"Hay naku, parehas lang kayo ng anak ko, ang tigas ng ulo.""Mama naman, mahirap pong turuan ang puso...""Baka pag nakita mo ang anak ko ikaw pa ang mag-volunteer na magpakasal sa kanya." sabad n'ya kaagad sa akin."Mama naman e...""Bakit ba takot na takot kang pumasok sa family room namin ng makita mo ang lahat ng pictures ng mga anak ko? Pati mga photo album ayaw mong tingnan. Mahal mo pa rin ba s'ya kahit niluko ka na n'ya, pinagpalit sa iba?"Napatitig ako sa kanya ng matagal dahil sa huling tanong n'ya sa akin.Mahal ko pa ba s'ya?Pinakiramdaman ko ang aking sarili saka marahan akong tumango sa kanya."Hays, ang swerte sana ng anak ko sayo, sayang." sabi n'ya sabay tapik sa aking balikat. "Ihatid ko na kayo sa School, wala 'yong driver natin, pumunta ng Manila. Uuwi ang asawa ko at anak kong babae galing States bukas, 'wag kayong umalis na mag-ina para makilala mo sila. Lagi na lang kayo hindi nagpapang-abot ng asawa ko sa tuwing umuuwi '
Read more