Salubong ang mga kilay ni Nana Floree ang bumungad sa amin. "Ano tatayo na lang ba kayong dalawa d'yan? Kanina pa kami nagugutom kakaantay sa inyong dalawa. Saan pa ba kayo naglamyerda? Sabi n'yo bago mag alas siyete nandito na kayo? Aba't hindi ko akalain na alas diyes pala ang seven n'yo." sermon ni Nana. Nagkatinginan kaming dalawa ni Wayne saka tumawa. "Huwag n'yo akong pagtawanan d'yan at tatamaan kayong dalawa sa akin." nakapamaywang nitong sabi. "Hala pumasok kayo doon at ng makakain na. Pinauna kuna ang Daddy mo tsaka sina Diego at Alex dahil ang tagal n'yo. Nag-aalburuto na ang dalawang kuting doon sa kusina.""Kuting talaga Nana?" magkapanabay pang sabi nina Cecil at Nancy."Pasensya na po, Nana subrang traffic...""Asus magpapalusot ka pa. Parehong mugto ang mga mata n'yong dalawa, putok pa ang nguso ni Wayne, malamang may nangyari. Bilisan n'yo ng dalawa d'yan." sabi n'ya sabay talikod sa amin.Nagkatinginan kami ni Wayne saka ngumiti. Inakbayan n'ya
Samantha"She did what?!"Sabay-sabay pang tanong ng mga kaibigan ko sa akin matapos ko ikwento sa kanila ang disaster na nangyari sa amin ni Wayne after graduation.Tatlong linggo na ang nakalipas simula ng lumipat kami sa bagong bahay namin sa Tagaytay. At inaamin ko na mas naging mapayapa at masaya ang buhay namin kasama sina Nana Floree saka sina Cecil at Nancy.Nagsisisi s'ya kung bakit sa Condo Unit n'ya pa ako naisipan dalhin imbes na dito sa Tagaytay pero kaagad ko rin s'yang sinawata dahil para naman sa pag-aaral ko ang dahilan kaya doon n'ya akong naisipan dalhin. Mas malapit kasi ang eskwelahan sa Condo kaysa dito sa bahay sa Tagaytay. Hindi n'ya intention na saktan ako ng dahil sa mga praning na babaeng 'yon na humahabol sa kanya.Naisip ko mas okey na din 'yon, na ganun ang nangyari dahil at least bago pa lang kami nakilala ko na ng lubusan ang buong pagkatao n'ya, nakilala namin ang isa't isa lalo't biglaan lang ang pagpapakasal naming dalawa.
Anong nangyari? Bakit wala sila?Wala pa naman akong dalang susi or kahit na ano pag-alis ko kanina dahil akala ko hindi naman ako gagabihin ng uwi.Pa'no ako makakapasok ng bahay nito?Frustrated na napapadyak ako ng biglang bumukas ang ilaw sa kinatatayuan ko.Christmas light? Bakit may ganito, 'di pa naman pasko ah?Nagtatakang sambit ko sa aking sarili habang tinititigan ang christmas light na nakapulupot sa halaman sa gilid ko. Napapitlag pa ako ng may pumailanlang na 'di kalakasan na tugtog.For all the times I felt cheated, I complainedYou know how I love to complainFor all the wrongs I repeated, though I was to blameI still cursed that rainI didn't have a prayer, didn't have a clueThen out of the blueGod gave me you to show me what's realThere's more to life with just how I feelAnd all that I'm worth is right before my eyesAnd all that I live for though I didn't know whyNow I do, 'cause God gave m
Samantha"Good morning!" masayang bungad ko sa kanila pagpasok ko ng kusina at makitang engrossed na engrossed sa paghahanda ng mga lulutuin para sa agahan namin.Napangiti pa ako ng sabay pa silang dalawa ni Cecil napahawak sa kanilang dibdib sa subrang gulat."Ate Sam naman e.""Susmaryosep kang bata ka, hindi lang pala sa dalawang makulit na kuting na 'to ako aatakihin sa puso kundi pati sayo e, basta ka na lang sumusulpot." bulalas ni Nana Floree. "Bakit ba ang aga mong bumangon?"Tiningnan ko ang mga ingredients sa isasangag na kanin ni Nana Floree.Hmmm mag be-vegetable fried rice?Naghihiwa ng carrots si Cecil habang dinudurog naman ng sandok ni Nana Floree ang kanin.Nakangiting nagpalinga-linga ako. "Bakit wala po si Nancy?""Naku, kunwari ka pa. Lumang style na 'yan. Mas maigi pang s'ya na lang ang bulabugin mo, 'wag ka dito sa kusina. Nandun s'ya sa labas nagdidilig ng mga halaman." pagtataboy pa n'ya sa akin.Napakamot ako sa
Wala namang dumi ang bahay, kaya wala rin akong lilinisin. Ginawa na nilang lahat ang gawaing bahay kaya ano pa ba ang gagawin ko maghapon? Ang tumunganga na lang at dakdakan si Wayne, paulit-ulit na kinukulit para payagan n'ya lang akong araw-araw pumunta ng Restaurant namin dahil marami akong magagawa doon. Ang kaso hindi ako pinapalabas ng gate, walang epek at walang silbi ang kakangawa ko, mapapaos lang ako. 'Yon ang napala ko!Minsan napapaisip ako na baka may nagtatangka sa buhay namin kaya ganun na lang s'ya maghigpit sa akin, sa aming lahat na nandito sa loob ng bahay. Narinig ko kasi dati ang usapan nilang magkakaibigan. Hindi ako sigurado kung ano ang nangyari kay JM dahil kaagad din pinatay ni Wayne ang tawag pagkakita sa akin. Pero base sa pagkakadinig ko nawawala at pinapahanap n'ya, lahat silang magbabarkada.Pati 'yong pangalan ni Ate narinig ko rin kaya kinulit ko s'ya ng kinulit, pero ayaw n'yang sabihin. 'Wag ko na daw problemahin pa 'yon dahil s'ya na
Wayne"Jelyn, what are you doing here?" nakakunot-noo'ng tanong ko sa kanya ng mabungaran ko s'yang nakatayo sa labas ng gate at ayaw papasukin ng guwardiya kong si Alex.Kaagad nagliwanag ang mukha n'ya pagkakita sa akin. "See, I told you kilala ako ni Wayne." sabi n'ya kay Alex saka nilampasan ito, nilapitan ako.Tiningnan naman ako ni Alex. I sighed and nodded at him saka naglakad papasok ng bahay. Sumunod naman sa akin si Jelyn."Wayne...""Hindi ka na dapat pumupunta pa dito sa bahay Jelyn, selosa ang asawa ko. Baka kung ano na naman ang isipin no'n kapag nakitang may ibang babae na naman na pumupunta dito sa bahay." matabang kong sabi sa kanya."Alam ko naman 'yon. Ayaw mo naman kasi makipagkita sa akin kaya pumunta na ako dito. Gusto ko lang naman ng makausap. Gulong-gulo na ako e, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Magkaibigan pa rin naman tayo diba?" gumagaralgal ang boses na sabi n'ya.Napahinto ako sa sinabi n'ya saka hinarap s'ya.
Naiiyak kong hiyaw sa aking utak habang nakasabunot ang aking dalawang kamay sa mga buhok ko."Sundan mo sa labas Alex!" sigaw ko sa kanya saka patakbong nagtungo ako sa garahe.Ngunit kaagad din akong napabalik ng takbo papunta sa loob ng bahay ng maalala kong wala akong dalang susi ng kotse.F*ck..!Frustrated na patakbong bumalik ako sa aking kotse pagkakuha ko ng susi sa loob ng bahay. Halos manginig ang mga kamay ko sa pagmamadaling maipasok ang susi sa ignition ngunit hindi mapasok-pasok. "Damn it! Damn it! Damn it!" paulit-ulit kong mura habang makailang ulit pang nalaglag ang susi sa pagmamadali ko.Nang maipasok ko na, kaagad ko itong ini-start at pinasibad palabas ng gate. Paliko na ako sa sumunod na kanto ng makita ko si Alex na mabilis na tumatakbo at hingal na hingal. Sunod-sunod ko s'yang binusinahan saka inihinto ang kotse sa tabi n'ya."Ano nakita mo ba?"Umiling s'ya habang hinahamig ang kanyang sarili at hinahabol ang kanyang paghin
WayneFour years later."You're fired!" malakas kong singhal sa secretary ko.Hindi ko alam kung nakailan na ba akong palit na secretary. Pinagtatanggal ko silang lahat kahit wala namang ginagawang mali. It's just because ayaw ko ng babaeng secretary, lalaki pinapahanap ko pero ang magaling kong ama pinapakialaman na naman ako."Sir, para n'yo ng awa, 'wag n'yo po ak--""I said you're fired! Get out in my sight!" muli kong singhal sa kanya saka malalaking hakbang na tinalikuran s'ya at pumasok ng aking opisina.Binalibag ko ang cellphone na hawak ko pagkapasok ko saka nagtungo ng aking bar counter at nagsalin ng alak. Kaagad ko itong nilagok.Mahirap hanapin ang isang taong nagtatago kaysa sa nawawala.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking utak ang sinabi ni Suarez.Naggigigil ako sa kanya dahil magpahanggang ngayon wala pa ring mahanap na lead kung saang lupalop ba pumunta ang asawa ko. It's been four f*cking years since she left me! Kaya a
Nginitian ko s'ya saka hinawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa aking pisngi. "Mas okey na din ata na ganun ang nangyari sa atin. Sa totoo lang kasi nawalan na akong tiwala sayo noon. Lagi akong takot na baka magising na lang ako isang araw wala ka na sa tabi ko, naagaw ka na ng iba."He sighed. "Malabong mangyari 'yang iniisip mo. Dibale ng mamatay ako kaysa mabuhay pa ng wala ka naman sa piling ko."I chuckled. "Asus, bumanat ka na naman." sabi ko saka bumangon. "Balik na tayo sa labas?"He nodded then we went out the room.Marami ang kumausap at bumati sa amin.Nakilala ko din si Jelyn at asawa nitong si William pati ang cute-cute na babaeng anak nila na kaedaran ni Gwen na natutulog na sa braso nito.Habang kausap ko sila hindi ko maiwasan makosensya sa ginawa kong panghuhusga kay Wayne. Ngayon ko lang narealized na masyadong makitid, marumi at advance pala ang utak ko noon, puro negative ang laman. Hinayaan kong kainin ako ng mga nagyari sa buha
SamanthaNataranta ako ng humakbang palapit si Wayne. Kaagad ko s'yang pinigilan, hinila sa kanyang braso."No Wayne please. Huwag kayong gumawa ng gulo dito ni Luigi." madiin kong pigil sa kanya saka nilingon si Luigi.Pero sa nakikita kong itsura at titigan nilang dalawa hindi ko kakayanin. Parang manok na magsasalpukan ang dalawa. Ang tangkad at laking tao pa nila. Baka ma-sandwich lang ako nito sa gitna pag nagpang-abot itong dalawa. Nakakahiya sa mga bisita at mga magulang namin kung magkagulo sila.Nalintikan naaaa!Nagpalinga-linga ako, naghanap ng maaaring tumulong sa akin. Then I saw James. Nakatanaw sila ng asawa n'ya sa amin. Sinenyasan ko s'yang lumapit. Kaagad naman n'ya nakuha ang ibig kong sabihin. Nagtinginan sila ni Rash saka malalaking hakbang na lumapit sa amin.Kaagad inakbayan ni James ang kaibigan n'ya pero nagprotesta si Wayne. Hinatak ko s'ya sa kanyang damit.Tinitigan n'ya ako saka muling binalingan si Luigi. "Don't you dare
Nagpupuyos sa inis ang aking dibdib habang naglalakad ako papunta sa unahan.Walanghiya s'ya. Halos mamatay ako sa takot ng pagkakadukot sa akin kanina tapos may kinalaman pala ang bwesit na lalaking 'yon dito. Magpinsan nga sila ni Miguel, parehong siraulo. Humanda s'ya sa akin mamaya...Ngunit habang palapit ako ng palapit sa unahan at nakikita ang masasaya at nakangiting mukha ng mga tao, ng mga mahal ko sa buhay, unti-unting napapalitan ng 'di matatawaran na saya, tuwa at galak ang aking puso.'Yong tipong puro negative ang laman ng isip mo, puno ng inis, galit, takot ang puso mo dahil sa disaster na nangyari sa akin simula noong alas dos ng madaling araw na dinukot ako hanggang kanina. Tapos sa isang iglap biglang nag-iba ang ihip ng hangin, ganito ang ending.Diba.. akalain mo yon? Nakaisip sila ng ganito! Napaka taba ng utak! Sino ba ang nagplano ng lahat ng ito at bibigyan ko ng subrang higpit na yakap sa leeg hanggang sa mamatay s'ya, tanda ng pasasalam
SamanthaNagtatawanan kaming magkakaibigan ng biglang bumukas ang pinto, pumasok si Miguel. Kaagad akong napatigil sa pagtawa at natutok sa kanya ang aking nanlalaking mga mata."Anong ginagawa mo dito?" nakakunot-noong tanong ko kaagad sa kanya.Nginisian n'ya ako saka tiningnan ang mga kaibigan ko."Ah, Sam, labas muna kami ha, baka hinahanap na kami ng mga tsikiting namin." sabi ni Cait na ikinakunot lalo ng aking noo.Sabay-sabay pa silang nagtungo papunta sa pinto."May mga anak na rin kayo?" excited na bulalas ko.Nakangiting nilingon nila ako saka tumango."Meron, nasa labas, makikita mo mamaya." nakangiting sabi ni Sheeva sabay talikod.Lalo akong nagtaka ng makita kong halos magkumahog pa sila sa pagmamadaling lumabas ng kwarto. Sinusulyapan si Miguel na animoy hari na nakatayo sa harapan ko't makahulugan naman silang tinitingnan. Na para bang nag-uusap-usap sila sa pamamagitan ng mga mata. Hindi ko maintindihan, ang weird pero sa na
Hinayaan ko lang s'yang yakapin ako habang pinoproseso ng aking naguguluhang utak ang sinabi n'ya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pakiramdam ko may malaking mali talaga e. Kanina bigla na lang sumulpot si Calderon sa bahay pagkatapos kong makausap si James. Tapos ngayon...Kanino s'ya anak? Bakit Daddy ang tawag n'ya sa akin? Kailan ba ako nagkaanak? Bakit hindi ko ata alam? Pero bakit kamukha ko s'ya?!Arrgh ang gulo..!"Baby..." tawag ko sa kanya.Kaagad naman s'yang kumalas sa pagkakayakap sa akin saka nakangiti akong tiningnan.I smiled back at her. "Bakit mo ako tinawag na Daddy?""Dahil ikaw po ang Daddy ko." sagot n'ya kaagad sa akin.Biglang pumitlag ang aking puso sa sinabi n'ya. Habang tinititigan ko ang ngiti n'ya si Sam ang pumapasok sa aking utak. Hindi ko ma-explain pero parang iba ang hatak sa akin ng batang itong nasa harapan ko."Sino nangsabi sayong ako ang D-Daddy mo?""Si Lola tsaka si Tito Miguel po. Kamukha mo 'y
WayneYesterday was the best ever advanced gift for our sixth years wedding anniversary..!At last I found her. She's with me now!Sa apat na taon na nakalipas ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing. Ang sarap sa pakiramdam. Sa subrang sarap parang ayaw ko ng magising. Nakangiting nag-inat ako ng aking mga kamay sabay kapa sa aking katabi. Unti-unting napalis ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa napakunot noo ako ng wala akong mahawakan na katawan ng tao. Kaagad akong napadilat at napabalikwas ng bangon ng hindi ko makita si Sam sa tabi ko."Sam?" tawag ko sa kanya pero wala akong marinig na ano mang ingay maliban sa ugong na nagmumula sa aircon sa loob ng kwarto.Saan ba pumunta 'yon? Ang aga-aga bumabangon kaagad...Himutok ko pa sa aking sarili saka lumabas ng kwarto."Sam?" tawag ko ulit sa kanya ngunit wala pa ring sumasagot.Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong makita ni isang tao. Napatingin ako sa malaking orasan sa dingding. Na
Hanggang sa nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman kong pader na ang nasa likuran ko. Nagtaas baba pa ang aking mga dibdib sa biglang tensyon na naramdaman ko habang nakatitig sa mukha n'yang may pilyong mga ngising walang kurap-kurap na nakatitig din sa akin. Para na akong malalagutan ng hininga.Bumaling ako sa aking kaliwa para sana tumakbo ngunit malakas akong napatili sa gulat ng malalaking hakbang s'yang mabilis na nakalapit sa akin sabay tukod ng dalawang malaking braso n'ya sa aking gilid. Halos pangapusan ako lalo ng hininga sa ginawa n'ya.Hindi ko na alam kung saan na ba ako natatakot. Ang makita n'ya ba ang anak ko, ang abutan kami ng mga tao dito sa bahay or ang gagawin n'ya sa akin? Sa uri ng ngisi at titig n'ya pakiramdam ko gusto n'ya akong kainin na buo. Hindi ko alam kung bakit n'ya 'to ginagawa sa akin at mas lalong hindi ko alam kung pa'no n'ya ako natunton dito.Bakit nandito s'ya?"Did I heard you right? You called my Mom, Mama." amused
SamanthaDamn... what the hell he's doing here?!Ano 'to joke? Pinagtataguan ko s'ya, tinatakasan ko tapos ngayon nandito s'ya sa aking harapan?!Ang lupet magbiro ng tadhana grabe... Wala ng lulupit sa lahat ng malupit!Pagkatapos sabihin ni Ruth kanina na nasa likuran namin si Wayne mabilis pa sa alas kuwatrong kumaripas kaagad ako ng takbo palayo sa kanila. Dumeritso ako ng CR at nagkulong doon. Kahit nagsimula na ang graduation ceremony hindi ako lumabas. Pinagkakatok ako doon ng mga kaibigan ko pero hindi nila ako napilit lumabas. Nagdahilan na lang akong biglang sumama ang tiyan ko.Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili doon. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Wayne na nagsasalita na sa mic. Lumabas ako saka sumilip sa Stadium. Lalo akong kinabahan ng makita kong umiikot ang kanyang paningin na para bang may hinahanap s'ya na tao. Ayaw kong mag-assume pero subrang kaba ang bigla na lang bumundol sa aking dibdib.Pagkatapos ng graduation cer
WaynePagkatapos kong kumain bumalik ako sa kuwarto para sana umidlip ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nanatili akong nakadilat at nakatitig sa kisame habang iniisip pa rin si Sam. Hindi na s'ya matanggal pa sa aking utak.Pero kailan nga ba s'ya nawaglit sa aking utak? Parang s'ya na lang ang bukod tanging laman at tumatakbo sa loob nito e. Walang kapaguran sa pagtakbo.Paulit-ulit pang nagre-replay sa aking harapan ang tagpong nakita ko kahapon. Although kinakain ng subrang selos at panibugho ang buong kamalayan ko, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong makaramdam ng saya, ng pag-asa.Nandito s'ya sa San Andres. Kung kinakailangan halughugin ko ang buong bayan para lang mahanap s'ya, gagawin ko.Babawiin ko s'ya sa lalaking 'yon!Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling nakahiga sa kama habang parang tangang kinakausap ng sarili ng tumunog ang alarm tone na nilagay ko sa phone ko.Kaagad akong bumangon at nagbihis saka lumabas ng kwarto