba mo pa ako eh,” saad ko sa seryosong tono. “Best, ang Papa mo, wala na.” Nanlamig ako sa narinig ko, hindi ko magawang igalaw ang binti ko para pumunta sa upuan at umupo. Ang tatay ko, patay na? Biglang umikot ang paningin ko, ang huli kong nakita ay ang paglapit sa akin ng kaibigan ko.***Nagising ako ng nasa silid ko na, nandito rin si Brandon. Pero imbis na magsalita ako ay tumulo na lamang ng kusa ang luha ko. “Cam, stop crying,” pag-aalo sa akin ni Brandon ngunit nagsimula na akong humikbi. “K-kailangan kong umuwi sa Pilipinas, kailangan kong makita
Magbasa pa