SamanthaDalawang araw kong 'di kinausap si Ate. Panay itong sorry sa akin. Pero di ko s'ya pinapansin. Hindi ko s'ya kinakausap. Parang hangin s'ya sa aking paningin. Sa aking harapan. Wala akong naririnig. Wala akong nakikita. Para akong isang robot. Sumusunod ako sa utos ni Inay o kaya ni Itay pero hindi ko sila iniimik. Tahimik lang din silang nakatingin sa akin. Hinayaan lang din nila ako sa aking drama."Dapat 'wag kang magdamdam sa t'wing napapagalitan ka ng mga magulang mo. Ginagawa nila 'yon para itama ka. Ang pangangaral nila ay para din naman sa ikabubuti mo. Mahal ka nila kaya ka pinapagalitan."Sermon sa'kin minsan ni Ate Lea ng makasabay ko s'ya sa paghatid ng pagkain kay Itay na nasa tubuhan.I heaved a deep sigh. Ilang linggo na ang lumipas. Simula ng insidenting iyon naging tahimik na ako. Alam ko naman 'yon. Na mahal nila ako. Over protected na nakakasakal. Bawat galaw ko nakikita. Lagi na lang mali. Lagi na lang ako napupuna. Bawal na ba akong magsalita? Bawat kataga
"Anong gusto mong panoorin, Sam?"Tanong sa'kin ni Ate habang naglalakad na kami papasok ng Mall.Araw ng linggo kaya subrang daming tao. Busy masyado. Buhay na buhay ang paligid. Bigla akong naexcite. Parang nakawala ako sa hawla."Horror. Gusto ko 'yong mapapasigaw ako. Napapanisan akong laway sa apartment mo." Napahalakhak ito sa sinabi ko.Inirapan ko s'ya. Pero kalaunan ay bahagyang natawa na rin ako.Wala na nga akong makausap sa apartment nito, lagi pa akong iniiwan mag-isa. Ayaw ko naman makipag-chat sa mga kaibigan ko. Nangangalay lang ang mga daliri't kamay ko."Sigurado ka ba d'yan?" She pouted a bit.Hindi ko siya sinagot. Hindi rin naman ako sigurado sa sinabi ko.Dumaan muna kami ng grocery store. Bibili ng pagkain na pweding mangatngat sa loob ng sinehan. Bitbit nito ang basket. Nang makapasok kami dumeritso ito kaagad sa beverage section. Pumunta naman ako sa kabila. Maghahanap akong chips.Hindi ako makadecide kung alin ang kukunin ko sa subrang daming pagpipilian. Pa
SamanthaPagkatapos naming manood ng sine, nagwindow shopping naman kami ni Ate. Pumasok kami ng Department Store. Pansamantala kong nakalimutan ang estrangherong gumugulo sa isip ko.Ang dami kong nakikitang magaganda pero ni isa wala akong kinuha. Hanggang hawak at tingin lang ako. Wala naman akong pera para do'n. Nagtitipid ako lalo't wala pa naman akong trabaho. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Kung ano-anong pinangbibili n'ya. Nagulat pa ako ng sabihin n'yang para lahat 'yon sa akin. Tinitigan ko s'ya ng nagtatanong kong mga mata. Seryoso ba s'ya? Ayaw kong maniwala at baka pinaprank lang naman ako. Masakit kaya umasa.She chuckled. Hinarap n'ya ako saka nagpaliwanag. Halos mapatili pa ako sa subrang tuwa ng marinig ko ang mga sinabi n'ya. Hindi ko na napigilan pa ang sariling yakapin s'ya.Pambawi n'ya daw sa ilang araw na pang-iiwan n'ya sa akin sa bahay. Kung alam ko lang na ganito na s'ya bumawi ngayon, kahit araw-arawin n'ya na akong iwan ng bahay. Okey lang sa akin. I
Sinamaan ko s'ya ng tingin kaya tumigil din s'ya sa pagtawa. Bigla s'yang sumeryoso."Hayaan mo na Sam. Di naman na tayo pinababayad pa sa malaking utang natin sa Pamilya nila no'ng naaksidente si Inay. Ang importante nakapagtapos ako. May matinong trabaho. Si Itay 'di na masyadong nahihirapan sa trabaho. At ikaw makakapag-aral din dito sa Maynila. Kaya hayaan mo na si Miguel sa kakasingil n'ya. Di ko naman alam na s'ya talaga gumastos sa pag-aaral ko. T'saka, maniwala ka naman do'n kay Señorito JM. Isa din 'yong sinungaling. Hayaan mo sila.""Nakakairita lang kasi. Bakit bukod tangi kang sinisingil? T'saka Ate napapansin ko noon si Señorito JM 'yong cellphone n'ya laging nakatutok sa'yo. Hindi kaya.... may gusto sa'yo 'yon at kinukuhanan ka ng mga stolen shots?""Ha? Kailan 'yon nangyari? Ba't ngayon mo lang sinabi?"Umalis s'ya sa tabi ko. Dumiretso ng ref. at kinuha ang isang pitsel na puno ng malamig na tubig. Uminom s'ya do'n. Nilagay sa ibabaw ng lababo at tiningnan ang niluluto.
SamanthaKinabukasan ay nagkatipon-tipon na naman kaming magkakaibigan kasama ang mga asawa't anak ng mga ito sa burol. Kung saan madalas naming tambayan noong mga bata pa kami.Nagbaon kaming mga lulutuin na pagkain at doon na namin naisipan magluto. Nagvolunteer naman ang mga asawa ng mga kaibigan ko na ang mga ito na magluluto. Ang mga tsikiting naman ng mga ito, as usual, ang iingay na naglalaro ng habulan at taguan.Maghapon kaming nagkuwentuhan at sinariwa sa aming mga alaala ang nakaraan sa burol na iyon. May malaking puno din doon malapit sa kubo na hanggang ngayon ay naroroon pa, pati na ang pinag-ukitan namin noon ng mga pangalan ng mga crush namin sa skwelahan. I smirked at the memory."Kumusta na kaya si Jeffrey? Dati patay na patay ka pa 'don Veron. Nakaukit pa kaya 'yong pangalan no'n sa puso mo este sa puno?" Kantyaw kong tanong dito.Nakita kong lumingon sa gawi namin ang boyfriend nitong si Mark. Siguro narinig ang sinabi ko na ikinapula naman ng pisngi ng kaibigan ko.
"No'ng mga bata pa kami ni Fernan napagkasunduan na namin na ipapakasal ang anak namin pagdating ng panahon kung sakaling magkaanak siya ng babae at sa'kin naman ay lalaki. No'ng nakaraang linggo, nang dumating sila dito, napag-usapan ulit namin 'yong tungkol doon ng magkita kami."Ngumiwi ako. "E, hindi naman po lalaki ang anak n'yo Itay. Tsaka bakit n'yo po ipipilit na ipakasal kami, e, hindi naman namin gusto ang isa't-isa? Tsaka isa pa po bunso ako. Dapat si Ate muna ikasal bago ako.""Lalaki 'yong mga anak n'ya, babae naman 'yong akin. Tsaka walang anak na babae si Fernan at Isme. Gusto nila isa sa anak ko maging manugang nila. Total nandito ka naman na at gusto ka nila para sa anak nila, kaya napagpasyahan ko na ikaw na lang ipakasal. At isa pa naniniwala sila na mapapatino mo ang barumbado nilang bunsong anak. Nakita nila dati na kaya mong makipagsagutan kay Miguel. Sumasakit ang ulo ng mag-asawang 'yong do'n. Kung sino-sinong babae ang bigla na lang sumusulpot sa mansyon."Duh?
SamanthaMagbubukang liwayway pa lamang ay hindi na magkandaugaga ang Inay sa paghahanda ng pagkain, dahil sa darating na bisita naming mag-asawang Del Carpio. Nagpasabi itong alas diyes pupunta ng bahay, kaya maagang naghanda si Inay para sa tanghalian. Ala sais pa lang kanina ay naalimpungatan ako sa mga katok at tawag ni Itay sa labas ng pintuan ng aking kwarto. Ngunit 'di ko s'ya pinagbuksan at nagtalukbong lang ako ng kumot. Inaantok pa ako.Maya-maya narinig ko ang mga yabag nito paalis sa aking pintuan. Muli akong nakatulog.Ang sakit ng aking ulo at buong katawan. Tinanghali na ako ng gising. Pagbaba ko dumiretso ako ng kusina. Naabutan kong halos patapos na ang Inay sa pagluluto.Ngumiti s'ya pagkakita sa akin. "Gising ka na pala, Nak. Mag-almusal ka na d'yan. Lutuin mo pagkatapos 'yong kare-kareng Baka, ah. 'Yon na lang ang hindi ko niluto. Mas masarap 'yong luto mo kaysa sa'kin, kaya naisip kong ikaw na lang magluto no'n."Tinatamad na hinatak ko ang upuan. Pasalampak akong
Nakakunot noo'ng tiningnan n'ya ako. "Third eye? What's the connect of that with your giggles?"I rolled my eyes. "What giggles you were saying." patay malisya kong sabi."I saw you giggling while staring at me eating. And staring is rude."Ano daw? "Rude? Ako? You really have a third eye."He smirked. "Is it your first time seeing a man eating like a hungry wolf?"Inabot n'ya ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso. Nakatitig pa rin ang mata n'ya sa'kin habang umiinom.Inirapan ko s'ya.He smirked back at me. Dahan-dahan nitong binaba ang baso. "I told you Tay Philip, amoy pa lang ang sarap na. It's really taste good." wika nito kay Itay pero sa akin nakatutok ang mga mata."Marami pang tirang naka marinade na iihawing manok at baboy. Kung gusto mo magbaon ka pagluwas mo ng Maynila mamaya.""Hindi ko po tatanggihan 'yan.""Sige mamaya, mag-iihaw ako ulit bago ka bumyahe para mainit pang baunin mo."Nilingon n'ya ang Itay at nginitian."Hindi mo na ba hihintahin umuwi dito ang kapatid
Nginitian ko s'ya saka hinawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa aking pisngi. "Mas okey na din ata na ganun ang nangyari sa atin. Sa totoo lang kasi nawalan na akong tiwala sayo noon. Lagi akong takot na baka magising na lang ako isang araw wala ka na sa tabi ko, naagaw ka na ng iba."He sighed. "Malabong mangyari 'yang iniisip mo. Dibale ng mamatay ako kaysa mabuhay pa ng wala ka naman sa piling ko."I chuckled. "Asus, bumanat ka na naman." sabi ko saka bumangon. "Balik na tayo sa labas?"He nodded then we went out the room.Marami ang kumausap at bumati sa amin.Nakilala ko din si Jelyn at asawa nitong si William pati ang cute-cute na babaeng anak nila na kaedaran ni Gwen na natutulog na sa braso nito.Habang kausap ko sila hindi ko maiwasan makosensya sa ginawa kong panghuhusga kay Wayne. Ngayon ko lang narealized na masyadong makitid, marumi at advance pala ang utak ko noon, puro negative ang laman. Hinayaan kong kainin ako ng mga nagyari sa buha
SamanthaNataranta ako ng humakbang palapit si Wayne. Kaagad ko s'yang pinigilan, hinila sa kanyang braso."No Wayne please. Huwag kayong gumawa ng gulo dito ni Luigi." madiin kong pigil sa kanya saka nilingon si Luigi.Pero sa nakikita kong itsura at titigan nilang dalawa hindi ko kakayanin. Parang manok na magsasalpukan ang dalawa. Ang tangkad at laking tao pa nila. Baka ma-sandwich lang ako nito sa gitna pag nagpang-abot itong dalawa. Nakakahiya sa mga bisita at mga magulang namin kung magkagulo sila.Nalintikan naaaa!Nagpalinga-linga ako, naghanap ng maaaring tumulong sa akin. Then I saw James. Nakatanaw sila ng asawa n'ya sa amin. Sinenyasan ko s'yang lumapit. Kaagad naman n'ya nakuha ang ibig kong sabihin. Nagtinginan sila ni Rash saka malalaking hakbang na lumapit sa amin.Kaagad inakbayan ni James ang kaibigan n'ya pero nagprotesta si Wayne. Hinatak ko s'ya sa kanyang damit.Tinitigan n'ya ako saka muling binalingan si Luigi. "Don't you dare
Nagpupuyos sa inis ang aking dibdib habang naglalakad ako papunta sa unahan.Walanghiya s'ya. Halos mamatay ako sa takot ng pagkakadukot sa akin kanina tapos may kinalaman pala ang bwesit na lalaking 'yon dito. Magpinsan nga sila ni Miguel, parehong siraulo. Humanda s'ya sa akin mamaya...Ngunit habang palapit ako ng palapit sa unahan at nakikita ang masasaya at nakangiting mukha ng mga tao, ng mga mahal ko sa buhay, unti-unting napapalitan ng 'di matatawaran na saya, tuwa at galak ang aking puso.'Yong tipong puro negative ang laman ng isip mo, puno ng inis, galit, takot ang puso mo dahil sa disaster na nangyari sa akin simula noong alas dos ng madaling araw na dinukot ako hanggang kanina. Tapos sa isang iglap biglang nag-iba ang ihip ng hangin, ganito ang ending.Diba.. akalain mo yon? Nakaisip sila ng ganito! Napaka taba ng utak! Sino ba ang nagplano ng lahat ng ito at bibigyan ko ng subrang higpit na yakap sa leeg hanggang sa mamatay s'ya, tanda ng pasasalam
SamanthaNagtatawanan kaming magkakaibigan ng biglang bumukas ang pinto, pumasok si Miguel. Kaagad akong napatigil sa pagtawa at natutok sa kanya ang aking nanlalaking mga mata."Anong ginagawa mo dito?" nakakunot-noong tanong ko kaagad sa kanya.Nginisian n'ya ako saka tiningnan ang mga kaibigan ko."Ah, Sam, labas muna kami ha, baka hinahanap na kami ng mga tsikiting namin." sabi ni Cait na ikinakunot lalo ng aking noo.Sabay-sabay pa silang nagtungo papunta sa pinto."May mga anak na rin kayo?" excited na bulalas ko.Nakangiting nilingon nila ako saka tumango."Meron, nasa labas, makikita mo mamaya." nakangiting sabi ni Sheeva sabay talikod.Lalo akong nagtaka ng makita kong halos magkumahog pa sila sa pagmamadaling lumabas ng kwarto. Sinusulyapan si Miguel na animoy hari na nakatayo sa harapan ko't makahulugan naman silang tinitingnan. Na para bang nag-uusap-usap sila sa pamamagitan ng mga mata. Hindi ko maintindihan, ang weird pero sa na
Hinayaan ko lang s'yang yakapin ako habang pinoproseso ng aking naguguluhang utak ang sinabi n'ya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pakiramdam ko may malaking mali talaga e. Kanina bigla na lang sumulpot si Calderon sa bahay pagkatapos kong makausap si James. Tapos ngayon...Kanino s'ya anak? Bakit Daddy ang tawag n'ya sa akin? Kailan ba ako nagkaanak? Bakit hindi ko ata alam? Pero bakit kamukha ko s'ya?!Arrgh ang gulo..!"Baby..." tawag ko sa kanya.Kaagad naman s'yang kumalas sa pagkakayakap sa akin saka nakangiti akong tiningnan.I smiled back at her. "Bakit mo ako tinawag na Daddy?""Dahil ikaw po ang Daddy ko." sagot n'ya kaagad sa akin.Biglang pumitlag ang aking puso sa sinabi n'ya. Habang tinititigan ko ang ngiti n'ya si Sam ang pumapasok sa aking utak. Hindi ko ma-explain pero parang iba ang hatak sa akin ng batang itong nasa harapan ko."Sino nangsabi sayong ako ang D-Daddy mo?""Si Lola tsaka si Tito Miguel po. Kamukha mo 'y
WayneYesterday was the best ever advanced gift for our sixth years wedding anniversary..!At last I found her. She's with me now!Sa apat na taon na nakalipas ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing. Ang sarap sa pakiramdam. Sa subrang sarap parang ayaw ko ng magising. Nakangiting nag-inat ako ng aking mga kamay sabay kapa sa aking katabi. Unti-unting napalis ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa napakunot noo ako ng wala akong mahawakan na katawan ng tao. Kaagad akong napadilat at napabalikwas ng bangon ng hindi ko makita si Sam sa tabi ko."Sam?" tawag ko sa kanya pero wala akong marinig na ano mang ingay maliban sa ugong na nagmumula sa aircon sa loob ng kwarto.Saan ba pumunta 'yon? Ang aga-aga bumabangon kaagad...Himutok ko pa sa aking sarili saka lumabas ng kwarto."Sam?" tawag ko ulit sa kanya ngunit wala pa ring sumasagot.Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong makita ni isang tao. Napatingin ako sa malaking orasan sa dingding. Na
Hanggang sa nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman kong pader na ang nasa likuran ko. Nagtaas baba pa ang aking mga dibdib sa biglang tensyon na naramdaman ko habang nakatitig sa mukha n'yang may pilyong mga ngising walang kurap-kurap na nakatitig din sa akin. Para na akong malalagutan ng hininga.Bumaling ako sa aking kaliwa para sana tumakbo ngunit malakas akong napatili sa gulat ng malalaking hakbang s'yang mabilis na nakalapit sa akin sabay tukod ng dalawang malaking braso n'ya sa aking gilid. Halos pangapusan ako lalo ng hininga sa ginawa n'ya.Hindi ko na alam kung saan na ba ako natatakot. Ang makita n'ya ba ang anak ko, ang abutan kami ng mga tao dito sa bahay or ang gagawin n'ya sa akin? Sa uri ng ngisi at titig n'ya pakiramdam ko gusto n'ya akong kainin na buo. Hindi ko alam kung bakit n'ya 'to ginagawa sa akin at mas lalong hindi ko alam kung pa'no n'ya ako natunton dito.Bakit nandito s'ya?"Did I heard you right? You called my Mom, Mama." amused
SamanthaDamn... what the hell he's doing here?!Ano 'to joke? Pinagtataguan ko s'ya, tinatakasan ko tapos ngayon nandito s'ya sa aking harapan?!Ang lupet magbiro ng tadhana grabe... Wala ng lulupit sa lahat ng malupit!Pagkatapos sabihin ni Ruth kanina na nasa likuran namin si Wayne mabilis pa sa alas kuwatrong kumaripas kaagad ako ng takbo palayo sa kanila. Dumeritso ako ng CR at nagkulong doon. Kahit nagsimula na ang graduation ceremony hindi ako lumabas. Pinagkakatok ako doon ng mga kaibigan ko pero hindi nila ako napilit lumabas. Nagdahilan na lang akong biglang sumama ang tiyan ko.Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili doon. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Wayne na nagsasalita na sa mic. Lumabas ako saka sumilip sa Stadium. Lalo akong kinabahan ng makita kong umiikot ang kanyang paningin na para bang may hinahanap s'ya na tao. Ayaw kong mag-assume pero subrang kaba ang bigla na lang bumundol sa aking dibdib.Pagkatapos ng graduation cer
WaynePagkatapos kong kumain bumalik ako sa kuwarto para sana umidlip ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nanatili akong nakadilat at nakatitig sa kisame habang iniisip pa rin si Sam. Hindi na s'ya matanggal pa sa aking utak.Pero kailan nga ba s'ya nawaglit sa aking utak? Parang s'ya na lang ang bukod tanging laman at tumatakbo sa loob nito e. Walang kapaguran sa pagtakbo.Paulit-ulit pang nagre-replay sa aking harapan ang tagpong nakita ko kahapon. Although kinakain ng subrang selos at panibugho ang buong kamalayan ko, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong makaramdam ng saya, ng pag-asa.Nandito s'ya sa San Andres. Kung kinakailangan halughugin ko ang buong bayan para lang mahanap s'ya, gagawin ko.Babawiin ko s'ya sa lalaking 'yon!Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling nakahiga sa kama habang parang tangang kinakausap ng sarili ng tumunog ang alarm tone na nilagay ko sa phone ko.Kaagad akong bumangon at nagbihis saka lumabas ng kwarto