Samantha"Sam..." gumagaralgal ang boses na tawag sa akin ni Wayne.Biglang pumitlag ang aking puso ngunit hindi ko s'ya pinansin, deritso lang ang mabibigat na mga lakad ko. Papihit na ako ng seradura ng malakas s'yang umiyak."Sam... 'wag mo akong iiwan, please." umiiyak na sabi n'ya na nagpahagulhol sa akin lalo. "Hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Stacey. Inaamin ko nagkamali ako, pero isang beses ko lang ginawa 'yon Sam. Noong unang gabing dinala kita dito sa Condo, noong iniwan kita ng two weeks, natatandaan mo pa ba iyon? Gulong-gulo ako sa nararamdaman ko sayo noon kaya nagawa ko 'yon. Pero kailan man hindi na naulit pa 'yon Sam, tanging iyon lang ang pagkakamaling nagawa ko habang kasal tayo at pinagsisisihan kong nagawa ko 'yon. Naduwag ako kaya hindi ko maamin-amin agad sayo. And I'm so sorry for that, sa lahat ng nagawa kong kasalanan sayo, hindi ko sinasadyang saktan ka. 'Yong mga babaeng basta na lang nagsipagsulputan at sinasabing binuntis ko sila, ma
Read more