Nagpupuyos sa inis ang aking dibdib habang naglalakad ako papunta sa unahan.Walanghiya s'ya. Halos mamatay ako sa takot ng pagkakadukot sa akin kanina tapos may kinalaman pala ang bwesit na lalaking 'yon dito. Magpinsan nga sila ni Miguel, parehong siraulo. Humanda s'ya sa akin mamaya...Ngunit habang palapit ako ng palapit sa unahan at nakikita ang masasaya at nakangiting mukha ng mga tao, ng mga mahal ko sa buhay, unti-unting napapalitan ng 'di matatawaran na saya, tuwa at galak ang aking puso.'Yong tipong puro negative ang laman ng isip mo, puno ng inis, galit, takot ang puso mo dahil sa disaster na nangyari sa akin simula noong alas dos ng madaling araw na dinukot ako hanggang kanina. Tapos sa isang iglap biglang nag-iba ang ihip ng hangin, ganito ang ending.Diba.. akalain mo yon? Nakaisip sila ng ganito! Napaka taba ng utak! Sino ba ang nagplano ng lahat ng ito at bibigyan ko ng subrang higpit na yakap sa leeg hanggang sa mamatay s'ya, tanda ng pasasalam
SamanthaNataranta ako ng humakbang palapit si Wayne. Kaagad ko s'yang pinigilan, hinila sa kanyang braso."No Wayne please. Huwag kayong gumawa ng gulo dito ni Luigi." madiin kong pigil sa kanya saka nilingon si Luigi.Pero sa nakikita kong itsura at titigan nilang dalawa hindi ko kakayanin. Parang manok na magsasalpukan ang dalawa. Ang tangkad at laking tao pa nila. Baka ma-sandwich lang ako nito sa gitna pag nagpang-abot itong dalawa. Nakakahiya sa mga bisita at mga magulang namin kung magkagulo sila.Nalintikan naaaa!Nagpalinga-linga ako, naghanap ng maaaring tumulong sa akin. Then I saw James. Nakatanaw sila ng asawa n'ya sa amin. Sinenyasan ko s'yang lumapit. Kaagad naman n'ya nakuha ang ibig kong sabihin. Nagtinginan sila ni Rash saka malalaking hakbang na lumapit sa amin.Kaagad inakbayan ni James ang kaibigan n'ya pero nagprotesta si Wayne. Hinatak ko s'ya sa kanyang damit.Tinitigan n'ya ako saka muling binalingan si Luigi. "Don't you dare
Nginitian ko s'ya saka hinawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa aking pisngi. "Mas okey na din ata na ganun ang nangyari sa atin. Sa totoo lang kasi nawalan na akong tiwala sayo noon. Lagi akong takot na baka magising na lang ako isang araw wala ka na sa tabi ko, naagaw ka na ng iba."He sighed. "Malabong mangyari 'yang iniisip mo. Dibale ng mamatay ako kaysa mabuhay pa ng wala ka naman sa piling ko."I chuckled. "Asus, bumanat ka na naman." sabi ko saka bumangon. "Balik na tayo sa labas?"He nodded then we went out the room.Marami ang kumausap at bumati sa amin.Nakilala ko din si Jelyn at asawa nitong si William pati ang cute-cute na babaeng anak nila na kaedaran ni Gwen na natutulog na sa braso nito.Habang kausap ko sila hindi ko maiwasan makosensya sa ginawa kong panghuhusga kay Wayne. Ngayon ko lang narealized na masyadong makitid, marumi at advance pala ang utak ko noon, puro negative ang laman. Hinayaan kong kainin ako ng mga nagyari sa buha
WaynePresent day.I tasted the last drop of my whiskey when the door swung open. At pumasok ang luko-luko kong kaibigan na kararating lamang ng States. I smirked with his sudden visit."Sino na naman ang luhaang babaing iyon na dinispatsa mo?" "Ang ganda ng pasalubong mo sa akin, ah."I heard his evil smirked, "Di nga? Sino na naman ba yun? Wala na kayo ni Jelyn?"I smirked. Nilagok ko kaagad ang bagong kuha kong whiskey."Ba't ka napadpad dito?""Sus! Umiiwas ka lang. Sino nga 'yung babaeng pinaluha mo na nakasalubong ko?" Kulit pa ni Miguel sa akin."Pinaluha ka diyan. Wala akong ginagawa sa kanya, ah.""I bet, meron. Luhaan eh." Tudyo niya sa akin."Hindi nga! Kulit din nito. Anong atin at napadpad ka dito? Lagot ka kay Tito pag nalaman nun na inagahan mo ang uwi para mag hasik na naman ng lagim dito sa Manila. Tiyak itatapon ka na naman nun pabalik ng States." I chuckled."Naku! Style! 'Wag mong ibahin ang usapan at may nakita ako ng papasok ako dito. Tiyak na pinaiyak mo 'yon."
SamanthaNaglalakad ako pabalik na ng bahay namin galing botika bitbit ang biniling gamot ng aking Inay Cora ng mapadaan ako sa karendiryang pinagtatrabahuhan ng Ate Shienna ko. Malayo pa lang ay dinig na dinig ko na ang pagbubunganga ni Aling Pricilla. Hindi ko alam kung sino na namang tauhan nito ang pinapahiya sa harap ng maraming taong nakapila sa labas.Halos araw-araw ay iba't ibang mukha ng serbidora ang nakikita ko sa karendirya n'ya. Walang tauhan na tumatagal dito maliban kay Ate Shienna at Ate Lea dahil sa ubod ng sama ng ugali nito.Nang malapit na ako sa pwesto ng kainan ay nakipagsiksikan ako sa mga taong nakapila para makiusyuso na din kung anong meron. At animo'y may pinapanood na palabas at nagkakandahaba ang mga leeg ng mga nakapila. Lunch break na kaya maraming taong nakapila sa karendirya nito."Ano pang tinatanga-tanga mo d'yan!? Ligpitin mo na yang mga pinagkainan at linisin ang mesa! Ang haba na ng pila o, napakakupad nito!
SamanthaBigla akong napatayo ng upuan sa sinabi ng Itay. Nagtatakang tinitigan ako ng mga ito. Hinatak pa ako ni Ate sa'king kamay para mapaupong muli sa'king upuan. Nakakunot noong niyuko ko siya. Pinanlalakihan niya ako ng mga mata. Tinitigan ko siya. Kaagad din akong nahimasmasan ng bahagya pa nitong pisilin ang aking hita. Dahan-dahan akong umupong muli.Nagtatanong na mga matang tinititigan ko pa rin si Itay na nakaupo sa harapan ko. Pilit kong binabasa ang kanyang isip. Naghahanap akong senyales kung nagbibiro lamang ba ito sa sinasabi. Pero wala akong makita. Seryoso pa rin ang mukha nito. "Ano? Doon na po tayo titira? Bakit? Anong sasabihin sa atin ng anak ng mga Del Carpio? Pumayag po ba sila?"Sunod-sunod na tanong ko kay Itay.Tahimik lamang itong nakatingin sa akin. Pati ang Inay ay tahimik lang din na nakaupo sa tabi nito. Ang kamay naman ng Ate ko ay naglulumikot sa ilalim ng mesa at panay ang kurot sa aking hita.
SamanthaHeaving violently. My lips parted a bit to gasp for air. I stopped running. Nanghihina ako. Pagod na pagod. I felt even more weaker when I turned around and didn't see any trace of her. Butil-butil na pawis ang tumulo sa aking mukha.I was literally listening to a strong thud of my heart. Nagpalinga-linga ako, pero wala. Sa'n pumunta yun? I slowly sat on the ground as I found my breath.I shouted her name many times, but no one answering. Nilamon lang ng malawak na kakahuyan 'yong malakas na boses ko. Nanatili lang akong nakaupo sa lupang puno ng mga tuyong dahon habang inaantay siya.Ang bagal namang tumakbo.Ngunit ilang oras na ang lumipas, ni anino nito wala akong makita. Tanging huni ng mga ibon at pang-gabing kuligling lang ang bumabalot sa aking paligid. At malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking mga balat.Bigla akong kinabahan.Napabalikwas ako ng tayo. Pinagpag ko ang ibang dahon na dumikit sa aking pang-upo. Nagpalinga-linga ako ulit. Tumingin ako sa itaas.
Kaagad akong napatakbo para salubungin ang mga ito. Naramdaman ko ring sumunod sa aking likod ang aking mga magulang."Whoa..." Narinig kong mahinang wika ni Miguel at kaagad na huminto ang kabayo sa paglalakad malapit mismo sa harapan ko.Nauna itong bumaba. Hinaplos-haplos pa muna ang ulo ng kabayo. Parang kinakausap. Di ko naman marinig kung ano ang sinasabi. Bago binalingan si Ate at tinulungang makababa rin sa kabayo nito.Pagkababang-pagkababa ni Ate ng kabayo ay kaagad ko itong sinalubong at niyakap ng mahigpit. Natatawa pa itong tinapik ako sa aking likod."Hindi naman ako galing abroad para mamiss mo ng ganito Sam."I scoffed. "Subra akong nag-alala sa'yo kung napa'no ka na tapos ganyan ka pa ngayon sa akin? Kung alam ko lang na masaya ka pala e di sana hindi na ako nag-alala pa sayo. Sayang lang 'yong luha ko. Umiyak ako sa walang kakwenta-kwentang bagay."Naiinis kong sunod-sunod na wika sa kanya at masamang tiningnan si Miguel na nakatayo sa likuran niya ng marinig kong mah
Nginitian ko s'ya saka hinawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa aking pisngi. "Mas okey na din ata na ganun ang nangyari sa atin. Sa totoo lang kasi nawalan na akong tiwala sayo noon. Lagi akong takot na baka magising na lang ako isang araw wala ka na sa tabi ko, naagaw ka na ng iba."He sighed. "Malabong mangyari 'yang iniisip mo. Dibale ng mamatay ako kaysa mabuhay pa ng wala ka naman sa piling ko."I chuckled. "Asus, bumanat ka na naman." sabi ko saka bumangon. "Balik na tayo sa labas?"He nodded then we went out the room.Marami ang kumausap at bumati sa amin.Nakilala ko din si Jelyn at asawa nitong si William pati ang cute-cute na babaeng anak nila na kaedaran ni Gwen na natutulog na sa braso nito.Habang kausap ko sila hindi ko maiwasan makosensya sa ginawa kong panghuhusga kay Wayne. Ngayon ko lang narealized na masyadong makitid, marumi at advance pala ang utak ko noon, puro negative ang laman. Hinayaan kong kainin ako ng mga nagyari sa buha
SamanthaNataranta ako ng humakbang palapit si Wayne. Kaagad ko s'yang pinigilan, hinila sa kanyang braso."No Wayne please. Huwag kayong gumawa ng gulo dito ni Luigi." madiin kong pigil sa kanya saka nilingon si Luigi.Pero sa nakikita kong itsura at titigan nilang dalawa hindi ko kakayanin. Parang manok na magsasalpukan ang dalawa. Ang tangkad at laking tao pa nila. Baka ma-sandwich lang ako nito sa gitna pag nagpang-abot itong dalawa. Nakakahiya sa mga bisita at mga magulang namin kung magkagulo sila.Nalintikan naaaa!Nagpalinga-linga ako, naghanap ng maaaring tumulong sa akin. Then I saw James. Nakatanaw sila ng asawa n'ya sa amin. Sinenyasan ko s'yang lumapit. Kaagad naman n'ya nakuha ang ibig kong sabihin. Nagtinginan sila ni Rash saka malalaking hakbang na lumapit sa amin.Kaagad inakbayan ni James ang kaibigan n'ya pero nagprotesta si Wayne. Hinatak ko s'ya sa kanyang damit.Tinitigan n'ya ako saka muling binalingan si Luigi. "Don't you dare
Nagpupuyos sa inis ang aking dibdib habang naglalakad ako papunta sa unahan.Walanghiya s'ya. Halos mamatay ako sa takot ng pagkakadukot sa akin kanina tapos may kinalaman pala ang bwesit na lalaking 'yon dito. Magpinsan nga sila ni Miguel, parehong siraulo. Humanda s'ya sa akin mamaya...Ngunit habang palapit ako ng palapit sa unahan at nakikita ang masasaya at nakangiting mukha ng mga tao, ng mga mahal ko sa buhay, unti-unting napapalitan ng 'di matatawaran na saya, tuwa at galak ang aking puso.'Yong tipong puro negative ang laman ng isip mo, puno ng inis, galit, takot ang puso mo dahil sa disaster na nangyari sa akin simula noong alas dos ng madaling araw na dinukot ako hanggang kanina. Tapos sa isang iglap biglang nag-iba ang ihip ng hangin, ganito ang ending.Diba.. akalain mo yon? Nakaisip sila ng ganito! Napaka taba ng utak! Sino ba ang nagplano ng lahat ng ito at bibigyan ko ng subrang higpit na yakap sa leeg hanggang sa mamatay s'ya, tanda ng pasasalam
SamanthaNagtatawanan kaming magkakaibigan ng biglang bumukas ang pinto, pumasok si Miguel. Kaagad akong napatigil sa pagtawa at natutok sa kanya ang aking nanlalaking mga mata."Anong ginagawa mo dito?" nakakunot-noong tanong ko kaagad sa kanya.Nginisian n'ya ako saka tiningnan ang mga kaibigan ko."Ah, Sam, labas muna kami ha, baka hinahanap na kami ng mga tsikiting namin." sabi ni Cait na ikinakunot lalo ng aking noo.Sabay-sabay pa silang nagtungo papunta sa pinto."May mga anak na rin kayo?" excited na bulalas ko.Nakangiting nilingon nila ako saka tumango."Meron, nasa labas, makikita mo mamaya." nakangiting sabi ni Sheeva sabay talikod.Lalo akong nagtaka ng makita kong halos magkumahog pa sila sa pagmamadaling lumabas ng kwarto. Sinusulyapan si Miguel na animoy hari na nakatayo sa harapan ko't makahulugan naman silang tinitingnan. Na para bang nag-uusap-usap sila sa pamamagitan ng mga mata. Hindi ko maintindihan, ang weird pero sa na
Hinayaan ko lang s'yang yakapin ako habang pinoproseso ng aking naguguluhang utak ang sinabi n'ya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pakiramdam ko may malaking mali talaga e. Kanina bigla na lang sumulpot si Calderon sa bahay pagkatapos kong makausap si James. Tapos ngayon...Kanino s'ya anak? Bakit Daddy ang tawag n'ya sa akin? Kailan ba ako nagkaanak? Bakit hindi ko ata alam? Pero bakit kamukha ko s'ya?!Arrgh ang gulo..!"Baby..." tawag ko sa kanya.Kaagad naman s'yang kumalas sa pagkakayakap sa akin saka nakangiti akong tiningnan.I smiled back at her. "Bakit mo ako tinawag na Daddy?""Dahil ikaw po ang Daddy ko." sagot n'ya kaagad sa akin.Biglang pumitlag ang aking puso sa sinabi n'ya. Habang tinititigan ko ang ngiti n'ya si Sam ang pumapasok sa aking utak. Hindi ko ma-explain pero parang iba ang hatak sa akin ng batang itong nasa harapan ko."Sino nangsabi sayong ako ang D-Daddy mo?""Si Lola tsaka si Tito Miguel po. Kamukha mo 'y
WayneYesterday was the best ever advanced gift for our sixth years wedding anniversary..!At last I found her. She's with me now!Sa apat na taon na nakalipas ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing. Ang sarap sa pakiramdam. Sa subrang sarap parang ayaw ko ng magising. Nakangiting nag-inat ako ng aking mga kamay sabay kapa sa aking katabi. Unti-unting napalis ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa napakunot noo ako ng wala akong mahawakan na katawan ng tao. Kaagad akong napadilat at napabalikwas ng bangon ng hindi ko makita si Sam sa tabi ko."Sam?" tawag ko sa kanya pero wala akong marinig na ano mang ingay maliban sa ugong na nagmumula sa aircon sa loob ng kwarto.Saan ba pumunta 'yon? Ang aga-aga bumabangon kaagad...Himutok ko pa sa aking sarili saka lumabas ng kwarto."Sam?" tawag ko ulit sa kanya ngunit wala pa ring sumasagot.Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong makita ni isang tao. Napatingin ako sa malaking orasan sa dingding. Na
Hanggang sa nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman kong pader na ang nasa likuran ko. Nagtaas baba pa ang aking mga dibdib sa biglang tensyon na naramdaman ko habang nakatitig sa mukha n'yang may pilyong mga ngising walang kurap-kurap na nakatitig din sa akin. Para na akong malalagutan ng hininga.Bumaling ako sa aking kaliwa para sana tumakbo ngunit malakas akong napatili sa gulat ng malalaking hakbang s'yang mabilis na nakalapit sa akin sabay tukod ng dalawang malaking braso n'ya sa aking gilid. Halos pangapusan ako lalo ng hininga sa ginawa n'ya.Hindi ko na alam kung saan na ba ako natatakot. Ang makita n'ya ba ang anak ko, ang abutan kami ng mga tao dito sa bahay or ang gagawin n'ya sa akin? Sa uri ng ngisi at titig n'ya pakiramdam ko gusto n'ya akong kainin na buo. Hindi ko alam kung bakit n'ya 'to ginagawa sa akin at mas lalong hindi ko alam kung pa'no n'ya ako natunton dito.Bakit nandito s'ya?"Did I heard you right? You called my Mom, Mama." amused
SamanthaDamn... what the hell he's doing here?!Ano 'to joke? Pinagtataguan ko s'ya, tinatakasan ko tapos ngayon nandito s'ya sa aking harapan?!Ang lupet magbiro ng tadhana grabe... Wala ng lulupit sa lahat ng malupit!Pagkatapos sabihin ni Ruth kanina na nasa likuran namin si Wayne mabilis pa sa alas kuwatrong kumaripas kaagad ako ng takbo palayo sa kanila. Dumeritso ako ng CR at nagkulong doon. Kahit nagsimula na ang graduation ceremony hindi ako lumabas. Pinagkakatok ako doon ng mga kaibigan ko pero hindi nila ako napilit lumabas. Nagdahilan na lang akong biglang sumama ang tiyan ko.Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili doon. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Wayne na nagsasalita na sa mic. Lumabas ako saka sumilip sa Stadium. Lalo akong kinabahan ng makita kong umiikot ang kanyang paningin na para bang may hinahanap s'ya na tao. Ayaw kong mag-assume pero subrang kaba ang bigla na lang bumundol sa aking dibdib.Pagkatapos ng graduation cer
WaynePagkatapos kong kumain bumalik ako sa kuwarto para sana umidlip ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nanatili akong nakadilat at nakatitig sa kisame habang iniisip pa rin si Sam. Hindi na s'ya matanggal pa sa aking utak.Pero kailan nga ba s'ya nawaglit sa aking utak? Parang s'ya na lang ang bukod tanging laman at tumatakbo sa loob nito e. Walang kapaguran sa pagtakbo.Paulit-ulit pang nagre-replay sa aking harapan ang tagpong nakita ko kahapon. Although kinakain ng subrang selos at panibugho ang buong kamalayan ko, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong makaramdam ng saya, ng pag-asa.Nandito s'ya sa San Andres. Kung kinakailangan halughugin ko ang buong bayan para lang mahanap s'ya, gagawin ko.Babawiin ko s'ya sa lalaking 'yon!Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling nakahiga sa kama habang parang tangang kinakausap ng sarili ng tumunog ang alarm tone na nilagay ko sa phone ko.Kaagad akong bumangon at nagbihis saka lumabas ng kwarto