Naiiyak kong hiyaw sa aking utak habang nakasabunot ang aking dalawang kamay sa mga buhok ko."Sundan mo sa labas Alex!" sigaw ko sa kanya saka patakbong nagtungo ako sa garahe.Ngunit kaagad din akong napabalik ng takbo papunta sa loob ng bahay ng maalala kong wala akong dalang susi ng kotse.F*ck..!Frustrated na patakbong bumalik ako sa aking kotse pagkakuha ko ng susi sa loob ng bahay. Halos manginig ang mga kamay ko sa pagmamadaling maipasok ang susi sa ignition ngunit hindi mapasok-pasok. "Damn it! Damn it! Damn it!" paulit-ulit kong mura habang makailang ulit pang nalaglag ang susi sa pagmamadali ko.Nang maipasok ko na, kaagad ko itong ini-start at pinasibad palabas ng gate. Paliko na ako sa sumunod na kanto ng makita ko si Alex na mabilis na tumatakbo at hingal na hingal. Sunod-sunod ko s'yang binusinahan saka inihinto ang kotse sa tabi n'ya."Ano nakita mo ba?"Umiling s'ya habang hinahamig ang kanyang sarili at hinahabol ang kanyang paghin
WayneFour years later."You're fired!" malakas kong singhal sa secretary ko.Hindi ko alam kung nakailan na ba akong palit na secretary. Pinagtatanggal ko silang lahat kahit wala namang ginagawang mali. It's just because ayaw ko ng babaeng secretary, lalaki pinapahanap ko pero ang magaling kong ama pinapakialaman na naman ako."Sir, para n'yo ng awa, 'wag n'yo po ak--""I said you're fired! Get out in my sight!" muli kong singhal sa kanya saka malalaking hakbang na tinalikuran s'ya at pumasok ng aking opisina.Binalibag ko ang cellphone na hawak ko pagkapasok ko saka nagtungo ng aking bar counter at nagsalin ng alak. Kaagad ko itong nilagok.Mahirap hanapin ang isang taong nagtatago kaysa sa nawawala.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking utak ang sinabi ni Suarez.Naggigigil ako sa kanya dahil magpahanggang ngayon wala pa ring mahanap na lead kung saang lupalop ba pumunta ang asawa ko. It's been four f*cking years since she left me! Kaya a
He stared at me intently then sighed. "Matagal ka ng pinapauwi ng Mama mo sa Villa. Bakit hindi mo s'ya pagbigyan ngayon?""Anong gagawin ko doon? Makinig sa mga sermon n'ya at sa paulit-ulit n'yang panrereto sa babaeng napulot n'ya sa kung saan?""Apat na taon ng wala si Sam, siguro ito na ang panahon na mag-move on ka at humanap--""Stop! Just stop Dad and leave me alo--""Akala ko ba ayaw mo ng marinig pa ang pangalan n'ya tapos ngayon nangangalaiti ka ng sabihin kong mag move on ka na sa kanya?" nakangising sabi n'ya sa akin na nagpakulo lalo ng dugo ko.Damn... nakakapikon na sila!"Magre-resign na ako at ayoko ko ng bumalik pa dito sa kompanya mo!" nangangalaiting sigaw ko sa kanya saka malalaking hakbang na iniwan s'ya."Umuwi ka sa probinsya!" pahabol na sigaw n'ya pa sa akin pero hindi ko s'ya pinansin.Derideritso akong naglakad patungo ng elevator. May mga nakasalubong pa akong mga empleyado pero kaagad din nagsipag gilid pagkakita sa
SamanthaFlashback."Nagigising na s'ya! Doc. nagkamalay na s'ya!" narinig kong sigaw ng boses ng isang babae.Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata ngunit kaagad din akong napapikit ng masilaw ako sa liwanag ng ilaw sa kesame. Kinusot ko ang aking mata saka tinakpan ng kamay, nang masanay na sa liwanag saka ko tinanggal ang kamay na nakaharang sa mata ko. "Iha, okey ka lang ba? May masakit ba sayo." nag-aalalang mukha ng babae ang bumungad sa akin.Kaagad n'yang hinawakan ang kamay ko.Napatitig ako sa kanyang mukha ng matagal. Ang ganda-ganda n'ya at subrang puti. Ang liit ng mukha. Namumula pa ang kanyang mga pisngi at mga labi. Kulay green ang kulay ng kanyang mga mata.Is she a foreigner?Pero bakit ang galing n'ya magtagalog? Dahan-dahan akong naupo sa kama. Inalalayan n'ya pa akong makasandig sa headrest.Napabaling ako sa pintuan ng biglang bumukas 'yon at pumasok ang isang nakangiting doctor.Doctor?Napakunot-noo ako
"Hay naku, parehas lang kayo ng anak ko, ang tigas ng ulo.""Mama naman, mahirap pong turuan ang puso...""Baka pag nakita mo ang anak ko ikaw pa ang mag-volunteer na magpakasal sa kanya." sabad n'ya kaagad sa akin."Mama naman e...""Bakit ba takot na takot kang pumasok sa family room namin ng makita mo ang lahat ng pictures ng mga anak ko? Pati mga photo album ayaw mong tingnan. Mahal mo pa rin ba s'ya kahit niluko ka na n'ya, pinagpalit sa iba?"Napatitig ako sa kanya ng matagal dahil sa huling tanong n'ya sa akin.Mahal ko pa ba s'ya?Pinakiramdaman ko ang aking sarili saka marahan akong tumango sa kanya."Hays, ang swerte sana ng anak ko sayo, sayang." sabi n'ya sabay tapik sa aking balikat. "Ihatid ko na kayo sa School, wala 'yong driver natin, pumunta ng Manila. Uuwi ang asawa ko at anak kong babae galing States bukas, 'wag kayong umalis na mag-ina para makilala mo sila. Lagi na lang kayo hindi nagpapang-abot ng asawa ko sa tuwing umuuwi '
Wayne"Kuya--""'Wag mo ng ituloy at ganun pa rin ang sagot ko. Hindi ako pupunta.""John." biglang sabi ng boses ng lalaki.I released a pissed groaned ng makilala ko ang boses ng asawa ni Viel sa kabilang linya."Busy ako." sabi ko kaagad sa kanya."I wanna ask you a favor bro, just this one please. I can't attend the graduation ceremony due to an emergency in my work. Hindi kami makakauwi ni Viel. Ikaw na muna ang pumalit sa akin as Guest Speaker. Nasabihan ko na 'yong School Principal at bukas na 'yon." animo'y nagmamakaawa n'ya pang sabi sa akin."Sinabi--""Dumeritso ka na din sa bahay Kuya. Umuusok na sa galit 'yong ilong ni Mom." sabad kaagad ni Viel sa kabilang linya."Bakit pumayag na ba ako sa gusto n'yo? Hindi ako pupunta." asik ko sa kanya."Sabi ni Nate, pumayag ka na." sabi n'ya na ikinainis ko lalo."Bakit ba lahat na lang ng mga problema n'yo pinagpapasa n'yo sa akin ha? Hindi n'yo ba alam na may problema rin ako?" ga
"Pagkatapos mong umuwi ng Villa, punta ka sa Resort ni James ah. Two weeks kami doon." nakangiting sabi n'ya sa akin.I nodded. "Try ko." sabi ko."'Wag mong e-try, gawin mo. Binuburo mo lang ang sarili mo sa opisina. Tumatanda ka na Wayne, 'wag mong sayangin ang panahon." sabi n'ya saka pinaandar ng asawa nito ang kotse.Kumaway pa s'ya bago umalis ang sasakyan nito. I waved back.Malalim akong napabuntong-hininga habang nakatanaw sa papalayong sasakyan nila.Pumasok ako sa gate ng mawala na sila sa paningin ko. Binalingan ko kaagad si Alex."Pakikuha ng lahat ng gamit ni Sam na nasa kahon at iakyat mo sa kwarto ko, ngayon na." sabi ko sabay talikod.Pumasok ako sa kabahayan saka dumeritso ng kusina. Naabutan ko pang nagtatawanan ang dalawang pasaway na kaagad din huminto pagkakita sa akin. Animo'y nakakita ng multo sa subrang pagkagulat ng pumasok ako sa loob ng kusina.Nilingon ako ni Nana. "Umalis na ba si Jelyn?" tanong n'ya sa akin.Tum
SamanthaAnong ginagawa n'ya dito sa San Andres? Bakit nandito siya?!Takot na takot at nanginginig pa ang aking katawan habang pabalik-balik na naglalakad sa loob ng kwarto namin ni Gwen na mahimbing ng natutulog sa kama.Kararating lang namin galing Mall. Halos lumipad na ang kinasasakyan naming kotse kanina pauwi sa subrang pagkataranta ni Hans sa ingay ng bunganga ko at lakas ng iyak ni Gwen.Sa tagal ng panahon hindi ko halos maisip na sa isang iglap mangyayari ang sinasabi ni Tita, ang kinatatakutan ko, ang mag-krus ang landas naming dalawa ni Wayne. Kanina lang namin pinag-uusapan 'yon tapos sa isang pitik ng daliri, boom..! Nasa harapan ko na s'ya bigla!Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana or ano. Hindi ako handa! Hindi ako prepared! Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko ngayon. Sa nakikita kong itsura kanina ni Wayne habang manghang-mangha at nakanganga pang nakatitig sa akin, nasisiguro kong hindi 'yon titigil hanggat hindi n'ya a