Share

Chapter 49 (Part 2)

Halos panawan na ako ng ulirat sa aking narinig at bumungad sa akin. Kaagad akong huminto sa paghakbang at nanlalaki ang mga matang pinanood sila.

"Sabi mo mahal mo ako. Tanging ako lang at wala ng iba. Na napilitan ka lang pakasalan si Samantha dahil sa obligasyon mo sa kanya."

"Anong--"

"Diba sinabi mo sa akin, aanakan mo lang s'ya, pagkatapos kukunin mo ang anak n'ya at magsasama tayong dalawa? Hindi mo na kailangan pang gawin 'yon dahil buntis na ako Wayne." umiiyak na kaagad yumakap si Stacey sa asawa ko. Natitigilan namang nakatalikod sa gawi ko si Wayne.

Ilang minuto ang lumipas na nanatili sila sa ganung posisyon. Hanggang sa nakita kong unti-unting ngumiti si Stacey habang nakatingin sa akin.

Napakurap-kurap ako sa katangahan ko. Hindi man lang ako nagtago, bumalandra ako sa harapan nila! Nakatayo ako ilang metro ang layo sa kanila.

"Buntis ako Wayne at ikaw--"

Kaagad binaklas ni Wayne ang mga braso ni Stacey na nakapulupot sa kanyang bewang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status