Samantha
Naglalakad ako pabalik na ng bahay namin galing botika bitbit ang biniling gamot ng aking Inay Cora ng mapadaan ako sa karendiryang pinagtatrabahuhan ng Ate Shienna ko. Malayo pa lang ay dinig na dinig ko na ang pagbubunganga ni Aling Pricilla. Hindi ko alam kung sino na namang tauhan nito ang pinapahiya sa harap ng maraming taong nakapila sa labas.Halos araw-araw ay iba't ibang mukha ng serbidora ang nakikita ko sa karendirya n'ya. Walang tauhan na tumatagal dito maliban kay Ate Shienna at Ate Lea dahil sa ubod ng sama ng ugali nito.Nang malapit na ako sa pwesto ng kainan ay nakipagsiksikan ako sa mga taong nakapila para makiusyuso na din kung anong meron. At animo'y may pinapanood na palabas at nagkakandahaba ang mga leeg ng mga nakapila. Lunch break na kaya maraming taong nakapila sa karendirya nito."Ano pang tinatanga-tanga mo d'yan!? Ligpitin mo na yang mga pinagkainan at linisin ang mesa! Ang haba na ng pila o, napakakupad nito! Bilisan mo d'yan at lumipat na yung iba sa kabila!"Maluha-luhang nakita kong tumalima agad si Ate at binilisan na ang pagliligpit ng mga pinagkainan.Kaagad sumiklab ang galit sa dibdib ko ng makita kong si Ate Shienna pala ang binubungangaan ni Aling Pricilla sa harap ng maraming tao. Na'kwento sa akin ni Ate dati na palagi silang pinapagalitan ng amo nila kahit maraming tao. 'Di ko akalain na ganun kalala ang ginagawa nitong pamamahiya sa kanila.Hindi na akong nagdalawang isip pa at nakakuyom ang mga kamaong mabibilis na hakbang na sumugod ako papasok sa loob ng karendirya. Nagulat pa sa akin si Aling Pricilla sa biglang pagpasok ko na animo'y susugod ng g'yera. Pati na ang Ate ko nang bigla ko itong hatakin sa braso palabas ng karendirya. Gulat na gulat pa itong nabitawan ang ginagawa at napasunod sa malalaking hakbang ko palabas habang hatak-hatak ito ng mahigpit sa braso.Ngunit kaagad ding nakabawi sa pagkagulat ang matanda at ako naman ang binungangaan nito."Hoy babae! Saan mo naman balak dalhin si Shienna!?""Uuwi na!"Sigaw ko ditong nakatalikod habang hatak-hatak pa rin ang Ate ko na pilit nagpupumiglas sa mahigpit kong hawak sa braso niya."Hah! Uuwi na!? Sino kang kutong-lupa ka at basta na lang papasok dito at pauuwiin si Shienna!?""Kapatid nya! At ikaw sino ka ba at anong karapatan mo para ipahiya ang Ate ko dito sa harap ng maraming tao!?"Balik sigaw ko ulit dito ng lingunin ko ito. Huminto ako sa gitna ng maraming tao sa labas. Masama kong tiningnan isa-isa ang mga itong nakatingin sa amin at nagbubulungan."Sam, tama na. Maraming tao, nakakahiya. Umuwi ka na. 'Wag kang gumawa ng gulo dito."Mahinang sabi ni Ate sa akin habang pilit na binabaklas ang kamay kong mahigpit pa din na nakahawak sa braso niya.Hindi ko siya pinansin. Nakipagsagutan pa din ako kay Aling Pricilla. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi ipagtanggol ang kapatid ko."Sino ako!?" Nakapamaywang pang turo ni Aling Pricilla sa sarili niya. "Ako lang naman ang may-ari ng karendiryang 'to at nagpapasahod diyan sa makupad mong kapatid!""So, pwerki ikaw ang may-ari at nagpapasahod sa Ate ko kung mamahiya ka ganun-ganun na lang!?Anong klasing amo ka!? Kaya walang tumatagal magtrabaho d'yan sayo dahil asal hayop ka!""Sam! Ano ba! Tama na!"Pagalit na bulong ulit ni Ate sa akin. Habang pilit na hinahatak pa din niya ang braso sa mahigpit kong pagkakahawak. Pero di ko siya pinapakinggan at binibitawan.Sumusubra na ang bibig ng matandang yun at hindi humuhupa ang galit ko dito, habang nakatingin sa nakasambakol na mukha nito kaya patuloy pa din akong nakikipag sagutan dito."Ikaw na patay-gutom ka, baka hindi mo ata kilala kung sino ang kinakalaban mo!""Kung patay-gutom ako, ikaw naman ay matandang hukluban! At kilalang kilala kita! Ikaw ang pakawala sa impyerno na naghahasik ng lagim dito sa lupa! Napaka salbahe mo! Walang kwentang amo!"Balik sigaw ko dito sabay baling sa kapatid kong nagagalit na sa akin sa pakikipagsagutan ko sa amo nitong walang puso. "Tara na Ate." Hatak kong muli sa kanya."Aba't, hoy! Mga hampas lupa't walang galang sa matatanda! Huwag mo akong masagot-sagot d'yan at baka sisantihin ko pa yang Ate mo!"Nanlilisik ang mga matang sigaw nito habang nakaturo pa ang isang daliri sa kaliwang kamay nito patungo sa gawi ko.I smirked. "Wow! Coming from your mouth pa talaga!? Hindi mo deserve ang pag galang na sinasabi mo! At hindi mo na kailangan pang sisantihin ang Ate ko dahil magre-resign na sya ngayon!"Pagkatapos kong sabihin ang mga 'yon ay malalaking hakbang na nilisan ko ang lugar na iyon habang mahigpit na hatak-hatak ang Ate ko sa kanyang braso. Malayo na kami pero naririnig ko pa rin ang boses nitong hindi na matigil-tigil sa kakaputak.Nanginginig pa rin ang laman ko sa galit kay Aling Pricilla. Napakasama ng ugali nito. Hindi ko ugali ang sumagot-sagot lalo na sa mga nakakatanda sa akin. Pinalaki kaming magkapatid ng aming mga magulang na may desiplina at tinuruan kaming gumalang sa mga matatanda. Bilin pa ni Itay at Inay, kahit gaano pa kasakit ang sabihin sa amin ng ibang tao 'wag na 'wag namin itong gagantihan. Bagkus, dapat mangibabaw lagi ang pag unawa at patawarin namin ang mga ito dahil hindi nila alam ang ginagawa nila.Nature na ng isang tao ang makapagbitiw ng masasakit na salita lalo na kapag galit. Kaya dapat mangibabaw lagi ang pag-unawa at pagpapasensya. Ngunit napuno na ako kanina kay Aling Pricilla. Lalo't awang-awa ako sa itsura ni Ate Shienna. Pati si Ate Lea ay binubungangaan din nito at pinapahiya sa harap ng maraming tao. Pwede naman pagsabihan ang mga ito sa loob ng kusina. Yung walang ibang taong nakakarinig at nakakakita kung may nagawa mang mali ang mga ito. Hindi yung harap-harapan kang ipapahiya. Nakakawala ng dignidad. Pakiramdam ko napakatanga kong nilalang kung ganun ang gawin n'ya sa akin. Masyado lang talagang mabait itong si Ate at hindi nito pinapatulan. Hinahayaan lang na ipahiya siya.Kaya hindi na ako nakapagtimpi pa at sinugod ito. Tiyak malilintikan ako ng Itay at Inay pag nalaman ng mga ito ang eksenang ginawa ko d'on sa karendirya ni Aling Pricilla. Nagkalat pa naman ang mga tsismosa.Natatanaw ko na ang bahay namin ng malakas na hinaklas ni Ate ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa kanyang braso. Kaagad ko siyang nabitawan dahil sa gulat. Nakalimutan kong hatak-hatak ko pa pala siya. Hingal na hingal ito ng malingunan ko. Siguro dahil sa bilis kong paglakad. Kinabahan ako bigla sa galit na nakikita ko sa kanyang mukha. Napatingin ako sa brasong hinihimas-himas pa n'ya. Nasubrahan ata sa higpit ng pagkakahawak ko sa braso ni Ate't nakabakat pa ang mga daliri ko sa balat n'ya.Napangiwi ako sa nakita. Lagot na!Napapasapo pa sa noong dahan-dahan kong tinalikuran ang Ate ko at naglakad ng pauwi sa bahay. Ngunit kaagad din akong napahinto ng marinig ko ang galit niyang boses."Anong ginawa mo, Sam!?""Pinagtanggol ka. Ano ba sa tingin mo 'yung ginawa ko?""Alam mong kailangan ko 'yung trabaho dahil sa pangtuition ko! Bakit mo 'yun ginawa!?""Pero Ate sumusubra na siya! 'Wag mong sabihing babalik ka pa do'n!?""Sa tingin mo makakabalik pa ako doon dahil sa ginawa mo? Sam naman e." Napapadyak pang sabi nito sa akin. Animo'y naghihinayang sa trabaho.I rolled my eyes.Sinamaan niya pa ako lalo ng tingin sa ginawa ko.Pasalamat nga s'ya at pinagtanggol ko pa s'ya. Tapos ngayon kasalanan ko pa? Parang wala naman siyang ibang mapasukan. Pwede naman s'ya sa loob ng Hacienda ni Don Fernando. Iwan ko ba kay Ate at umalis doon at nagtat'yaga sa walang kwentang ugali ng kanyang amo."Wala ka na bang ibang mapapasukan at naghihinayang ka pa sa walang kwentang pinapasukan mo na 'yun?""Samantha ayaw ko ng palipat-lipat ng trabaho!""Kahit pinapahiya ka na't inaalispusta? Hindi na tao ang trato sayo ng matandang yun, Ate!""Kaya ko pa naman magtiis para makapagtapos ako! Ginagawa ko ito para sainyo nina Itay! Ni Nanay! Para sa'yo Sam! Para makapagtapos tayong dalawa! Para matulungan natin sila! Pero ngayon dahil sa ginawa mo parang malabo na."Gumaralgal bigla ang boses ni Ate sa huling sinabi nito. May luha pa akong nakitang tumakas sa kanyang mga mata na kaagad ding pinalis at mabilis akong iniwan.Sinundan ko s'ya. Bigla akong tinubuan ng konsenya sa ginawa ko. Napapaisip tuloy ako kung tama ba yung ginawa kong panggugulo kanina. Pero bakit pakiramdam ko tama lang yung ginawa ko? Tama lang na pinagtanggol ko s'ya at lumayas na s'ya sa lugar na yun. Ang sa tingin ko lang naman na mali na ginawa ko ay yung pagsagot-sagot ko ng pabalang kay Aling Pricilla. Understandable na yun dahil galit ako kaya nakapagsalita ako ng ganun pero dapat sana pinigilan ko ang sarili ko. Dahil mali! Pagbalik-baliktarin ko man ang mali ay mali pa rin.Napasabunot ako bigla sa aking buhok sa frustrations na aking biglang naramdaman sa padalos-dalos kong ginawa kanina. Shit malilintikan talaga ako nito ni Itay!Papasok na ng tarangkahan ng bahay si Ate ng pigilan ko ang kanyang braso. Kaagad ako nitong nilingon na inis pa rin ang mukha sa akin."Pwede ka pa rin naman do'n bumalik sa loob ng Hacienda para magtrabaho ah?""Umalis na nga ako tapos ngayon babalik pa ako do'n? Kung hindi ka sana nakialam e di sana wala akong problema ngayon!""So ngayon, kasalanan ko pa? Ikaw na nga itong ipinagtanggol ko tapos ako pa 'tong mali?"Nakasimangot na binitawan ko na ang braso n'ya. Nakayukong lalampasan ko na sana s'ya ng hulihin nito ang kamay ko. Napahinto ako. Pero hindi ko pa rin s'ya tiningnan. Nanatili lang akong nakayuko. Nakokonsensya pa rin ako sa ginawa ko."Hindi sa gano'n Sam. Alam mo naman-""Gano'n yun Ate. Mas gugustuhin mo pang ipahiya ka ni Aling Pricilla sa maraming tao kaysa umalis do'n.""Saan ako kukuha ng panggastos ko ngayon sa pag-aaral ko ha, aber? Sige nga. Sabihin mo sa'kin ngayon kung pa'no?"Natahimik ako bigla sa sinabi n'ya. Paano nga ba? Lubog kami sa utang ngayon sa mga Del Carpio dahil sa pagkakaaksidente ni Inay.Habang tumatagal bumibigat lalo ang pakiramdam ko. Kapag nahinto si Ate sa trabaho maaapektuhan ang pag-aaral nito pati ako madadamay. May maintenance pang gamot si Nanay. Yung sahod ni Itay sa tubuhan kulang pa nga sa pang-araw-araw naming pangangailangan. Hindi ko man lang naisip kanina kung ano ang maaaring kalabasan ng pagsugod ko. Ang tanging nasa isip ko lang ng mga oras na yun ay maipagtanggol s'ya. Ngayon pakiramdam ko I'm at the edge of the cliff na ano mang oras maaari akong mahulog. Hindi ko mapigilan pa ang sarili na mapaluha ng tahimik.Isang taon na ang nakakaraan mula ng maaksidente si Inay. Pumunta ito ng maaga sa bayan noon para mamalengke. Sabi sa'min ni Inay tumatawid s'ya no'n ng kalsada. Nakakailang hakbang pa lamang s'ya ng biglang may humaharurot na kotse na bigla na lamang lumabas sa kung saan at patungo sa kinaroroonan n'ya. Sa subrang gulat ay hindi na s'ya makagalaw pa sa kinatatayuan n'ya kahit sunod-sunod na malalakas na binusinahan s'ya ng driver nito. Hindi n'ya na alam kung ano pa ang sumunod na nangyari matapos n'yang mahimatay. Nagising na lamang s'ya na nasa Hospital na s'ya at nakasemento na ang kaliwang binti. Ang masaklap pa ay tinakasan s'ya ng nakabangga. Mabuti na lang at may isang mabait na tricycle driver ang nakakita at nagsugod kaagad sa hospital kay Inay. Kung nagkataon baka kung napa'no na ito."Sorry Ate, hindi ko alam na ganito pala ang magiging kahihinatnan ng ginawa ko." Hindi ko na napigilan pang gumaralgal ang boses ko at napahagulhol.Kaagad naman akong niyakap ni Ate at tahimik kaming nag-iyakan na dalawa sa labas ng tarangkahan ng aming bahay."Shienna, Samantha, kayo ba yan!?"Mabilis kaming naghiwalay ni Ate sa pagkakayakap sa isa't isa at kaagad na pinunasan ang mga luha sa aming mga mata. Bahagya pa naming naitulak ang isa't isa ng marinig ang boses ni Nanay. Sabay pa kaming nagkatawanan ng mapagtanto ang ginawa at makailang ulit pang napasinghot-singhot bago nakangiting naglakad papasok ng bahay.Naabutan naming nakakunot pa ang noo ni Inay na nakatayo sa labas ng pintuan, habang mataman na nakatingin sa'ming dalawa ni Ate. Muli kaming nagkatinginang dalawa at nakangiting hinarap ito."Bakit po nandito kayo sa labas, Nay? Tara na po sa loob. Baka matumba pa po kayo dito sa labas."Nakangiting wika ko sa kanya habang inaalalayan naming dalawa ni Ate papasok sa loob at pinaupo sa kawayang upuan sa sala. Palihim kaming nagsusulyapan ni Ate ng patuloy kaming palipat-lipat na tinititigan ni Inay."Nasaan yung gamot na pinabili ko sayo Samantha?" Nakatitig nitong tanong sa akin.Tahimik kong kaagad naman inabot dito ang supot na may lamang gamot nito na binili ko sa botika."Anong problema at parang tuod kayong dalawa d'yan?"Maya-maya, nakakunot noo pa ring tanong ulit ni Inay sa'ming dalawa ni Ate. Palipat-lipat niya kaming tinitingnan na dalawa ng kanyang nagtatanong na mga mata.Sabay pa kaming napangiti at kaagad na naupo sa magkabilang tagiliran nito. Niyakap namin ito ng mahigpit."We love you, Nay. Subra."Magkasabay pa naming sabi ni Ate habang pinupupog namin ito ng halik sa magkabilaang pisngi nito. Kaagad naman kami nitong pinagkukurot kaya mabilis na lumayo kami agad rito habang tumatawa."Anong nangyayari sa inyong dalawa at ganyan kayo ngayon? Tsaka ikaw Shienna, ba't ang aga mo ngayon? Diba alas singko pa ang uwi mo?"Napaubo ako bigla sa suno-sunod na tanong nito. Kahit kailan talaga hindi kami makapaglihim rito. Sa galaw at kilos pa lang namin ay alam na nito kung may tinatago kami. Minsan napapaisip ako, ganun ba talaga ang mga magulang? Isang tingin pa lang nila sayo kilala ka na. Nababasa na nila kung ano ang nilalaman ng puso't isip mo. Kahit magsinungaling ka pa ay alam na nila.Madalas kong marinig sa mga magulang ko ang kasabihan na, Papunta ka pa lang, pabalik na ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ng mga katagang 'yun."Sinugod-""Nagresign na po kasi ako Nay sa trabaho ko. Babalik na lang po ako ulit sa Hacienda. Doon na lang ako magtatrabaho."Magkasabay pa naming wika ni Ate at kaagad itong umupo sa tabi ni Inay. Kaagad nitong hinawakan ang isang kamay nito at marahang minasa-masahe. Nalipat ang atensyon nito doon. Pasimple naman akong pinanlakihan ng mata ni Ate na kaagad ko namang kinangiti. Hindi ko akalain na magsisinungaling din ito. At pinagtakpan pa ako sa gusto ko sanang gawing pagtatapat sa panggugulong ginawa ko kanina sa pinagtatrabahuhan niya."Mabuti naman kung ga'nun. Mas mapapanatag ang loob ko 'pag nasa loob ka ng Hacienda. Nando'n ang Itay mo. Mababantayan ka pa no'n." Nakangiting sabi nito at nakakunot noo namang bigla akong binalingan. "Anong sinugod pala ang ang sinasabi mo Sam?"Napangiwi ako sa biglang tanong nito sa akin. Tiningnan ko si ate. Pinanlalakihan muli ako nito ng mga mata. Nakuha ko naman agad ang ibig n'yang sabihin."Sinugod po kasi sa Hospital yung anak nung tindera ng botika kaya po ako natagalan bumalik Nay. Pasensya na po. Kumain na po pala kayo? Sandali lang at maghahain po ako."Mabilis kong paalam. Hindi ko na inantay pang sumagot ito at kaagad na pumasok ng kusina. Hindi ko alam kung ano gagawin ko pagkapasok ko ng kusina. Kumain naman na si Nanay bago ako umalis kanina. Binuksan ko ang pinto na nasa kusina. Dumiretso na lang ako ng labas at naupo sa kawayang upuan na nakapalibot sa puno ng mangga sa likod ng bahay malapit sa kusina.Ilang minuto pa ang lumipas na tahimik lang akong nakaupo doon ng makita ko ang Ate kong nakatayo sa bukana ng pintuan ng kusina namin. Nakasandal ito sa dingding at pinagkrus pa ang dalawang braso sa harap ng dibdib nito, habang nakataas ang isang kilay na matamang nakatingin sa akin.Kaagad akong nag-iwas ng tingin. I sighed. Medyo nabawasan ang tensyon na aking nararamdaman kanina ng makalanghap ako ng sariwang hangin dito sa labas. Hanggat maaari ayaw kong magsinungaling. Pero ayaw ko din naman mag-alala si Inay. A white lies is not bad at all, right?Marahan itong naglakad palapit sa akin at tahimik na umupo sa tabi ko."Don't worry about it Sam. Siguro may dahilan kaya nangyari 'yun. Don't blame yourself. I really appreciated your help and your defense on me. You're bravier than I thought." Nakangiting sabi nito sabay pisil ng marahan sa aking balikat. Tiningnan ko ang kamay nito sabay lipat sa kanyang mukha.I smiled hesitantly at her. "Sorry ate."Nakayukong sabi ko sa kanya habang dinuduyan ang aking dalawang paa sa ilalim ng upuan.Sana nga tama ito. Na matapang ako. Kaso hindi. I may be tough outside but I am weaker inside. Hindi ko lang pinapakita sa kanila."I said, it's fine."Nakangiting wika pa rin nito. Ginagap pa nito ang aking isang palad at marahang pinisil.I sighed. Ano pa bang mahihiling ko? Kahit mahirap kami masaya ang pamilya namin. Subra mang daming pagsubok na yumanig sa pamilya ko, hanggang ngayon buo't matatag pa rin ang aming samahan. Isa lang naman ang ayaw ko sa pagiging mahirap. Ito ang nag-iisang dahilan na saklaw sa aming pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.Ilang oras pa kaming nanatili doon ng Ate ko habang tahimik lang na ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin sa aming mga balat. Nakikinig ng iba't ibang sagutan ng huni ng mga ibon na nasa puno ng malaking mangga na puno ng bunga.Sana ganito na lang lagi ang buhay. Tahimik. Ngunit alam kong darating ang araw na kailangan kong makipagsapalaran sa ibang lugar. Pangarap kong humanap ng magaling na therapist para sa Inay ko. Gusto kong gumaling ang kanyang isa pang binti at makalakad muli. Sa ngayon hindi ko pa alam kung pa'no. Pero balang araw ay maisasakatuparan ko din ang aking plano. Ang plano namin ni Ate sa aming mga magulang.Maya-maya sabay na kaming tumayo at naglakad papasok ng kusina at naghanda para sa aming hapunan.Tapos na kaming mag-iina kumain ng hapunan ay wala pa rin si Itay. Nakailang beses na ring nagpapabalik-balik ang Inay sa harap ng pintuan para tanawin kung dumating na ito, ngunit bigo itong tahimik na bumabalik rin sa upuan nito. Pati kaming dalawa ni ate ay kinakabahan at nag-aalala na rin. Mag-aalas otso na ng gabi pero wala pa rin ito."Baka napasabit lang po yun Nay ng inuman kina Tay Ising."Pagpapakalma ko pa sa Inay ko. Kanina pa ito hindi mapakali sa kinauupuan. Kahit anong sabihin namin ni Ate dito hindi pa rin ito mapigilan sa kakapabalik-balik sa labas para silipin ang pag dating ni Itay."Nagpapaalam ang Itay n'yo kung gagabihin 'yun ng uwi. Ngayon lang nangyari itong gabing-gabi na wala pa rin siya. Baka kung napa'no na 'yun sa daan." Naluluhang wika nito. "Puntahan ko na kaya sa Hacienda.""Nay! Baka kung kayo naman po ang mapahamak.""Kaysa nakatunganga lang tayo dito. Nag-aantay sa wala.""Ako na lang po ang pupunta.""Saan ka pupunta Shienna?"Sabay-sabay pa kaming napalingon sa bukana ng pintuan namin ng may biglang magsalita. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Itay. Nagulat pa kami ng makita naming nakakunot noong nakatayo ito sa bukana ng pintuan. May bitbit pa itong isang bote na nakakahon na imported na alak. Screaming Eagle. Sa tingin ko red wine iyon. Hindi ako familiar pero sa tingin ko mahal iyon. Natigilan ako sa naisip. Pa'no naman nagkaroon ang Itay ng gano'on?Ilang minuto din ang lumipas na nakatunganga lang kaming tatlo sa kanya.Si Nanay ang unang nahimasmasan at kaagad nilalapitan ang Itay. Kinurot niya pa ito sa tagiliran na ikinatawa naman ni Itay. Hinalikan naman nito si Inay sa noo. Nangingiti kami ni ate habang nakatingin sa mga ito at kaagad ng tumalima at naghanda ng kape at pagkain sa hapag para sa Itay."Bakit ka po pala ginabi na ng uwi Itay?"Maya-maya't basag ko sa katahimikan habang kumakain ito. Tahimik lang kaming nakaupo sa harapan nito habang pinapanood itong kumakain. Halos hindi nito ginagalaw ang pagkaing nakahain sa harapan nito. Mas pinagtuunan pa nito ng pansin na inumin ang kape."Inanyayahan ako ni Fernan sa Mansyon. Hindi ko namalayan yung oras. Napasarap ang usapan naming dalawa kaya ginabi na ako. Pasensya na sainyo," Baling niya sa'ming dalawa ni ate Shienna. "Corz." Nakangiting baling n'ya naman sa Inay sabay hawak sa kamay nitong nakapatong sa mesa at marahan na pinisil. "Pinag-alala ko pa kayo."Nagtaka ako bigla kung sinong Fernan ang taga mansyon na tinutukoy ni Itay. Wala namang nangangalang Fernan na nakatira sa loob ng mansyon maliban sa dalawang binata ng mga Del Carpio. Sa pagkakatanda ko JM at Miguel ang pangalan no'ng dalawa. Si Manang Rosa tsaka si Mang Oscar at ang anak ng mga itong si Jeffrey ang tumatao sa mansyon kapag wala ang mga ito. Yung mag-asawang matandang Del Carpio hindi pa naman namin nakikita ng personal at hindi nagagawi dito sa probinsya. Nakakunot noong tiningnan ko si Itay."Sinong Fernan po Itay? Bagong tauhan po ba ng Mansyon?"Di ko na napigilan pang tanong sa Itay. Hindi ito basta-basta nakikipagkwentuhan sa mga bagong kakilala lang. Unang beses din ito ngayon na nangyari na gabing-gabi na ito umuwi. Dati kasi kapag gagabihin ito ng uwi, nagpapaalam na kaagad sa'min umaga pa lang bago ito papasok ng trabaho."Hindi. Siya yung kaibigan kong kinupkop namin ng Lola Josie n'yo sa Isla Alona noon. Naaalala mo pa ba siya Corz, si Fernan?"Baling nitong sabi kay Inay na hanggang ngayon ay natitigilan pa rin. Animo'y inaalala ang nakaraan. Ilang minuto ring lumipas ang katahimikan sa hapag. Maya-maya nakita kong umiling ito."Hindi mo na ba siya maalala? Si Fernan, 'yong kasa-kasama ko dati no'ng nag-aakyat pa lang ako sayo ng ligaw na kaagad mo naman akong binasted." Nakatawang sabi nito.Namula naman bigla ang magkabilang pisngi ni Inay. Napuno ng tawanan ang loob ng aming bahay ng biglang hampasin nito ng mahina ang braso ng Itay, na patuloy namang kinakantyawan si Inay para ipaalala ang nakaraan. Pati aso sa labas nagsipagtahulan sa lakas ng tawanan namin. Hating-gabi na't nagsisipag-ingay pa kami. Mabuti na lang at may kalayuan ang pagitan ng mga bahay ng aming mga kapit-bahay.Pansamantala kong nakalimutan ang kinakaharap naming problema ni Ate. Ganito kaming pamilya. Masaya kahit puno ng problema. Nakangiti kong pinagmamasdan ang dalawang taong nilalang na napakahalaga sa aking buhay. Animo'y parang mga batang naghaharutan. Nagkatinginan kaming dalawa ni ate. Sabay pa kaming nakangiting umiiling."Tama na Corz at masakit pa din pala ang mga pino mong mga kurot."Maya-maya'y reklamo ni Itay. Nakatawa pa rin ito habang inaayos ang nalayong upuan palapit sa pwesto ni Inay."Naku, 'di lang yan ang aabutin mo sa pagpapaalala mo sa'min ng mga anak mo. Akala nga namin nagkamali ka na ng bahay na inuwian." Nakairap pang sabi nito kay Itay na tinawanan lang naman ng huli."Ngayon ka pa ba mag-iisip ng ganyan kung kailan tumanda na tayo't dalaga na ang mga anak natin?""Ano po bang ginagawa n'ong Fernan na yun sa mansyon Itay? Costumer din po ba siya ng mga Del Carpio?"Kaagad na singit na tanong ni Ate Shienna kay Itay ng makita nitong biglang may namuong tensyon sa pagitan ng aming mga magulang.Alam kong nagbibiro lang naman ang Inay sa kanyang sinabi. Nag-alala lang ito ng labis ng gabi na ay hindi pa rin umuuwi si Itay. At alam ko rin na mahal na mahal kaming tatlo ni Itay kaya malabong mambabae ito. Simula ng magkaisip ako, wala akong mabalitaan kahit isang beses na nagluko ito. Puro trabaho lang ang inaatupag nito maghapon. Kung minsang umalis man ito ng bahay or gabihin ng uwi, na kay Tay Ising o kaya'y kina Tay Nestor ito napapasabit ng inuman lalo na't tuwing may okasyon."Hindi. Ang kaibigan kong si Fernan at ang may-ari ng pinagtatrabahuhan ko ay iisa.""Hah? Pa'no pong nangyari 'yun? Ano po bang ibig n'yong sabihin? Si Don Fernando Del Carpio po ang may-ari ng Hacienda 'di po ba? Pa'no pong naging yung kaibigan n'yo?""Kahit nga ako naguguluhan din e. Alam ko kasi Fernan Santiago ang pangalan niya. Pero sabi niya sa'kin kanina, apilyido ng mama niya ang sinabi niya sa'kin noon dahil sa takot niya't hindi kami magkakilala. Nakalimutan niya na din itama pa dahil baka magalit ako sa kanyang pagsisinungaling." Paliwanag nito sa amin.Natawa pa ito sa aming mga itsura. Maang lang kaming nakatitig dito habang nag-aantay sa paliwanag nito kung bakit ginabi na ito ng uwi. Wala ni isa man sa'ming tatlo ang nagsalita. Hinayaan lang namin itong magpaliwanag at di namin ito maintindihan.He sighed. "Lilipat na tayo bukas na bukas din sa isang Rest House doon sa loob ng Mansyon. Doon na tayo titira."SamanthaBigla akong napatayo ng upuan sa sinabi ng Itay. Nagtatakang tinitigan ako ng mga ito. Hinatak pa ako ni Ate sa'king kamay para mapaupong muli sa'king upuan. Nakakunot noong niyuko ko siya. Pinanlalakihan niya ako ng mga mata. Tinitigan ko siya. Kaagad din akong nahimasmasan ng bahagya pa nitong pisilin ang aking hita. Dahan-dahan akong umupong muli.Nagtatanong na mga matang tinititigan ko pa rin si Itay na nakaupo sa harapan ko. Pilit kong binabasa ang kanyang isip. Naghahanap akong senyales kung nagbibiro lamang ba ito sa sinasabi. Pero wala akong makita. Seryoso pa rin ang mukha nito. "Ano? Doon na po tayo titira? Bakit? Anong sasabihin sa atin ng anak ng mga Del Carpio? Pumayag po ba sila?"Sunod-sunod na tanong ko kay Itay.Tahimik lamang itong nakatingin sa akin. Pati ang Inay ay tahimik lang din na nakaupo sa tabi nito. Ang kamay naman ng Ate ko ay naglulumikot sa ilalim ng mesa at panay ang kurot sa aking hita.
SamanthaHeaving violently. My lips parted a bit to gasp for air. I stopped running. Nanghihina ako. Pagod na pagod. I felt even more weaker when I turned around and didn't see any trace of her. Butil-butil na pawis ang tumulo sa aking mukha.I was literally listening to a strong thud of my heart. Nagpalinga-linga ako, pero wala. Sa'n pumunta yun? I slowly sat on the ground as I found my breath.I shouted her name many times, but no one answering. Nilamon lang ng malawak na kakahuyan 'yong malakas na boses ko. Nanatili lang akong nakaupo sa lupang puno ng mga tuyong dahon habang inaantay siya.Ang bagal namang tumakbo.Ngunit ilang oras na ang lumipas, ni anino nito wala akong makita. Tanging huni ng mga ibon at pang-gabing kuligling lang ang bumabalot sa aking paligid. At malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking mga balat.Bigla akong kinabahan.Napabalikwas ako ng tayo. Pinagpag ko ang ibang dahon na dumikit sa aking pang-upo. Nagpalinga-linga ako ulit. Tumingin ako sa itaas.
Kaagad akong napatakbo para salubungin ang mga ito. Naramdaman ko ring sumunod sa aking likod ang aking mga magulang."Whoa..." Narinig kong mahinang wika ni Miguel at kaagad na huminto ang kabayo sa paglalakad malapit mismo sa harapan ko.Nauna itong bumaba. Hinaplos-haplos pa muna ang ulo ng kabayo. Parang kinakausap. Di ko naman marinig kung ano ang sinasabi. Bago binalingan si Ate at tinulungang makababa rin sa kabayo nito.Pagkababang-pagkababa ni Ate ng kabayo ay kaagad ko itong sinalubong at niyakap ng mahigpit. Natatawa pa itong tinapik ako sa aking likod."Hindi naman ako galing abroad para mamiss mo ng ganito Sam."I scoffed. "Subra akong nag-alala sa'yo kung napa'no ka na tapos ganyan ka pa ngayon sa akin? Kung alam ko lang na masaya ka pala e di sana hindi na ako nag-alala pa sayo. Sayang lang 'yong luha ko. Umiyak ako sa walang kakwenta-kwentang bagay."Naiinis kong sunod-sunod na wika sa kanya at masamang tiningnan si Miguel na nakatayo sa likuran niya ng marinig kong mah
SamanthaDalawang araw kong 'di kinausap si Ate. Panay itong sorry sa akin. Pero di ko s'ya pinapansin. Hindi ko s'ya kinakausap. Parang hangin s'ya sa aking paningin. Sa aking harapan. Wala akong naririnig. Wala akong nakikita. Para akong isang robot. Sumusunod ako sa utos ni Inay o kaya ni Itay pero hindi ko sila iniimik. Tahimik lang din silang nakatingin sa akin. Hinayaan lang din nila ako sa aking drama."Dapat 'wag kang magdamdam sa t'wing napapagalitan ka ng mga magulang mo. Ginagawa nila 'yon para itama ka. Ang pangangaral nila ay para din naman sa ikabubuti mo. Mahal ka nila kaya ka pinapagalitan."Sermon sa'kin minsan ni Ate Lea ng makasabay ko s'ya sa paghatid ng pagkain kay Itay na nasa tubuhan.I heaved a deep sigh. Ilang linggo na ang lumipas. Simula ng insidenting iyon naging tahimik na ako. Alam ko naman 'yon. Na mahal nila ako. Over protected na nakakasakal. Bawat galaw ko nakikita. Lagi na lang mali. Lagi na lang ako napupuna. Bawal na ba akong magsalita? Bawat kataga
"Anong gusto mong panoorin, Sam?"Tanong sa'kin ni Ate habang naglalakad na kami papasok ng Mall.Araw ng linggo kaya subrang daming tao. Busy masyado. Buhay na buhay ang paligid. Bigla akong naexcite. Parang nakawala ako sa hawla."Horror. Gusto ko 'yong mapapasigaw ako. Napapanisan akong laway sa apartment mo." Napahalakhak ito sa sinabi ko.Inirapan ko s'ya. Pero kalaunan ay bahagyang natawa na rin ako.Wala na nga akong makausap sa apartment nito, lagi pa akong iniiwan mag-isa. Ayaw ko naman makipag-chat sa mga kaibigan ko. Nangangalay lang ang mga daliri't kamay ko."Sigurado ka ba d'yan?" She pouted a bit.Hindi ko siya sinagot. Hindi rin naman ako sigurado sa sinabi ko.Dumaan muna kami ng grocery store. Bibili ng pagkain na pweding mangatngat sa loob ng sinehan. Bitbit nito ang basket. Nang makapasok kami dumeritso ito kaagad sa beverage section. Pumunta naman ako sa kabila. Maghahanap akong chips.Hindi ako makadecide kung alin ang kukunin ko sa subrang daming pagpipilian. Pa
SamanthaPagkatapos naming manood ng sine, nagwindow shopping naman kami ni Ate. Pumasok kami ng Department Store. Pansamantala kong nakalimutan ang estrangherong gumugulo sa isip ko.Ang dami kong nakikitang magaganda pero ni isa wala akong kinuha. Hanggang hawak at tingin lang ako. Wala naman akong pera para do'n. Nagtitipid ako lalo't wala pa naman akong trabaho. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Kung ano-anong pinangbibili n'ya. Nagulat pa ako ng sabihin n'yang para lahat 'yon sa akin. Tinitigan ko s'ya ng nagtatanong kong mga mata. Seryoso ba s'ya? Ayaw kong maniwala at baka pinaprank lang naman ako. Masakit kaya umasa.She chuckled. Hinarap n'ya ako saka nagpaliwanag. Halos mapatili pa ako sa subrang tuwa ng marinig ko ang mga sinabi n'ya. Hindi ko na napigilan pa ang sariling yakapin s'ya.Pambawi n'ya daw sa ilang araw na pang-iiwan n'ya sa akin sa bahay. Kung alam ko lang na ganito na s'ya bumawi ngayon, kahit araw-arawin n'ya na akong iwan ng bahay. Okey lang sa akin. I
Sinamaan ko s'ya ng tingin kaya tumigil din s'ya sa pagtawa. Bigla s'yang sumeryoso."Hayaan mo na Sam. Di naman na tayo pinababayad pa sa malaking utang natin sa Pamilya nila no'ng naaksidente si Inay. Ang importante nakapagtapos ako. May matinong trabaho. Si Itay 'di na masyadong nahihirapan sa trabaho. At ikaw makakapag-aral din dito sa Maynila. Kaya hayaan mo na si Miguel sa kakasingil n'ya. Di ko naman alam na s'ya talaga gumastos sa pag-aaral ko. T'saka, maniwala ka naman do'n kay Señorito JM. Isa din 'yong sinungaling. Hayaan mo sila.""Nakakairita lang kasi. Bakit bukod tangi kang sinisingil? T'saka Ate napapansin ko noon si Señorito JM 'yong cellphone n'ya laging nakatutok sa'yo. Hindi kaya.... may gusto sa'yo 'yon at kinukuhanan ka ng mga stolen shots?""Ha? Kailan 'yon nangyari? Ba't ngayon mo lang sinabi?"Umalis s'ya sa tabi ko. Dumiretso ng ref. at kinuha ang isang pitsel na puno ng malamig na tubig. Uminom s'ya do'n. Nilagay sa ibabaw ng lababo at tiningnan ang niluluto.
SamanthaKinabukasan ay nagkatipon-tipon na naman kaming magkakaibigan kasama ang mga asawa't anak ng mga ito sa burol. Kung saan madalas naming tambayan noong mga bata pa kami.Nagbaon kaming mga lulutuin na pagkain at doon na namin naisipan magluto. Nagvolunteer naman ang mga asawa ng mga kaibigan ko na ang mga ito na magluluto. Ang mga tsikiting naman ng mga ito, as usual, ang iingay na naglalaro ng habulan at taguan.Maghapon kaming nagkuwentuhan at sinariwa sa aming mga alaala ang nakaraan sa burol na iyon. May malaking puno din doon malapit sa kubo na hanggang ngayon ay naroroon pa, pati na ang pinag-ukitan namin noon ng mga pangalan ng mga crush namin sa skwelahan. I smirked at the memory."Kumusta na kaya si Jeffrey? Dati patay na patay ka pa 'don Veron. Nakaukit pa kaya 'yong pangalan no'n sa puso mo este sa puno?" Kantyaw kong tanong dito.Nakita kong lumingon sa gawi namin ang boyfriend nitong si Mark. Siguro narinig ang sinabi ko na ikinapula naman ng pisngi ng kaibigan ko.
Nginitian ko s'ya saka hinawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa aking pisngi. "Mas okey na din ata na ganun ang nangyari sa atin. Sa totoo lang kasi nawalan na akong tiwala sayo noon. Lagi akong takot na baka magising na lang ako isang araw wala ka na sa tabi ko, naagaw ka na ng iba."He sighed. "Malabong mangyari 'yang iniisip mo. Dibale ng mamatay ako kaysa mabuhay pa ng wala ka naman sa piling ko."I chuckled. "Asus, bumanat ka na naman." sabi ko saka bumangon. "Balik na tayo sa labas?"He nodded then we went out the room.Marami ang kumausap at bumati sa amin.Nakilala ko din si Jelyn at asawa nitong si William pati ang cute-cute na babaeng anak nila na kaedaran ni Gwen na natutulog na sa braso nito.Habang kausap ko sila hindi ko maiwasan makosensya sa ginawa kong panghuhusga kay Wayne. Ngayon ko lang narealized na masyadong makitid, marumi at advance pala ang utak ko noon, puro negative ang laman. Hinayaan kong kainin ako ng mga nagyari sa buha
SamanthaNataranta ako ng humakbang palapit si Wayne. Kaagad ko s'yang pinigilan, hinila sa kanyang braso."No Wayne please. Huwag kayong gumawa ng gulo dito ni Luigi." madiin kong pigil sa kanya saka nilingon si Luigi.Pero sa nakikita kong itsura at titigan nilang dalawa hindi ko kakayanin. Parang manok na magsasalpukan ang dalawa. Ang tangkad at laking tao pa nila. Baka ma-sandwich lang ako nito sa gitna pag nagpang-abot itong dalawa. Nakakahiya sa mga bisita at mga magulang namin kung magkagulo sila.Nalintikan naaaa!Nagpalinga-linga ako, naghanap ng maaaring tumulong sa akin. Then I saw James. Nakatanaw sila ng asawa n'ya sa amin. Sinenyasan ko s'yang lumapit. Kaagad naman n'ya nakuha ang ibig kong sabihin. Nagtinginan sila ni Rash saka malalaking hakbang na lumapit sa amin.Kaagad inakbayan ni James ang kaibigan n'ya pero nagprotesta si Wayne. Hinatak ko s'ya sa kanyang damit.Tinitigan n'ya ako saka muling binalingan si Luigi. "Don't you dare
Nagpupuyos sa inis ang aking dibdib habang naglalakad ako papunta sa unahan.Walanghiya s'ya. Halos mamatay ako sa takot ng pagkakadukot sa akin kanina tapos may kinalaman pala ang bwesit na lalaking 'yon dito. Magpinsan nga sila ni Miguel, parehong siraulo. Humanda s'ya sa akin mamaya...Ngunit habang palapit ako ng palapit sa unahan at nakikita ang masasaya at nakangiting mukha ng mga tao, ng mga mahal ko sa buhay, unti-unting napapalitan ng 'di matatawaran na saya, tuwa at galak ang aking puso.'Yong tipong puro negative ang laman ng isip mo, puno ng inis, galit, takot ang puso mo dahil sa disaster na nangyari sa akin simula noong alas dos ng madaling araw na dinukot ako hanggang kanina. Tapos sa isang iglap biglang nag-iba ang ihip ng hangin, ganito ang ending.Diba.. akalain mo yon? Nakaisip sila ng ganito! Napaka taba ng utak! Sino ba ang nagplano ng lahat ng ito at bibigyan ko ng subrang higpit na yakap sa leeg hanggang sa mamatay s'ya, tanda ng pasasalam
SamanthaNagtatawanan kaming magkakaibigan ng biglang bumukas ang pinto, pumasok si Miguel. Kaagad akong napatigil sa pagtawa at natutok sa kanya ang aking nanlalaking mga mata."Anong ginagawa mo dito?" nakakunot-noong tanong ko kaagad sa kanya.Nginisian n'ya ako saka tiningnan ang mga kaibigan ko."Ah, Sam, labas muna kami ha, baka hinahanap na kami ng mga tsikiting namin." sabi ni Cait na ikinakunot lalo ng aking noo.Sabay-sabay pa silang nagtungo papunta sa pinto."May mga anak na rin kayo?" excited na bulalas ko.Nakangiting nilingon nila ako saka tumango."Meron, nasa labas, makikita mo mamaya." nakangiting sabi ni Sheeva sabay talikod.Lalo akong nagtaka ng makita kong halos magkumahog pa sila sa pagmamadaling lumabas ng kwarto. Sinusulyapan si Miguel na animoy hari na nakatayo sa harapan ko't makahulugan naman silang tinitingnan. Na para bang nag-uusap-usap sila sa pamamagitan ng mga mata. Hindi ko maintindihan, ang weird pero sa na
Hinayaan ko lang s'yang yakapin ako habang pinoproseso ng aking naguguluhang utak ang sinabi n'ya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pakiramdam ko may malaking mali talaga e. Kanina bigla na lang sumulpot si Calderon sa bahay pagkatapos kong makausap si James. Tapos ngayon...Kanino s'ya anak? Bakit Daddy ang tawag n'ya sa akin? Kailan ba ako nagkaanak? Bakit hindi ko ata alam? Pero bakit kamukha ko s'ya?!Arrgh ang gulo..!"Baby..." tawag ko sa kanya.Kaagad naman s'yang kumalas sa pagkakayakap sa akin saka nakangiti akong tiningnan.I smiled back at her. "Bakit mo ako tinawag na Daddy?""Dahil ikaw po ang Daddy ko." sagot n'ya kaagad sa akin.Biglang pumitlag ang aking puso sa sinabi n'ya. Habang tinititigan ko ang ngiti n'ya si Sam ang pumapasok sa aking utak. Hindi ko ma-explain pero parang iba ang hatak sa akin ng batang itong nasa harapan ko."Sino nangsabi sayong ako ang D-Daddy mo?""Si Lola tsaka si Tito Miguel po. Kamukha mo 'y
WayneYesterday was the best ever advanced gift for our sixth years wedding anniversary..!At last I found her. She's with me now!Sa apat na taon na nakalipas ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing. Ang sarap sa pakiramdam. Sa subrang sarap parang ayaw ko ng magising. Nakangiting nag-inat ako ng aking mga kamay sabay kapa sa aking katabi. Unti-unting napalis ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa napakunot noo ako ng wala akong mahawakan na katawan ng tao. Kaagad akong napadilat at napabalikwas ng bangon ng hindi ko makita si Sam sa tabi ko."Sam?" tawag ko sa kanya pero wala akong marinig na ano mang ingay maliban sa ugong na nagmumula sa aircon sa loob ng kwarto.Saan ba pumunta 'yon? Ang aga-aga bumabangon kaagad...Himutok ko pa sa aking sarili saka lumabas ng kwarto."Sam?" tawag ko ulit sa kanya ngunit wala pa ring sumasagot.Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong makita ni isang tao. Napatingin ako sa malaking orasan sa dingding. Na
Hanggang sa nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman kong pader na ang nasa likuran ko. Nagtaas baba pa ang aking mga dibdib sa biglang tensyon na naramdaman ko habang nakatitig sa mukha n'yang may pilyong mga ngising walang kurap-kurap na nakatitig din sa akin. Para na akong malalagutan ng hininga.Bumaling ako sa aking kaliwa para sana tumakbo ngunit malakas akong napatili sa gulat ng malalaking hakbang s'yang mabilis na nakalapit sa akin sabay tukod ng dalawang malaking braso n'ya sa aking gilid. Halos pangapusan ako lalo ng hininga sa ginawa n'ya.Hindi ko na alam kung saan na ba ako natatakot. Ang makita n'ya ba ang anak ko, ang abutan kami ng mga tao dito sa bahay or ang gagawin n'ya sa akin? Sa uri ng ngisi at titig n'ya pakiramdam ko gusto n'ya akong kainin na buo. Hindi ko alam kung bakit n'ya 'to ginagawa sa akin at mas lalong hindi ko alam kung pa'no n'ya ako natunton dito.Bakit nandito s'ya?"Did I heard you right? You called my Mom, Mama." amused
SamanthaDamn... what the hell he's doing here?!Ano 'to joke? Pinagtataguan ko s'ya, tinatakasan ko tapos ngayon nandito s'ya sa aking harapan?!Ang lupet magbiro ng tadhana grabe... Wala ng lulupit sa lahat ng malupit!Pagkatapos sabihin ni Ruth kanina na nasa likuran namin si Wayne mabilis pa sa alas kuwatrong kumaripas kaagad ako ng takbo palayo sa kanila. Dumeritso ako ng CR at nagkulong doon. Kahit nagsimula na ang graduation ceremony hindi ako lumabas. Pinagkakatok ako doon ng mga kaibigan ko pero hindi nila ako napilit lumabas. Nagdahilan na lang akong biglang sumama ang tiyan ko.Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili doon. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Wayne na nagsasalita na sa mic. Lumabas ako saka sumilip sa Stadium. Lalo akong kinabahan ng makita kong umiikot ang kanyang paningin na para bang may hinahanap s'ya na tao. Ayaw kong mag-assume pero subrang kaba ang bigla na lang bumundol sa aking dibdib.Pagkatapos ng graduation cer
WaynePagkatapos kong kumain bumalik ako sa kuwarto para sana umidlip ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nanatili akong nakadilat at nakatitig sa kisame habang iniisip pa rin si Sam. Hindi na s'ya matanggal pa sa aking utak.Pero kailan nga ba s'ya nawaglit sa aking utak? Parang s'ya na lang ang bukod tanging laman at tumatakbo sa loob nito e. Walang kapaguran sa pagtakbo.Paulit-ulit pang nagre-replay sa aking harapan ang tagpong nakita ko kahapon. Although kinakain ng subrang selos at panibugho ang buong kamalayan ko, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong makaramdam ng saya, ng pag-asa.Nandito s'ya sa San Andres. Kung kinakailangan halughugin ko ang buong bayan para lang mahanap s'ya, gagawin ko.Babawiin ko s'ya sa lalaking 'yon!Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling nakahiga sa kama habang parang tangang kinakausap ng sarili ng tumunog ang alarm tone na nilagay ko sa phone ko.Kaagad akong bumangon at nagbihis saka lumabas ng kwarto