Share

Chapter 47 (Part 2)

Kaagad kong tinabig ang kamay n'yang nasa bibig ko. Malakas s'yang napahagalpak ng tawa habang nakatitig sa akin ang nagniningning n'yang mga mata. Inirapan ko s'ya sabay talikod. Napangiti ako at mabilis ng lumabas ng sasakyan ng makita kong hindi na ma-drawing pa ang mga mukha ng mga kaibigan ko. Malamang naiinip na.

"O ayan na pala ang bruha e." nakasimangot na sabi ni Criezel habang abot tainga ang ngiti kong naglalakad palapit sa kanila.

"Tuwang-tuwa ka pa ah." sabi ni Bea pagkalapit ko sa kanila. "Kanina pa kami dito-- Oh my gosh!" nanlalaki ang mga matang bulalas n'ya sabay turo sa aking likuran. Napatakip na s'ya ng kamay sa kanyang bibig. "S-Si Mr. Santiago ba 'yon?" sabi n'ya. Nagpapabalik-balik pa ang nakaturong kamay nito kaliwa't kanan.

Nagtataka naman na sinundan namin ang tinuturo n'ya. Napanganga ako sa gulat ng makita kong naglalakad si Wayne sa kabilang daan papasok ng campus. Nakangiting nakatingin sa amin habang sinusuot ang black sunglasses n'ya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status