CAMILLA POINT OF VIEW“Honey, I'm hungry.” Napalingon ako bigla sa gilid ko ng marinig ko ang sinabi ni Akihiro. Nasa kama na siya at samantalang nagsusuklay ako ng buhok. Kaliligo ko pa lang at itong isa, kanina pa tapos maligo. Paano ito magugutom kung kakatapos pa lang namin kumain kanina? Dinaig pa ata ako nito. “Hubby, hindi ba't kakakain pa lang natin kanina? Bakit gutom ka na naman?” tanong ko. Inilapag ko ang suklay sa drawer ko at lumapit na sa kama. “I don't know why I'm still hungry. I think I need to it something,” sabi niya at tinitigan ako ng malagkit. “Naglilihi ka ba?” kunot noo kong tanong sa kaniya ng makaayos ako ng sandal sa headboard ng kama. “Ano ba ang gusto mong kainin, ipagluluto na lang kita.” “I want to eat something… like you…” sabi niya at akma akong hahalikan sa labi ng iharang ko ang palad ko sa mukha niya. Natawa naman ako dahil para siyang bata na hindi napagbigyan. “Ikaw ha. Kala mo, makakaisa ka sa akin ngayon ha? Di ba sabi ng OB ko, bawal
“Puwede ba naming malaman ng kaibigan ko, kung bakit nagpadala ka ng bouquet of roses? Bakit hindi ka nagpapakilala?” “Hello? Nandyan ka pa ba? Bakit ayaw mong magsalita? Pipe ka ba?” Hinawakan ko si Odessa sa balikat at sinenyasan siyang ibigay sa 'kin ang cellphone. Ayaw kasing magsalita ng nasa kabilang linya, kung ako ang magtatanong, baka magsalita rin ang taong nasa likod ng lahat ng ito. “Oh, beshy. Baka ikaw lang ang gustong makausap,” nakabusangot na sabi ni Odessa. Nang mahawakan ko na ang cellphone ko, mahigpit ko itong hinawakan. Ewan ko kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko, kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. “Hello? Si Camilla ito, bakit mo ako pinadalhan ng bulaklak, saan mo pati nakuha ang contact ko?” mahinahon kong tanong. “Kilala ba kita? Bakit hindi ka magpakilala? Bakit ayaw mong magsalita?” tanong ko ulit. Ilang minuto ang lumipas ngunit wala talagang nagsasalita sa kabilang linya, ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog ng mga sasakyan. Akman
CAMILLA POINT OF VIEWToday is Saturday, pero feeling ko ay parang Lunes na. Paano ba naman kasi, araw-araw na lang ay busy si Akihiro sa trabaho. Gusto ko ngang pumunta sa office niya, kaso hindi niya ako pinapayagan. Mas mahalaga raw ang kaligtasan namin, kaysa sa paggagala. Ngayon, nasa office siya dito sa bahay, habang nakatutok sa computer niya. Masyado raw dumami ang mga gustong mag invest sa kumpanya nila. Sino ba naman ako para umangal? Palamunin na nga ako dito, dadagdag pa ako sa aasikasuhin niya. Pero nag-aalala kasi ako, sa super abala niya sa trabaho, baka mamaya bumigay ang katawan niya. Sabado ngayon, dapat magpahinga siya buong araw. Nandito ako sa kusina, nagluluto ako ng almusal namin. Si Lance, nandu'n sa dating bahay namin. Maglilinis daw siya ro'n dahil tiyak na maraming sapot ng gagamba ang nandun sa loob ng bahay. “Five little monkeys, jumping on the bed.” Panimula ko sa kantang five little monkeys, nagpa-practice na akong kumanta para kapag nangana
*CAMILLA LOPEZ* “Uhm. Crush ko lang naman siya, Ate Camilla. You know, ang sakit pala masabihan ng pilingera… tapos itong kapatid mo, napaka suplado. Argh—” nakabusangot na Ani ni Eunice. Napakamot ako sa batok ko dahil confirm nga. Talagang in-love si Eunice sa kapatid ko. “Eunice, hindi naman suplado ang kapatid ko. Siguro— nahihiya lang 'yun kaya nagiging suplado sa tuwing kaharap ka niya,” nakangiti kong sabi. Pero mas lalong bumagsak ang balikat niya dahil do'n. “Alam mo ba… iyang kapatid ko parang si Kuya Akihiro mo lang. Kasi no'ng nagtatrabaho pa ako sa kumpanya niyo, ang sungit-sungit niya. Pero may tinatago namang kabutihan, kaya tignan mo kami ngayon. Siguro kami ang nakatadhana,” sabi ko at ngumiti ng malapad. “Mabait naman talaga si Kuya, ate. Minsan nga lang, tinatagas. Kaya talagang bibihira lang kami magkasundo dati, pero ngayon. Nang dumating ka sa buhay namin, naging close ko lalo siya. Pati si Dad, kung dati, napaka strict at ayaw niya sa'yo, pero ngayon. Payag
*GROCERY TIME* HABANG abala si Camilla sa pamimili ng mga pagkain na kailangan nila sa bahay. Ay may isang taong nakamasid sa kaniya, hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Walang kaalam-alam ang babae na sa bawat kilos niya ay may nanonood sa kaniya. Samantalang, umalis saglit si Akihiro upang kunin ang wallet niya sa kotse. Nasa loob na kasi sila ng grocery store ng bigla niyang maalala na naiwan niya ang wallet niya sa loob ng sasakyan. Kaya nagpa-alam siya kay Camilla na babalikan niya saglit ang wallet. Hindi naman nahihirapan si Camilla sa pamimili dahil mayroong staff ng grocery store ang naka-alalay sa kaniya. “Ms. Nasaan po ang mister mo?” hindi na napigilan ng staff na tanungin siya. Hinarap naman niya ang staff ng grocery store at magalangena sumagot. “Naiwan niya kasi 'yung wallet sa sasakyan, kaya binalikan niya saglit.” “Ganu'n po ba, akala ko kasi kasama niyo 'yung lalaking naka-cap,” saad ng staff at napakamot ulo pa. Naipilig niya ang ulo at tumingin sa paligid
—One Week Later—NAKASUOT ako ng pink dress na umabot hanggang sa hita ko. Nasa isang dinner kami, kung saan kasama kong lahat ang pamilyang Smith. Ngayon kasi ang araw na makikilala naming lahat ang bibili ng 30% share sa kumpanya ng mga Smith. Napaaga ang pag-uwi ng bibili, ang buong akala namin limang buwan pa bago magkaroon ng isang dinner with the investor. Pinaliwanag sa akin ni Akihiro na ang 30% na iyon na ibebenta ay sa share ni Mr. Buenna. Binawi kasi ng Daddy ni Christelle ang share niya sa kumpanya nila Akihiro. At ngayon kailangan nila Akihiro na ibenta ang 30% para ma-maintain ang takbo ng kumpanya. “Wife. Are you tired now?” bigla akong napalingon sa tabi ko nang bigla akong tanungin ni Akihiro. Ngumiti naman ako bago umiling. “Hindi pa naman, ilang minuto pa lang naman tayo naghihintay dito.” Ani ko. “Pati, huwag mo akong alalahanin, ayos lang naman ako. Gusto ko rin ma-meet yung bibili ng 30% share sa kumpanya niyo. ” Dugtong ko pa. “Okay, wife. Just tell
*CAMILLA LOPEZ*HIMAS-HIMAS ko ang aking tiyan, habang papasok ng clinic. Kinaumagahan, nagpasya akong pumunta ng clinic dahil nanakit ang tiyan ko. Siguro dahil, hindi naman ako nakatulog kagabi. Kahit na nakapikit ang mga mata ko, ang diwa ko naman ay buhay na buhay. Magalang akong naupo sa bakanteng silya sa office ni Dr. Cruz, ito ang OB ko. Mabait naman ito ngunit may pagka-istrikto. Nauunawaan ko naman ang pagiging istrikto nito sa mga katulad kong buntis, dahil sa kapakanan ng mga anak namin. “Oh, Mrs. Smith, bakit napasugod ka dito? Hindi ba't next week pa ang checkup mo para sa ultrasound?” tanong nito. Kimi akong ngumiti at napangiwi dahil masakit talaga ang tiyan ko. “Magpapa-check up sana ako ngayon, Dr. Cruz, nananakit kasi ang tiyan ko. Nag-aalala ako na baka maapektuhan ng pagsakit nang tiyan ko ang baby namin ni Akihiro. Tumayo si Dr. Cruz at nilapitan ako para kunin ang Blood Pressure ko. Minuto lang ang lumipas ng bumalik siya sa upuan niya bago humarap sa a
*CAMILLA LOPEZ* Pagkatapos sa apartment ni Dessa, nagpasya na akong umuwi ng bahay. Naabutan ko ang kapatid ko na may hawak-hawak na isang regalo. Kaya ko nasabi na regalo dahil nasa kahon ito na may mga designs at may ribbon. Mukhang niregaluhan siya ng special someone. Nang makita niya ako na papalapit dito, iniangat niya ang hawak niyang regalo sa akin. Nagtataka naman akong lumapit sa kaniya at tinignan siya sa mukha. “Oh, para saan 'yan, Lance?” tanong ko. “Deliver para sa 'yo, ate. Mukhang special ang laman niyan,” sagot ni Lance. Napailing ako, kanino naman ito galing? “Sa akin ba talaga? O baka galing iyan sa special someone mo at gusto mong ibigay na lang sa akin dahil nahihiya ka?” nakangiti kong sabi. “Hindi sa akin 'yan ate. Tignan mo yung sa may note, nakalagay ang pangalan mo.” Suhestiyon niya kaya naman napatingin ako sa sticky note na nakadikit sa ibabaw. Naupo ako sa couch at huminga ng malalim bago naisipang tanggalin ang ribbon. “Kanino kaya ito galing?'
I woke up with all white around me. I wonder why two children are calling me "daddy". “Daddy!”“Daddy, please wake-up now.” “Mommy, is waiting for you.” I want to asked them… kung bakit pilit nila akong ginigising, kung gising naman talaga ako. I fucking hate this feeling… It's super weird. I'm still single. I don't have any children.Pero ngayon bakit may isang batang babae at batang lalaki ang nasa harapan ko?The boy looks like me. It's like me when I was young. And the little girl… ay hawig ng secretary. She looks like Camilla, my secretary. But why do they keep calling me dad? “Hey, kids. Come here, I have questions.” Sabi ko sa dalawang batang tumalikod sa 'kin at biglang tumakbo palayo sa 'kin. Tinawag ko sila, ngunit hindi nila ako naririnig. Nagpatuloy sila sa pagtakbo… Sa daan na puro puti lamang ang tanging nasa paligid. Hanggang sa hindi ko na sila makita. NAPAMULAT ako ng may humalik sa pisngi ko. And I saw my two kids in front of me. My daughter is smiling. Wh
—CAMILLA—Hawak-hawak ko ng mahigpit ang kamay ng lalaking mahal ko habang hindi matigil ang luha ko sa pagda usdos. Nakaupo ako sa wheelchair, dahil sobrang sariwa pa ng tahi ko. Na Cesarian ako ng hindi ko alam. Kung alam ko lang na, kambal pala ang nasa sinapupunan ko. Hindi ako matutulog noong gabing 'yon. Pero unexpected talaga ang nangyari. Nang malaman ko kay Odessa ang tungkol do'n, tila ba naglaho ang kaba't takot ko noong tumakas ako kila Brandon. Hanggang sa umabot kami sa gitna ng kakahuyan dahil kay Christelle. Ang saya ko. Pero makukumpleto yung saya na nararamdaman ko ngayon, kapag nagising na si Akihiro. Ang ama ng dalawa naming supling. Two days na siyang nakahiga sa kama. Two days na rin siyang walang malay.Ilang bag na rin ng dugo ang sinalin sa kaniya. Sobrang dami daw kasing dugo ang nawala sa katawan niya. Pero awa ng diyos, lumalaban si Akihiro. At alam kong lalaban siya para mabuhay dahil hindi pa niya nasisilayan ang anak namin. Noong oras na man
—Third Person—HALOS takbuhin na ng rescue team ang hallway ng ospital para lamang maisugod sa OR ang nag-aagaw buhay na lalaki. At walang iba kundi si Akihiro Smith. Kanina, sa gitna ng kakahuyan. Naabutan ng mga pulis ang baliw na si Christelle, na nakatulala. Habang nakatingin sa nakahandusay na lalaki. Umiiyak pa ito habang natatawa. Para bang wala ito sa tamang katinuan, at hindi nito makilala ang lalaking binaril niya sa tiyan. Dalawang bala ang tumagos sa tiyan ni Akihiro dahilan upang humandusay ito sa lupa habang umaagos ang sarili nitong dugo sa lupa at sa na tuyong dahon. “Ikaw kasi eh. Bakit ba kasi kamping kampi kayo sa babaeng 'yun? Eh hindi naman ako masama. Actually I'm perfect pa nga eh.” Saad ni Christelle habang blangko pa rin ang mukha nito. “Ginawa ko naman ang lahat. I'm successful woman, nasa akin na ang katangian na hanap mo, tapos sa isang sekretarya ka lang magkakagusto?” At habang wala ito sa katinuan, dinakip siya ng mga pulis. Doon nagising si Chr
—CAMILLA— Habang naglalakad kami palabas ng kakahuyan. Nararamdaman ko na ang sobrang pananakot ng tiyan ko. Sinabayan pa ng matinding pagkahingal. Nang tuluyan na kaming makaalis sa kakahuyan, bumungad sa amin ang mga tao na nakikiusisa sa nangyayari. May ambulansya din, pero ang una kong hinahanap ng paningin ko ay si Manang Fe. Kaso di ko makita si Manang Fe, sa mga taong nasa tabi ng kalsada. Na rescue na kaya si Manang Fe? Katanungan na namutawi sa isip ko. Grabe ang kabutihan na ginawa ni Manang Fe, para lang tulungan ako. Sa pagpapatuloy namin sa paglalakad, papunta sa mga taong nakikiusisa, do'n ko nakita si Odessa. Nakita rin niya kami, kaya naman sinalubong niya kami nang bakas ang pag-aalala sa mukha. Niyakap niya ko ng mahigpit at ilang saglit lang ay kumalas na rin ako ng yakap. Hinawakan niya ang dalawa kong kama at marahang pinisil. “Ikaw babae ka! Pinag-alala mo kaming lahat. Kamusta ka? Sinaktan ka ba ng babaeng 'yun?!” tanong ni Odessa.Umiling ako, “Okay
—THIRD PERSON—Sa gitna ng kakahuyan, hinihingal na napasandal si Camilla. Habang impit ang paghinga nito. Samantalang nasa likod lamang ng malaking puno ng Mahogany ang nagsisilbing harang para hindi magtagpo ang landas nilang dalawa ni Christelle. Dalawang magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Christelle sa direksyon niya. Akala niya ay katapusan na niya, ngunit mabuti na lamang at hindi siya nadaplisan.“Lumabas ka na riyan, Camilla. Huwag mo na akong pahirapan pa!” natatawang sigaw ni Christelle. “O' sige na nga, hindi ako lalapit riyan sa punong pinagtataguan mo. Hihintayin kitang lumabas dyan… but there's have a time.” Dugtong pa nito. “Ten seconds ang ibibigay ko sa 'yo, at kapag nag-end na, kailangan mo ng lumabas diyan. Huwag mong pahintayin ang tulad ko, Camilla. Ubos na ang pasensya ko sa 'yo!” Litanya pa sa kaniya ni Christelle. “I'm counting now, Camilla…” “One.” “Two.” “Three.” Nakakatatlong bilang pa lamang si Christelle, ay tuluyan ng lumandas ang
—Third Person — “Oh my gosh! Naka live sila Camilla!” ani Odessa ng mag-open siya ng Facebook account.Kapapasok lang nila sa kotse ni Akihiro, balak nilang bumalik ulit sa bahay ng mga Smith. Wala kasing tao dito sa bahay ni Brandon… Ang sabi ng caretaker sa kanila ay lumipat na sa bagong bahay nito.…“What?”“Huh?” Itinapat ni Odessa sa dalawang lalaking kasama niya ang screen ng cellphone niya, para makita nila kung ang nasa live. Nasa driver seat si Akihiro at katabi naman niya si Lance, samantalang siya ay nasa back seat. “Nasa panganib ang kaibigan ko!” ani Odessa.“What the h*ll …” Bulalas ni Akihiro ng makita ang buntis niyang asawa sa live.Ang ekspresyon ng mukha nilang dalawa ni Lance ay parang hindi makapaniwala. Binawi ni Odessa ang cellphone niya, at tiningnan ang oras kung anong oras nagsimula ang live.“15 minutes ago na nang magsimula ang live.” Sambit niyang muli. Ngayon niya lang nabasa ang caption ng user na nag-live sa FB. “May isang babaeng may hawak
—CAMILLA—“Ahh!” Tili ko at nagkunwari akong namimilipit sa sakit. “Dalhin niyo ako sa ospital, maawa kayo.” Saad ko nang tawagin ni Manang Fe ang isa sa lalaking bantay na inutusan ni Brandon na bantayan ako. Hindi mawari ang ekspresyon ng mukha nito na makita akong nakaupo sa sahig. “Anong nangyari dito?” tanong nito kay Manang Fe.“Ah… nadulas si Ma'am— dalhin natin siya sa ospital, Isko.” kunwaring takot na saad ni Manang Fe. “Teka lang, Manang Fe. Hindi natin si Ma'am puwede dalhin sa ospital, mahigpit na inutos 'yun ni Sir Brandon.” Saad nito kay Manang. “P-pero 'yung anak ko— di ko na kaya,” ani ko. “Andoy, dalhin na natin siya sa ospital, ako na ang bahalang tumawag kay sir Brandon.” “Sigurado ka, Manang Fe? Tawagan mo muna si Sir, para makasigurado ako.” Suhestiyon nito habang ang tingin ay nasa akin. Nagkatinginan kami ni Manang Fe, saka lang niya naunawaan ang gusto kong iparating ng tumango ako. “Gustuhin ko man pero, huwag daw natin siyang tatawagan dahil may
—CAMILLA—“Nagpapanggap lang po kayo?” gulat na tanong ng katulong sa akin. Nahihiya naman akong tumango. Inalalayan ako nitong tumayo para makaupo sa gilid ng kama. Wala akong choice kundi magsabi ng totoo, tutal para namang mabait itong katulong. Susubukan ko na lang na…“Oo. Sorry kung ginawa ko iyon, akala ko kasi hindi ako papalpak.” Saad ko at napabuntong hininga. “Gusto ko lang naman na makaalis dito, tiyak na hinahanap na ako ng pamilya ko.” Naguguluhan naman ang naging ekspresyon ng katulong ni Brandon. “Kinidnap ka po ni Sir?” Tumango ako, “Ayaw ko sanang sabihin na obsessed siya sa 'kin, pero dahil sa ginawa niyang 'to…” “Kaso lang, kung tutulungan kita, hindi rin tayo makakalusot sa mga bodyguards ni sir Brandon. Lahat ng mga nandito sa bahay, binilinan ni sir na kahit anong mangyari, hindi ka puwedeng lumabas dito.” Paliwanag ng katulong sa 'kin. “Handa mo talaga akong tulungan?” “Ano pa nga ba po ang magagawa ko? Pati kung ipagpapatuloy ni Sir Brandon ito, mas la
—CAMILLA LOPEZ—NAGISING ako na ibang kuwarto ang bumungad sa 'kin. Ang interior design ng kuwartong ito ay kakaiba sa silid namin ni Akihiro. Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi. Nang mapagtanto ko na gumamit si Brandon ng pampatulog, napabangon ako sa kama. “Hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo Brandon para gawin ito,” sambit ko. Lumapit ako sa pintuan at ng mahawakan ko ang doorknob, napagtanto ko na hindi ako makakalabas dahil naka-lock ito. Nag-umpisa akong kabahan at napalingon sa bintana. Mabilis akong nagtungo ro'n upang silipin ang labas. Pero nanlumo ako ng makita kong nasa ikatlong palapag ang kinalalagyan ko. Hindi ako makakatakas dito. Kung dadaan ako dito sa bintana, baka mapahamak pa ang nasa tiyan ko. Napalingon ako sa pinto, nang marinig ko ang pag-pihit ng doorknob. Hindi ako gumawa ng anumang hakbang nang makita ko kung sino ang taong nagbukas ng pinto. “Gising ka na pala. Eat now, Cam Pinagluto kita ng almusal,” unang bungad niya sa 'kin